Chapter 2: Si Yohan

Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin siya sa’kin at nagsimulang sumigaw sa takot.

"Help me! Let me go?! Crazy bitch!" Sigaw niya.

"Me? Crazy? Bitch? Yes, I am." Sambit ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Hey! You staff help me here!" Sigaw niya sa staff na agad ding lumapit sa'min.

"Ma'am, pakibitawan po siya," sambit ng staff sa'kin.

"Oww, sure," sambit ko at marahas na binitawan ang braso niya kaya nabangga siya sa stante ng mga paninda. Tinulungan naman siya ng staff at nagpaawa effect. Akala mo naman talaga ang lakas ng ginawa ko. Sampalin ko kaya siya para maging totoo ang pag-iinaso niya.

"You bitch!" Susugudin niya na sana ako ng may dumating na isa pang staff para pigilan siya.

"Ma'am, tama na po."

"Ano ba?! Bitiwan niyo nga ako," sambit niya at marahas na hinila ang kamay niya sa mga staff.

"Magrereklamo ako na ipa-ban ang walang modong babaeng ‘yan sa shop na ito," galit na galit na sambit niya at inayos ang buhok niya na medyo nagulo dahil sa pagwawala niya.

"Uhh! takot ako," sambit ko kanyan at umarte na tila ba natakot sa kanya saka siya nginisian..

"At ikaw pa ang nagmamatapang!" Galit na sambit niya habang nanlalaki ang mga mata.

"What's happening here?" Tanong ng isang kadarating lang na lalaki.

"Sino ka naman?" Sambit ng babaeng ito habang nakataas ang isang kilay.

"Ako ang Manager dito."

"Ow, nice. I want to banned this girl sa store mo," sambit niya sa Manager at nakangising tinignan ako.

"At bakit naman po?"

"Wala siyang modo, bastos at nakakaasar ang mukha basta ayaw ko na siyang makita dito." Nakangisi pa ring sagot niya.

"Ahh... Talaga? Mas ayaw ko namang makita iyang panget mong pagmumukha?" Sambit ko naman sa kanya at inirapan siya.

"Ma'am pwede pong ayusin sa pag-uusap ito," pakikiusap ng Manager sa kanya.

"No, my decision is final kaya palayasin niyo na siya!" Ang ingay naman ng babaeng ito. Nakakaasar.

"Pero ma'am hindi namin pwede gawin iyon," sabi ng Manager at napatingin sa'kin.

"At bakit hindi pwede—"

"Hays, Pwede ba? Palayasin niyo na ang babaeng 'yan sa building na ito and I don't want to see her face here anymore.” Sambit ko ng hindi ako makapagtimpi dahil sa kaingayan niya.

I looked at her again and gave her a smirk, “Banned her, now! Napaka-ingay niya."

"Y-Yes, ma'am," sambit nito at sumunod.

"Ako ang nagrereklamo dito. Bakit siya ang sinusunod niyo? Bitiwan niyo nga ako. Ano ba?" Reklamo niya sa mga ito. Nang makawala siya sa pagkakahawak ng mga staff ay dinuro-duro ako niya ako sa galit.

"Ma'am, tara na po. Tama na 'yan," pagpipigil ng mga staff sa sinasabi at ginagawa ng babae.

"Bitiwan niyo nga ako. Aba't ikaw pa ang may lakas ng loob magreklamo sa’ting dalawa. Pwes! Doon na ako sa mga nakakata—"

"Shut up! Oo, hindi namin store ang lugar na ito pero ang kinatatayuan mong building ay pagmamay-ari namin at kung pwede lang lumayas-layas ka sa harapan ko bago ko maisipang ipakaladkad ka palabas." Inis kong sambit sa kanya na siyang ikinagulat niya.

Matapos niyang marinig iyon ay tinapunan niya lang ako ng masamang tingin ngunit hindi na nagsalita pa. Siya na din ang kusang umalis sa store na ito.

"I'm sorry about this masyado kasing nakakainis ang babaeng iyon," sambit ko sa Manager ng store na siyang ikinailing-iling niyo.

"Kagaya ka pa din ng dati, Eyah. You're still a war freak," natatawang sambit niya sa'kin.

"Nasa lugar ang pagka-war freak ko, Kuya Sky."

