Chapter 7 Plan
Napatigalgal ako sa gulat. Sino ba naman ang hindi? Bigla na lamang akong iniwan ni Acacia at ni hindi pa rin pala ito nagbabayad ng bills niya kaya ayon ako ang nagbayad ng wala sa oras.
Sa kapiranggot na kape na iyon ay limang daan ang binayad ko. Masyado iyong mahal, mabuti na lang talaga at mas mahal ko si Acacia.
Pambihira! Mukhang mamumulubi ako ng wala sa oras, mabuti na lamang at meron na akong stable na trabaho at masasabi kong masusustentohan ko ito at ang magiging anak naming dalawa.
Mabilis kong hinabol si Acacia at hinawakan ito sa braso dahilan para ito ay mapahinto.
Agad itong humarap sa akin habang nakasalubong ang kilay kahit na may mask itong suot ay alam kong nakanguso ito. Na siyang aking kinatawa ng mahina.
I know Acacia very well, kaya kahit na sandamakmak na facemask pa ang isuot nito ay alam ko ang facial expression nitong gagawin.
I misses that expression.
"Ano bang kailangan mo mister?" puno nang sarkastimo nitong tanong na siyang aking kinamangha.
Hinila ko si Acacia at mahigpit na niyapos habang marahang nilalanghap ang mabango nitong amoy.
I missed her.
I missed her scent.
I missed everything about her.
Nagpupumiglas ito ngunit wala akong pakialam. Mas lamang ang pangungulila ko rito at syempre ako rin naman ang may dahilan.
Isa't kalahating taon din ang tiniis ko. Isa't kalahating taon akong nagmumuni-muni at nagbabad sa trabaho. Isa't kalahating taon din akong nagplano at hindi ko sasayangin ang lahat ng iyon.
So I must think wisely and no libido first.
Masisira ang lahat pag inuna ko na naman ang libog.
"I miss you," sinsero kong saad habang yakap-yakap pa rin ito.
Fuck it. I can't think calmly because of Acacia's smell. It's arousing me.
I felt my cock harden.
Fuck this.
Kakasabi ko lamang na hindi ko papairalin ang libido pero heto ako ngayon, matigas.
Sinapo ko ang mukha ni Acacia at hinagkan ito sa labi kahit na may mask ditong nakaharang.
I can't help it. I'm going to be insane kung hindi ko ito mahalikan.
"I miss you Cia. Sobra kitang namiss," saad ko rito habang hinahaplos ng pisngi nitong may mask.
"You missed me?" puno ng sarkasimo nitong tanong. "Yet you didn't bother calling me." dugtong pa nito at kita ko ang pagdaan ng sakit sa magaganda nitong mata.
Hinawi ni Acacia ang aking kamay at muling tumalikod na siyang dahilan nang pagsakit ng aking dibdib. Ang puso ko'y parang kinukurot sa sobrang sakit at hapdi.
Tanging si Acacia lamang ang may kakayahang magparamdam sa akin ng ganito. Sa isa't kalahating taon na wala si Cia sa aking piling ay para akong pinapatay. Minsan nga ay tumatawa ako ng walang dahilan sa tuwing naaalala ko ang mga biro nito sa akin.
"Please listen to me Cia, I can explain!" singhal ko habang sinusundan ito.
"Explain what?! I don't need your explanation Zion. Just forget it, forget anything that reminds you about me and about us," mahaba nitong wika at agad na tumakbo papalayo sa akin.
Hindi na ako nag-alintanang sundan pa ito. Mukhang matutuloy ang aking pinakaplano.
Ika nga nila kung hindi mo makuha sa santong dasalan e, kuhanin mo na lamang sa santong paspasan. Kung dati ay ibang paspasan ang ginawa ko, ngayon ay iba naman.
And I choose the second one.
Hindi na ako muling mag-aaksaya pa ng panahon at oras. Kailangan ko nang kumilos, masyado na akong natatagalan. Napagawa na nga ako ng bahay na aming titirahan ngunit ang babaeng balak kong itira roon ay hindi ko pa lubusang napapaamo.
Agad kong inilabas ang aking telepono at tinawagan ang kahuli-hulihan kong alas.
"Tita, isasagawa na natin ang plano." mariin kong ani na siyang ikinatuwa ng taong nasa kabilang linya.
"Sa wakas! Good luck then, ako na ang bahala kay Acacia," ani nito tsaka pinatay ang tawag.
Napangisi na lamang ako habang nakatitig sa maliit na kahon na aking hawak na mahigit isa't kalahating taon ko na ring nabili.
This is the right time.
Nagpupungos-pungos na pumasok ng condo si Acacia. Hindi niya lubos akalain na makikita niya ang lalaki roon. At ang kapal naman ng pagmumukha nitong hagkan siya.
The nerve of that guy. He's makin' me insane like what the fuck!
Padabog niyang tinanggal ang kaniyang mask at pinaka titigan ang sarili sa salamin. Mukha siyang isang lion na nakawala sa hawla ng dahil sa kaniyang itsura.
