Chapter 20

Napakuyom ang mga palad ni Louise. If she had only stayed and fought for her right and for her love, sana ay buhay pa hanggang ngayon ang ina ng asawa niya. How she hated herself for leaving that night. Napaiyak pa siyang lalo at inaalo naman siya ni Calvin.

“Please, stop crying and stop blaming yourself. It’s all Sabrina’s fault! It wasn’t yours, hon. If she didn’t do what she did, then none of this would’ve happened! And that’s one of the reasons why I can’t simply forgive her even if she asked for it a million times.”

Nahihimagsik na rin ang kalooban niya. Tama. Ang babaeng iyon ang may dahilan sa lahat ng paghihirap nilang mag-asawa. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya ngayon? She had already walked away three years ago; she hid herself with her mother; and she couldn’t turn back time. She only had to love her husband now, fight for him when necessary, and still love him for the rest of her life. Iyon na lang ang puwede niyang gawin ngayon, moving forward.

Napayakap na rin lang siya sa kanyang asawa at nagso-sorry rito nang paulit-ulit. Then, he kissed her lips to assure her that everything would be fine from now on.

Ang pagluluksa niya sa kalooban ay pinalitan naman ng kaligayahan ng lalaki. Nagmistula silang nagho-honeymoon ngayon. Nakakulong lang sila sa kanilang lovenest buong araw.

Kinagabihan ay dinala siya nito sa isang disenteng restoran. They enjoyed the food and wine, and they went back to the hotel to make love again and again. Parang binabawi nila ang mga taong hindi sila nagkasama dahil lamang sa isang sakim na babae. And they wanted to forget that and move on… even though it was not that easy.

“Eiii… Hindi ko pala natawagan si Mama. Ikaw kasi, eh! Baka nag-aalala na ‘yon,” biglang naalala na naman niya ang kanyang ina.

Kapwa sila nakahubad na nakahiga sa kama at kasisiping lang nilang dalawa. Hinatak siya ng asawa pabalik sa kama. Nakayakap ito sa kanyang baywang.

“Sorry, hindi ko nasabi. Tinawagan ko na siya ulit bago tayo nag-dinner at humingi ng despensa dahil hindi kita ulit iuuwi sa inyo ngayong gabi.” Saka ngumiti ito sa kanya nang pa-charming.

Napangiti na rin lang siya rito. “O? At ano naman ang sinabi niya sa ‘yo?” aniya sabay higa sa tabi nito.

“Hmm… Ano pa nga ba? Masaya siyang nagkabalikan na tayo at hindi mo ako pinaghintay nang matagal.”

“Ows? Iyon lang ba? Duda ko meron pa, eh,” nakangiting aniyang nakataas naman ang mga kilay. Pinasingkit niya ang mga matang nakatingin sa lalaki.

Napatawa ang kanyang asawa dahil dito. “Ano sa tingin mo ang sinabi pa ni Mama, hmm?”

Napangiwi siya habang nag-iisip.

“Hmm… Ang cute mo talaga kapag nag-iisip!” ang sabi pa nito at hinalikan siya sa pisngi nang nanggigigil.

Napahagikhik naman siya. “Teka lang. Nag-iisip pa ako.”

“Isip ka nang isip. Dapat ay huwag na. Sasabihin ko na lang ang sinabi ng mama mo sa ‘kin.”

“Talaga? Ano naman iyon, aber?”

“Oo. Ang gusto niya ay isang… apo,” dahan-dahan pang sabi nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.

She caught her breath when he said it. “Oh, my God… Calvin…”

Niyakap na siya nito nang mas mahigpit. “I’ve been thinking… since you left me… if we had a child back then, iiwan mo pa rin ba ako, Louise?”

Napatitig siya sa asawa. Napaisip siya sa sinabi nito. Kung may anak nga ba sila noon ay hindi niya maiwan si Calvin? Maybe she still would or maybe she would not. She was not sure. But maybe she would. She was blinded at the time. Maybe she would take the child with her.

Napabuntong-hininga siya at saka hinaplos ang pisngi ng asawa. Tinitigan ito nang maigi.

“I’m sorry that I didn’t fight for you. I was really stupid, Calvin. Kung may anak tayo noon, baka iba naman ang istorya natin. Pero sa mga oras na ‘yon, I couldn’t even think straight. Hindi ko nga naisip kung ano ang mararamdaman ni Mommy at kung ano ang mangyayari sa kanya. Hindi ko man lang naisip na komprontahin si Sabrina at ipaglaban ka. O kaya ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa mo. Kahit na pakapalan ko pa ang mukha ko kung sakaling totoo ngang nagniig kayo noon. Because if I did, none of this would have happened. I was just… too blinded by jealousy and pain at the time. My judgment was clouded, and I did something impulsive that I would regret for the rest of my life.”

Umiling ang asawa niya. “I couldn’t and can’t blame you, hon.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “I was so mad at you for leaving me, for not trusting me, but I never blamed you for leaving me behind. I was also feeling stupid at the time, not knowing how I could get you back. For not finding you in time despite the technology⸺”

She put a finger on his lips. Tinitigan niya nang husto ang asawa. Ilang saglit ding naghinang ang kanilang mga matang seryosong nakatitig sa isa’t isa.

“Calvin, let’s promise to forget it all now. And… if you’re up to my mom’s job for you, you’re going to make love to me all night! All right?” panghahamon pa niya sa asawa.

Napatawa tuloy ang kanyang asawa sa sinabi niya. Malinaw na ang saya-saya nito at daig pa ang nanalo sa lotto.

“I’ll do whatever it takes to do the job well, honey! And there’s nothing I wouldn’t do to love you to the fullest. There’s nothing!” he answered and began to kiss her lips and neck. Pababa iyon sa kanyang mapagmalaking dibdib.

Tanging halinghing niya ang sumunod na maririnig nang simulan siyang pasayahing muli ng asawa.