Chapter 11

Nagitla ako nang hawakan niya ang palad ko, mabilis kong hinila iyon at itonago sa ilalim ng mesa. Baka may biglang pumasok at makita kami na nasa ganong posisyon baka ano pa ang isipin nila.

"Yanie, tinatanong kita kung iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit sa malumanay na tono.

"Ano sa tingin mo?" Pagalit na tanong ko sa kanya at ginawaran siya ng masamang tingin.

Umalon ang kanyang lalamunan, umayos siya ng tayo at malamlam ang mata na pinakatitigan ako.

"May ginawa ba ako-,"

"Marami, at hindi ko gusto."

He cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka makita."

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Kaya, sorry kung palagi akong pumupunta dito para makita ka kahit aware ako na baka mayroong makahalata. "

Hindi na nasundan ang pag uusap namin nang pumasok si Amy, kasunod ang mga lalaki. Natigilan pa sila nang makita si Ethan.

“Good evening, sir.” magkasabay na bati nila. Tinanguan lang sila ni Ethan pagkatapos bumaling ulit sa akin at binigyan ako ng makahulugan na tingin. Nagsalubong ang kilay ko. Ano na naman ibig sabihin ng tingin na iyon?

“Bakit narito si, sir?”

Napangiwi ako ng magkasabay silang magtanong sa akin. “Tinanong kung bakit wala siyang nakita na mga housekeeping.”

“KInakabahan talaga ako kapag narito si sir , e. Mabuti nalang hindi siya kagaya ni SOM na parang mangangain ng tao kapag nakita tayong naka upo,” komento ni Mark.

Masama talaga ang ugali ni SOM lalo na kapag bad mood ito. Dinadamay niya ang empleyado kapag galit siya, pinapahiya. Na HR nga kami noong minsan na naabutan niya kaming naka upo rito. Kesyo oras raw ng trabaho naka upo lang kami gayong binabayaran naman ang oras namin.

Nandoon na kami sa point na iyon, pero hindi ba pwedeng umupo at magpahinga kahit isang minuto lang dahil sa nakakapagod naming trabaho? Kaya kapag nagpapahinga kami may taga bantay kami sa labas baka biglang sumulpot ang taga HR o ‘di kaya si SOM,, patay kaming lahat.

Kaya, naninibago kami sa treatment na pinapakita ni Ethan. Na ayos lang sa kanya na makita kami na naka upo rito sa diswashing area, nag uusap. Wala kaming narinig na hindi magandang salita sa kanya, na para bang okay lang na gawin namin iyon. Dahil ba iyon sa akin? O, sadyang may malasakit lang siya sa mga empleyado niya?

“Mantakin mo ba namang walang araw na hindi dumadayo rito,” saad ni Amy. Naiilang na umiwas ako ng tingin.

‘Nang dahil iyon sa akin. Lol.’

Hanggang sa mag out kami iyon parin ang pinag-uusapan nila. Hindi na ako nakisabat, madagdagan lang ang kasinungalingan ko sa kanila. Hindi ako umiwas ng magtagpo ang tingin namin ni Ethan. Nakatayo siya sa gilid ng counter, nasa magkabilang bulsa ang kanyang kamay at katabi niya ang kanyang secretary, may pinag-uusapan sila.

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil bigla akong nakaramdam ng selos habang nakatingin sa kanila. Seryoso ang kanyang mukha bagaman makitaan ng saya ang mga mata niya habang nag-uusap sila. Doon lang ako umiwas ng tingin nang kalabitin ako ni Amy para umusog sa pila.

Na huli ako ng baba dahil nagpalit pa ako ng damit. Sahod kasi namin ngayon, bibili ako ng letchon manok at burger, pasalubong kay nanay. Muntik na ako madulas sa hagdan ng pagliko ko nakita ko si Ethan.

Nakaramdam ng kirot ang puso ko nang hindi man lang niya ako sinulyapan. TUloy-tuloy lang ang kanyang paglakad pababa na animo isa akong hangin na hindi niya nakita. Nanibago ako sa pakikitungo niya sa kin. Ilang oras palang ang nakalipas pagkatapos naming mag-usap kanina tapos ito na kaagad ang treatment na pinapakita niya?

Hindi ba dapat maging masaya ako? Kasi hindi na delikado ang buhay ko sa mata ng mga empleyado rito pero bakit hindi ako makaramdam ng saya? Bakit malungkot ang puso ko? Bakit masakit? I let out a heavy sigh at nagpatuloy sa paglakad pababa. Iyon naman ang gusto ko, ang iwasan niya ako, ang huwag niya akong lapitan at kausapin, kaya hindi dapat ako malungkot at masaktan dahil s apag iwas niya.

“Oh! Bibili ka rin, Lil?”

Tumango ako. “Umm. Pasalubong,” sagot ko kay Sonny nang magkita kami sa buger house, kasama niya ang girl friend niya na isang Sales lady sa Millanic.

"Una na kami,” aniya.

“Sige, ingat kayo.”

Nang makuha ko ang order ko, napagpasyahan kong chicken joy nalang sa jollibee ang bibilhin ko, tinamad na ako pumunta sa plasa kung saan naroon ang mga helera ng nagtitinda ng lechon manok.

