Chapter 31:
"Kie..." Tawag ko sa kanya ng makita siyang kumakain sa sala. Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita.
"Ano kasi..." Nag-aalinlangan kong sambit.
"What?" Taas-kilay niyang sambit.
"Ano.. Uhmm..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko kung kaya't napakamot na ako sa batok ko.
Kumunot ang noo niya at parang naiinis na. Mababakas mo na rin ang pagkairita sa kanyang mukha.
"May importante ka bang sasabihin? Dahil kong wala aalis na ako."
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Magpapasama somewhere kay Yohan..." Sagot niya at pumunta sa kusina.
"Bakit sa kanya pa? Sasamahan na kita—" Sambit ko saka siya sinundan sa kusina.
"Huwag na makaistorbo pa ko sa inyo ng girlfriend mo atsaka pwede ba sabihin mo na ang sasabihin mo." Inis niyang sambit sa'kin at nagkibit-balikat pa.
Hindi ako sanay na ganyan siya. Hays.
"Gusto ko lang sabihi—"
"Babe! Goodmorning!" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Nicole at hinalikan ako sa pisnge.
Napatingin ako kay Kie at nakita ko naman ang pag-irap niya sa'min.
"Ano bang pinag-uusapan niyo, babe?" Tanong ni Nicole at kumapit pa sa braso ko.
"Nothing important..." Sambit ni Kie at aalis na sana ng pigilan ko siya
"What?" Asar niyang tanong sa'kin.
"Iyong sasabihin ko ay huwag muna sana makaabot sa ibang members ang tungkol sa'min ni Nicole. Ayoko din malaman ng parents natin. Malalaman din naman nila pero gusto ko, ako ang magsabi..." Tinignan niya lang ako ng walang emosyon at napayuko sabay tanggal ng kamay ko sa kanya.
Napatingin naman ako sa kamay ko ng maramdamang may tumulo roon.
Umiiyak siya? Sh_t!
Hindi naman talaga iyon ang sasabihin ko pero bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Argh! Ang b_bo mo, Yuri!
"Babe?" Tawag sa'kin ni Nicole.
"Uh.. Ahh.. Tara maupo ka." Sambit ko at inaya siya muli sa sala.
Napaayos naman kami ni Nicole ng upo ng marinig namin na may bumusina sa labas. Tumayo ako at lumabas saka pinagbuksan ng gate si Yohan.
"Si Kieseyah?" Tanong niya pagkababa sa kotse.
"Hi! Yohan," Natigilan naman siya ng makita si Nicole.
Tinignan niya lang si Nicole saka siya nilagpasan.
"Musta na?" Masayang sambit ni Nicole.
"I'm fine, thank you." Sambit niya at pilit na iniiwasan si Nicole. Mapapansin mo iyon sa kilos niya na parang galit siya kay Nicole at ayaw niyang kausap ito.
"Ahh... Nicole iyong mga dala mo dito. Ano ba ang mga ito?" Tanong ko kay Nicole dahil baka masigawan siya ni Yohan kapag kinulit niya pa ito.
"Mga pagkain iyan para sa inyo ni Kie," Sambit niya at lumapit na sa'kin.
"Ayusin ko muna ito sa loob ng ref," Sambit ko at binitbit ang mga ito dala niya.
"Tulungan na kita," Sambit ni Nicole at pasimpleng hinawakan ang kamay ko.
"Kieseyah!" Nakangiting sambit ni Yohan.
Tss! Itong babaeng ito ngumiti din sa kanya. Bakit sa'kin ayaw mo nang ngumiti ng ganyan?!
"Hoy, babe!" Sigaw na bulong ni Nicole.
"A-Ano 'yun?" Utal kong tanong at napalingon kay Nicole.
"Kanina pa ko nagtatanong kung saan ilalagay itong soup saka ano ba iyang ginagawa mo?" Sambit niya at kinuha sa'kin ang hawak ko.
"Bakit?" Takhang tanong ko sa kanya.
"Anong bakit? Pinaghalo mo lang naman ang lutong isda sa hilaw! Kung saan-saan ka kasi nakatingin." Inis niyang sambit at padabog na tinapon iyong pritong isda na nahaluan ko nang hilaw .
"Sorry..." Hinging paumanhin ko sa kanya at napayuko.
"Alis na kami, Yuri." sambit ni Yohan sa'kin at binitbit ang bag ni Kie.
"Kie," Tawag ko ng nasa pintuan na sila
"Bakit?" Kunot-noo nitong sambit.
"Umuwi ka agad, ah?"
"Why so concern kung uuwi ako ng maaga o hindi? Hindi ka naman ganyan dati..." Ngiwing saad niya.
"Syempre asawa kita..." Sambit ko at ngumiti sa kanya ng bahagya. Nakita ko naman ang pag ngisi niya.
"Asawa? Ah! Oo nga, asawa mo pala ako sa papel..." Mahina lang ngunit sapat na para marinig ko.
Maya-maya ay lumapit na si Yohan sa'min at lumapit ito kay Kie.
"Ahh. Kie. Ayos na iyong kotse mauna ka na muna doon. Susunod ako." Sambit ni Yohan at tinanguan siya ni Kie.
Nang masiguro niyang nakapasok na si Kie sa kotse ay nawala ang ngiti niya at seryoso itong tumingin sa'kin.
"Kung akala mo wala akong alam sa nangyayari sa inyo ni Kie ay nagkakamali ka." Kinabahan naman ako sa sinabi niya ngunit hindi ako nagpahalata.
