Chapter 17:

Matapos kong sumenyas ay tumango ang lalaki sa pintuan at binuksan ang pinto ng simbahan. Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang lalaking itinitibok ng aking puso. Kasabay ng pagpasok ko sa simbahan ay ang pagtugtog ng musika, ngunit sa lakas ng tibok ng puso ko'y para bang ito na ang nagsilbing musika sa aking pandinig.

(Not sure if u know this

But when we 1st met

I got so nervous I couldn't talk

In that moment

I found the one and I found its missing piece)

Isinisigaw ng puso ko ang lalaking nasa harap ng altar. He is wearing a white suit. Bagay na bagay sa kanya para siyang anghel na ibinaba mula sa langit.

(My love is endless

even we have timeless

You're my every reason

With all my heart I mean, I love you)

Hindi siya nakangiti at hindi rin siya nakasimangot. Normal face lang pero ang lakas ng dating para sa'kin, para akong nilulunod sa kanyang mga titig na nagpapalambot sa mga tuhod.

Magpapalamon nalang muna ako sa imahinasyon ko sa mga sandaling ito, na kunwari ay mahal ako ng lalaking naghihintay sa'kin sa harap ng altar. I don't want to ruin my own wedding dahil alam kong hinding-hindi na ito mauulit pa.

(Will have and hold you

From now till my very last breath

I'll cherish this day

You look so beautiful in white)

Napahinto ako sa paglalakad ng magunita ko ang isang alala kaninang umaga.

*Flashback*

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Mag-uusap daw muna kami ni Yuri para sa kasal naming dalawa. Nakaupo siya ngayon sa harapan ko at seryosong nakatingin sa'kin.

"Here." sambit ni Yuri at inabot sa'kin ang isang papel

"Ano ito?" Takang tanong ko sa kaniya at inabot ang papel na hawak niya.

"Our contract. Basahin mong mabuti." sambit niya sa'kin

'A 2 years wedding contract of Yuri and Kieseyah'

°°

•| Do's and Don'ts |•

1. Like what mentioned above 2 years lang tayong magsasama.

2. You can visit me in Sync Entertainment if you want because I don't want anybody to suspect us.

3. Magkahiwalay tayo ng kwarto pwera nalang kung may bisita sa bahay o kapag nandyan ang parents natin.

4. Huwag mong papakialam ang mga gamit ko ng hindi ko sinasabi at ang schedule ko, especially ako.

5. You can act as my wife in public at sa harap ng mga magulang natin pati ng katrabaho ko.

6. You can date someone pagnahuli ka, it means maagang divorce.

7. Hindi pwedeng malaman ng iba ang about sa contract na ito or it's over.

Sign by:

________________

Yuri Hazlewood

________________

Kieseyah Laureta

--

Napakunot ang noo ko matapos kong basahin ang kontrata.

"What?" sambit ko at napaawang ang labi.

"Any problem with that?" Tanong niya at umayos ng upo.

"Bakit may ganto?" Tanong ko at inilapag ang kontrata sa mesa.

"Simple lang naman ang sagot dyan. Ayokong saktan ang damdamim mo kaya hindi ko nalang sasagutin pero dahil nagtanong ka sasagutin ko na." sambit niya at nag-cross arms pa.

"It's simple, I don't love you. Pinagbigyan ko lang naman ang hiling ng mga magulang ko at isa pa I love somebody else. I still wait for her kahit hindi niya na ko tanggapin muli dahil sa sitwasyon ko ngayon gagawan ko ng paraan to win her heart again kapag natapos na ang kontrata natin." sambit nito na diretsong nakatingin sa mata ko.

Gusto kong sabihin na hindi ako payag ngunit ayoko na mas masaktan pa sa mga sasabihin niya. I will do anything para sa two years na iyon ay mapasakin ang puso mo, Yuri Hazlewood.

*End of flashbacks*

"Anak, bakit ka huminto?" napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Dad.

Napatingin ako sa kanya at sa mga tanong nasa paligid namin na nag-aabang sa mga susunod kong gagawin.

"I'm sorry, Dad. kabado, eh," sambit ko kay Dad at muling naglakad

"Akala ko naman. Huwag lng kabahan anak." sambit ni Dad at marahang piniga ang kamay niya.

Umayos siya ng tayo ng ilang hakbang nalang ay malapit na kami sa kanya.

"Ingatan mo ang anak ko, iho." Inabot ni Dad ang kamay ko sa kanya at iniabot naman niya ito. Ang lambot ng kamay ng soon to be asawa ko. Kinikilig ako potcha!

"I will. Iingatan ko po siya." sambit niya at ngumiti.

'Opo, Dad iingatan niya ko sa loob ng two years huwag kayong mag-alala.'

"Aasahan ko yan," sambit ni Dad at tinapik siya sa balikat. Tinanguan niya si Dad bago ito umalis sa tabi ko.

