Chapter 18:
Isang linggo na ang lumipas mula ng ikasal kami ni Yuri. Nandito kami ngayon sa bahay na binili ng parents ni Yuri para sa'min. Ang masasabi ko lang ay hindi ako perfect wife dahil puro ata kapalpakan ang nagagawa ko simula ng ikasal kaming dalawa.
"Goodmorning, Yuri!" bati ko sa kanya ng makita kong lumabas siya ng kwarto niya.
Yes! We have a contract but sabi niya magagawa ko pa rin naman ang ginagawa ng isang asawa, ang magluto para sa kanya at maglinis ng bahay.
"Morning," bati niya pabalik at huminto ang tingin niya sa mga pagkaing nasa lamesa..
Kumunot ang noo niya at akmang kukunin niya na ang cellphone niya ng pigilan ko siya.
"Huwag ka ng tumawag. Hindi ko luto ang mga iyan, in-order ko 'yan." sambit ko at ngumiti ng nag-aalinlangan
"Sure ka?"paninigurado niya
"Oo, nga! Grabe naman ito akala mo mamatay sa luto ko."
"As far as I remember, the last time na kumain ako ng luto mo ay muntik na akong mamatay dahil may plastic pa ang hotdog na niluto mo at hindi lang iyon may eggshell pa ang itlog. Now tell me, mali ba ang reaksyon ko ngayon?" sambit niya kaya napakat-labi nalang ako.
"Nagsorry na nga ako 'di ba?" Tinignan niya lang ako ng masama saka umupo sa mesa.
Bakit kasi palpak lahat ng niluluto ko?
*Flashback*
Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa ni Yuri. Nandito kami sa Japan ngayon for our honeymoon at tulog pa rin si Yuri.
Pft! Sayang walang naganap na honeymoon. Char! Hahaha...
Nasa iisang kwarto lang kami kagabi pero sa sofa siya natulog ako naman ay sa kama. Sabi ko nga palit kami kasi lagpas ang paa niya sa sofa kaso ayaw niya, edi huwag madali lang naman ako kausap.
Nanuod lang siya ng tv buong magdamag at ako? Tinulugan ko siya dahil gusto ko horror ang panuoodin kaso ang sakit niya sa tenga. Wala siyang ginawa kundi tumili sakto pang nakapatay ang ilaw.
My gosh! Pinagbabato pa ako ng unan dahil sa takot niya. Sa lakas ng sigaw niya halos lahat ng guest sa building na ito nabulahaw na niya. Pinalitan ko nalang ang palabas ng sci-fi kaso mga napanood ko na iyon. Meron pa nga na kakatapos lang niya panoorin ay uulitin niya muli. Hay naku! Iyong totoo asawa ko ba ito o anak? My gosh talaga!
So ayun nga, dahil umaga na ngayon at trabaho ko bilang wife ang magluto. Kaso paano ba magluto?
I search through web at ang pinakamadali daw lutuin ay ang pagpi-prito so, I did. Nakita ko si Yuri na pababa na kaya tinawag ko siya.
"Good morning, Yuri! Sakto luto na ang pagkain kakain na tayo." masayang bati ko sa kanya
"Morning," sambit niya at kumunot ang noo niya ng mapatingin sa pagkain.
"Pagkain ba talaga iyan o uling?" Taas-kilay na tanong niya. Napakamot naman ako sa batok ko at pilit na tumawa.
"Sabi ko nga order nalang tayo."
"Mabuti pa nga," sambit ni Yuri at tumawag para um-order.
The next day, nagluto ulit ako at this time hindi na sunog kagaya kahapon.
"Yuri! Luto na ang food. Hindi na ito sunog like yesterday." sambit ko ng buong pagmamalaki. Umupo naman siya at kumuha ng pagkain.
"Bakit ang tamis?" Tanong niya ng isubo ang bacon. Kumunot naman ang noo ko saka kumuha ng isa.
"Hala! Oo, nga bakit kaya?"
"Aba! Malay ko sa'yo ikaw kaya ang nagluto."
Napatakbo naman ako sa kusina at nakitang asukal ang nilagay ko at hindi asin. My gosh, Kie! Why so tanga?
The next morning again. Ako muli ang nagluto at siniguradong asin na ang ilalagay ko. Sa hapon kasi ay umaalis siya. I mean kami para mamasyal sa magkaibang lugar.
"Yur---"
"Baka asukal na naman ang nilagay mo dyan?" Bungad niya sa'kin.
"Hindi! Asin na 'yan," sambit ko at umupo na siya para kumain
Hindi niya panangunguya ang pagkain ng ibuga niya ito.
"What the—" sambit ko dahil binuga niya ito sa'kin. Kadiri potcha!
"Hindi nga matamis sobrang alat naman!" sambit niya at may kinuha pa mula sa bibig niya
"My egg shell pa? Papatayin mo ba ko?" Galit na sambit niya sa'kin.
"Waah! I'm sorry, Yuri!" Naiiyak na sambit ko sa kanya
*End of Flashback*
See? I failed as his wife. Makapagpaturo nga kay Glyren at Samantha kung paano magluto.
"Sigurado ka talaga na hindi mo ito niluto?" tanong niyang muli
"Oo, nga kumain ka na nga!" inis na sambit ko at kumain na.
Maya-maya ay nagpaalam na rin siyang aalis dahil may pasok pa siya ngayon sa Sync Entertainment. Ako naman ay naghugas muna bago naglinis ng bahay.
--
Tawa ng tawa sila Glyren at Samantha ng marinig ang kwento bilang palpak na asawa ni Yuri sa kitchen.
