Chapter 11 - Elevator

MANDY YU POV:)

Pagkapasok ko sa loob ng office, naabutan ko si Johnser at si Tito Andrew na seryosong may pinag-uusapan. Napatigil sila sa pag-uusap nang makita ako.

Nag-bow lang ako sa kanila at bahagyang nakakaramdam ako ng awkward. Wrong timing ako.

"Okay, Johnser. Let's just talk tomorrow. I think Leandro's daughter wants to talks to you." Sabi ni Tito Andrew sabay tumayo na sa pagkakaupo.

"Sige, Tito. Puntahan nalang kita bukas sa office nyo." Sabi ni Johnser dito.

Bago pa man lumabas, tiningnan pa ko nito at maya-maya magpatuloy na ito sa paglabas ng office ni Johnser. Pagkalabas, saka naman ako binalingan nito.

"What do you need?" He asked.

Bahagyang binalingan ko siya pero hindi ako deretsyo makatingin sa mga mata niya. Ngayon ko lang nalapitan siya ng ganito. Wala akong masabi. May angking kaguwapuhan rin siyang tinataglay.

"About the contract of your father and my father, our marriage." Amin ko agad dito.

"Hmm." Sambit lang nito. "Have a seat." Offer nito sakin sa kabilang sofa.

Naupo naman ako kung saan nasa harapan ko rin siya nakaupo.

"Kung ikaw na ang tagapagmana ng Uphone, kailangan na natin pag-usapan ang marriage natin. Kung kailan at saan gaganapin ang kasal natin." Panimula ko.

"Okay. I'm sure, I'm the heir of this company. Pag na-announce na na ako na ang hahawak sa Uphone, doon na natin pag-usapan ang arrange marriage natin." Pahayag nito sabay tinukod ang braso niya sa hita niya habang naka-cross ang daliri niya. Nagmu-mukha siyang detective sa ginagawa niya.

"Hmm, okay. That's all I want to ask. I have to go. " Pamamaalam ko at tumayo na ako sa kinauupuan. Aalis na sana ako nang magsalita ulit si Johnser.

"By the way, how old are you?" Tanong nito sakin. Di ko siya close, ngayon lang kami nagkausap ng ganito.

"I'm 22. How about you?" Balik tanong ko rin.

"I'm 25, I'm still young. Di nagkakalayo edad natin so pwede pa tayo." Nakangiting suplado na sabo nito sabay ayos ng upo at nilagay ang kamay sa head ng sofa. Nagmumukha siyang boss sa posiston niya.

"Bye." Paalam ko na at naglakad na palabas ng office niya.

Bago paman ako lumabas ng office may narinig pa akong sinabi niya.

"Good bye and good night to you, soon to be my beloved wife." Sabi niya sakin na may pilyong ngiti.

Di na ako sumagot sa kanya bagkus nagpatuloy na ako lumabas ng office niya. Wala akong masabi. Di ko alam kung ano ugali niya. Malalaman ko rin ang totoong kulay niya pag palagi na ako nakadikit sa kanya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Matutulog na kami ni Ros. Nasa kama ko siya nakahiga kaso nga lang may isang unan na hotdog style na nasa gitna namin. Kumbaga, iyon ang naghahati sa teritoryo namin sa kama ko.

Malaki naman yung kama ko saka wala na siyang space dito sa kuwarto ko. Tama lang kasi kalakihan at kalawakan dito ng kwarto ko kaya dito ko na rin siya pinahiga, share kami.

Saka ayaw ko naman siya patulugin sa sofa. Baka sumakit yung likod niya. Ganito ako e. Concern lagi sa mga taong nakapaligid sakin.

Nakahiga lang ako at di umiimik nang magsalita si Ros.

"Lady Beth..." Tawag niya sakin. Siya sumira ng katahimikan naming dalawa. First time ko may katabi akong lalaki kaya medyo naa-awkward ako.

"Oh?" Tanong ko naman.

Pareho kami nakatingin sa kisame. Di kami masyado gumgalaw at ganoon pa rin posisyon namin mula kanina. Medyo nakaka-awkward at naghihiyaan pa kaming dalawa.

"Who I am? Who's my family ? I'm I rich or I am from rich family? Why I only speak English? Unlike the people here they are all speak Tagalog? Why there's some things I don't know?" Sunod-sunod na turan ni Ros. Halata sa boses niya ang pagiging malungkot niya.

Tiningnan ko siya at parang bata siya na nakasimangot habang nakatingin sa kisame.

Sumulyap ulit ako sa taas.

"Don't worry, I will help you remembering all things. Don't change even what you will know on your past." Pahayag ko at nakangiting natural na tumingin sa kanya.

Tiningnan din niya ako at ngumiti ng napakalaki halos labas na lahat ngipin niya. Para pa rin siyang bata gumalaw.

