Chapter 20
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Gusto ko siyang makilala noon at magpasalamat dahil ang laki ng tip na binibigay niya sa akin at malaking tulong iyon sa amin ni nanay, pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya ngayon. May alam pala siya sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang taong gusto kung pasalamatan ay iisa pala sila ng taong naikama ko.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang kasunduan ni Madam Jinky noon. Past na iyon pero ginugulo niya ang isip ko. Ayaw ko na iyon isipin pa dahil kahit anong sisi ko kay Ethan hindi parin maikaila na isa akong naging bayarang babae.
“I..”
“Huwag mo muna akong kausapin, Ethan,” saad ko at tinalikuran siya.
Pumasok ako sa diswashing area, sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Valerie nang makita niya ako. Wala sa sarili na umupo ako sa malamig na semento. Hinila ko ang upuan. Humalumbaba ako. Ginawa kong unan ang magkabila kong braso at tinago ang mukha ko doon. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Umiiyak na naman ako sa hindi matukoy na dahilan.
“Lil..”
“Ayos lang ako, Val. Iidlip lang ako saglit,” ani ko, pinipilit na hindi mabasag ang boses.
Mabuti nalang at hindi niya ako kinulit at hinayaan ako. Ayaw ko makipag-usap ngayon kahit kanino. Ayaw kong malaman nila na umiiyak ako. Magtanong lang sila at iyon ang pinaka ayaw ko. Ang gusto ko ngayon, ay umuwi na. . . ang makalayo kay Ethan.
“Bumalik yung sakit ng ulo niya?” rinig kong tanong ni James.
“Baka nabinat,” si Ate Grace.
“‘Wag niyo lang muna distorbuhin para makapagpahinga siya,” saway sa kanila ni Ma, am Toneth.
Tahimik parin ako at wala paring tigil ang pag agos ng luha ko. Naninikip na ang dibdib ko, masakit na rin ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak. Nangangalay na rin ako sa posisyon ko. Nang tumahimik na saka lang ako nag angat ng tingin. Mag isa nalang ako. Tumayo ako at naghilamos ng mukha nang hindi nila mahalata na galing ako sa pag-iyak.
Kinuha ko ang lipgloss na tinago ko sa ibabaw ng spearker at pulbo na binalot sa papel at inayos ang mukha ko. Sakto nang matapos ako siya ring pagpasok ni Valerie. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. Tipid akong ngumiti saka umiling. Nakita siya siguro kami na magkasama ni Ethan kanina.
Sumunod na pumasok sina Mark, nagtutulakan pa silang tatlo ni Aljon at Sonny. Si James, Tany at Jean sa exit sila dumaan nag uunahan, parang mga bata na naghahabulan. Nakatayo parin ako sa harap ng maliit na salamin, sinisipat ko ang mukha ko doon kung hindi ba namaga ang mata ko sa pag iyak.
“Kumain ka muna,” sabi ni Valerie sa akin nang lapitan niya ako. “May dala sina Grace at Ann, kasama yun sa order para sa nag live band.”
“Busog pa ako,” ani ko at naglakad papunta sa lababo. Magkasabay na pumasok si Ate Grace at Ann parehong may bitbit ng pagkain.
“Hindi ka nag snack kanina. Anong oras na oh, baka sumakit na naman ulo mo-,”
Hinarap ko siya. “Busog nga ako,” iritableng sagot ko. Saglit akong natigilan nang pumasok si Ethan, agad akong umiwas ng tingin. “‘Wag mo akong pilitin na kumain dahil busog ako.”
Natigilan siya sa pagtataray ko. Kalaunan bumuntong-hininga nalang siya at tinalikuran ako. Nakuha niya siguro na hindi ako nagbibiro, na bad mood ako. Na guilty rin ako sa pagtataray ko sa kanya, nadamay pa siya. Kausapin ko nalang siya mamaya, pahupahin ko muna ang sarili ko.
