Chapter 24

“Ano? Ako ang iiwan mong mamahala sa travel agency? Kailan ka naman babalik?” ang usisa ni Marcia kay Louise nang ibinalita niya ang tungkol sa pagsama kay Calvin sa Amerika.

“Hindi ko pa alam.” Umiling siya. “Tatawag-tawag lang ako sa inyo at mangungumusta. Si Stella na ang bahala sa ledger dahil siya naman ang may alam sa lahat ng financial matters. Pero ikaw ang gagawin kong manager habang wala ako,” sabi pa niya kay Marcia nang nagpulong silang apat bago umuwi ang mga ito sa hapong iyon.

Tumango naman si Marcia saka bumaling siya kay Nicole. “At ikaw, Nicole, igihan mo ang advertisements natin. Alam mo na ang gagawin, ha, Nicholas.” May tiwala naman siya sa lahat ng empleyado niya. Alam niyang kaya ng mga ito ang trabaho nila.

Tumango naman ang bakla.

“At kung ayos pa rin ang kita natin sa susunod na buwan, kayo na ang bahalang magdagdag o hindi ng bagong tauhan natin. Kung may mga mag-o-OJT, tanggapin ninyo. Mabuti na iyon. Mapapagaan ang trabaho ninyo at makakatulong tayo sa kanila na matuto.”

Tumango naman ang tatlo bilang pagsang-ayon sa mga bilin niya. Napatingin silang lahat sa entrance nang tumunog ang chimes, hudyat na may pumasok.

Si Anthony.

Nagngitian tuloy silang lahat ngunit napansin niyang hindi nakangiti si Stella. Na-conclude na lang niyang may problema nga ang mga ito.

“Anthony, nice to see you again,” ang nakangiting bati niya sa dating manliligaw.

“Hi, Louise,” ang bati rin nitong napasulyap kay Stella na walang imik na bumalik sa mesa nito. At iyon din ang ginawa nina Marcia at Nicole dahil naghahanda na ang mga itong umuwi.

“O, tagal mo na ring hindi napadalaw rito, ah.” She said it in a friendly tone.

“Ah, medyo busy kasi. Siyanga pala, narinig ko ang tungkol sa… asawa mo,” baling ni Anthony sa kanya pagkasulyap kay Stella.

Napatingin siya kay Stella na hindi naman nagbigay ng anumang reaksyon tungkol doon. Bumaling siya sa lalaki at napangiti.

“Ah, oo. Okay na kami ngayon. In fact, pupunta kaming US next week. Nakahanda na ang lahat at isasama namin si Mama,” pahayag niya.

Napatitig sa kanya ang lalaking nakapamulsahan sa suot na slacks. Hindi ito agad nakapagsalita. Nakangiti naman siyang nakatingin dito.

“May… problema ba kayo ni Stella?” Dahil concerned siya kaya siya napatanong.

“Ah, medyo…” Napahiya ang lalaking bahagyang napakislot ng mukha.

“Dahil siguro sa nanay niya, ano?” ang sabat pa ni Nicole.

Pinandilatan niya ang bakla ngunit hindi naman sumagot si Anthony sa sinabi nito.

“Umuwi na nga kayo ni Marcia at susubukan kong ayusin ang dalawang ‘to,” pagtabuyan na lang niya. Nag-aalala naman kasi siya kay Stella dahil first time nitong magkaroon ng boyfriend.

Nakita niyang tila nataranta ang paningin ni Stella ngunit hindi ito makaimik. Umalis naman na ang dalawang tauhan niya, tumalima sa kanya.

“Hindi kasi siya nakipagkita sa ‘kin. Ayaw rin namang sagutin ang mga tawag ko,” ang wika ni Anthony na tila nagsusumbong sa kanya saka napakamot ito ng ulo.

Napasimangot naman siya. Nakita niyang umeksit si Stella patungong mini kitchen at tila nagkulong doon habang nandoon si Anthony sa opisina nila.

Napakurap-kurap naman siya at napatinging muli sa lalaki. “But why?” tanong naman niya sa lalaki. Nalilito sa kaganapan.

“I told her that… I’m still in love with you, Louise.”

Napamaang siya. “Anthony…”

“Ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko noong binasted mo ‘ko. Akala ko, kung gagawin ko ‘yon, mawawala na ang pagmamahal ko sa ‘yo. I kept my distance from you, Louise. Pero… hindi talaga kita makakalimutan… Mahal pa rin kita, Louise…” And he stepped closer to her and held her hand.

That was when her husband chose to walk in.

“Louise, what’s the meaning of this?” he thundered.

Nakita niya ang panlilisik ng mga mata nito. Bumitiw siya kaagad sa pagkakahawak sa kanya ni Anthony saka lumapit sa asawa.

“Calvin, let me explain.”

Masama ang tingin nito kay Anthony. Nakakuyom ang mga palad ni Calvin at nakita naman niyang taas-noong nakatingin si Anthony sa asawa niya.

‘Oh, God! This is not happening!’ she prayed miserably.

“So, you’re her long lost husband. I heard what you did to Louise,” ang sabi pa ni Anthony.

Walang sabi-sabi ay sinapak ito ni Calvin sa mukha.

“You heard wrong, man! And I’m still her husband! Don’t you ever touch her again!” galit na anito.

Napasapo si Anthony sa duguang bibig. Noon ay lumabas si Stella na umiiyak at nilapitan ang boyfriend nito.

“Anthony!” bulalas nito.

Nakita ni Louise na na-caught off guard ang asawa. Hindi nito alam na nandoon pa sa opisina si Stella. Napatingin ito sa kanya na nagtatanong ang mga mata at may pagkalito sa hitsura nito.

“Anthony’s Stella’s boyfriend, Calvin,” ang sabi pa niya sa asawa.

“But why was he holding your hand when I walked in?” ang galit na tanong nito.

“Hay! I’ll explain it to you later.” Saka bumaling siya kina Stella at Anthony. “Just straighten yourself, Anthony. I love my husband. At dapat iingatan mo si Stella dahil mahal ka niya. Don’t be stupid! Pero kung hindi mo talaga kayang mahalin si Stella nang totoo, just stop hurting her or I’ll… I’ll hurt you myself!” banta pa niya rito. “Bastard!”

Hindi naman nakaimik ang lalaking sapo pa rin ang bibig na inaalalayan ng nobya nito. Kinuha na lang ni Stella ang bag nito at umalis na itong kasama si Anthony.

Napabuntong-hininga naman si Louise at saka napatingin sa kanyang asawa.

“I’m sorry for what I did to him,” ang sabi pa ni Calvin. “I was just jealous…”

“Oh, that was good for him! Perhaps it was even a wake-up call for him. Such an asshole, really! Sinabi niyang mahal niya ako at ginawa na niyang nobya si Stella. I didn’t know he was doing it just because of his selfishness. Ang akala ko pa naman ay totoo siya kay Stella. Ginamit niya lang pala iyon.”

“What?” Napasimangot ito at akma nitong habulin ang dalawa ngunit pinigilan niya ito sa kamay.

“Tama na. They’re adults, anyway. I think they can sort it out on their own.”