Chapter 1: Yes, I am!

Kasalukuyan akong nanunuod ng videos ng variety show pero kay Yuri lang talaga nakatuon ang atensyon ko. Sa paghataw niya sa pagsasayaw ay napapatili ako sa sobrang kilig. Ang gwapo niya kasing tignan.

"Kyah! Ang gwapo-gwapo mo talaga Yuri ko!" Kinikilig kong sigaw matapos ang sexy dance niya.

Matapos niya kasi paikutin ang roleta ay huminto iyon sa katagang slow sexy dance. Ang inosente niyang tignan ngunit sa paraan ng pagsayaw niya ay maglalaway kang talaga. Isa na sa mga pangarap ko ang maging sahig balang araw, kung si Yuri lang din naman ang sasayaw sa ibabaw ko.

"Waah! I love you na, Yuri! Ang gwapo mo na, ang sexy mo pa!" Sigaw kong muli at inaabangan ang exposure niya sa camera.

"Paki-focus naman kay Yuri 'yung camera, oh!" Sambit ko na para bang maririnig ng taong kumukuha ng video niya ang sinasabi ko.

"Hala?! Ano bang nangyayari sa iyong bata ka at nagsisisigaw ka d'yan?" Tanong ni Mom na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Pasens'ya na, Mom. Ang gwapo po kasi ni Yuri dito," sambit ko at nag-peace sign pa.

"Crush na crush mo talaga 'yan. Hindi naman kayo magkakilala," sambit ni Mom at nailing pa.

"Mom naman? Hindi pa niya ko kilala but soon makikilala niya ako," sambit ko at ngumiti ng malapad.

"Ewan ko sa'yo, anak. Babalik na ako sa kusina at baka masunog na ang niluluto ko," sambit ni Mom at lumabas na sa silid ko. Lumabas ako ng kwarto ko at sinundan ko si Mom sa kusina.

"Mom..."

"May ipapabili ka na naman, hano?" Sambit ni Mom at sumulyap sa'kin saka muling tumingin sa kanyang niluluto.

"Mom, I want Dandelion version 2," nakangusong sambit ko.

"Pero 'di ba kabibili lang ng Dad mo sa'yo last week?"

"Pero new release po iyon at iba po iyon sa version 1, Mom.. I want it." Nagpapa-cute na sambit ko sa kanya.

"No!" Matigas na sambit nito at pinagpatuloy ang ginagawa niya. "Maghanap ka nalang ng bulaklak na dandelion. Iyon nalang ang hanapin mo mura pa." Dugtong nito sa sinasabi niya kanina.

"Mom, please!" Sambit ko saka nagpa-cute sa kanya. Tumalab ka kay Mom, please! I really want dandelion version 2.

'What Kieseyah wants, Kieseyah gets at walang makakapigil sa'kin.’

That's my motto in life.

"Oh! Hayaan mo na ang anak natin, Hon. 'Yan lang naman ang libangan niya at matataas din ang nakukuha niyang grades sa school," narinig kong sambit ni Dad na kasalukuyang papalapit sa’min.

"Kaya lalong na-iispoil 'yang anak mo lagi mong binibigay ang gusto," sambit ni Mom at nilagay sa mesa ang ulam at kanin.

"Hon, naman..." Sambit ni Dad at tinulungan si Mom.

"Bahala na nga kayong mag-ama. Kayo talagang dalawa mga pasaway!" Naiiling na sambit ni Mom.

----

"Nakakabored naman," sambit ko at nag-inat inat. Kasalukuyan akong nasa veranda ng makatanggap ako ng notification galing sa Inspiregram. Agad akong napangiti ng makitang galing sa account ni Yuri ang notification. Nagpost siya ng kanyang litrato.

"Gosh! Sa wakas nagpost na rin siya," masayang sambit ko at nagmamadaling tignan ang post niya.

"Ang gwapo mo talaga waah!" Kinikilig na sambit ko habang sini-save ang mga picture niya sa cellphone ko. Hindi ko pa nga maiwasan na mapatili sa bawat slide ko ng mga litrato niya sa Inspiregram.

'Ang gwapo talaga ng boyfriend ko...' Komento ko sa post niya.

