Chapter 29

“According to our series of different tests, we found out that you’re nine weeks pregnant, Mrs. Fernan,” natutuwang balita ng babaeng OB-GYN dahil ni-refer sila rito ng kanilang family doctor.

Nabigla si Louise ngunit natuwa siya nang marinig ang balitang ito. Napatingin sa kanya ang ina niyang napakalaki ng ngisi sa kanya.

“Morning sickness just doesn’t happen in the morning. It’s also either in the afternoon or at night,” ang dagdag pa ng doktor.

Napakagat-labi siya dahil doon. May ganoon pala.

“Oh, thank you, doctor!” ang sabi ng mama niyang sobrang luwag ng ngiti.

Hindi nila kasama si Calvin dahil may emergency ito sa opisina. Hinatid lang silang mag-ina sa ospital. Gusto pa talaga sana nitong sumama pero iyon nga, siya na ang nagpumilit kay Calvin na pumunta sa trabaho at nang hindi naman masabi ng BOD na pabayang CEO ang asawa gayong halos beinte kuwatro oras itong on call sa opisina.

“Ma! Narinig mo ‘yon? Wala pala akong sakit, eh!” she blubbered.

“Oo naman. Kaya nga nagpasalamat ako sa doctor, ‘di ba? ‘Di ko akalaing magkakaapo na ako kahit inasahan ko na ‘to!” ang natutuwang sabi ng ina niya. Nagniningning ang mga mata nito at hinaplos siya sa pisngi.

Nang makalabas na sila sa klinika ng doktor sa ospital na iyon ay pinagbawalan niya muna ang inang sabihin kay Calvin ang tungkol sa pagkakaroon nila ng baby.

“Bakit naman?” usisa ng ina.

“Ma, isosorpresa ko sa kanya.”

“Hmm… Sige na nga. Excited pa naman sana akong balitaan siya. Alam mo namang nag-aalala iyon sa kalagayan mo ilang hapon na, ‘di ba? Ikaw talaga. Huwag mo nga kaming takutin ni Calvin.”

May isasagot sana siya sa ina ngunit natigilan na lang siya nang bigla niyang nakita si Sabrina na lumabas mula sa isang klinika.

“Ah, Ma? Hintayin mo na lang ako sa labas, ha?”

Nakita naman ng ina niya ang nakita niya kaya napabuntong-hininga itong tumango sa kanya.

“Sige. Huwag kang masyadong magpapa-stress katulad ng sinabi ng doktor sa ‘yo, ha? Masama ‘yan sa bata,” ang paalala nito.

Tumango lang siya at iniwan na ang ina na saglit siyang sinundan ng tingin bago ito nagtungo sa labas para doon na maghintay sa kanya.

Lumapit si Louise sa Amerikana. Hindi siya napansin ni Sabrina na may kausap na isang nurse na may edad na.

“Please, could you double check the list? Her name should be the first one on there,” pakiusap ni Sabrina sa nurse.

“I’m sorry, Miss Wiliams. She’s not,” ang nailing na paumanhin ng nurse at iniwan na nito ang tila balisa at desperadang babae.

“Sabrina?” tawag ni Louise dito at lumingon ito sa kanya.

“L-Louise!” Sabrina’s makeup seemed to be washed haphazardly from her face. Halatang umiyak ito, dahil nadungisan ang maganda nitong mukha ng mascara.

Agad naman nitong pinahid ang mga luha gamit ang mga daliri.

Napabuntong-hininga siya at iniabot dito ang facial tissue niya. Nagpasalamat ito sa kanya na may matipid na ngiti ngunit kitang-kita sa berdeng mga mata nitong napakalungkot at tila nawawalan ng pag-asa.

“Can we talk somewhere?” ang tanong ni Louise sa babae.

Napatitig ito sa kanya at tumango.

“What happened?” tanong pa niya rito nang nasa isang refreshment shop sila malapit sa ospital. “Why are you in this… kind of state?”

Napatawa nang mapakla si Sabrina. Then, the woman nervously searched for a cigarette in her purse. She took one, lit it, and took a puff.

Hindi alam ni Louise na naninigarilyo pala ang babaeng ito.

“I’m sorry. You mind?” anito sa kanya.

Umiling lang siya. “Just don’t blow it my way,” ang aniya rito. Nag-sorry siya nang tahimik sa kanyang baby. Ngayon lang naman ito.