“Sir, kumain ka muna. Hindi ka nagtanghalian kanina, anong oras na hindi ka pa rin naghapunan.”
Tinanggap ni Ethan ang plato na may lamang pagkain na bigay ni Valerie. “Thank you,” kaswal na saad niya ng bigyan siya ng upuan ni Sony. Umupo siya doon paharap sa akin. Nabitawan ko ang mga kutsara na hawak ko sa pagkabigla. Minadali ko ang paghugas ng mga kutsara dahil ramdam ko ang mainit niyang titig sa likuran ko.
“Lil, kumain ka muna,” anyaya sa akin ni Ma, am Toneth.
Nagbingi-bingihan ako. Gulat na lumingon ako ng may tumabi sa akin, si James pala.
“Subuan nalang kita,” aniya at tinapat sa bunganga ko ang puno niyang kutsara.
“Kaya pinag iinitan ng girlfriend mo yang si Lil, eh, kasi ang sweet mo sa kanya,” komento ni Ma, am Toneth.
“Hindi na ako magtataka kung bukas haharangin na naman si espasol si Lil sa hagdan at mag tanong ng kung ano-ano,” sabat ni Jean.
“May gusto yata si espasol sayo James. Imbis na syota mo ang mang real talk kay Lil siya pa ang may lakas na loob na pagsalitaan si Lil,” natatawa na sagot naman ni Jessa.
“Hindi ako pumapatol sa mukhang patay. Pagpasensiyahan niyo na nag me-menopause yun,” nagtawanan sila sa sagot ni James, pati ako natawa rin. Ewan ko ba sa espasol na yun ang laki yata ng galit sa akin.
“Isubo mo na ‘to nangangalay na kamay ko,” bagot na sabi niya sa’kin.
“Baka kamao ko mamaya ang masubo mo tingnan natin kung hindi ka mabusog bigla.”
“Tawagan niyo nga si Zaylon, isumbong niyo si Lil,” nanlaki ang mata na sinundan ko siya ng tingin ng talikuran niya ako.
Dinuro ko siya ng tinidor. “Tusukin ko yang bunganga mo.”
“Zaylon, baby..”
“Bakla…” pagbabanta ko kay Astro. Pulang-pula na ang mukha ko sa inis sa kanila dahil tinatawan lang nila ako.
“Takot kay Baby Zaylon. Poor, Lilianie.”
“Isa ka pa Miss Toneth,” nakabusangot na sabi ko ng sumabat siya.
“Kumain ka na kasi rito,” aniya.
“Busog talaga ako,” nahagip ng paningin ko ang nakakunot na noo ni Valerie at ang seryosong mukha ni Ethan na nasa plato niya ang tingin. Nagkibit-balikat ako at tinapos ang aking ginagawa.
Tumaas ang isang kilay ko nang malingunan ko si Valerie, matiim na nakatingin sa akin. Bitbit ang try na may laman na mga kutsara dinala ko iyon sa lamesa, sa tabi ni Valerie ko iyon nilapag at inumpisahan na punasan iyon isa-isa.
Wala akong imik. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Na sanay na sila sa presensya ni Ethan ngunit naiilang parin. Nang matapos silang kumain, isa-isa silang nagsialisan at bumalik sa kanilang area. Ako, si Valerie at si Ethan nalang ang naiwan. Naiilang ako sa subrang katahimikan.
“Bakit?” nagtataka na tanong ko kay Valerie dahil hindi parin nagbago ang klase ng tingin niya sa akin.
Kumikibot ang kanyang bibig ngunit wala siyang salita na masabi. Nagsalubong ang kilay ko. Siguro dahil sa asaran namin kanina. . . about Zaylon. Nanahimik ako at tinuon sa ginagawa ang tingin. Ayaw niyang magsalita edi hindi rin ako magsalita. Ayaw niya naman magtanong, paano ko sasagutin ang bumabagabag sa isipan niya?
Napangiwi siya ng pitikin ko ang noo niya. ”Saang lupalop lumilipad ang isip mo at para kang adik na nakatitig sa kawalan?”
