Epilogue

"And cut!" sigaw ng Ina ni Cia sa loob ng cctv room. 

Ang mga mata nito ay ilam na nang dahil sa walang humpay na kakaiyak. Siya'y lubhang masaya para sa kaniyang anak. Ang kaniyang nag-iisang anak ay magiging mabuting may bahay na at paniguradong yari rin siya sa kaniyang asawa dahil hindi niya sinabi rito ang bagay na ito.

Magiging lola na siya pagkalipas ng ilang mga taon. Hindi pa siya handa ngunit siya ay masaya na sa magiging kalalabasan ng kwento ng kaniyang pinakamamahal na anak.

"Tacio, kung nandito ka man ngayon ang iyong anak ay nasa mabuti ng mga kamay kaya patawarin mo ako ah? Boto ka naman kay Zion hindi ba?" aniya habang nakatitig sa litrato ng kaniyang asawa na naiwan nila sa probinsya.

Magkahawak kamay na lumabas sila Cia at Zion sa silid habang may malawak na ngiti sa labi. Hindi mapuknit iyon at feeling niya ay nakalutang siya sa ulap.

"Congrats mga anak!" zalubong sa kanila ng kaniyang Ina habang nagpupunas ng luha. Agad niya itong niyakap ng mahigpit at muling napahikbi. 

"Salamat Ma," aniya habang mahigpit na nakayapos dito. 

Marahan naman siyang pinapatahan ng Ina habang kinahagkan ang kaniyang ulo.

"Nawa ay maging maligaya ka sa piling ni Zion, Anak ko." ani nito at marahan naman siyang tumango.

Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula ng nag propose sa kaniya si Zion. Ilang linggo na rin magbuhat noong nasuntok ng aking Ama si Zion dahil sa biglaan nitong pagpropose pero sa huli ay natanggap rin ni Papa iyon basta raw huwag ako nitong sasaktan dahil babarilin niya ito ng paulit-ulit hanggang si Zion ay mamatay.

Sa ngayon ay busy silang nag p-plano ng kanilang nalalapit na kasal. 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na silang mag-isang dibdib ni Zion. Na parang dati lamang ay pangarap niya lamang ito. Ni maging girlfriend nga siya ni Zion ay hindi niya lubos na maisip pero ngayon hito silang dalawa sa harapan ng altar magkahawak kamay habang nakatingin sa imahe ng Diyos. 

Napabaling siya ng tingin kay Zion ng hinagkan nito ang likod ng kaniyang kanang kamay. Silang dalawa ay nasa simbahan, araw ng linggo ngayon at nais nilang magpasalamat sa Diyos Ama dahil hindi sila nito pinabayaan. 

"I promise that I'll be a good husband, Cia." senserong ani nito na syang dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.  

"And I'll be a good wife," aniya habang nakatitig dito. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng binata at kalauna'y hinagkan ito sa labi. 

She's now whole. 

She found a perfect love for her. 

Zion is her home.

Kabadong-kabado si Zion habang nag-umpisa ng lumakad ang mga ninang at ninong ng kasal. Pinagpapawisan siya ng malagkit habang marahang tumatawa ang kaniyang best man na si Dusan. 

"Relax man, mukha kang natatae," natatawang wika nito na siyang ikinasama ng kaniyang tingin. 

Fuck this man. Bakit nga ba ito ang kinuha niyang best man. 

"Shut up Dus," mariin niyang ani at muling ibinaling ang tingin sa pasilyo ng simbahan.

Ang disenyo ng simbahan ay lubhang napakaganda. Nababalot ito ng mga baby pink na tela at may mga naggagandahang bulaklak pa. His bride loves pink so in short the theme of their wedding is pink. Even his tux is pink. 

Lihim na lamang siyang napangiti ng maalalang pinag-aawayan nila ni Cia ang kulay ng tux na isusuot niya at sa bandang huli ang dalaga ang nagwagi. 

"NANDITO NA ANG BRIDE!" sigaw ng isang tinig na siyang ikinakaba ni Zion ng husto.

Muling napako ang kaniyang tingin sa intrada ng simbahan at doon nakita niya ang kaniyang pinakamamahal na si Acacia. Nakasuot ito ng pink na gown habang nakakapit sa braso ng kaniyang Ina at Ama.

So as long as I live I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now 'til my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight~

Marahan ang naging lakad nito. Napakaganda nitong tingnan sa suot na damit. Nakakatawa mang isipin na beautiful in white ang theme song nila samantalang ang suot nito ay kulay pink.

