CHAPTER 24 GLIGN SANTILLAN

" Papatayin Kita kapag may lason ito. Hinding-hindi ko pag-aaksayahan na magwali-wali kang buhay sa paligid kapag my kapilyuhan kang inihalo rito" ganyang yang si Int. Sobrang sweet.

"Hinding- hindi ko gagawin iyon kay Nadhelyn"

"Sa kanya—hindi, baka sa kin"

Doon ko na sinaway si Int. Hindi nito dapat nakalakhan ang ganitong tagpo. Baka mapritsuhan ko pa ang tenga nito. Saang banda ba talaga nagmana ito sa mabuti nitong mga magulang?

Tuluyan na nyang sinara ang pinto at naiwan akong nakatanga sa kapeng nasa side table ng aking sofa.

" Akin na itong isa ate" walang pasabing kinuha ni Int ang takip nito at nilagay sa mesa. Wala pa nga akong sinabi ginawa na. Di ba ang kapal ng mukha?

"Nahiya Naman ako. Hala baka may lason dyan. Ubusin mo para may headlines akong ibibigay sa pinsan mo sa school na nalason ka sa pagiging sugapa sa kape, " nagkibit balikat lang ito at nagpatuloy lang sa pag-iinom.

Napabuntong hininga na lamang ako at binalik ang tingin ko sa dyaryong ipinasok ko sa drawer ko.

Ilang saglit lang ay naglayag-layag sa paligid ang maingay na pag-higop ni Int sa kape nya.

"Ano? May lason pa ba o naubos mo na?" Hindi ko Sya tinignan, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa sa business section.

"Wala na, gusto mo iluwa ko at ibigay ko sa iyo para makasiguro ka?"

"Kadiri ka!"

*******

"Bayad na ako sa pinag-uusapan natin Miss R. " Nginitian ko Sya ng pirmi at mapupungay na mga mata ang isinalubong ko sa kanya. Tila para syang natulos nang bahagya kong pinapalandas ang takong ko sa paa nya sa ilalim ng mesa.

"But we knows na hindi pa natatapos ang transaction natin. Gusto ko pang makipagtransaction sa mga malalaking negosyante sa bansa. And I know you can help me" pinapaikot-ikot ko ang takong ko sa mga tuhod nya. Isang steak ang inorder ko kaya dahan-dahan ko itong hiniwa at binalingan ng tingin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Naramdaman ko na parang nagaganahan sya at natutukso. Ganyan lang, matukso ka lang.

"You know that I always gets my reward if may humingi ng tulong sa akin," inangat ko ang tingin ko sa kanya na may malumanay na ngiti.

" I'm professional with my words. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang gusto ko. But you know that I'm not just a professional in my job, isa rin akong high class mamatay tao. And " inihinto ko na ang pangtutukso sa kanya. Pinaglalaruan ng dalawa kong kamay ang kutsilyo ng panghiwa ng steak." Sa bawat kasulok-sulokan ng taong kinanegosasyon ko, inaalam ko para may bala ako. Kahit Naman lihim Nila ay Alam ko. Maaari mo bang garintiyahin ang nais ko?"

Totoo ako sa mga salita ko. At hindi ako nagbibiro. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya na may magandang ngiti. Nakita ko ang pagpapawis nya. Napailing na lamang ako.

"G-Glign Santillan. I can lend you his time" napakunot ang noo ko. Yong lalakeng yon? May ganitong negosyo?

Ang liit naman ng mundo. "Alright. This meeting is adjourned. See you in our next meeting, Mr. Baltimore" tumayo ako at nagtungo sa labasan. Iniliko ko ang aking daanan patungo sa elevator.

Ngunit napahinto na lamang ako ng may nakabangga ako na muntikan ng ikinatisod ng takong ko at ikasira ng gabi ko kung hindi lang ako nasalo ng nakabangga ko na may suot na silver glasses, white armani suit at seduction perfume.

"Ayos ka lang Nadhelyn?" Isang Bodycon backless dress ang suot ko ngayong gabi kaya ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad nya na nasa likuran ko.

A-anong ginagawa ni Tres rito?

Tinulak ko sya bahagya ngunit hawak nya pa rin ang bewang ko at inaalalayan na makatayo. " Thank you"

Inayos ko ang damit ko. Tila naramdaman ko ang insecurities sa sarili ko. Bakit ba Kasi nandito Sya? Sana inayos ko man lang ang sarili ko.

Bakit ba hindi ko kayang tignan sya sa mga mata?

"I never thought na messy hair lang ang style ng hair mo ngayon. I guessed being a Lady Regalia Rossford never changed your mannerism as Nadhelyn" inikot ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagkairita. Kailan ko ba makakalimutan ang pangalang iyan? Kailangan ko pa bang baguhin ang birth certificate ko, tanggalan ng Nadhelyn ang pangalan ko.

"Ano ba talaga ang gusto mong ipunto, Lacoste?" Pinagkrus ko ang mga braso ko.

Kumunot ang noo nya na parang nagtataka sa sinabi ko." Kaibigan Kita, Nadhelyn. Kahit ang sulok-sulokan ng parte ng pagkatao mo, Alam ko" mapakla akong napatawa.

Sana. Magdilang anghel ka Sana.

