Chapter 12
Nang umibis si Louise ng kotse ni Calvin, nakita niyang lumabas si Nicole sa mini kitchen. Hindi niya napansing sumunod pala sa kanya ang asawa sa loob at ang bakla naman ay napatingin sa kanya at sa lalaking naghatid sa kanya sa opisina.
“Ow, kaya ka pala na-late ngayon, Louise,” ang sabi pa ng bakla.
“Nicholas…” Inis siya dahil sa panunukso ng bakla. Tuloy natawag niya ito sa totoong pangalan nito kagaya ng nakasanayan niya. “Don’t start,” tanging dagdag niya at nagtungo na sa kanyang mesa.
She refused to look at her husband. Nalaman na nito kung sino ang Nicholas na tumawag sa kanya kanina sa bahay. She would hate to look at the amusement in his eyes. She knew that.
Hindi siya nag-angat ng paningin para hindi makita iyon.
“Hi, I’m Nicole.”
Ang narinig ni Louise na pakilala ng bakla kay Calvin at saka napatingin siya kay Marcia na parang nabato-balaning napatingin sa asawa niya⸺kahit na rin si Stella. Ngunit nakuha naman nitong tumingin sa kanya na may mga tanong sa mga mata at may panunukso.
“Nicholas?”
Ang narinig niyang paniniyak ng asawa kay Nicole. She still refused to look at him, dahil alam niyang nakatingin ito sa kanya ngayon pagkatapos nitong makipagkamay sa bakla.
“Ah, oo. Iyan ang ipinangalan ng mga magulang ko sa akin dahil hindi nila alam na babae pala ako. Actually, it’s Nicole,” ang sabi ng bakla at humagikhik pa ito. “And you are?”
She pretended to browse her e-mails now. Ini-on na kasi ang computer niya ng sinuman sa kanyang mga tauhan. She bet it was Stella who was thoughtful enough. Malinis na rin ang mesa niya. Siguro ito rin ang naglinis niyon.
“Oh, I’m Calvin Fernan,” ang tugon ng lalaki sa malalim nitong boses.
She bet her life that he was smiling when he said it. Halatang proud ito.
“Ah, pinsan ka ni Louise?” tanong pa ng bakla na muntik nang ikinahulog niya sa kanyang inupuan.
‘Gagang baklang ‘to! Ginawa pa akong incest.’
Sabagay, hindi pa kasi nakilala ng mga tauhan niya ang pinsang nagtatrabaho sa labas kaya inakala ng mga ito na si Calvin iyon.
“Oh, no. Actually, I’m Louise’s husband,” ang tila kaswal namang tugon ng lalaki. And he chuckled.
“Ano?” sabay na bulalas ng tatlong tauhan niya.
Napatingin siya sa mga ito. Nakita niya ang pagka-shock at nagulumihanang tingin ng mga ito. Lumapit sa kanya sina Marcia at Nicole na namilog ang mga mata.
“T-teka. Fernan? Fernan ang apelyido ng asawa mo? Meaning, all this time…” anang Marcia na hindi na ipinagpatuloy ang nais sabihin.
“I didn’t lie to you, guys. Hindi ko lang sinabi sa inyong may asawa na ako. And it’s about my personal life, my private affairs. That’s it.” She dismissed them all by saying that, and she caught a glimpse of her husband’s amused smile.
Nai-imagine lang talaga ni Louise kung ano ang nasa utak ngayon ni Calvin. Malamang nasisiyahan ito ngayon na sa wakas ay nalaman na ng mga tauhan niyang may asawa siyang tao.
“I think I’m gonna leave you all to work now. Have a good day to you, and it’s good to meet you, Nicholas… I mean, Nicole,” ang sabi pa ng asawa niyang kumindat sa kanya bago ito umalis.
Tuloy lumundag ang puso niya dahil sa ginawa nito.
‘Sheeet! Good mood na ang loko nang makilala si Nicholas!’ nasa isip pa niya. Kahit papaano ay natutuwa naman siya nang hindi mawari. Siguro dahil hindi na niya kailangang itago ang civil status sa mga ito.
Pagkaalis ng kanyang asawa, inakala pa niyang babalik na sa trabaho ang kanyang mga tauhan ngunit maling-mali siya. Nagkumpol na ang tatlo sa mesa niya.
“Kailan ka pa nag-asawa, ha? Bakit hindi namin alam ‘yon?” usisa ni Marcia sa kanya.
“I don’t want to tell you the story. Naghiwalay kami dahil sa isang third party. Now, he’s back in my life, and he wants us to have a second chance.” She tried to explain it in the fastest way she can. Ayaw niyang mag-divulge sa detalye.
Ngunit makulit ang mga ito at hindi siya tinigilan hanggang sa nasabi na niya sa mga ito ang totoo.
“Ay, tingin ko, gaga ka talaga, Louise,” ang husga ni Nicole sa kanya sa wakas. Nakasimangot pa itong nakatitig sa kanyang naiiling. Nakalabi pa ang bakla.
Nakita niyang napakuros ng mga braso si Marcia sa dibdib nito at napabuntong-hininga naman si Stella.
“Ano? Hoy! Kung ikaw pa iyon sa lugar ko, gagawin mo rin ang ginawa ko. Paano kung may kasama ang boyfriend mo sa kuwarto ninyong dalawa, ha? Ano’ng gagawin mo, aber?” inis na pakli niya sa bakla.
“Aawayin ko ang girlalu! Sasabunutan ko siya hanggang makalbo siya at hindi na siya babalikan ng fafa ko!” taray naman nitong umirap sa kanya at nakaismid pa.
“Ha?” napasimangot na aniya.
“Oo! Dapat iyon ang ginawa mo noon dahil ikaw ang legal wife!” ang dagdag ni Marcia. “At dagdagan mo na rin ng mag-asawang sampal. Gano’n dapat ‘yon!”
“Oo nga. At ‘di ba, hinabol ka naman niya para magpaliwanag? Pero ikaw ang hindi nakinig. At dapat kung mahal mo talaga siya, dapat wala kang alinlangan sa kanya. Paniniwalaan mo pa rin siya,” mahinahong saad ni Stella.
Hindi siya nakapagsalita. Napamaang lang siya sa kanyang mga tauhan na lahat ay nakatingin sa kanya, with accusing looks. Parang siya pa ang may kasalanan ngayon kung bakit sila nagkahiwalay ni Calvin.
“Seriously? Ako talaga ang may kasalanan ngayon?” Itinuro niya pa ang sarili at napasingasing.
Hindi siya makapaniwala sa mga ito. Hindi man lang siya inunawa ng tatlo. Kay Calvin pa talaga ang simpatya ng mga ito.
Napakapa siya sa sarili. Siguro nga ay may kasalanan siya.
Napabuntong-hininga siya at napasandal sa kanyang upuan. She closed her eyes momentarily and tried to erase Sabrina’s triumphant smile that night.
Gusto niyang mapaiyak. Sumikip ang dibdib at lalamunan niya.
If Calvin was innocent, then she was truly the guilty one here, ayon sa sinabi ng kanyang mga tauhan.
And how she regretted it now…