“Sino si Zaylon?”
Sabi na eh, iyon ang bumabagabag sa isip niya. Saglit kong tiningnan si Ethan, nakayuko ang kanyang ulo sa plato na hawak. Nagsalubong ang kilay ko dahil kanina pa siya kumakain hindi parin niya naubos ang pagkain niya. Nagulat siya ng magtagpo ang mata namin, mariin siyang napalunok hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Valerie.
“Mahalagang tao sa buhay ko,” sagot ko na nakatitig sa mga mata ni Ethan.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. I saw pain, hopeless in his eyes. Umiwas ako ng tingin dahil pati ako naapektuhan sa nakikita ko sa kanya. Si Valerie tila nawalan ng pag-asa sa narinig. Naiiyak siya na ewan. Gusto kong matawa.
Ang big deal sa kanya ng sagot ko. Umaasa siguro siya na magkaroon ng kami ni Ethan. Saksi siya sa lahat ng pagsuyo ni Ethan sa akin. Kung paano niya ako gustong lapitan at kausapin. Siya ang mata ni Ethan. Kaya hindi ko siya masisi kung ganito ang reaksyon niya nang malaman kung sino si Zaylon sa buhay ko.
Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin ng lumabas siya ng hindi nagpaalam kahit kay Ethan. Gaga. Anong drama yun?
Niligpit ko ang pinagkainan ng mga kasama ko nang matapos kong punasan ang mga kutsara. Wala akong gana na kumain simula kaninang umaga, pinilit ko lang ang sarili ko na kumain ng tanghalian kahit nasusuka ako dahil busy kami at para may lakas ako sa trabaho.
Binalewala ko ang titig ni Ethan. I pretend na wala siya at hindi ko siya nakikita kahit parang mawasak na ang dibdib ko sa subrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi pa siya tapos kumain pero hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
Hindi nga niya nakalahati ang kanin niya. Ang letchong manok parang hindi nabawasan. May pancit guisado rin sa mangkok na hindi nabawasan at ang maliit na bote ng softdrinks na hindi nabuksan.
“Kumain ka,” kalmadong sabi niya. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya. “Kumain ka muna bago mo ligpitin yan. Hindi ako titingin.”
Tumayo siya at pumunta sa gawi ko. Pinaghila niya ako ng upuan. Hindi ako naka react ng hawakan niya ang braso ko at pina upo doon. Kinuha niya ang plato niya at yung mangkok at inilagay sa harapan ko.
“Ubusin mo yan,” aniya. “Sa labas lang ako. . . malayo sayo.”
Tulala parin ako hanggang sa makalabas si Ethan. Kaya pala ang tagal niyang matapos kumain dahil para sa akin pala iyong kalahati ng pagkain niya. Wala na kasing natira kahit kanin, sinimot nila hindi halatang gutom na gutom. Namalayan ko nalang na kumakain na ako. Hindi parin ako makatanggi sa kanya.
Not gonna lie. It really warms my heart when he show me concer. And I love it when he think of me and check me if I am doing fine. Lalo na ngayon. It touches my heart deeply.
‘Wag mo naman ako pahirapan pa lalo, Ethan.
Napabuntong-hininga ako nang maubos ko ang laman ng plato. Masisira talaga ang diet ko sa kanya. Hirap akong huminga sa subrang busog ko. Ininom ko ang isang softdrinks at iniwan ang isa sa kanya. HIndi pala yun naka inom. Kung nabilaukan yun at namatay kasalan ko pa.
Dinala ko sa lababo ang mga hugasin. Nagulat pa ako nang pumasok si Ethan at pumuwesto sa isang lababo at naghugas ng kamay.
“I’m really sorry…” emosyonal niyang sabi. “Kaya kong indahin ang galit mo sa akin. . . pero hindi ko makayanan kung layuan mo ako. . . Magalit ka lang sa akin, Yanie. ‘Wag mo lang ako lalayuan.”