Napangiti sa kanya si Sabrina at lumingon upang doon ibuga ang aso ng sigarilyo. Buti na lang nasa outdoor sila at hindi papunta kay Louise ang hangin.

“I think you should know the truth now, Louise,” Sabrina paused.

Hindi naman siya umimik dahil naghihintay siyang magpatuloy ito sa pagsasalita. Napatitig lang siya rito.

“I met Calvin like six or seven years ago. I worked for him at his company. I got a kid⸺”

“Wait. You got a kid? With Calvin?” napamaang na aniya rito.

“Hell, no!” Napatawa ito sa kanya kaya tila siya nabunutan ng tinik. “Yes, I liked Calvin so much, but it was a guy that I had a one-night stand with. Stupid as it may sound, we forgot to use some protection. Anyway, I got a kid with him.” Bumuntong-hininga ito at bumuga ng aso sa likuran nito.

Pinaypay naman iyon ni Louise palayo sa kanya para hindi niya malanghap. Sa kalooban niya ay relieved pa rin siyang wala pala itong anak kay Calvin. Bakit kaya hindi ito nabanggit ng asawa niya?

“She’s five now,” dagdag ni Sabrina saka nakita niya ang unti-unting namumuong luha sa mga mata nito. “She’ll be six in four months, you know?” Saka tuluyan nang nalaglag ang mga luha nito. “She’s been diagnosed with acute lymphoblastic leukemia when she was just two and a half.”

Naiiling si Louise sa kanyang narinig. “I’m sorry to hear that, Sabrina,” simpatya niya sa babae.

Tumango ito sa kanya. “Thank you. So, you see, Louise? I had to make some more money, lots of it, so I could get her for treatment. I did everything I could. I even tried to seduce Calvin, so I could extort money from him.”

‘Diyos ko. Desperada talaga siya.’

“I thought that with you out of the city, it was the perfect time,” pagpatuloy ni Sabrina. “I swear, it was not my plan for you to see it. I thought that I could just secretly blackmail Calvin, after he’d see us together in your bed, and with a photo as evidence. I thought I could use it against him. But that went wrong when you came home early. You were not supposed to be there. I could only smile bitterly at my disappointment at the time.”

‘Hindi pala ‘yon ngiti ng tagumpay?’ sa isip ni Louise.

“Yes. That was what I did three years ago, Louise. Blackmailing Calvin was the idea, without you knowing it. I knew that I could destroy such a beautiful relationship between you and your husband, but my daughter was dying! I had to do everything I could—even sell my soul to the devil just so my baby can survive!” Saka tuluyan na itong napahagulhol.

Napakagat-labi siya habang nakatitig sa nahihirapang babae. Magiging ina rin siya kaya kahit na ganito pa kaaga ay naintindihan niya si Sabrina. At siguro, kahit hindi pa siya buntis ay maiintindihan niya kung gaano kadesperadang babae si Sabrina.

“And now, I’m relying on some donation from a foundation. But the nurse said that my daughter’s name’s not on the list. It’s a fucked-up system. I hate it so much!” Naiiling itong naluluha pa rin.

Pinakawalan ni Louise ang isang mabigat na hininga. Naaawa siya kay Sabrina, lalo na sa anak nito.

“I’m so sorry about what happened and for what I did, Louise. You and Calvin are such beautiful and very nice people. I knew you loved each other more than anything. I’m so sorry for being the cause of your heartache and for destroying your happiness just like that… for my selfish reason. I will always be remorseful for what I did to you two… I’ll regret it until my dying breath.” Umiiling itong napaluha at binitiwan ang sigarilyong hindi pa lubos na naupos. Tinapakan nito yaon ng suot nitong hilya. Tila ba lahat ng sama ng loob nito ay ibinuhos sa sigarilyong iyon.

Kitang-kita ni Louise ang paghihirap ni Sabrina. Ang pagmamahal nga naman ng ina sa anak ay sobrang napakalaki, hindi nasusukat. Nagawa nitong makapanakit ng ibang tao at nakagawa ng masama para lang sa ikabubuti ng anak. Para iligtas ito.

Lumambot ang puso ni Louise para kay Sabrina. Kahit siya man ay naluluha habang nakamasid sa babaeng tinakpan ang mukha habang patuloy ito sa paghagulgol sa harap niya. Hindi man lang niya alam kung paano ito aaluin.