Chapter 10
Janelle's Point of View
I was still so schock. Why? Parang birthday ko eh. 18th birthday.
Paano ba naman kasi. Kanina, si Ali ang sumundo sa'kin mula sa hospital. Na shock nga ako nung sa bahay namin niya ako dinala. Hindi sa bahay niya.
At pagka-bukas ko naman nang pintuan, agad akong nawalan nang gana sa nakita ko.
Balloons. Tarpaulin. Mga pagkain. Ano to? Debut ko?
"Kyahhh! Nelle! "
Oh no... Oh no...
Agad akong niyakap ni Trice nang mahigpit kaya medyo kumirot yung sugat ko.
"Aray Trice. Papatayin mo ata ako eh"
"Oh my god! I'm sorry Nelle! I was just so happy that you're okay! " sabi niya sabay kalas sa yakap niya.
"Alam mo Trice, ang mga female lead, hindi basta-basta namamatay. Dahil kapag namatay na yung female lead, edi ending na rin ang story di ba? Kaya hindi ako pwedeng mamatay. Hindi pa ako papatayin ni author kasi Chapter 10 palang to" sabi ko kay Trice.
Nakita ko namang kumunot-noo siya kaya nginitian ko nalang siya.
Sunod namang sumigaw ay si ate.
"Kyahhhhh! Sis! " sigaw niya at yayakapin na sana ako nang humarang si Ali.
Oh? Bakit naman kaya?
"You can't come near her" seryoso niyang sabi habang nakatingin kay Ate.
"Ano ba Ali. Okay lang naman kami ni Ate" sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya umaalis.
Kaya ang ginawa ko? Kinurot ko yung pwet niya. Ngayon ko lang napansin na ang tambok pala nang pwet niya. Babae ba to?
"W-wha—"
"Sinabi ko naman sa'yo, okay lang kami ni Ate. O gusto mong i-translate ko pa sa english yung mga sinabi ko? " pagsusungit ko sa kanya.
Agad naman na umalis si Ali sa harapan ko.
"So protective, Mr. Gutierrez " nakangiting sabi ni Ate.
"Mr. Gutierrez? "
Napatingin naman ako sa gilid ko at nakalimutan kong andoon pa pala si Trice at! Hindi niya alam na si Mr. Gutierrez pala si Ali!
"Ah... Kasi... Trice... "
"Mr. Gutierrez? Di ba yun yung pervert na matanda na CEO sa Gutierrez Company? " tanong ni Trice sa amin.
"A-ah.. Trice.. Hindi matanda si Mr. Gutierrez. Pervert la—" agad na tumilop ang bibig ko nang maramdaman kong may kasamang tingin sa likuran ko.
Agad namang hinawakan ni Ali ang bewang ko.
"Who you're calling Pervert, babe? " tanong niya sa'kin.
"A-ah... "
"Why does Andro over acting? We're talking about Mr. Gutierrez he—" napatigil si Trice sa pagsasalita at mukhang na-gets na niya ang nangyayari.
"Oh. My. God" gulat niyang sabi at napatakip nang bibig niya. "You're Mr. Gutierrez?! I-i'm so sorry for what I've said! "
Tinanguan naman siya ni Ali.
"Bakit hindi mo sinabi na si Mr. Gutierrez pala yung asawa mo? " bulong ni Trice sa'kin.
"Alangan namang sasabihin ko sa'yo eh ang alam mo lang ay matanda siya at pervert. Edi mag-o-over react ka" bulong ko pabalik sa kanya.
Napa-isip naman siya sa sinabi ko at napatango-tango.
"Thank god and you're alright, Janelle"
Nginitian ko naman si Lola.
****
Matapos naming kumain, nagpaalam na si Trice at may date pa daw siya. Sunod naman na umalis ay si Lola. Ngayon na kasi yung flight niya pabalik sa California at sila Papa ang maghahatid sa kanila. Tapos kami naman ni Ali, papaalis na rin.
"Teka, pagta-trabahoin mo ba ako? Eh kaka-alis ko lang sa hospital ah" sabi ko kay Ali nang makita kong papunta sa kompanya niya ang dinadaanan namin.
"Hindi kita pagta-trabahoin. You'll just rest there" sagot niya pero...
"Bakit kailangan sa kompanya kung pwede namang sa bahay nalang? " taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Para mabantayan kita"
Ano ako? Bata?
Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ang tingin sa labas.
Nang makarating kami sa kompanya, nagulat ako kasi ang raming bodyguard sa labas.
"Bakit ang raming bodyguards? " taka kong tanong kay Ali pero nakalabas na pala siya. Tae.