"Sige na. Papasok na uli ako sa opisina ko at marami pa akong ginagawa," sambit niya at tumango lang ako sa kanya.

Kuya Sky is not my real brother anak siya ng secretary ng Daddy ko. Since, wala naman akong kuya ay siya na ang tumayong kuya ko. Pagkapasok niya sa opisina niya ay bumalik nalang ulit ako sa paghahanap ko. Napalingon naman ako agad ng may marinig akong tumawag sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko kay Glyren dahil tila ba gulat na gulat ang itsura nito.

"Sino ito?" Tanong sa'kin ni Glyren at pinakita sa'kin ang isang magazine kung saan tinuturo niya si Jayvee. Ang gwapo. Well, mas gwapo pa rin si Yuri. Tampok doon sa frontpage na isa siya sa mga sikat at kilalang photographer sa Pilipinas. Nakalagay din doon kung saang page mababasa ang interview niya sa pagiging successful photographer.

"Bakit type mo? Yiee," pang-aasar ko sa kanya.

"Just answer my question!" Inis niyang sambit sa'kin.

"Easy! Si Jayvee 'yan. Isa sa mga sikat na photographer dito sa Pilipinas at malapit na kaibigan nila Yuri. Bakit type mo? Yie!" Nakita ko naman ang bahagyang pag-nganga niya.

Ay, nagulat? Anong trip nito? Weird niya, ah!

"What?" Gulat na gulat niyang sambit at ako naman ay nagtataka sa mga ikinikilos niya.

"Why? Bakit ganyan reaksyon mo?" Takhang tanong ko sa kanya.

"Remember? Iyong lalaki sa panaginip ko? Iyong lagi kong napapanaginipan?" Natatarantang sambit niya. Mukha siyang tang*.

"Yes, the man of your dreams na forever mo nalang mapapanaginipan. What about him?" Sambit ko sa kanya at napairap pa. Anong meron don?

"It's him. It's Jayvee at hindi ako pwedeng magkamali," dire-diretso sambit niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya. For real?!

"Yieee! May pagnanasa ka kay Jayvee? Omygash!" Sambit ko at nagtitili pa.

"Shut up! Naagaw mo ang atensyon ng iba," bulong niya saka tumingin sa paligid.

"Ikaw kasi, eh! Bayaran mo na ito at isama mo na iyang hawak mo dahil ku-kuwentuhan mo pa ako," sambit ko at hinila na siya papuntang counter.

Sa foodcourt ko siya dinala dahil gustong-gusto ko na malaman kung paano niya napanaginipan si Jayvee. Putcha! Kahit sa panaginip lang iyon ay nakakakilig pa rin! Waah! Si Yuri kaya kailan maliligaw sa panaginip ko?

"Ayon na nga, lagi siyang nasa panaginip ko at hindi ko alam kung paano nangyari iyon? Ngayon ko nga lang nalaman na sikat pala siya. My Gosh!" Nangi-ngiti pa siya habang nagku-kwento sa'kin.

"Naalala ko pa nga noong una ko siyang makilala. Nakakahiya ang mga pinaggagawa—"

"Hala ka?! Ginapang mo sa panaginip mo, noh?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Gaga! Hindi ano! Maglaway pwede pa," sambit niya at napatigil ng marealize ang mga pinagsasabi niya sa'kin.

Gosh! I knew it! May tinatagong kalandian ang bestfriend ko.

"Owemgee! Si Jayvee lang pala ang magpapalambot sayo," sarap manghampas kinikilig ako owemji!

"Pero gwapo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Tsaka na ku-cute-an ako sa nunal sa mata niya," sambit niya at parang kinikilig.

"Ang hot ba ni Jayvee sa panaginip mo?" Tanong ko na nagpaawang ng labi niya.

"Oo," sagot niya at nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Nakakakilig ba siya?"

"Medyo,"

"Type mo?"

"Pwede na," sambit niya at ngumiti.

"Mahal mo na?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Siyempre I need an answers! Wahahaha!

"Oo, Argh! Hinde!" Mabilis niyang sagot ngunit kalaunan ay dine-deny na. Gosh! Panaginip pa lang 'yan, ah?! Iba talaga karisma ni Jayvee kahit sa panaginip kayang mang-akit.

