CHAPTER 25 BFF meeting
"Minahal ko lang naman siya eh. Bakit ganito? Ano bang nagawa ko? Ginawa ko ang lahat. Naging tapat ako. Sinubukan kong hindi makagawa ng mali tapos makikita ko na lamang syang nakikipaglampungan sa babaeng iyon!" Napabuntong hininga ako at uminom ng wine.
"Tahan na Lex, hindi siya worth it sa luha mo, " pampakalma ni Dranelight kay lex na ngayon sobrang iyak ng iyak. Hinahagod-hagod pa nito ang likuran nito.
"Ang sakit eh".
"Sa iyo na tong kape" Saad ni Sarena. Isa itong chubby ng konti dahil kapapanganak pa lang nito sa panganay.
"Pampalubag loob o panpadagdag kaba?" Saad ng mataray naming kasama na si Naomi na hindi lang pinansin.
"Marurupok Naman talaga tayong mga babae eh. Ngunit magpakatatag ka naman, Lex. May anak ka pa. Isipin mo naman iyon." Umiling sya sa sinabi ni Xiasha. Isa itong chinay at hapon ngunit laking pinoy.
Napatalikod ako sa narinig at nagpatuloy sa pag-inom ng wine."n-nakunan ako. W-wala na sila" natulos ako sa narinig at hindi ko napigilan na mabitawan ang wine glass ko na ikinabasag nito. Nakalikha ito ng ingay sa headquarters namin magkakaibigan.
"S-sorry" si Cassie ang pumutol sa katahimikan. "Pero wag mo namang ilugmok ang sarili mo sa ganito, nasasaktan rin kami eh."
"Kailan pa? Kailan pa Lexria? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?" Si Fadein. Nakasalamin ito na may halong kulay itim ang lense ngunit hindi pa rin natatakpan na nasasaktan ito.
"Ito ba ang dahilan Kung bakit nambabae ang Asawa mo?" Ako ang nagsalita. Isang function ball napansin ko ang Asawa ng kaibigan ko na may ibang kasama ang akala ko ay sekretarya nya lang pero nang halikan nya ito sa harapan ng mga tao, tarantado gusto kong pagbaril-barilin pero pinigilan ako ni Laxus.
Nakita' namin ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. "P**te! Walang hiya Sya"
"Siraulo pala yang asawa mo eh! Alam ba nya ang salitang hindi lang ang babae ang may kasalanan! Kapwa Nila ginawa iyon tapos ganoon lang. Minahal ka ba talaga ng Lalakeng yan Lexria?" Napawahak sa sentido si Dranelight at marahang hinihilot-hilot.
"Dapat ko bang i-schedule ang pagpatay sa kanya?" Samantha na nakalugay ang buhok at nakasuot ng itim na cardigan at nakabilugang eyeglasses.
"Ako na ang maghahanda ng hukay nya" ako.
"Ako na rin sa kape kahit Naman konti may ramay pa rin di ba? Kahit papaano hindi lang uod ang makikipagramay sa malamig nyang bangkay" napangisi ako sa sinabi ni Red at nagtoss-up kami ng mga kamao.
"Sa biscuit na lang rin ako, yong galing maynila na parang Regalo lang sa mga kamag-anak. Isang balde para timba-timba Tayo" si Jewel Rustom. Hindi ko Sya gaanong ka-close dahil kaibigan lang naman sya nina Samantha at Lualhati. Pero rinig ko may sayad pa ito mag-isip kaysa kay Red Hermosa.
"Ako na ang bahala sa bulaklak, anong gusto nyang klase ng bulaklak?" Si Yacrineth Delgado ang may hawak ng Isang bote ng vodka, at nilagok nya ito sa bote habang tinitignan si Lexria na umiiyak. Nakasuot pa ito ng office attire dahil kagagaling lang nito sa opisina nya. "Tumigil na nga kayo" naiiritang napairap si Thalia Delgado, pinsan ni Yacrineth. " Nasasaktan na nga ang tao, dinadagdagan nyo pa" bumaling ito kay Lexria. "Sinabi sa akin ni X ang plano mo Lexria, ginawa mo na ba talaga ?" Hindi ko sya maintindihan. Hindi lang Naman ako ang nagtaka sa sinabi nya kundi pati na rin ang taong narito.