Galit siya. Galit na galit.
Galit siya sa katotohanang nagustohan niya ang ginawa ni Zion. Galit siya sa katotohanan na hindi niya pa rin ito nakakalimutan. Galit siya sa katotohanang bumigay na naman siya. At higit sa lahat, galit siya sa sarili niya.
"Oh bakit ganiyan ang itsura mo? Nawala ka lang saglit nagmukha ka ng mangkukulam," pabirong ani ng kaniyang Ina na siyang mas ikinabusangot niya.
Grabe naman kasi sa mangkukulam pwede namang dyosa. Hello? She's effin' beautiful kulang na nga lang ay palitan niya si Athena bilang goddess of beauty.
"Ma naman!" atungal niya.
"Oh bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo," natatawang ani nito habang marahang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"Oh siya, maglinis ka at magsuot ng bistida tayo'y may pupuntahang importanteng mahalaga," ani nito at agad siyang iniwan.
Napapantastikohang nakatingin siya sa likod ng kaniyang ina.
"What's with importanteng mahalaga?" she mentally asked herself.
Her mother is getting weirder and weirder every time.
Sinunod niya ang tinuran ng Ina muli siyang naligo, nag-ayos at nagsuot ng pink puff na bistida.
It's cute and it fits her well.
Hindi naman sinabi ng kaniyang ina kung saan sila pupunta basta ang sinabi nito ay magsuot siya ng bistida and she hopes that it fits in whatever importanteng mahalaga they'll go.
She loves this dress even though Zion gives it. It's complimenting her very well and it fits her perfectly.
Pagkalabas niya ay agad sumalubong sa kaniya ang nakangiting Ina. Pinagmasdan siya nito at kung may anong emosyon ang dumaan sa mga mata nito. Ani mo ay ito'y maiiyak sa hindi malamang dahilan.
Weird.
"Ma, what's with that look?" kunot noong tanong niya dito na siya namang ikina iling nito.
"Wala naman anak, nag mukha ka lang kasjng powerpuff girl ng dahil sa suot mo," pabiro nitong saad na siyang kaniyang ikinabusangot.
Bully din talaga ang Ina niya.
"Ma!" ungot niya dito habang nakanguso.
Tinawanan lamang siya nito at ginaya papalabas kung saan may nag-aantay na sasakyan.
Time pass by and she's getting bored as fuck. Hindi sinasabi sa kaniya ng kaniyang Ima kung saan sila pupunta. And she finds it very weird! Hindi naglilihim sa kaniya ang kaniyang Ina but now argh! She didn't know what to do and tell anymore.
At dahil sa kaniyang pagkainip ay umidlip na lamang siya.
Ngunit sa muli niyang pagdilat ay nilamon siya ng kaba dahil wala siyang ibang makita kundi kadiliman.
"Ma!" sigaw niya ngunit wala siyang ibang nadinig kundi ng kanya ring sariling tinig.
Echo.
Mukhang nakakulong siya sa isang kwarto.
Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Inaatake na siya ng kaba gayon din ng kaniyang asthma.
Ang Mama niya. Nasan ito? Nakidnap ba sila? Sinong walang hiya ang gumawa nito sa kanila? Mga walang kaluluwa.
Ilang beses siyang nagsusumigaw at kumakawala ngunit ni isang ibang tinig at galaw ay wala siyang nadama.
Mag-isa lang siya. Iyan ang kaniyang pahinuha.
Isa-isa ng rumaragasa ang maiinit na butil ng luha sa kaniyang mga mata. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.
"Ito na ata ang huling araw mo Acacia, pero at least maganda ka," pabiro niyang ani sa sarili habang marahang humihikbi.
Sa kabilang banda naman ay humahagalpak sa tawa ang Ina ni Cia. Tuwang-tuwa ito habang tinitingnan ang anak na kinakausap ang sarili. Tila ba'y ito si Sisa ang Ina nila Krispin at Basilyo. Pero kapag ito malaman ng kaniyang asawa ay paniguradong mayayari siya ng husto.
"Ki gandang dalaga may saltik sa ulo," kumento niya rito.
Napailing naman si Zion habang pinagmamasdan ang Ina ni Cia. Imbes na malungkot ito ng dahil sa reaksyon ng anak e tila ba'y mas natutuwa pa ito.
Binalingan siya nito ng tingin at tinaasan ng kilay.
"Ano pang inaantay mo? Gawin mo na ang pakay mo ng makapagparlor na ako," ani nito at tiningnan ang kuko.
Nahugot na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga at pumasok sa silid na kinaroroonan ni Acacia.
"H-hello? May tao ba dyan?!" sigaw ng dalaga. Ito'y nakapiring kaya hindi siya nito makita.
Agad siyang lumapit dito at hinawakan ito sa braso na siyang ikinapulahaw nito.