Kaming dalawa naman ay humarap na sa altar. Sinimulan na ng pari ang pagkakasal sa'ming dalawa. Wala akong naiintindihan sa sinasabi ng pari dahil naka-focus lang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon at kinakabisado ang detalye ng kanyang mukha. Siguro kahit maghapon kong titigan ang mukha niya ay hindi ko pagsasawaan.

"Kieseyah Lxeno. Do you take Yuri Hazlewood, to be your husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part." sambit ng Pari.

"I do, Father." mabilis na sagot ko.

"Yuri Hazlewood. Do you take Kieseyah Lxeno, to be your wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; until death do us part." Tanong ng pari sa kanya

Napalunok naman siya ng ilang beses at parang pinag-iisipan pa kung sasagot ba siya o hindi.

"Yuri..." tawag ko sa kanya ng matulala siya.

"Ah... Oo nga pala. Y-Yes, I do. " utal-utal na sambit niya at nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko magra-run away groom, eh Sakalin ko siya, charot!

"By the power vested in me I shall pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." sambit ng Pari sa'min.

Nasabi ko bang ito ang favorite part ko? Waah! My first kiss!

Itinaas niya ang belo ko at unti-unting inilapit niya sa'kin ang gwapo niyang mukha. Waah! Takte! Pumikit ako upang damhin at salubungin ang init ng kanyang labi.

Ngunit sa pisngi niya lang ako hinalikan kaya sinimangutan ko siya. Akala ko sa labi na. Hays.

Spell disappointed.

K-I-E-S-E-Y-A-H

"Dissapointed?" sambit niya at nagpakawala ng mahinang bungisngis. Sinamaan ko naman siya ng tingin na lalong ikinanginisian niya.

"It's time for picture taking." masayang sambit nila.

"Pahiram ako ng groom mo. Bro! Sakal ka na! Este kasal ka na." sambit ni Baymin at binuhat si Yuri.

"Ihulog na iyan sa balon sa labas ng simbahan dali!" sambit naman ni Jiro.

"Hoy! Ibaba niyo ko. Anong ihuhulog? Mga peste kayo!" sambit ni Yuri at pilit na kumakawala kay Baymin at Jiro.

Ang kulit talaga nila kahit sa mismong kasal namin. Hahahaha...

"Hoy, plakdang palaka. Congrats kasal na kayo ni Yuri." sambit niya Yohan at kinamayan ako.

"Thanks, Yohan." sambit ko at nginitian siya

"Groupie!" sigaw naman ni Samantha at lumapit sa'min para magpakuha ng litrato na magkakasama kami.

--

Oras na para ibato ang hawak kong bulaklak. Pumunta ako sa gitna at tumalikod sa kanila.

"Hagis mo na!" sigaw nila.

"Sige, bibilang ako ng tatlo." Nakangiti kong sambit at tumalikod sa kanila.

Bumilang ako ng one to three pagkatapos ay binato patalikod ang hawak kong bulaklak. Nag-uunahan ang mga kababaihan na makuha ang bulaklak ngunit napunta iyon sa nakatayong si Samantha, dahil nais ng mga kababaihan na maagaw ang bulaklak kay Samatha ay aksidente nilang naitulak si Jiro kaya na out of balance ito at natumba.

"Woah!"

"Ayie!"

Reaksyon nilang lahat ng bumagsak si Jiro at pumaibabaw siya kay Samantha na hawak ang bulaklak sa gitna nilang dalawa. Gulat silang nakatingin sa isa't-isa. Ang kanang kamay ni Jiro ay nakahawak sa likuran ng ulo ni Samantha samantalang ang isang kamay niya ay sinusuportahan ang sarili niya upang hindi tuluyang bumagsak kay Samantha.

Ayos ah! Parang nagte-taping lang.

"Mukhang alam na natin kung sino ang susunod." sambit ni Jackson mula sa hindi kalayuan.

Agad namang napatayo si Jiro at tinulungan si Samantha na makatayo. Hindi sila makatingin sa isa't-isa kaya lalo silang inasar nila Jackson.

"Manahimik nga kayo. Aksidente iyon para kayong mga ewan." sigaw ni Jiro bitbit ang mapamatay niyang tingin. Lalo naman silang nagsitawa dahil sa inasal niya.

"Yuri, tara na at ihahatid na namin kayo papunta sa flight niyo. Bilisan mo or I will kill you." sambit niya at pumunta na sa sasakyan nila.

Ako naman ay natatawa pa rin na pumunta kami sa kotse namin ni Yuri.

"Tama na kakatawa. Masyadong happy?" sambit ni Yuri.

"Oo, paki mo." sambit ko at nginusuan siya.

"Sige. Pagbigyan ganyan talaga ang mga taong disappointed dahil hindi natuloy ang kiss." sambit niya at tumawa ng malakas.

"Takte ka. Hindi ako dissapointed. Manahimik ka! Paki ko kung hindi natuloy kiss natin. Gisingin mo nalang ako kapag dumating na tayo sa airport." nakanguso kong sambit ko at pumikit na.

Oo, disappointed talaga ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch at nag-earphone saka ko siya tinulugan.

--