"Teach me how to speak Tagalog. I want to learn your language. I know you have a hard time talking to me in English to be able to understand what you say. I'm sorry if I'm giving you a hard time." Hinging pasensya niya sakin.

"Sus! No need to mentioned. Because of you, I learned to speak in English a little bit even sometimes my English is bad." Sabi ko sabay tumawa."Anyway, on my day off, we're going to market then I will teach you to speak Tagalog and I will tell you what we call on the things you know." Sabi ko sa kanya maya-maya.

"Sure!" Nakangiting sabi nito agad na halatang gustong-gusto niya.

"Let's sleep? I have a work tomorrow. I don't need to be late." Sabi ko sa kanya at tumagilid na ako ng higa.

"Night, my Lady Beth." Sabi pa ni Ros sakin.

"Night, Ros." Sabi ko rin at nakangiting ipinikit ko na ang aking mga mata.

******

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ano pa ba alarm clock ko? Ee di yung asong nasa labas ng apartment. Kada kasi tumatahol na ito, nangangahulugan lang iyon na nagja-jogging na ng maaga yung mga kabataan dito. Kaya iyon ang alarm clock ko tuwing umaga.

Alas 5 na ng umaga at kailangan ko na mag-ayos at magluto ng almusal namin ni Ros. Bumangon na ako sa pagkakahiga. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Ros ang kamay ko.

"Where are you going, Lady beth?" Pupungas-pungas pang tanong ni Ros at halatang antok na antok pa ito.

"Preparing for breakfast." Sabi ko sa kanya. Tatayo ulit ako nang di pa rin niya inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"It's too early. Let's sleep." Parang bata na sabi niya sakin. Binitawan na niya ang kamay ko at bumangon. Humikab pa siya na halatang antok na antok pa. "I'm still sleepy." Pumipikit-pikit ang mata na turan niya with nguso pa.

"Sleep again. I will wake you up when breakfast is done. I have a work to do." Paliwanag ko sa kanya.

"Can I go with you?" anang boses pambata sabi niya.

"No, my boss will be mad at me." Sagot ko sa kanya."I leave you. You sleep and I will prepare our breakfast." Sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng kuwarto.

"Wait! I will go with you, I'm not sleepy anymore. It's gone." Nagmamadaling sinusuot ang tsinelas pambahay na sabi niya.

Pagkasuot niya, tumayo na agad siya at sinundan ako palabas ng kuwarto.

******

Pinagmamasdan lang ako ni Ros sa ginagawa ko. Kung kukunin ko sa gilid yung kutsilyo, susunod rin siya. Pag babalik ulit ako sa lababo, susunod rin siya. Para siyang batang panay sunod lang sa akin pag saan ako pupunta.

Nilagay ko na nga sa maliit na ricecooker yung bigas na hinugasan ko na at pinindot ang cook. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko at paano ko nilinisan ang bigas.

Pumunta ulit ako sa lababo at sinundan na naman ako ni Ros. Kinuha ko sa lagayan ang isang malaking mangkok. Tumungo agad ako sa ref at nakabuntot na naman sakin si Ros. Para siyang bata sa ikinikilos niya.

Kumuha ako ng apat na itlog. Pagkakuha, dumeretsyo ulit ako sa may lababo kung saan doon yung mangkok. Mag-i-scramble egg ako.

Pinukpok ko yung itlog sa may gilid ng mangkok at nagkaroon iyon ng crack. Saka ko iyon biniyak at lumabas ang isang fresh na eggyolk ng itlog.

"Wow." Namanghang sambit ni Ros.

Napangiti nalang ako kasi para siyang bata talaga. Yung tipong kaunting bagay lang, manghang-mangha na siya. Kala mo nag-magic ako para mapa-'wow' siya.

"Lady Beth, can I try it?" Mahinahong tanong niya sakin.

"LSure." Payag ko naman. Tuwang-tuwa kinuha niya yung isang itlog.

Akala ko marunong siya kasi confident na confident siya habang hawak yung itlog pero... nagkakamali palako.

Malakas niyang pinukpok yung itlog sa may gilid ng mangkok kaya ang nangyari...

"My god, Ros! Ano ginawa mo?!" Sabi ko at nagkalat sa tiles yung itlog.

"Sorry." Nagkakamot sa gilid ng buhok sabay ngumuso. Para siyang bata na nakagawa talaga ng mali halos tinitiklop niya bibig niya sabay nguso ulit.

Tiningnan ko lang siya at lalo siyang ngumuso. Sabayan pa ng nagpapaawa face pa at yumuyuko pa siya sa sobrang takot dahil nakagawa siya ng mali.