"Kasulok-sulokan? Lacoste wag kang magpatawa. Kahit magmukhang clown ka pa sa harapan ko you can not entertain me. Kaya cut the chase, Lacoste. If we were best friend before, sa nakaraan na iyon. Hinding-hindi na iyon magiging parte ng kasalukuyan," ang mga dugong nasayang sa walang dahilan noon. Ang mga katawan na bumahid sa musmos kong kaedaran ay kailangang pagbayaran. At Hinding-hindi ako titigil hanggat hindi nagbabayad ang mga taong dahilan sa mga nangyari. Sisingilin ko sila. " So Lacoste, kung ano man yang binabalak mo, aabangan ko yan. Yet, don't expect more, I will never be Nadhelyn that you known before. " I passed him. Ngunit agad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Alam ko ang salitang people's change. Kung nagbago ka man ngayon, babaguhin kita ulit at ibabalik ko ang magiliw kong kaibigan" nilingon ko Sya at Doon ko napansin ang sincere ng tingin nya sa mga sinabi nya. Matagal ko ng kilala si Tres. Kahit ang mga lihim nya ay alam ko. Kahit ang pagbabago ng ekspresyon at emosyon nya ay nalalaman ko, pero bakit sa puntong ito ay mahirap ng maniwala sa kabila ng mga nangyari.

"Bahala ka" sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak nya ." Bitaw"

Matigas ba ang ulo nya dati? Kung hindi ako tinatrayduran ng utak ko, hindi Naman Sya sakit sa ulo sa akin. Nakikinig Sya agad.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" Inirapan ko Sya at sinubukan na tanggalin ang kamay nya.

"Pakialam mo" sambit ko at napangiwi dahil humihigpit pa ang pagkakahawak nya.

"Sagutin mo ko" ano bang sakit ang isang ito? Kailangan na ba itong operahan sa utak mukhang nabrainwash yata eh.

"Bakit Q and A ba ito na kailangan kong sagutin ng impromptu? O exam sa school?" Pinilit kong tanggalin ang kamay nya sa palapulsuhan ko ngunit tila may maximum level pa itong dala eh.

"Hindi" simpleng sagot nya. " Concern lang ako"

Ang kapal.

"Kung concern ka bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong putulin ko. O baka naman gusto mong putulin ko para maging unique ka sa mga mata ng mga tao" himig sarkasmong sambit ko.

He smiled na ikinatigil ko. Ang lawak ng ngiti nya. Bakit Sya nakangiti? May sinabi ba ako na ikinangingiti nya?

I never saw this smile again when I came back to see him secretly.

Ito ang ngiti nya na madalas kong nakikita sa tuwing magkasama kami. I remember my teen's journal na kung saan nahuhumaling 'daw' ako sa ganitong klase ng ngiti nya." Nadhelyn" and the way how he said my name is like a sweet bliss.

I need to cool my composure. "Regalia" hinding-hindi dapat ako magpapadala sa kanya. He's a knife that will slice my emotional being. Delikado sya para sa akin.

"Nakalimutan mo ba ang una kong sinabi sa iyo nong una tayong nagkita? Just Regalia. No adds on. Just Regalia, keep in mind" tumalim ang tingin ko at nakita' ko ang pagbago ng mukha nya. Tila nanlumo sa sinabi ko.

"Hindi mo ba talaga ako bibitiwan?" Pilit kong tinatanggal ang ang kamay nya sa palapulsuhan ko ngunit paramg hindi iyon kaya ng lakas ko sa lakas ng mga lalake nahihirapan akong tanggalin iyon.

"Kapag binitiwan ba Kita Hindi ka na ba mawawala?" I gritted my teeth at masama syang tinapunan ng tingin.

"Wag ka lang magsalita, gawin mo para malaman mo!" Ang akala ko ay hindi na talaga nya ako bibitiwan ngunit para akong nadismaya ng bitawan na nya ang kamay ko at yumuko. " Nagagalak ako na makita ka sa lugar na ito" kung ganito kacorny ang lalake, saang mundo ko pa kaya ilalagay?

Nag-angat sya ng tingin at kumindat na ikinalaglag ng panga ko. Nagbalik na ba ang dating playboy Tres na kilala ng campus? "See you around"

Ano ba talaga ang plano nya? Kanina kung makatanong kung nong ginawa ko rito, parang papatay na ng tao sa Galit na bumabahid sa mga mata nya. And now, parang tuwang-tuwa pa sya.

Ang elevator ang naging sandalan ko sa pag-iisip sa susunod kong gagawin. Napadapo ang tingin ko sa palapulsuhan ko. Hindi man lang naiwan ang marka ng kamay nya sa palapulsuhan ko sa lakas ng pagkakahawak nya.

Ngunit anong pinagagawa nya rito? Ang layo naman ng Davao sa lugar na pinagtratrabahuan nya?

"Hindi kaya— wag naman."

Para makasigurado sa pinag-iisip ko ngayon, ibinalik ko sa floor na pinanggalingan ko ang elevator na sinsakyan ko. Ako lang Naman kasi ang nasa loob kaya madali lang. Bumukas ang pinto at agad akong nagtungo sa restaurant na pinanggalingan ko kanina. Hindi pa nga ako nakakapasok, dahil sa window glass at wall glass ang ginamit sa restaurant na ito na design, kitang-kita ko ang pakipagkamayan nila ni Mr. r na ang lawak ng mga ngiti nila na parang nakakaintindihan.

Bakit kilala nya si Mr. R? Ano ba talagang plano mo Tres? Isa ba ito sa mga palabas nya?

Sana man lang hindi.