Kahit na malayo'y kita niya ang mga butil ng luhang umaagos sa magaganda nitong mata. Kitang-kita niya rin kung paano ito pinupunasan ng Ina ni Acacia.

Hindi na siya nakatiis pa't lumapit na sa dalaga dahilan para umani ng tawa mula sa kanilang mga bisita. At wala siyang pakialam. He want her wife. 

"May I?" Tanong niya sa Ina ni Cia na kasalukuyang umiiling. 

"Juskong bata ka, hindi makapag antay? Bumalik ka roon, jusko ka!" kunsomeng saad ng Ina ni Cia kaya napakamot ako ng aking ulo.

"Babalik ka ro'n o itatakas ko anak ko?" pananakot naman ng Ama ni Acacia ngunit ngumiti lamang ako. 

Alam ko namang gusto ako nito para kay Cia dahil kung hindi una pa lamang ay hindi na ito pumayag na bantayan ko ang anak niya.

"Sige na Tito, maiihi na ako sa kaba e. Ang tagal kasing maglakad ni Acacia," ani ko kasabay ng pagkamot ng aking ulo ko.

Naiiling naman ang mga magulang ni Acacia sa aking tinuran ngunit agad ding pinaubaya ng mga ito sa akin ang kanilang pinakamamahal na anak.

Agad akong lumapit kay Acacia at inilagay ang kamay nito sa kaniyang braso. At ramdam ko ang marahang pagkurot sa akin ni Acacia dahilan para ako ay bahagyang mapangiwi.

"Masyado ka namang atat lalaki," natatawang ani nito na siyang kaniyang ikinakamot ng ulo.

"Mamamatay na ako sa kaba sa unahan kaya sinundo na kita baka takasan mo pa ako mahirap na," pabiro niyang ani habang patuloy na naglalad. 

"Asus, hinding-hindi kita tatakasan, iang taon ko din 'tong hinintay," ani ng dalaga na siyang kaniyang kinangiti. 

Masyadong patay na patay sa kaniya ang kaniyang mapapangasawa.

"Ijo masyado kang sigurista," biro sa kaniya ng pari ng makarating sila ng altar na siyang sinundan ng mga pagsang-ayon ng mga bisita lalong lalo na ng kaniyang mga kaibigan.

"Sorry father, naninigurado lang baka biglang tumakbo mahirap na." aniya na siyang dahilan para makatanggap siya ng hampas mula ka'y Cia.

"Siraulo," bulong ni Cia sa kaniya na siyang kaniyang ikinangisi.

"Tayo ay narito ngayon sa loob ng simbahan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nila Zion Provenchoco at Acacia Calumpig na kalauna'y magiging Mrs. Provenchoso na rin," mahabang saad ng pari na siyang kinakapit niya ng mahigpit sa braso ni Zion. 

Kinakabahan siya at hindi niya iyon maitangi. Ganito pala ang feeling pag kinakasal akala niya'y pinipeke lamang iyon sa mga palabas, ngayon ay masasabi niyang totoo ito at nakakakaba ngang talaga. 

"Kung may tumututol man sa kasalang ito ay maaaring lumapit. At kung wala nama'y tayo'y magpapatuloy," dugtong ng pari na siyang ikin tahimik ng lahat. 

Napamasid siya sa paligid lalo na sa kaniyang Ama na baka bigla na lamang tumutul at isa pa baka kasi mamaya bigla na lang may sumigaw na itigil ang kasal na tiyak ay di niya kakayanin. 

"Kung gayon, tayo'y magpatuloy" ani ng pari at binalingan ng tingin si Zion. 

"Zion Provenchoso, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Acacia Calumpig, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya

sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" mahabang lintaya ng pari habang nakatingin kay Zion na kasalukuyang taimtim na nakatitig sa akin.

"Opo, Father." wika ni Zion dahilan para bumilis ang pintig ng aking puso.

Pagkatapos niyon ay ako naman ang binalingan ng pari. Abo't langit ang aking kaba na ani mo'y isa akong kalahok sa Miss Universe. 

"Acacia Calumpig, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Zion Provenchoso, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya

sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" mahabang saad ng pari.

Humugot ako ng malalim na hininga habang marahang kinakagat ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang malakas na paghikbi.

"Opo, Father." ani ko habang nakatitig sa mga hilam na mata ni Zion.

"By the power vested in me by God and man, I pronounce you husband and wife. What God has joined together, let no man put asunder. You may now kiss the bride" 

Kasabay ng mahabang saad ng pari ay ang paghalik ni Zion sa aking nakaawang nalabi.

Sa wakas, Isa na akong ganap na Mrs. Provenchoso. 

I'm now happily being Zion's Provenchoso's wife.