Chapter 12

"Anong oras ka naka uwi kagabi?” Tanong sa akin ni James, kasamahan ko. “ Nakita kasi kita sa sakayan bandang alas onse. Kakatapos niyo lang ba mag rehearsal no’n?"

Napangiwi ako nang akbayan niya ako. "Mga alas dose na yata ako nakasakay. Wala na kasing jeep kapag 10 pm na."

“Buti nakasakay ka pa nang ganong oras?”

“Nagpa sundo ako sa taga amin.”

Ayaw ko na nga sana pumasok kanina kasi subrang pagod talaga ang katawan ko at kulang pa ako sa tulog, kaya lang nanghihinayang ako sa isang araw na absent ko. Isang oras ang rehearsal namin kagabi, alas onse na kami natapos at nagbabakasakali ako na may masasakyan pa ako, pero inabot na ako ng isang oras wala talang sasakyan papuntang Latasa. Buti nalang to the rescue si Benjo.

“War kami ni jowa kahapon kaya hindi kita nilapitan kagabi para ihatid, alam mo naman na pinagseselosahn ka no’n,” natatawa na saad niya.

“Para ka kasing linta kung makadikit sa akin, para kang walang jowa na selosa.”

Mahina niyang tinapik ang ulo ko. “Kung wala lang akong girlfriend, niligawan na kita.”

“Gago,” natawa ako sa biro niya. Hinampas ko siya sa balikat. “Mag time check ka na nga.”

Kaya kami pinagkamalan na mag jowa, e, kasi ang clingy niya sa akin. Lalo ka kapag magkasabay kami, umaakbay sakin. Sinisita ko siya kaso ang sagot niya wala raw malisya dahil magkaibigan naman kami. Tama naman siya, pero sa mata ng mga nakakita, may malisya dahil alam nila na taken na si James. Tsss, hindi ako tumatalo sa isang kaibigan at saka may iba akong gusto.

"Good morning, sir." Ani ng mga empleyado na kasabay naming nakapila.

“Good morning.”

Nanigas ako sa aking kinatayuan. Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko nang marinig ang malalim niyang boses sa likuran ko. Kanina pa ba siya d’yan sa likuran ko? Narinig niya ba ang usapan namin ni James? ANg lakas ng kabog ng puso ko. HIndi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako.

Lumingon si James at hinila ako ng kaunti para makadaan si Ethan. "Good morning, sir."

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay na sinulyapan ako nang hindi ko siya binati. “Good morning,” aniya ngunit sa akin ang tingin.

Badtrip ako sa kanya kaya hindi ko siya binati. Nag check in na ako at nagmadaling pumasok sa loob, narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni James ngunit hindi ko na siya hinintay. Hinihingal na pasalampak akong umupo pagkapasok ko ng diswashing area.

“Bad mood yata si Sir Jake, lukot ang mukha nang pumasok sa office niya,” naningkit ang mata ko sa sinabi ni Jessa na kakapasok lang bitbit ang mop niya. “Pero ang pogi parin,” bungisngis na dagdag niya.

“Edi, magpalambing siya sa secretary niya,” inis na himutok ko sa isang tabi.

Mabuti na lang at hindi gaanong busy ngayon, pa tambay-tambay at chikahan ang ganap namin habang binabantayan ang mga big boss na bababa rito. Inaantok ako kaya umidlip muna ako saglit habang hindi pa lunch break ng first batch. Uupo na sana ako nang mag ring ang telepono, dahil ako ang nandito, ako na ang sumagot.

“Hk, Lil, from HK department,” ani ko nang masagot ang tawag.

“Bakit hindi mo ako binati ng good morning?”

Naghurumintado ang puso ko. Agad kung binaba ang telepono nang ma realize kung sino ang tumawag. Is he upset? At saka, bakit big deal sa kanya na hindi ko siya binati? Sa dami ng empleyado na bumati sa kanya napansin niya pa ako? Nang mag ring ulit ang telepono, hindi ko na iyon sinagot at lumabas agad sa diswashing area.

"Nakakatakot pala kapag bad mood si Sir Jake.”

Napalingon kaming lahat kay James. “Bakit? Napagalitan ka?” tanong ko.

“Hindi naman. Kaso, inutusan ako maglinis ng glass wall sa 3rd floor at second floor. Ako kasi nakasagot ng tawag niya, akala ko nga bulyawan niya ako. Kanina pa raw kasi siya tumatawag dito walang sumasagot.”