Bumukas naman yung pintuan sa gilid ko at muntikan na akong nahulog! Tae! Sinong tangang nagbukas?!
"Tsk"
Ops....
"A-ay! " agad akong napatayo nang tuwid.
Bigla namang nahawi yung mga bodyguards at gumawa nang way sa gitna.
Nakakahiya naman to...
"Oh my god. Is that Mr. Austin? "
"Bakit sila magkasama nang secretary ni Sir Gutierrez? "
"Oh my god. Hindi kaya sila? "
"No way. Baka nilandi lang siya nung—"
Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya nang tignan ko siya nang masama.
Malandi? Gaga ka ba?
***
"Stay here and don't go anywhere. May pupuntahan lang ako" sabi niya sa'kin at iniwan niya ako sa opisina niya.
Bigla naman akong inuhaw at hindi pa rin bumabalik si Ali.
Saan ba yun nagpunta? Bahala na nga siya.
Lumabas naman ako sa opisina ni Ali at pumunta doon sa dispenser.
Hay... Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Ang boring lang.. Parang gusto ko nalang matulog buong araw.
Pagkatapos kung uminom, napagpasyahan ko nang bumalik sa opisina.
Bakit ko nga ba nakalimutan? Andito pala yung pabidang Lea at ang kanyang dalawang alagad.
"Wala akong oras para makipag-away sa inyo kaya babye" sabi ko sa kanila at iniwan sila pero syempre, kagaya nang ibang kwento, hinarang nila ako.
"Not so fast, newbie. Isang buong linggo kay absent tapos ngayon, wala kang gagawin? Ha! At nilandi mo pa talaga ang asawa ko? "
"Pfft—hahahahahahahahahaha" tawa ko. Natawa ako sa last sentence niya! Pfft—.
"A-anong tinatawa tawa mo jan?! "
"Asawa? Ang gandang joke naman nun. Hahahaha"
"Hindi ako nagbibiro! He's really my husband! Ito, tignan mo to! This is a proof! " sabi niya at pinakita sa'kin ang kamay niya na may singsing.
"Sa tingin mo ba bibili nang ganyan ka-cheap na singsing si Mr. Austin? " tanong ko sa kanya at nakita ko naman siyang nagulat.
Ano ka ngayon?
"Sige na. May trabaho pa ako at yun ay ang mag-rest" sabi ko sa kanila pero okay. Hindi pa rin nila ako pinapakawalan.
"You—"
*ringing~*
"Wait" sabi ko sa kanila at kinuha yung phone ko.
P. E. R. V. E. T. calling~
-_-......^_^
Ahem! Ahem!
"Hello babe? "
Yak!
"..."
"Babe? "
"...."
"Ibaba ko na to kapag hindi ka pa nagsalita"
"Why are you calling me that so sudden? "
"Ayaw mo? Pwede namang hindi kita tawagin non"
"No. It's okay. By the way, where are you? I told you to stay on my office and rest. You never listen"
"Sorry na babe. Na-uhaw kasi ako kaya lumabas ako nang office"
"Okay. Stay there and I'll get you. Iuuwi na kita sa bahay so you can rest well"
Naisip mo ba yan kanina? -_-
"Okay. Dalian mo"
End call.
Tinignan ko naman sila Lea.
"Sorry ah. Tumawag kasi yung asawa ko at pinapa-uwi na niya ako" sabi ko sa kanila.
"Ha! Baka nalaman niya na you cheated on him " taas kilay niyang sabi sa'kin.
"Ha? Ay hindi. Na-miss niya lang ako ano ka ba hahaha" sabi ko sa kanya.
Nakita ko naman sa di kalayuan si Ali at napatingin din sila Lea kay Ali nang may sumigaw na 'Mr. Austin! '.
"Anjan na ang asawa mooo" sabi nung isang alagad ni Lea.
Asawa? Sinong pinapatawa niyo?
"Oh my god. Papunta siya dito! " yung isa namang alagad niya.
Syempre, andito ako eh!
Huminto naman si Ali sa harapan nila Lea.
"Austi—"
"Move"
"Huh? "
Pfft—pahiya!
Hindi na sila pinansin ni Ali at nilampasan nalang. Huminto naman siya sa harapan ko.
"Let's go" sabi niya at hinawakan ako sa bewang.
Teka... Ang bilis ata nang tibok nang puso ko...
Hindi ko nalang pinansin ang tibok nang puso ko at tinignan sina Lea.
"Sa susunod nalang natin ituloy ang pinag-uusapan natin ha? Sinusundo na kasi ako eh. Babye" sabi ko sa kanila at iniwan silang nakanganga.
Hahahahahaha! Boom! Pahiya!