Tumawa nalang ako ng malakas at sumimangot lalo na tiningnan ako ni Ros.

"Why are you laughing, Lady Beth?" Halatang naasar ng kaunti tanong niya sakin.

Tinigil ko agad yung pagtawa ko at tumikhim ako. Binalik ko ulit yung pagkaka-seryoso ko mood ko.

"I'm angry. You waste one egg." Kunyaring galit na sabi ko sa kanya.

Ngumuso ulit siya at parang bata na yumuyuko na naman."Sorry."

Lalo akong natawa sa ikinikilos niya. Ang cute niyang mag-isip bata. Ang cute niya, promise. Ang sarap gigilin.

"Lady Beth!" Naiinis nang sambit nito. Kasi tinatawanan ko lang siya."Don't make fun with me! There's no funny thing with that." Halatang napipikon na turan nito.

"Your so cute." Sabi ko at tumawa ulit halos lumuha na ako sa kakatawa.

Sumilay nalang agad sa mga labi niya ang mahabang ngiti.

"I'm cute?"

"Oo. Ang cute mo." Sabi ko ulit habang nakangiti at natatawa pa rin bahagya.

Hinawakan ni Ros ang mukha niya at napansin kong namumula ang pisngi niya.

Nakangiting napa-iling-iling nalang ako sa pamumula ng mukha niya habang nakangiti. Ewan, porket sinabihan siya ng cute nagkaganyan na siya.

Doon na ako nag-scramble egg habang nakasulyap lang sa ginagawa ko si Ros.

JOHNSER SY POV:)

Lumabas ako ng kotse at binati agad ako ng mga empleyado pagkapasok ko ng building.

"Good morning, Sir Johnser." Bati ng nakakasalubungan kong nagtatrabaho sa Uphone Company.

Tumango lang ako sa mga bumabati sakin. Nang makita ako ni Ramon ay agad lumapit ito sakin. Sumabay na ito sa paglalakad ko.

"Sir, di ko pa po nadadala sa office mo yung ibang pepermahan mong papeles. Di ko naman pong alam na maaga kayong papasok ngayon." Pagpapaliwanag ni Ramon, ang assistant ko.

"Okay lang. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga ngayon." Sabi ko habang sinusundan lang niya ako.

"May ipapagawa po ba kayo sakin, Sir?" Mahinahong tanong nito.

"Tell to Tito Andrew meet me on my office. I have important matter to tell him." Utos ko sa kanya.

"Sige po." Bago umalis, nag-bow muna ito sakin saka humiwalay na sa akin. Tumungo na ito sa ibang deriksyon samantala ako papunta sa elevator para tumungo kung saan ang office ko.

I entered the elevator and push the button on 32 floor. Di pa nagsisirado iyon nang may babaeng tumatakbo at nagpapahintay.

"Wait! Wait!" Sabi ng babae habang tumatakbo at mukhang sasakay rin ng Elevator.

Nakapasok naman agad ito kaso sa kasamaang palad, dahil may force siya sa pagpasok sa elevator, napasubsob siya sa ain. Halos nakayakap pa siya at nakadikit sa katawan ko. Nanlaki mata ako sa nangyari at first time kong may babaeng nakayakap sakin at nakadikig sakin ng ganito.

Di ko alam yung puso ko tumibok nalang na di ko nalang namamalayan. Parang slow motion ang lahat at rinig ko ang dahan-dahan ng pagtibok ng malakas ang puso ko. Di ko alam parang... parang...

Humiwalay agad ito sa akin at nahihiyang nakayuko ito.

"S-sorry." Nautal na hinging pasensya niya sakin.

Kahit di siya nakatingin sa akin, nakilala ko naman kaagad siya. Siya yung babaeng nakasabay ko rin isang araw sa elevator. Kung saan kasama ko noon si Dylan at Ramon. Isa siyang jannitress dito.

Tumalikod na ito sakin at pinindot na yung floor kung saan siya baba. Di umiimik na nasa likod niya ako. Palihim ko pa rin siyang sinusulyapan sa repleksyon ng ding-ding ng elevator. Hanggang balikat ko lang siya, may bangs siya at lampas balikat lang ang buhok niya.

Matangos kaunti ang ilong, may pagkakabiluging mata at kahit wala siyang lipstick sa labi niya maganda pa rin siya at may kissable lips siya. Kahit wala siyang kolorete sa mukha, may angking kagandahan pa rin siyang tinataglay. Even I don't know her but she look so familiar.

Di nagtagal, bumukas na ang elevator at lumabas na siya. Bago pa man sumara ang pinto, nagtama pa ang mga mata namin bago siya naglakad paalis. Tuluyan nang nasara ang pinto, saka ko naisip na...

"Who is she? Why my heart is beating fast for her?" Sa loob-loob kong turan.