Nakonsiya na yumuko ako ng ulo. Sinalo tuloy ni James ang init ng ulo ni Ethan dahil sa ginawa ko. Napipikon na talaga ako sa kanya. May secretary na siya bakit hindi siya doon makipaglandian imbis sa akin. Hindi porket CEO siya may karapatan na siyang gawin ang lahat kahit labag sa akin. . .

‘Labag nga ba sa loob ko?’

“Hayst!” inis na sambit ko at padabog na tumayo. Gawin ko na lang busy ang sarili ko, ayaw ko ma stress sa letseng yun.

_____________

"Canceled ang modeling. Pina-canceled ni CEO dahil hassle na raw sa mga sasali lalo na at gabi ang rehearsal. Magpa-banda na lang sila."

Thank you naman kung ganun. Hassle talaga para sa amin lalo na sa mga kagaya ko na malayo pa ang uuwian. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi na pinatuloy ni Ethan ang modeling, nasisiguro ko na narinig niya ang usapan namin ni James. Naguguluhan ako sa kanya. Lalo na sa mga kinikilos niya. Hindi ko mahulaan at matukoy kung ano ang pinapakita niyang motibo sa akin.

Palagi ko siyang iniiwasan, hindi ko rin siya binabati kapag magkasalubong kami. Tinuturing ko siyang hangin at hindi nag e-exist. Kahit pinapatawag ako sa office niya hindi ako pumupunta. Iba ang pinapapunta ko doon at nagdadahilan ako na busy sa aking ginagawa.

"Shit! 'Bat ayaw lumabas?" Gigil na ani ko at pinukpok ang vendo machine ng napkin. "Makisama ka naman. May tagos ako kailangan ko magpalit."

Napakislot ako nang maramdaman na may tao sa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ma amoy ang pamilyar na pabago na iyon. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang magsalita siya malapit sa tainga ko.

"I have a better solution to solve you're problem,” he playfully said. “Buntisin kaya kita para hindi ka- Ahh, fuck. Why did you do that? "

Nakagiwi na sambit niya nang mariin kong apakan ang paa niya. Mabuti nalang at walang tao rito. Masama ko siyang tiningnan. Hindi pa siya naka get over sa pag apak ko ng paa niya, malakas kong sinipa ang kaliwang binti niya at badabog na pumasok sa loob ng cubicle.

"Buntisin mo mukha mo!" Inis na singhal ko sa kawalan.”Shit siya shit! Akala niya nakakatawa yung sinabi niya? Huh! D’yan naman siya magaling, sa mga kahalayan na lumalabas sa bastos niyang bibig.”

Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi nang maramdaman ang pag init niyon. “Ahh!” Impit na sigaw ko sa frustration. Sa sinabi niya naalala ko ang nagyari sa amin six years ago. Gusto kong tadyakan ang pinto. Naiiyak ako sa inis sa kanya at sa sarili ko.

Nagpalipas ako ng ilang minuto rito sa loob. Alas dos na ng hapon at walang masyadong tao na pumapasok dito sa cr. Nagsalubong ang kilay ko nang may sumipa ng isang pack ng napkin sa loob ng cubicle kung nasaan ako.

"Thanks me later."

Iyon lang ang narinig ko. Umalon sa tuwa ang puso ko nang malamang si Ethan pala iyon. Hindi ko inaasahan na bibilhan niya ako. . . Siya nga ba ang bumuli o pinabili niya lang sa kanyang secretary? Nagmadali akong nagpalit. Paglabas ko wala na siya. Hinanap ko sa labas ng cr pero wala ng tao doon, sinilip ko ang cr ng mga lalaki pero walang tao doon.

“Sa sunod nalang kita pasalamatan.”

Pumasok ulit ako sa cr at itinago ang isang pack ng napkin na binili ni Ethan sa loob ng cubicle na ginawa naming imbakan ng mga gamit panglinis. Tinago ko iyon ng maayos nang hindi nila makita, baka magtaka sila kung bakit naka puslit ako ng isang pack ng napkin doon.

_____________

“Bakit dito kayo kumakain? Baka may makakita sa inyo isumbong pa kayo sa HR."

Nabulunan kaming tatlo ni ate Grace at Jean nang makita namin si Ethan na nakatayo sa pintuan ‘di kalayuan kung saan kami naka upo habang kumakain ng patago. Para kaming na estatwa. Si ate Grace at Jean namutla ang mga mukha hindi alam ang susunod na gagawin. Ilang beses akong napalunok at dahan-dahan na nilingon siya.

Tumaas ang isang kilay niya. Ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nito. Tumabingi ang kanyang ulo nang hindi ako umimik. Alanganin akong ngumiti sa kanya at bumaling sa dalawa kong kasama na hindi parin gumagalaw sa kanilang puwesto.