"Problema ko na iyon. Damayan nyo na lang ako to keep me sane. Baka mabaliw pa ako ng todo" masakit mawalan ng anak. There was a side of me is throbbing in hell. Sobrang sakit ang isipin na mawalan ng anak. Para kang sinaksak ng sinaksak ng hindi mabilang na patalim sa sakit na hihilingin mo na lang na mamatay.
"RUBY? Anong ginagawa mo rito mag-isa?" Patungo ako sa Isang coffee vending machine nang makita ko Sya sa waiting chair katabi ng machine. Nakatungo ito na parang may malalim na iniisip.
"Lady Regalia?" Tumango ako at umupo katabi nyang upuan." Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo kung bakit narito ka sa maliit na restaurant area na ito?" I sipped my coffee and isinandal ang ulo ko sa likurang semento.
"Ano bang mali sa restaurant na ito? Wala namang maling pumunta sa lugar na ito, tama ba?" Bagot na Saad ko. Ako Kasi ang unang nagtanong tapos tanong ang isasagot sa tanong ko.
"Wala nga ngunit nakakapagtaka lang" binalingan ko Sya ng tingin." Hindi ko lang talaga maisip na ang Isang Lady Regalia Rossford ay narito sa lugar na ito. Maliit lang at cheap na rin." Mapakla akong napatawa sa sinabi nya at binalingan Sya.
"Ikaw lang ba mag-isa sa lugar na ito?" Ngumiti Sya sa akin.
" May kasama ako, may pinuntahan lang" si Lacoste ba ang tinutukoy nya? Wala namang bago, magkasintahan Naman sila . (o'・_・)っ. "Ikaw? Bakit ka nga ba andito?"
Just like the usual days that we spent when we were friends. Simple conversation. " Pagmamay-ari ito sa isa sa mga kaibigan ko kaya ako andito." At kapag tumalikod ang Isang tao sa binitawan na pagtitiwala sa taong iyon, mahirap ng ibalik lalo pa't malaking sugat rin ang hiniwa nito sa damdamin ko.
Napatango tango ito at aakmang tatayo ng pinigilan ko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nya. Mukhang may napansin sya kanina kaya napatayo ito." Saan ka pupunta? Nag-uusap pa Tayo" my face turn to stoic.
Hindi mahulma ang reaksyon sa mga mata nya, parang may tinatago ito. " Sa susunod na araw na lang. Naalala kong may gagawin pa ako"
" Hindi ba't Isang kabastusan ang ginagawa mo sa Isang Lady Regalia Rossford? You know how ruthless I am. At ang pag-iwan mo habang nag-uusap Tayo ay hindi ko gusto" nakita kong napalingon Sya sa gilid at parang may tinitingnan, sinundan ko ito ng tingin, wala namang tao eh. Ano bang kinatatakutan nya?
"P-pero-" before she can finished her speech binitiwan ko na ang braso nya at tumayo na rin at nginitian sya.
"But I'll let you go, for now..... Magpasalamat ka at may ibang rason ako sa lugar na ito kaya pakakawalan Kita...... Warning lang" kahit anong gawin pang pagbabago ng tono ng boses ko alam ko na hindi ako ang kinakatakutan ng mga sumisidhing emosyon sa mga mata nya. May kakaiba sa kanya. "Mag-ingat ka parati"
MASAMAng tingin na galing kay Naomi Zeanstone ang bumungad sa aking pagpasok sa kwarto namin magkakaibigan. Nakita ko ring nakatulog na sa kama si Lexria at hinahagod ni Fadein ang buhok nito.
"Bakit ang sama ng tingin mo?" Kita mo, inirapan lang ako. Anong problema ng babaeng ito?
