Chapter 30

Lulan sa isang taxi kasama ang ina pauwi sa bahay nila, tinawagan ni Louise si Calvin upang hindi ito mag-aalala.

“Pauwi na kami ni Mama at malapit na kaming makarating sa bahay natin,” pagpaalam niya sa asawa.

Batid niyang hindi ito mapalagay dahil sa kanya. Ayaw pa sana siya nitong iwanan kanina nang tumawag si Scott dahil sa isang emergency meeting. Upang iwasang mag-away sila ay sumunod na lang ito sa gusto niya.

She was still thinking how she could tell Calvin all those things that she and Sabrina talked about.

“All right, honey, but how was your checkup? Is everything good?” ang tanong pa ng asawa niya.

Huminto ang taxi nang nakarating na sila sa bahay nila. Ang ina niya ang nagbayad bago sila bumaba.

“Calvin, I think we should talk about it in person. Maybe you can come home early?”

“Of course, hon! Tapos naman na ang emergency meeting namin, eh. But don’t worry about the problem here. Everything’s going to be fine.”

“Sige, buti naman.”

Habang naghihintay sa asawa ay nakangiti siya sa mga regalong dapat ibinigay nito sa kanya nang nakalipas na tatlong taon. May mamahaling perfume na paborito niya, isang sobrang nipis at seksing pantulog, mga branded na bag at sapatos, at kung anu-ano pa. Lahat ng iyon ay nagustuhan niya.

Lumipas lang ang kalahating oras ay dumating din ang asawa niya. Niyakap niya ito kaagad. Nagtaka man ito ay niyakap din siya pabalik.

“Is something wrong? What did the doctor say?” usisa nito.

Ngumiti siya rito. “I’m fine. I’m good… so is our baby.”

“W-what? We’re pregnant?” Halos mapalundag ito sa saya nang tumango siya.

Napatawa siya nang mapamura pa sa kasiyahan ang asawa at niyakap siya nito nang sobrang higpit at pinaliguan siya ng halik sa mukha na ikinatawa niya.

Umupo sila sa mahabang sofa sa sala at sinabi na rin niya ang lahat na nangyari kanina, ang pagkikita at ang pag-uusap nila ni Sabrina. Nakita niyang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Calvin nang marinig ito.

Napailing-iling ito. “I-I didn’t know that. No one did. She never said anything about it. I guess she just carried it on her own.”

“Sabrina is an independent woman. We know that, Calvin. Maybe she wanted to get through this in her own way and did everything in a twisted way. ‘Di ba kawawa naman siya? Tulungan naman natin siya. Puwede ba ‘yon? Nagkaroon kasi ng relapse ang anak niya ngayon kaya problemado talaga siya. Tapos, magpapakasal na rin siya next week. Mabait daw iyong lalaki. Tumutulong ito sa lahat ng makakaya nito para sa anak niya kung kaya’t napagdesisyunan niyang magpakasal na rin dito nang ayain siya kahit sa sitwasyon nilang mag-ina. They’ve been together for quite a while now. At ito lang ang tanging taong dumamay sa kanya. Napamahal na rin siya sa lalaking iyon kahit papaano at ang laki ng pasasalamat niya sa fiancé niya na ngayon. So, I think it’d be a happy occasion for them both on their wedding day if only her child is fine.”

Napahugot ng malalim na hininga si Calvin.

“Gano’n lang ba kadali iyon, Louise?” anitong napabuntong-hininga.

“Calvin, we’re going to have a baby. Don’t stress me out!”

Kinabig na lang siya nito at hinalikan siya sa batok.

“All right, honey. I’ll do anything you want me to. Even to forgive Sabrina. But don’t blame me if I’ll hate her again when the baby comes out.”

Hinampas niya ito sa dibdib at napasimangot dito. Napatawa lang sa kanya ang asawa at niyakap siya nitong muli.

“Fine! We’ll help her financially, but I don’t want to see her.”

“Ano ka ba? Dapat full blast na ang pagpatawad natin sa kanya. Bukas, bibisitahin natin ang anak niya. Then, we’ll talk to their doctor and do everything we can to save the kid. Her poor and innocent daughter, Calvin.”