Matapos iyon ay naisipan kong tawagan si Glyren. Simula kasi noong nagbakasyon ay wala na akong balita sa kanya. Napakunot ang noo ko dahil nakailang ring na ay hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko.

"Dati naman dalawang ring palang ay sumasagot na ang babaeng ito," naiinis kong sambit. Pagkatapos ng apat na beses kong pagtawag ay sa wakas ay sinagot niya na rin.

"Yes?" Sagot niya sa telepono na parang kakagising lang.

"Hoy, gala tayo. Now na." Galang-gala na kasi ako. Inip na inip na rin ako dito sa bahay.

"Ayoko, tinatamad ako." Napasimangot ako dahil sa sinabi niya.

"Tsk, lumabas ka naman d'yan sa kwarto mo sabi ng pinsan mo wala ka daw ginawa kundi matulog,"

"Sa tinatamad ako, eh!" May inis sa tonong sambit niya.

"May dalawa akong ticket para sa meet and greet special day for fans ng Sync Entertainment. Punta tayo, ha! Para naman makita ko ang baby Yuri ko. Kyaah! Atlast magkikita na kami ng baby ko," masayang sambit ko.

"Nakikinig ka ba, Glyren?" Kunot-noo kong sambit dahil wala akong marinig na nagsasalita mula sa kabilang linya.

"Oy, Glyren?" Tumingin ako sa screen ng cellphone ko para i-check kung on-call pa. Takte, tinulugan ata ako uli nito.

"Hoy! Hello—" Galit na sambit ko.

"Ha? Bakit?" May pagkagulat sa boses niya. Sabi ko na nga ba hindi siya nakikinig.

"Kanina pa kasi ako nagsasalita tapos hindi ka naman pala nakikinig d'yan!" Naiinis kong sambit sa kanya at ngumuso pa.

"Sorry na..."

"Che!"

"Sige na. Sasama na ko para hindi ka na magtampo,"

"Good. Pupunta ako d'yan exactly 2pm at dapat nakaayos ka na."

"Sige," sambit niya at binabaan ko na siya ng telepono.

Nakakagigil talaga ang babaeng iyon. Tumingin ako sa orasan at nakitang 1:30 pm na. Naggayak na ako para naman makarating ako sa eksaktong oras na pinag-usapan namin ni Glyren at exactly 2pm ay nakarating na ako sa kanila. Nakita ko naman siya na nakatayo sa labas ng bahay nila. Nag-drama muna ako bago kami umalis sa bahay nila kaya ngayon ay bibilhan niya ako ng merch ng mga favorite artists ko.

--

Pagkatapos ng kalahating oras ay dumating na kami sa mall at heto kami ngayon papunta sa bilihan ng mga merch. Sobrang saya ko talaga. Alam kong mayaman ako pero masarap din sa feeling na bilhan ka ng iba.

"Dalian mo ihanda mo ng mabutas 'yang wallet mo ng mawala na ang pagtatampo ko," nagbibirong sambit ko sa kanya.

"As if I have a choice..."

"Yes. You don't have a choice," asik ko sa kanya. Pagkapasok namin ay agad na akong pumunta sa mga posters. Madalas ako dito kaya alam ko na kung saan nakalagay lahat ng hinahanap ko.

"Ito dali," sambit ko at tinawag siya.

"Ang cute niya. Si Baymin iyan 'di ba?" Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Gaga! Si Mark ito," pagtatama ko sa sinabi niya.

"Ah? Sorry na," Kinuha ko naman ang poster ni Yuri.

Waah! Ang hot niya dito.

"Pero ito talaga ang asawa ko," sambit ko at pinakita ito sa kanya.

"Si Jackson? Tama ako, 'di ba?" Pagkarinig ko no’n ay agad akong napa-busangot at napa-face palm. Jusme!

"It's Yuri, Glyren. Halata naman na hindi si Jackson ito. Mas cute si Yuri at hot naman si Jackson," poker face kong sambit sa kanya.

"Kalma. Sorry uli." Lumipat naman ako sa kabila at kumuha ng keychain, pins, ballpen at stickers ni Yuri. Yie! New collection.

"Mukhang mauubos nga talaga ang pera ko," narinig kong bulong niya.

"Ano 'yun?" Tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"Wala. Ang sabi ko ang cute ko."