"Huwag ka na kasi magluto baka maaga mong mapatay si Yuri. Mabyuda ka kaagad," sambit sa'kin ni Samantha na halos maiyak na sa kakatawa.
"Che! Mga walang hiya. Mamatay sana kayo kakatawa," inis na sambit ko at nginusuan ko sila. Nakakainis naman kasi. Ang palpak ko.
"Turuan ka nalang namin magluto." Suhestiyon ni Ren ng mapakalma niya ang sarili niya mula sa pagtawa.
"Bright idea!" Tuwang-tuwa na sambit ko sa kanya habang pumapalakpak.
Nagsimula na kami magluto at ako ang naghihiwa ng sibuyas. Ang sakit naman sa mata ng sibuyas na ito.
"Oh? Bakit umiiyak ka?" tanong ni Glyren sa'kin.
"Kasalanan ng onion mapanakit ng mata." sambit ko at tinawanan niya lang ako.
Simple lang naman ang niluto namin. I mean nila. Tinuruan nila akong lutuin ang spaghetti, carbonara, at fried chicken. After namin igayak ang mga pagkain ay pumunta kami sa Entertainment nila Yuri dahil nagpadala ng lunch ang boyfriend ni Glyren na si Jayvee. Edi si bestfriend na ang magaling magluto. Hmp!
My subconscious says: 'Yan! Mag-aral ka kasi magluto para mag-request din si Yuri na magpadala ng pagkain sayo.'
Me: shut up!
Nang makarating kami sa Sync Entertainment ay ayaw kaming papasukin ng guard doon. Ayaw maniwala ng guard na asawa ako ni Yuri at girlfriend ni Jayvee si Glyren sapakin ko kaya siya.
Bakit kasi private lang ang kasal namin ni Yuri? Ayan tuloy ayaw nilang maniwala sa'min. Well, alam ang merge at kasal namin but hindi alam ng nakakarami na ang dyosang ito ang pinakasalan niya.
"Asawa nga po ako ni Yuri," inis na sambit ko
"Hay naku! Miss marami ng nagsabi niyan. Halos lahat naman kayo sinasabi na asawa niyo si Sir Yuri." Napaface-palm naman ako sa sinabi niya
"At girlfriend naman p—"
"Huwag niyo na pong ipagpilitan pa kahit anong gawin ninyo ay hindi kayo makakapasok. May pa-asawa-asawa at girlfriend-girlfriend pa kayong nalalaman." sambit ni Manong guard at pinagtabuyan kami.
Kanina pa tinatawagan ni Glyren si Jayvee kaso ayaw nitong sagutin ang cellphone niya. Ngayon ko lang narealize na wala pala akong number ng asawa ko. Amp!
"Ano sumagot na ba?" Tanong ni Samantha kay Ren umiling ito bago nagsalita. Nakakainis! Bakit kasi ang tagal nilang sagutin?
"Hindi pa, eh. Baka nagta-trabaho pa iyon." Kagat-labing sambit ni Ren sa'kin.
"Kasi naman itong si Manong guard ayaw pang maniwala." nakasimangot kong sambit
Napatingin naman ako sa gilid namin at nakita ang masasamang titig ng mga fans nila. Mygosh! Magta-transform na ba sila?
"Wala ba kayong number ng ibang katrabaho nila d'yan? Lintek naman kasi itong si Kie walang number ng asawa niya." Inis na sambit ni Samantha.
"Edi sorry na, wala akong number. Anong magagawa ko?" Bulong ko at napasimangot.
Kasalanan ko bang ayaw niya ibigay ang number niya noong hinihingin ko? Hanggang sa tuluyan ko ng nakalimutan hingin.
"Ah, oo nga pala may number ako ni Jiro," sambit ni Glyren at dali-daling tinawagan ito kaya nakahinga kami ng maluwag.
Nanlaki ang mata ko ng lumingon ang mga tao sa'min ng banggitin ni Glyren ang pangalan ni Jiro. Dali-dali kaming pumunta sa sulok upang magtago sa kanila. Mahirap na baka kuyugin ki ng mga tao at hingin ang number ni Jiro. Sayang namab ang ganda ko kapag nagkataon.
Tinawagan ni Glyren si Jiro at sinabi dito na may dala siyang pagkain para sa kanila. Matapos ang tawag ay tumigin si Glyren sa'min at sinabing papunta na daw sila.
"May number ka naman pala ni Jiro. Bakit hindi mo tinawagan agad? Pft." Inis na sambit Samantha at sinipa ng mahina ang batong nakita niya.
"Eh, Sa nakalimutan ko. Aysus! Gusto mo lang hingin ang number ni Jiro kunwari ka pa," pangangantyaw ni Glyren sa kanya na ikinapula ng mukha ni Samantha. Kinilig pa ata ang gaga.
"Ano bang pinagsasabi mo? H-Hindi no." Nanlalaki ang mga mata ni Samantha ng sabihin niya iyon at bahagya pang natulala dahil sa sinabi ng pinsan niya.
Oo nga pala at crush na crush nito si Jiro. Idol niya kasi iyon mula pa noon at talagang nakaabang siya sa mga drama at mga nirerelease na bagong kanta nito.
Hinablot ni Glyren ang cellphone ni Samantha upang ilagay doon ang cellphone number ni Jiro. Nag-aagawan silang dalawa ng cellphone ng makarinig kami ng malakas na sigawan ng mga tao. Hinihiyaw nila ang pangalan ng nila Yuri, Jayvee at Jiro na kasalukuyang naglalakad papalapit sa'min.