Tumitig sa kanya ang asawa. “Okay. If you say so. You know that I love you, Louise, don’t you?” ang anito sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Napapikit siya ng mga mata. “Yes, I know that, Calvin. And you know that I love you, too, right?” Tiningnan niya ito sa mukha. Ngumiti ito sa kanya at hinalikan siya sa labi.

“Why do I feel bad now?” ang tanong pa ni Calvin na inaakbayan siya patungo sa kumedor para mag-snacks. “It’s like we don’t have a happy-ever-after kind of ending.”

Inismiran niya ang asawa. “Labag kasi sa kalooban mo ang pagpapatawad kay Sabrina kaya gano’n.”

Hindi na ito umimik. Parang nalunod ito sa sariling isipan.

***

Kinabukasan ay binisita nga nilang mag-asawa ang anak ni Sabrina sa ospital. She was a beautiful girl with eyes like Sabrina’s. Under chemotherapy raw ito pero kung hindi makayanan nina Sabrina ang gastusin sa ospital ay ihihinto iyon. Akala niya ay sa Pilipinas lang nangyayari ang ganitong senaryo. Hindi pala.

Calvin’s heart went out to the little kid. Even though he refused to see Sabrina’s face, he could not help but look at her and read her suffering. A mother was suffering because her little daughter was suffering from such a cruel disease.

Ibinigay ng kanyang asawa ang pasalubong nito para sa bata. Natuwa naman ito at kahit papaano ay napangiti rin si Sabrina habang nakatitig sa anak nitong naka-turban.

“Thanks for the presents, Aunt Louise, Uncle Calvin!” ang masayang sabi ng bata sa kanila na tila anghel kung magsalita.

Napakapit siya sa kamay ng kanyang asawa. Pagkatapos nilang makipag-usap sa doktor ay nalaman nilang kahit sa relapse nito ay may pag-asa pa itong mabuhay nang ilang taon kung hindi man tuluyang gumaling.

Now, he fully understood why Sabrina did all she had to that night three years ago. Pero kung humingi naman ito ng tulong sa kanya sa malinis na paraan, sigurado siyang hindi naman niya ito mahihindian dahil sa itinuring niyang kaibigan ito noon. Hindi lang empleyado niya. Siguro nga ay natakot lang itong mahindian dahil sa laki ng halagang kailangan nito.

Napagtanto niyang nagkakamali sa pagpili ng tamang desisyon ang isang tao kapag nagigipit at sobrang emosyonal. Hindi nakapag-isip-isip nang tama kaya mali-mali ang nagagawa. Dahil dito ay may ibang taong nadadamay at nagdurusa. It was a chain reaction.

“We’re going to dine out and stay out for the entire night. Just the two of us,” ang ani Calvin sa asawa habang nagmamaneho siya ng kotse papalayo sa ospital.

Napangiti ang asawa niya. “Is it just a date?” tanong nitong hinawakan siya sa hita at hinaplos iyon.

“No, honey. It’s another honeymoon after Vigan.” He chuckled happily. “It’s going to be a hell of a delightful night because I’m gonna promise you again that I’ll love you forever.”

Napatawa ang asawa niya at hinalikan siya sa labi.

“I don’t mind the ‘hell of a delightful night,’ because you see, I love you, too, Calvin! And I can say that we’re going to have that happy ending now, aren’t we?”

Napatitig siya sa asawa at nginitian ito. Maluwag na ang dibdib niya ngayon at ginawaran niya ito ng halik sa labi.

“Despite everything that happened, I’m still lucky to have you in the end.”

“Calvin, what we’ve been through is just a test to make our love stronger and to make us stronger and better people, too. Hindi ba?”

Tumango siya rito bilang pagsang-ayon. “I promise not to let go if things go rough in our marriage, hon, because I know they’re just a part of our life.”

“Dapat linya ko ‘yan, eh.” Napatawa ito sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang likod niyon. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi niya iyon bibitiwan kahit anumang mangyari dahil kung wala si Louise sa buhay niya, alam niyang hindi rin siya magiging maligaya.

-- Wakas --