Chapter 40.1

Wala siyang lakas ng loob para dalhin ang isang box ng erotica sa mansiyon. Kahit labag sa kalooban niya ay pumayag siyang sunugin ang lahat ng libro. Wala siyang pagsidlan ng mga 'yon. Walang lugar ang erotica sa mansiyon o kaya sa bahay ni Gideon.

And it hurt a lot. Her babies were rejected and she felt like being rejected also by both parties. Mahal na mahal niya ang mga librong 'yon and yet she is now outside Gideon's house, watching a box of erotica being eaten by fire. 

Luhaan siya. Hindi niya lubos akalaing napapayag siya ni Gideon. That jerk is the cause of this mess! But she don't have power to dominate him!

Para ngang hindi totoo ang confession nito sa kaniya kagabi. Tumalas ang tingin niya kay Gideon na nasa entrada ng bahay at kausap si Tang. Wala si Dalya at Pedro sa labas. Kumuyom ang mga kamao niya. That controlling beast! 

Pumasok sa loob ng bahay si Tang habang naglakad naman palapit sa kaniya si Gideon. Panaka-naka nitong tiningnan ang mga erotica na nilalapa ng apoy. Huminto ito sa harap niya at ngumiti. "Let's go?" aya nito.

May sumidhing damdamin sa loob niya. Suddenly, she slapped her husband's face that it turned red in an instant. Pumutok pa ang labi. Napapikit si Gideon at napaatras si Jewel. 

What have she done? 

Hinawakan ni Gideon ang pumutok na labi at pinahid ang dugo. Dahan-dahan itong tumingin sa kaniya at sarkastikong ngumiti. "That hurts, wife."

Lumikot ang mga mata niya. Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa kokote niya at sinampal niya nang pagkalakas-lakas si Gideon. Siguro masyado lang siyang nainis rito kaya hindi niya napigilan ang sarili. 

Gusto niyang humingi ng tawad pero masyadong mataas ang pride niya. Dapat humingi na muna ng tawad si Gideon sa pagsunog ng mga libro niya, bago niya ibaba ang sariling pride. Umirap siya. "You deserve it, jerk."

Dinukot ni Gideon mula sa bulsa ng pantalon ang isang panyo at pinahid ang dugo sa labi. "You changed," bulong nito bago siya nilampasan.

Napakurap siya. Did Gideon just passed by her? Ni hindi ito nag-sorry sa kaniya? Talagang napakawalang-kwenta ng lalaking 'yon!

Busangot siyang sumunod kay Gideon tungo sa Navarra. Ni hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto! Aba, sumusobra na ang asawa niya! 

Pabalag siyang naupo sa passenger seat at sinarado ang pinto. Humalukipkip siya at tinikom ang bibig. Umandar ang Navarra at agad nitong tinakbo ang daan papuntang highway. 

Ilang minuto niyang hinintay ang pag-imik ni Gideon. In the past, everytime that she's quiet, her husband will notice it and will ask her why she's not talking. Pero iba ngayon. Ilang oras nang tikom ang bibig niya pero hindi man lang nagtanong si Gideon kung ayos lang ba siya o kung anong problema.

Kahit nang bumaba siya sa kotse ay wala pa ring imik si Gideon. Ni hindi ito umibis. Muling umandar ang Navarra at tumakbo palayo sa mansion. 

Mas lalong nagngitngit ang kalooban niya. Pumasok siya nang busangot ang mukha. Hindi naman naglakas ng loob ang mga katulong na magtanong kung anong problema niya. Hindi rin nagtanong ang mga magulang niya. 

Mula sa araw na 'yon ay bumalik sa dati ang buhay niya. 'Yong buhay na wala si Gideon. 'Yong tahimik. Mas tahimik lang sa ngayon dahil wala sina Dalya at Pedro, wala na ring makakausap na Hazel, Gabbi, at Tiara. Sa katunayan, bilang lang sa daliri ang pag-imik niya.  

Sa Unibersidad, nawala na ang bulungan sa tuwing dumadaan siya. Pero hindi pa tuluyang nawala ang mga matang nakasunod sa kaniya. Hinayaan na lang niya dahil hanggang tingin lang naman at hindi siya kinukuyog ng mga ito.

At ang araw na 'yon ay isa lang ordinaryong araw para kay Jewel. Dumadaan at nakakalimutan din pagkaraan. Ang bawat kilos at lugar ay para lang ng kahapon. Bahay man o mapa-Unibersidad, magkakapareho lang. 

"Miss Mangubat?" 

Huminto siya sa paghakbang at inipit ang nagulong hibla ng buhok nang dumaan ang hangin. Lumingon siya sa tumawag. Isang Professor na hindi pamilyar sa kaniya. Umikhim siya. "Yes?"

Ngumiti ito at nilahad ang kamay sa harap niya. "I'm Professor Isagani. Kanina pa kita hinihintay."

"Bakit, Prof?"

"Tumawag ang Dean sa akin. Ang sabi ay gusto ka niyang magpunta sa opisina ng Director ngayon. Excuse ka rin sa lahat ng asignatura ngayong araw pati na ang mga estudyanteng nandoon na sa opisina ngayon."

Kumurap siya at nagbaba ng tingin. "Okay," aniya. Ngumiti ang Professor at minuwestra siyang sumunod. Tumalima siya. 

Huminto ang Professor nang tumayo sila sa tapat ng pinto. Bumaling ito sa kaniya. "Ikaw na ang pumasok, Miss."

Tumango siya at pumasok sa loob. Sumalubong sa kaniya ang malamig na hanging binubuga ng air-cooler sa itaas ng pinto, at ang mabangong amoy ng bagong pitas na gumamela at sampaguita. 

Naalala niya bigla ang mga bulaklak sa bakuran ng bahay ni Gideon. Umiling siya at winaksi ang isiping 'yon. She shouldn't be thinking about that man. Nilibot niya ang tingin sa loob.

May nakaharang na blur glass wall sa harapan niya. Mukha 'yong divider ng kuwartong 'yon. May dalawang open doors sa magkabilang gilid. Tinungo niya ang kaliwa.

Nang lumampas sa pintong salamin, una niyang nakita ang lalaking nasa mid-40s na nakaupo sa likod ng malaking wooden table. Sa mesa nito ay may nameplate na ang nakalagay ay Mikael Hubes Saavedra. Kumuyom ang kamao niya. Pamangkin nito ang lalaking muntik nang gumahasa sa kaniya.

Nasa tapat ng malaking mesa ang isang babaeng nakatalikod sa gawi niya. Nakasuot ng unipormeng para sa mga estudyante, at pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya.

"Miss Jewel Laine Mangubat-Hernandez," masayang bati ng Director.

Napatalon siya sa biglang bati ng Director. Napatingin siya ulit sa lalaki at mabilis na nag-iwas ng tingin. She should greet him back, but she can't find the words to say.

Nang mapansin ng Direktor na hindi siya babati ay umikhim ito at ngumiti sa kaniya. "Please have a sit. We have a lot of things to discuss and I hope your parents will pardon our University."

Pardon our University? Anong ibig nitong sabihin? 

Humakbang siya palapit at naupo sa upuang katapat ng babaeng kausap ng Director. Nang mag-angat siya ng tingin sa babae ay gayo'n na lang ang gulat niya. "Jasmine?" Nangunot ang noo niya.

Nag-iwas ito ng tingin. Magtatanong sana siya nang may narinig siyang yabag na papalapit sa gawi nila. Tiningnan niya ang pinanggalingan ng yabag. Si Gabbi. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "What are you doing here?" tanong niya.