Pagdating ko sa bahay, ang ilaw nalang sa kusina ang nakabukas, tulog na si nanay. Mahimbing na ang tulog dahil humihilik na. Hindi ko na siya ginising, bukas nalang namin kakainin itong binili ko. Busog ako sa burger na kinain ko kaya hindi na ako naghapunan at natulog nalang.

_______

"Hoy! Putang-ina! Sino ang pumatay ng ilaw?"

Sigaw ko ng biglang namatay ang ilaw. 7 pm na at magtatapon ako ng basura sa baba. Mag isa lang ako dahil naka out na kasama ko, si Amy naglilinis doon sa food court. Sinikap kong maglakad ng matulin na hindi kumakapa sa pader. Takot ako na dumaan rito kapag walang ilaw dahil sabi ng mga kasamahan ko may nagpapakita raw na bata rito sa dulo. Nasa kalagitnaan pa ako ng hallway nang mamatay ang ilaw kaya abot langit ang kaba at takot ko.

"Puta, buksan niyo ang ilaw," nanginginig sa takot at inis ang boses ko ngunit walang sumagot o nag bukas man lang ng ilaw. Pagliko ko, saktong bumukas ang ilaw.

Nabitawan ko ang plastic bag na may laman na basura. "Tangina!" Napamura ako sa gulat ng mabungaran ko si Ethan na nakatayo sa likod ng nakasaradong pintuan.

Nagsalubong ang kilay niya, tiningnan niya ako na may pagtataka. Minura ko ba naman siya, kasalanan niya rin naman.

"Bakit mo pinatay ang ilaw?!" Pagalit na tanong ko sa kanya, malakas parin ang kabog ng puso ko dala ng takot at pagkagulat ng madatnan ko siya.

Lalong nagsalubong ang kilay niya. "I didn't turn off the light. Lumiko ako rito dahil narinig ko ang boses mo."

Puta! Kung hindi siya, sino ang gagong nang trip sa akin?

"Oh! Eh, ano naman ang ginagawa mo rito, bakit dito ka napadpad?!"

Napa atras ako nang humakbang siya. Mariin akong napalunok nang makita ang nag aalab niyang mga mata. Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabilang baywang ko at hinila palapit sa kanyang katawan.

“Fuck! Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga kaya ang hindi ka makita,” nahihirapan na bigkas niya.

Napadaing ako sa pagkabigla nang isandal niya ako sa pader at ginawaran ng masuyong halik. Halik na may pananabik. Halik na katulad noong unang bese niyang inangkin ang mga labi ko. Masarap sa pakiramdam, parang ayaw ko ng matapos. Lalo na nang hawakan niya ang pareho kung pulsuhan at inilagay ang mga iyon sa likod ng kaniyang batok.

Sa pagkakataong ito, gumanti ako sa halik niya. HInawakan niya ako sa magkabilang bewang at mas lalong idiniin sa kaniya, saka dumausdos sa likuran ko ang isang palad niya. Halos kapusin ako ng hininga ng bitawan niya ang labi ko. Sandali niya akong tiningnan sa mga mata saka hinaplos sa mahinang retmo ang pisngi ko baba sa aking leeg at agad na gumuhit ang naninindig kong balahibo.

HInawakan ko ang kamay niyang nagpatuloy parin sa paghaplos sa likuran ko. TIningnan niya ako sa mga mata, at hindi ko na halos masalubong ang tingin niya. May epekto parin siya sa akin, sa mga haplos niya, sa halik niya, sa mga tingin niya, sa lahat-lahat sa kanya. Gano’n ako ka hina pagdating sa kanya.

Umawang ang labi niya, ngunit hindi na nagsalita. Marahan niyang inilipat ang labi niya sa pagiitan ng mukha at balikat ko dahilan para awtomatiko akong mapapikit. Pinatakan niya ng halik iyon. Bigla akong natauhan nang maramdaman ang paglandas ng dila niya roon. Tinulak ko siya sa balikat kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa.

HIndi ko man lang inisip na baka may makakita sa amin dito? Tumingala ako at hinanap baka may CCtv camera rito, nakahinga ako nang maluwag ng makitang wala naman. Nahihiya na umiwas ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kanya.

“Kailangan ko na itapon itong basura,” iyon nalang ang taging nasabi ko sa labis na kahihiyan dahil bumigay ako sa kanya.

Nag angat ako ng tingin nang tumikhim siya. Nanulis ang nguso ko nang makitang pinipigilan niya ang ngumiti. Sige lang, pagtawanan mo lang ako. Araw mo ngayon kaya pagbigyan kita. Tinaliman ko siya ng tingin nang kabigin niya muli ang bewang ko.

“5 minutes. . .”

“Hindi na! Nakarami ka na. . .”

“Okay. Bukas na lang ulit.”

“Ano?!”

Halik sa labi lang ang sinagot niya, saka kumindat bago binuksan ang pinto at naglakad paalis.

Napasinghap ako. “Argh! Ang landi mo!” frustrated na sambit ko.

Nanlamig ang buong katawan ko nang may sumagot. “Sinong malandi? Pa share naman ng chika,” saad ni Miss Toneth nang lingunin ko siya.

“Si, Sir Jake ba at ang secretary niya?” nagsalubong ang kilay ko, nagtataka na tumingin sa kanya. “Nakasalubong ko si Sir Jake pababa ng hagdan at galit na sinalubong siya ng kanyang secretary pero tinawanan niya lang.”

Naglaho bigla ang kilig at saya na naramdaman ko.

Salawahan.