“Sa taas niyo na ipagpatuloy ang pagkain,” aniya sa seryosong tinig. “‘Wag kayo magpakampanti dito sa labas. Kung nagkataon na ibang tao ang nakakita sa inyo at sinumbong kayo malamang baka matanggal kayo sa trabaho.”

Wala sa amin ang sumagot sa kanya. Nang bumaling ako ng tingin kina ate, mariin kong kinagat ang loob ng aking labi upang pigilan ang mapangiti nang palihim na binitawan ni Jean ang siomai na nakatago sa kanyang palad. Tumingin ako kay Ethan nang nagmamakaawa na umalis na siya.

Napabuntong-hininga siya. Kalaunan ay maliit na ngumiti, tumango siya at suminyas na aalis na siya. Sumakit ang panga ko sa pagpigil ng halakhak nang hindi magkandauga si ate Grace at Jean sa gagawin dahil sa taranta.

“Putek! Sa lahat ng makakita sa atin ang CEO pa talaga. Lupa! Lamunin mo ako!.” mangiyak-ngiyak na anas ni Ate Grace.

“Inutang ko pa naman yun pero isang piraso lang ang nakain ko. Waaa! Sayang ang kwarenta pesos ko,” atungal niya.

“Balik na tayo sa taas,” ani ko. “Tama naman si Sir Ethan.”

“Hindi na ako kakain. Kahit gutom na gutom ako hinding-hindi na talaga ako uulit,” si Jean.

Pagdating namin sa diswashing area agad na kinuwento ng dalawa sa kasamahan namin ang nangyari.

“Paging HK, Lil. Please proceed to the CEO office. Paging HK, Lil. Please proceed to the CEO office.”

“Hala!” Nagsinghapan ang mga kasama ko ng marinig namin na tinatawag ako sa CEO office. Mariin akong napapikit. Hindi ito ang unang beses na pinatawag ako sa office niya. Ayoko sana na pumunta pero baka tungkol ito sa nakita niya kanina kaya niya ako pinatawag.

“Bakit ikaw lang pinatawag, Lil?” nagtataka na tanong ni ate Grace.

Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko rin alam, te. Sabihan ko nalang kayo mamaya,” saad ko at umalis na.

Wala ang kanyang secretary kaya dumiritso na ako pumasok. Na datnan ko siyang naka upo sa kanyang swivel chair, nakatuon ang tingin sa kanyang laptop. Lihim akong napabuntong-hininga nang makitang maraming papel ang nakakalat sa sahig. Pigil ang sarili sa inis na dinampot ko ang mga basura niya. Hindi ko siya binati. Tahimik lang ako habang ginagawa ang trabaho ko.

Akala ko kaya niya ako pinatawag para kausapin tungkol sa nakita niya kanina, pero nakakinis dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin pagkapasok ko dito sa office niya. Marunong nang gumanti. Edi, bahala siya.

"Paging HK Lieliane, please call Men's wear department. Paging HK Lieliane please call Men's wear department."

Nagsalubong ang kilay ko at nagtataka kung bakit npinapatawag ako sa men's department. Hindi naman ako naka assigned sa department store. Tumikhim ako para maagaw ang kanyang atensyon. Umangat ang kanyang mukha at blangkong tumingin sa akin.

"Ah. S-Sir. Pwede makigamit ng telepono?" alanganin na saad ko.

"Sure," kaswal na tugon nito.

Dahil nasa table niya ang telepono, dinadaga ang puso ko habang papalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko na dinampot ang telepono. Tumawag muna ako sa costumer's service para hingin ang telephone number ng men's department dahil hindi ko naman alam, pagkatapos tumawag na ako sa men’s department.

“Sino nagpatawag sa akin?” iyon kaagad ang bungad ko nang sumagot ang kabilang linya.

“Marco, yung crush mo, hinahanap ka.” Lumalim ang pagkukunot ng noo ko sa narinig. At kailan pa ako may hinahanap na Marco ang pangalan? Sila nga iyong nagpa-paging ng pangalan ko tapos baliktarin pa ako. Narinig ko ang kantiyawan sa kabilang linya.

“Hi, Lieliane. Itanong ko lang kung pwede ka bang maihatid pauwi mamaya?”

“Ah. ‘Wag na,” mabilis na sagot ko at binaba ang tawag.

Napako ako sa aking kinatayuan nang magsalita siya.

"Now, I know kung bakit hindi mo ako pinapansin," sinalubong niya ang nagtataka kong tingin. "Dahil may iba ka na palang pinagkaabalaban na pansinin."