"What do you mean?" Pagpapatay malisya ko. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mukha.
"Don't pretend, Yuri. Alam ko kung anong meron sa inyo ni Nicole." Galit na sambit niya.
"Pwede ba? Ano ba iyang pinagsasabi mo." Inis na sambit ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako ng parang hindi makapaniwala.
"Akala mo ba made-deny mo sa'kin ang lahat, Yuri? Kahit anong pagpapanggap mo na wala kang ginagawang masama ay hindi eepekto sa'kin. I have evidence." Sambit niya. Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita sa'kin ang cellphone niya na may picture namin na magkasama ni Nicole.
It's not a normal picture.
Inagaw ko ito sa kanya at ang dami naming kuha doon may magkaholding hands, magkayakap, nagsusubuan ng pagkain at marami pang iba.
"Ano idedeny mo pa?" Tanong niya at binawi muli ang cellphone niya.
"How you—"
Naputol ang sasabihin ko ng tignan niya ako ng masama saka lumapit sa'kin.
"Paano ko nalaman? Nalaman ko ito noong araw na nagpakalasing ng sobra si Kie at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Akala ko umiiyak lang siya dahil hindi mo tanggap na kasal na kayo pero hindi iyon ang dahilan. She said na may mahal ka daw na iba without telling the girl's name noong lasing siya. Kaya simula ng araw na iyon ay in-obserbahan na kita." Galit pa ring sambit niya.
"Uminom?" Takhang tanong ko sa kanya. I don't know about that.
"Yes, he drinks a lot hanggang sa hindi niya na kaya. Thanks to you she did that. She cried all night sa bahay ko," sarcastic niyang sambit at kinuyom ang kanyang kamay.
Sa kanila siya natulog like what the f_ck?!
"Sinasabi ko sa'yo, once na maulit iyon ako na ang maglalayo sayo kay Kie." Sambit niya at tinalikuran ako.
"No, I don't let that happen." Sambit ko sa kanya.
Napahinto naman siya sa paglalakad.
"Then, choose. Kieseyah or Nicole." Sabi niya at lumingon muli sa'kin. Napalunok ako at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
"Kung ako sa'yo, gagawa ako ng paraan para malaman kung sino talaga ang tinitibok ng puso ko... Dahil baka dumating ang panahon na malaman mo kung sino talaga ang mahal mo at handa mo na siyang paglaban ay huli na pala ang lahat." Sambit niya at tinalikuran ako.
"Mag-decide ka agad bago mo pagsisihan sa huli." Muling sambit ni Yohan at kumaway ng nakatalikod.
He's right. I'll need to confirm it what I really feel before it's too late.
Pumasok na ako sa loob at nakita si Nicole. Tinulungan ko lang siya sa pag-aayos. Daldal siya ng daldal ng kung anu-ano ngunit puro tango lang ako bilang sagot dahil iniisip ko pa rin ang sinabi ni Yohan.
Kieseyah's Point Of View:
Nakakainis talaga ang babaeng iyon. Ang sarap nilang pag-untugin ni Yuri. Alam kong bahay niya rin iyon pero galangin niya ako bilang asawa niya kahit hindi niya ako mahal ay may nararamdaman naman akong sakit sa pambababae niya. Potcha talaga!
"Maawa ka sa prito, Kie. Lasog-lasog na iyan kung totoong tao 'yan malamang hindi na makikilala 'yan." Nagulat naman ako sa sinabi ni Yohan at napatingin sa pagkain ko.
"Hala ka!" Tanging na sambit ko sa nanlalaking mata. Kinuha naman niya ang pagkain ko at binigay niya ang pagkain niya sa'kin na hindi pa nababawasan.
"Ayoko ng kumain," Sambit ko sa kanya at bumuntong hininga.
"Kung nagkakaganyan ka dahil kay Yuri at Nicole ay dapat kumain ka at magpalakas. Paano ka lalaban kung magiging mahina ka?" Gulat akong napatingin sa kanya.
"I know everything kung iyan ang tanong mo," matapos niyang sabihin iyon ay dumating ang in-order niyang pasta.
"Nalaman ko iyon unexpectedly. Through observation sa inyo ni Yuri at pagstalk-stalk sa inyo ay na-confirm ko iyon. If you find it weird I can't blame you but I do that because you're both my friend. I want to help you." sambit niya na ikinagulat ko.
He know everything? But how?
Napatulala ako ng maalala ko no'ng araw na magpakalasing ako kasama si Baymin at magising ako aa bahay niya. That's not a dream. It's real akala ko si Yuri ang kasama ko that time kaya nasabi ko ang mga hinanakit ko.
It's alcohols fault. Argh!
"Mind reader ka ba?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
"Bakit?" Takhang tanong niya.
"Sinagot mo kasi lahat ng katanungan sa isip ko," sambit ko sa kanya pagkatapos ay bahagya pang napanganga. Napatawa naman siya ng malakas dahil doon. Ang cute niya po.
"Iyong reaction mo kasi... ahaha!"
"Ay, kaya pala." Sambit ko at kumain na.
"Hindi mo kailangan manatili sa kanya kung sobrang sakit na,"
"Pero mahal ko, eh!" Bulalas ko sa kanya.
"Mahal mo nga pero siya? Mahal ka ba?" Matapos niyang sabihin iyon ay humigpit ang hawak ko sa kutsara at tila ba nagkabara ang aking lalamunan.