"H-huwag po! H-huwag m-mo a-akong h-hahawakan! H-hindi a-ako m-masarap!" sigaw nito at imbes na mahabag siya ay siya'y napahalakhak.
Halos gumulong na siya sa sahig ng dahil sa kakatawa.
"The fuck Cia you're so fucking hilarious!" singhal niya dahilan para mapatigil si Cia sa kakasigaw.
"Z-Zion? I-ikaw b-ba 'yan?!" nauutal nitong tanong.
Tumikhim siya at unti-unting tinanggal ang telang naka takip sa mga mata nito.
"Hi," bati niya habang nakangiti. Sa totoo lang ay kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng dalaga.
"ZION! THANKS GOD! MAY KUMIDNAP SAMIN NI MAMA!" singhal nito dahilan para mapatakip siya ng tainga.
"Sheez Cia you're so loud. Hindi ako bingi," aniya.
Pinanlakihan siya ng mata nang dalaga. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Zion? Kinidnap kami ni mama." Madiin nitong saad.
Pinakatitigan niya ito at tumikhim.
"Kumalma ka Cia, ako ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Ako ang may gawa okay? Ako." mahaba niyang lintaya habang nakatitig dito.
Bumalatay sa mga mata nito ang gulat at pagkabigla gayon din ang poot at takot.
"Ikaw?! Paano mo nagawa samin 'to?!" ani nito at muli na namang lumandas ang mga luha sa pisngi.
Agad niyang tinuyo ang luha nito at muling nagsalita.
"Ginawa ko 'to kasi gusto kong sabihin na mahal kita. Mahal na mahal kita Acacia, hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal at kung anong epekto mo sa akin. You're making me insane every time. Naging stalker mo pa nga ako e," ani ni Zion habang titig na titig kay Cia.
"Ikaw ang rason kung bakit ako nagsusumikap. Ikaw ang rason kung bakit ako muling nag-aral. Gusto kitang bantayan. Gusto kong siguraduhin na walang lalaking lalapit sayo. Gusto kong siguraduhin na ang Acacia-ng nangako sa'kin na papakasalan ako ay makukuha ko ng buong-buo. And yeah, dinaan kita sa kamandag ko. No one can resist my effin' abs and charms," dugtong pa ni Zion habang marahang tumatawa habang si Cia naman ay tahimik na humihikbi.
"Mahal na mahal kita Cia to the point na nakapagpagawa na ako ng bahay kahit na iyong ititira ko'y di ko pa sure kung magiging akin sa huli. Ang advance ko diba? At kung nasaktan man kita dahil bigla akong umalis ng walang paalam. Huwag kang mag-alala, nasaktan din ako. Pero araw-araw naman kitang pinagmamasdan sa mga cctv camerang iniwan ko. Yeah, you can call me obsessed but it's true. This is your effect on me. I can't think clearly when it comes to you, and all I want is you." saad ni Zion habang marahang humihikbi. Isinubsob niya ang ulo sa hita ni Cia.
"I love you Cia, please forgive me. Kung nagawa ko man 'to iyon ay dahil gusto kitang mapasa akin. I love you so much," wika ni Zion at muling nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang mga mata ni Cia, at lumuhod sa harapan nito habang dahan-dahang inilalabas ang maliit na box na nasa kaniyang bulsa.
Tumikhim siya at sinabing.
"Acacia, will you marry me?"
Dalawampung litra, limang salita. Ang siyang dahilan ng paghinto ng pag-ikot ng mundo ni Acacia.
She can't breathe properly. She can't think properly. She's in shock. She didn't know what to do or say.
She can't utter a word. She's fucking speechless.
"Acacia, sagutin mo ako oh? Naiihi na ako dito sa kaba," pukaw sa kaniya ng isang tinig na siyang ikinabalik niya sa kaniyang ulirat. Si Zion, ang lalaking pinakamamahal niya ay nakaluhod sa kaniyang harapan habang may hawak-hawak na maliit na kahon na may nilalaman na singsing.
Muli niyang pinagmasdan ang binata. Halata sa mata nito ang kaba at takot. May bakas din ng luha ang mga pisngi nito. At ito rin ay pawisan.
Napakagat siya ng ibabang labi at marahang tumango.
Nakita niya kung paano magbago ang ekspresyon ng lalaki. Nakita niya din ang paglaki ng mga mata nito.
"A-ano C-cia? O-oo?! M-mag salita ka!" nauutal na singhal nito na siyang kaniyang ikinatawa.
Paulit-ulit siyang tumango at sinabing, "Yes Zion. I will marry you,"
Dagling isinuot ni Zion ang singsing sa kaniyang nanginginig na kamay. Puno ng kagalakan niyang tinitingnan ito habang umaagos ang mga luha.
Oh my sweet god. She's so happy.
Nang nag-angat ng tingin ang binata ay agad niyang sinapo ang mukha nito at madiing hinagkan ito sa labi.
"I love you Zion." aniya.
"I love you too, Cia."