Chapter 44.2

Binitbit niya ang backpack. Sumunod lang siya sa kaibigan pababa ng bus. Humalik sa pisngi niya ang sinag ng araw.

"Malapit sa Poblacion Market ang bahay ni Analisa. Nagpresenta siyang maghahatid sa atin doon sa kampo," kuwento ni Arnel. 

"I see."

Lumingon saglit si Arnel sa kaniya. "Sabi ni Angela na nag-usap na kayo ni Analisa."

"Oo." Sinukbit niya ang backpack sa likod at nilibot ang tingin sa paligid. "Nagkaayos na kami. Wala namang away sa pagitan namin ni Analisa."

"Walang away?" Natawa si Arnel. "Kakasabi mo lang na nagkaayos na kayo. Saka, nasaktan 'yong babae. Pinaasa mo."

Umiling si Gideon. "Kasalanan ko."

"Buti alam mo, Gid." Minuwestra nitong sumunod siya. Tumango si Gideon at tumalima. "Girlfriend mo 'yon pero nagpakasal ka nang hindi mo pinaalam sa kaniya. Kawawa naman. Ilang buwan ding umasa na babalik ka ng Mantalongon."

"Humingi na ako ng tawad kay Analisa." Bumuntong-hinga siya. "Wag na nating pag-usapan 'yan."

Nagkibit-balikat lang si Arnel at natahimik. Bigla nalang nakaramdam ng lungkot si Gideon para kay Analisa at Jewel. 

Hindi niya pinaalam kay Analisa na ikakasal siya, at hindi rin niya sinabi kay Jewel na may girlfriend siya nang ikinasal sila.

He knows... his life is a mess right now. Kaya dadalo siya sa two days conference para maliwanagan.

Ilang linggo na rin ang lumipas nang huli niyang nakasama si Jewel at kahit pa gustong-gusto niyang pagsilbihan ito ay hindi niya magagawa. 

He should fix himself. At time as this, he needs renewal.

Akala niya noon na kapag ikinasal na siya ay magiging buo siya. At least, that's what his father told him. And he understand it well.

Pinalaki siya sa paniniwalang babae ang kokompleto sa isang lalaki. When he was still young, that saying makes sense to him. Kaya naman kabila't kabilaan ang naging girlfriends niya.

He found happiness in having flings and making the bed as his playground. Well, at least for a while. Those nasty things give him satisfaction for just an hour. And he will find another girl, another plaything, while expecting this new one will give him more satisfaction than the last one.

And for years, he lived like a beast, a monster in bed. He was insatiable. S** and girls were his life. But there was still missing. He tried to find it in s** but he can't find it in bed.

Then there came to his life. It was Angela. Angela's beliefs changed him but that didn't last long. When Angela and Sean got married, he went astray again because Angela went busy with her new life. 

He was left alone in the battlefield. Days, weeks, and years of fighting alone and somehow... the enemy succeeded to kill his joy. He failed and he lost his joy. And the shallow in his heart came back again --- more deeper and lonelier than the last time he felt that.

So when his father proposed for an arranged marriage with the Mangubat, he agreed. He thought that having a wife might fill that shallow in his heart but he was wrong. 

Jewel is the most untamed girl he has ever met. He was with many women but his wife don't even reach his standard.

Napailing at napangiti si Gideon. 

Even though Jewel is not his standard, but he still loves her.

Nag-angat siya ng tingin at tinanaw ang isang apartment type building na nasa gilid lang ng malaking gusali ng Public Dry Market.

Tinuro ni Arnel ang tinitingnan niya. "Sa third floor ang kuwarto ni Analisa. Kakalipat lang niya no'ng nakaraang linggo."

"Natanong mo ba kung bakit siya lumipat?"

"Ah, may nagtangkang nanggahasa sa kaniya."

Nahinto siya sa paghakbang at kunot-noong napatingin kay Arnel. "Ano?"

"Wag kang mag-alala, tinulungan ko siya. Lumipat na siya rito para wala nang mag-usisa kaya 'wag ka nang magtanong sa kaniya." Ngumiti si Arnel. "May pagkasadista 'yong ex mo kaya 'wag matigas ang ulo, Gid."

Tinanaw niya ang third floor ng gusali. At napakuyom ang kamao. Tinikom niya ang bibig habang papalapit sila sa tinutuluyan ni Analisa.