Dahil sa nakaharang ang mga paa ni sa dinadaanan ko, pinukpok ko ito sa walang lamang paper cup ng cape ko kanina. " Wag ka ngang paharang-harang dyan hindi ka naman daanan" masungit na saad ko na hindi lang pinansin.
Kung masungit ako ito Naman si Naomi ay parang araw-gabi nireregla, iba-iba ng mood, parang nakatatak na sa noo nito ang salitang mood swings.
" Hoy! Naomi, wag kang magsungit dyan kung ayaw mong pati ikaw painomin namin ng pampatulog" si Cassie na nakatutok ang mga mata sa laptop nito. Si Cassie ay isang businesswoman na Isa ring former doctor. Kaya kung sa medisina na ang pag-uusapan si Cassie ang makakatulong.
"Wag ka ngang mag-ingay Cassie, Kita mong busy ang mga paa ko, bulag ka bang doctor ka?"
Napasandal na lamang ako sa pinto. " Pakalmahin nyo ko o masasakal ko na ito"
Napailing na lang si Dranelight at nagtungo sa mesang nakagitna sa kayo ng dalawa. May kung ano syang pinindot roon na ikinagulat ko dahil isa-isang nagsulputan sa mga pader ang mga delikadong baril na nakatutok isa-isa sa amin.
" Akala ko ba wala ng alitan sa isa't-isa? Magpalitan na lang Tayo ng bala" she is creepy dahil nakangiti ito na parang anghel habang sinasabi Niya iyon.
Si XIASHA Naman ay kakalabas lang sa glass door ng bathroom ay napatalon. " Susmaryusep, impyerno pala rito, Akala ko si poseidon lang ang makikita ko pati pala mga demonita umaarangkada na" at bumalik muli sa loob ng bathroom.
"Xiasha, lumabas ka na nga ako Naman ang maliligo" walang pakialam na Saad ni Jewel, at sinagot lamang Sya ng boses na kumakanta sa banyo.
Habang nagmamasid lang sa kanila ay hindi ko man lang namalayan na nasa labas pala si Red kaya binuksan nya ang pinto at ako yong nakasandal ay hindi nakapaghanda kaya ang balanse ko sa semento nabagsak. Sinadya Naman Kasi ni Red.
Para pang loko na pafeel inosente. " Regalia, inaantok ka na ba? Hindi mo nman yan kama ah, ano bang ginagawa mo dyan? May hinahanap ka?" Sinamaan ko Sya ng tingin.
"Mamahaling baril, saang ka nakabili nito Drane?" Rinig kong Saad ni Fadein kaya nilingon rin iyon ni Red at ang gaga napapalakpak pa na parang naiiyak..
Napasampal ako sa noo ko, sa mismong sumpong pa talaga si Fadein dumagdag sa kaweirduhan.
Ganito kaweird ang mga naging kaibigan ko. May mga iba't-ibang saltik.
"Dyan lang"
"Pasubok ah"
"WAG!" At Doon nagsimula ang community ingayan.
"Ako ang mauna"
🎶You are the one for me🎶
🎶 You're the only boy I see🎶
🎶 You're the one I want 🎶
🎶you are more than enough🎶
Si Xiasha, ang boses nya ang mas umire sa kaingayan sa banyo na rinig hanggang rito.
"Bwiset ka Red," binalingan nya ako ng panandaliang tingin at inilabas ang dila ng bruha.
"Pahiram na Kasi!" Pinagpagpag ko ang sarili ko dahil may mga alikabok na nakadikit sa damit ko. Nilingon ko sila Fadein at Doon ko nakita' ang pamumumilit ni Fadein na maagaw ang baril na nasa kamay ni Dranelight.
"Bawal nga ito sa iyo"
"Why?"
"Ibigay muna Kasi ang baril sa kanya para tumahimik!" Asik Naman ni Naomi na tinatabunan ang mga mata sa sariling kamay.