"Boom! Huli ka balbon! Hahahaha!"

"Ay! Shuta ka! Bwiset ka! Loka-loka. Mandaraya! Baliw ka huhu." Pasigaw niyang sabi. At dahil sa kaingayan namin ay nakuha na namin ang atensyon ng mga tao.

Pake ko ba? This is our building kung aangal sila magsilayas sila rito. Charot! Baka bawiin ni Dad 'yung dandelion lightstick ko na on the way na.

"Yiee! Huli ka!" Sambit ko with matching sundot sa tagiliran niya. Naputol ang pag-aasaran namin ng tumunog ang selpon niya.

"Hello?" Sambit niya sa telepono.

Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa selpon niya. Hindi ko mapigilan na mapaisip dahil sa sitwasyon nilang dalawa na tila ba katulad ng akin. Nag-eexist si Jayvee sa mundo niya pero hindi siya nag-eexist sa mundo ni Jayvee. Mag-bff nga talaga kami parehas ng kinahantungan. Napatayo ako sa gulat ng hampasin niya ang mesa kasabay ng pagtaas ng tono ng boses niya. Gosh! Aatakihin pa ata ako sa puso dahil sa babaeng ito.

-

Pumunta kami kaagad kung saang hospital dinala ang pinsan niya. Ang tumawag kasi sa kanya kanina ay isa sa kaibigan ng pinsan niyang si Samantha at sinabing nasa ospital ito.

"Ano daw nangyari sa pinsan mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Hinimatay daw sabi ng kausap ko. I don't know what happening to her pero pangatlong beses na itong nangyari. I'm asking her pero ang lagi niyang sagot ay pagod lang siya," sagot niya sa'kin.

Bente minutos din ang lumipas bago kami nakarating sa hospital lakad-takbo ang ginawa namin sa pagpunta sa ospital. Nakaheels pa man din ako.

"Sa ward 7 daw," sambit ni Glyren sa'kin habang hinahanap namin ang ward ni Samantha.

Huminto ako sa pagtakbo at hinayaan na siyang mauna dahil masakit na ang paa ko. Napatingin ako sa paa ko at napansing dumudugo na iyon. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at payuko na ako ng maramdaman kong may bumangga sa'kin.

"Are you okay?" Tanong ng taong umalalay sa'kin.

"Y-Yohan?" Gulat kong sambit ng makita ang taong umalalay sa'kin.

"Shh! Don't say my name," sambit niya at nag-quiet sign pa. Actually naka-mask siya at jacket pero nakilala ko siya dahil sa mata niya. Ako pa ba? Solid fan niya kaya ito.

"What are you doing here? Are you sick?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"I'm here for my check up. By the way, bye." Sambit niya at tumalikod na. Sayang naman aalis na siya agad.

"Ow, I think you need this. Bye for real." Sambit niya muli saka tinanggal ng bahagya ang mask niya saka may inabot na band aid sa'kin.

"Bye," sambit ko dahil na starstruck ako sa ka-gwapuhan niya..

Sh*t! Nagliwanag ata ang buhay ko ng masilayan ko si Yohan. Swerte ko naman, bago pa ako matuod doon ay nilagay ko na sa wallet ko ang band aid na ibinigay ni Yohan. Hindi pwedeng gamitin 'yun dahil souvenir iyon galing kay idol. Bibili nalang ako ng bago mamaya. Pumunta na ako sa ward ni Samantha at naabutan ko na kausap nila ang doktor.

"Sige, sagot ko na ang bills mo dahil nabutas ko ang bulsa ng ate mo," biglang singit ko sa usapan nila.

"May ipapabili ba kayo?" Tanong ko sa kanila at nagsilingunan naman sila sa'kin.

"Ice cream sa'kin, Ate Kie." Sambit ni Samantha.

"Kayo? Ikaw, Ren?" Tanong ko sa mga kaibigan ni Samantha at kay Glyren.

"Kagaya rin po ng kay Samantha," nahihiyang sambit ng mga kaibigan niya.

"Ako busog pa ko Kie," sambit naman ni Ren at tumingin muli ng nag-aalala sa pinsan niya.

"Sige, ayusin ko na muna ang bill ni Samantha at pagbalik ko dala ko na ang mga pinabibili niyo," sambit ko saka lumabas na ng ward.