Huminto sila sa kuwarto sa may third floor. Kumatok si Arnel. Ilang minuto pa bago may nagbukas ng pinto at nakita niya ang mukha ng babaeng ilang buwan din niyang hindi nakita.

Ngumiti ito sa kanila. "Wait for awhile!" sabi nito saka sinara ulit ang pinto. 

Naghintay ulit sila ng ilang minuto. Nang muling bumukas ang pinto ay nakita niyang nakapagbihis na si Analisa. May sukbit ding backpack sa likod. "Let's go!" saka siya nito nilampasan at naunang maglakad pababa ng hagdan.

Nagkatinginan sila ni Arnel. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Analisa. Pinagkibit-balikat lang niya 'yon at sumunod sa babae. 

Sa isang resthouse sila dinala ni Analisa. Malapit sa baybay dagat. Puno ng sasakyan ang labas ng gate. Hindi pa masyadong tirik ang araw pero dahil hindi pa siya kumakain ng agahan ay kumakalam na ang sikmura niya.

"Our group will be here. 'Yong iba ay nasa isang beach resort sa kabilang Sitio." Sa unang pagkakataon, tumingin si Analisa sa kaniya. "Come, I know you haven't eaten your breakfast." Nauna itong humakbang papasok sa gate ng resthouse.

Napatingin siya kay Arnel nang tinapik nito ang balikat niya. "Alam na alam pa rin niya, Gid. Naku, hindi mukhang hindi pa nakaka-move on si Analisa sa 'yo."

Umiling siya saka sumunod sa babae. Nilagay niya ang backpack sa sofa na nasa sala, at nagpunta sa kusina. Nakita niya doon si Analisa na abala sa paglalagay ng pinggan sa mesa. Nag-init ito ng lasagna sa microwave oven at inihain sa mesa pagkuwan.

"They're swimming at the beach that's why you can't see anyone in here," sabi ni Analisa. "Lasagna lang ang nando'n sa ref kaya ininit ko na."

Ngumiti siya at naupo sa mesa. "Salamat." Pero hindi tumugon si Analisa. Nanatili itong nakatitig sa kaniya kaya umikhim siya. "May problema ba?"

Nag-iwas ito ng tingin. "J-Just..." Nagbaba ng tingin si Analisa at bumuntong-hinga. "Just eat."

"I know when something is bothering you. Tell me."

"I'm thinking, Gideon..." Muli itong tumingin sa kaniya. "Why did you choose Jewel over your girlfriend? You said that you want to have a wife but why did you choose her and not me?"

"Ana we  ---"

"Please..." Kumurap ito at pinahid ang luhang biglang tumulo mula sa mga mata nito. "Don't say my name in that way."

Ilang minuto siyang napatitig sa babae at nawala sa isip niya ang gutom. He stared at her in awe. Napag-usapan na nila ito noon. She even said to him that she forgive him for not telling the truth. But it never occured to him that Analisa will ask... why.

Nakita niya sa gilid ng mata ang paglampas ni Arnel sa kaniya. Kumuha ito ng baso at lumagok ng tubig. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa bago nito tuluyang nilisan ang kusina. That gave Gideon enough time to think for an answer. 

Umikhim siya. "It was a paper marriage, Ana."

Pagak na natawa ang babae. "I could be your wife but you choose another woman." Tumango-tango ito at lumunok. "It hurt a lot because I was loyal to you, Gideon. I never entertained another guy. It was only you but you set me aside." 

"I'm sorry."

Nabigla siya nang humagulgol si Analisa. Napatayo si Gideon pero tinaas nito ang kamay para pigilan siya sa paglapit. "N-No, I'm okay." Huminga ito nang malalim. "Just eat. I know you're starving. If you need something, find me at the terrace." Malalaki ang hakbang na nilisan nito ang kusina.

Bumuntong-hinga si Gideon at muling naupo. Tahimik niyang kinain ang lasagna na hinanda nito para sa kaniya. Pero hindi matahimik ang konsensya niya.

May pagkukulang siya kay Analisa. Hindi niya ipagkakaila 'yon. Kailangan niyang matuldukan ang lamat sa pagitan nila ng babae. 

Mabilis niyang tinapos ang lasagna. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan. Tinungo niya ang teresa para sana muling makausap si Analisa pero nahinto siya sa paghakbang nang makita niya si Arnel na yakap-yakap ito. 

Nagbaba ng tingin si Gideon at bumalik sa sala. Naupo siya sa sofa at hinintay na makabalik sa resthouse ang iba pang kasamahang naliligo sa dagat.