"Mukha mo!" Sambit ko at nilingon siya.

"Hoy! Tawagin mo ko pagtapos ka na mamili at huwag mong kakalimutan na four hundred lang ang pera ko. Uuwi pa tayo."

"Opo,"

"Good. Maglilibot-libot lang ako dito," sambit niya at naglakad na palayo. Nagpatuloy naman ako sa pagtingin-tingin. Maya-maya ay may lumapit na babae sa pwesto ko.

"Ang panget naman nito mukhang baklang palaka," napatingin naman ako sa kanya.

"Baymin. Baymin Aisler? Ang panget naman ng pangalan nito kasing panget niya." Napataas naman ang kilay ko ng makitang poster ni Baymin ang hawak niya.

"Ano ba 'yan? Bakit ba ito binebenta dito?" Dugtong niyang sambit habang diring-diri na hinahawakan ang mga pins niya.

Kumalma ka Kie! She don't know what she's talking about. Huminga ako ng malalim para palampasin ang mga sinasabi niya.

"Lalo na itong si Yohan ang pangit na nga tapos ang laki pa ng ilong," Ganda ka 'teh?

"Ito pang si Yuri. Napanood ko ito sa YellowTV at ayoko ng way ng pagsayaw niya parang tang* lang. Bakit ba kasi nagiging Idol ang mga ito?" Sambit niya at pabalibag na binitawan ang poster ni Yuri. Nalukot ko naman ang hawak kong papel dahil sa inis ko sa pinagsasabi niya about kay Baymin, Yuri and Yohan. You need to be calm, Kie! Wait! What is the word 'calm' by the way?

"Kaya pala brownies ang tawag niya sa mga fans niya dahil mukha siyang aso," sambit niya at tumawa mag-isa. Aba?! Loko 'to, ah!

Kung sapakin ko kaya siya? What the heck is wrong with her? Her sinful mouth, ang sarap suntukin. Pinalagpas ko na nga ang panglalait niya kay Baymin, eh! Pati ang panlalait niya sa sunshine ko na si Yohan pero ibang usapan na ang panlalait niya sa baby Yuri ko! Hell, NO WAY! Agad-agad akong lumapit sa kanya at kahit inis na inis na ako ay ngumiti pa rin ako ng sobrang tamis sa kanya.

"Do you see yourself in the mirror?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ng peke.

"Yes and why?" Nagtatakang tanong niya.

"Sabi mo kasi kay Baymin baklang palaka at panget? Well! Bakla siya oo, tanggap namin 'yun! Pero panget at palaka? Mas mukha kang ganoon, Miss."

"What? Excuse me ang ganda-ganda ko kaya unlike you. Tsaka totoo naman ang sinabi ko," sambit niya at nagpameywang pa.

"I'm gorgeous unlike you mukha kang kawayan na clown. Masyadong sinungaling ang salamin niyo sa bahay,"sambit ko sa kanya at pinameywangan din siya. Hindi ako papakabog! Aba!

"At anong sabi mo kay Yohan? Pangit na at ang laki pa ng ilong? Nahiya naman si Yohan sa ilong mong dapang-dapa. Patayuin mo naman baka lalong maging flat," sambit ko at nginisian siya.

"What the hell?! Matangos ang ilong ko. Ikaw ang panget, kagaya ng mga idol mo!" Inis na sambit niya na kulang nalang ay umusok ang ilong niya.

"Ano may sinasabi ka? Si Yuri ayaw mo ng way ng pagsayaw niya? Bakit gusto ka ba ng sayaw ni Yuri?"

"Hindi!"

"Iyon naman pala kaya itahimik mo 'yang madada mong bibig," sambit ko at tinaasan siya ng kilay.

"Mukha kasing aso iyang Yuri na 'yan!"

"Talaga ba?"

"Oo, ang panget-panget pa magkamukha kayo—" Naputol ang sasabihin niya ng hilahin ko siya sa braso.

"Ako nga pala ang future wife ng asong sinasabi mo at hindi lang ako nangangagat dahil nanununtok din ako lalo na't mas mukha ka pang palaka kay Baymin," sambit ko in a terror voice.

"Let me go!" Takot na takot na sambit niya kaya naman nginisian ko siya.