Chapter 26. 1

**

Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako.

Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin.

"P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!"

Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan."

"Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya.

Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!"

"Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres."

"H-hindi k-ko lubos maisip na nagsasalita ka."

"Isa akong lion kaya hindi mo na ako makikilala."

"Ano ang ibig mong sabihin? Sino ka ba talaga?"

"Many years ago, iniwan ka ng isang tao na mahal na mahal mo dahil mayroong siyang sakit. Akala niya ay 'yun ang makakabuti sa sitwasyon, pero hindi pala."

"A-ano bang sinasabi mo?!" tumulo na ang aking luha.

"Alam ko kung sino ang nasa isip mo."

"Isa lang naman ang taong iniwan ako, siya ay ang aking ina. Huwag mong sabihin na kilala mo si Lirpa Fair?"

"H-hindi mo ba ako nakikilala, anak?"

Natulala ako sa itinanong niya. Biglang nanginig ang aking buong katawan and at the same time ay kinilabutan ako.

Naalala ko ang matanda sa alak store. Ang sabi niya ay isa sa mga Vampyres ang makakasagot ng katanungan ko. Ang ibig niya bang sabihin ay si Pluma ang tulay?

"M-Mama, i-ikaw b-ba 'y-yan? B-bakit s-sa l-lugar n-na i-ito t-tayo n-nagtagpo?" Napaluhod ako sa harapan niya. Mabilis na dumaloy ang luha sa mga mata ko.

Kaya pala noong tinitigan ko ang mga mata niya noon ay lumabas ako habang nakakulong sa kulungan ko.

"Alam ko na wala akong karapatan na sabihin 'to pero.. a-anak, p-patawarin mo ako."

Yumuko lang ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko pa kaya na magsalita ng kung anu-ano dahil naguguluhan pa rin ako.

"Anak, ako ay patay na kaya ako nandito sa dipsa chupar vampire world."

"Alam ko po 'yun. At alam ko na hindi kayo namatay sa cancer dahil namatay kayo dahil sa tao, pinatay kayo, Ma. Sino ang may gawa no'n sa 'yo?!"

"Ang sabi ng dalawang lalaki na pumatay sa akin ay naghiganti raw sila sa akin dahil sa 'yo na gangster leader noon. Ang grupo niyo raw ay pinatay ang ilan sa mga ka-group nila at para masaktan ka ay ako raw ang kapalit."

Niyukom ko ang aking dalawang kamao. "Ang kapal ng mukha nilang maghiganti samantalang sila ang nag-abang sa amin sa kanto para saktan kami. Ang ginawa lang namin ay self-defense. Bakit ikaw ang pinuntahan nila?! Sana ay ako na lang! Ang totoo kasi niyan ay mayroon akong napatay na ka-group nila. Ma, paumanhin kung nadamay ka pa."

Kiniskis niya ang ulo niya sa akin. "Ako ang dapat na humingi ng tawad sa 'yo, anak, kasi dahil sa akin ay nagdusa ka noong bata ka pa. Sorry kung noong mga panahon na kailangan mo ako ay wala ako. Sorry kung iniwan ko kayo ng Papa mo. At sorry kung wala ka man lang natanggap na moral support mula sa akin. Anak, hindi ko deserve na matawag na Mama mo dahil hindi ako naging mabuting ina. Ako ay makasarili, anak."

"Tama ka, Mama, makasarili ka po. Alam niyo ba? Hindi mo po alam kung gaano kahirap na magkulong sa kwarto na nag-iisa habang umiiyak ng walang tunog. At ang sakit na habang lumalaki ako ay wala kayo sa tabi ko. Pero kahit gano'n, gusto ko pa rin na bumalik kayo sa bahay. Alam mo ba, Ma? Si Dad ay may disorder, sinasaktan niya ako. Hinihiling ko na sana ay dumating ka para iligtas ako pero patay ka na po pala," hindi ko na napiglan na humagulhol.

Nakita ko na dumaloy ang luha sa mga mata niya.

"Eliha, kalimutan mo na lang ako. Hindi mo deserve na masaktan ng ganito ng dahil lang sa akin."

"Ma, paano kita makakalimutan kung mahal na mahal kita? Kahit na galit ako sa 'yo ay mahal pa rin kita! Gusto ko nga na hanapin ang pumatay sa 'yo pero bigla naman akong napunta sa mundo na ito!"

"Anak, ang ibig sabihin ba nito ay patay ka na rin?"

"Ha?! Ano ang ibig mong sabihin, Mama?"

"Sa Dipsa chupar vampire world kasi ay isa sa mga tapunan ng mga patay na tao. Sa mundo na ito ay mabibigyan ulit sila ng bagong buhay. Alam mo ba na hindi lang ito basta tapunan ng mga patay na tao? Maaari kasi na tumawid ang isang makapangyarihan na bampira sa mundo ng mga tao at sila mismo ang kumuha ng bangkay sa sementeryo. Ang ibig kong sabihin ay sa mundong ito, ang mga nakakapasok o mga nakakapunta lang ay mga patay na. At kaya sila napunta rito ay dahil sila ay may nagawa na mali habang nabubuhay pa."

Hindi ako nakasagot. Naguguluhan pa rin ako.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito, anak? Kung bakit ako'y muling nabuhay rito? Dahil sa mundo natin ay isa akong masamang ina. Hindi ba nga ay iniwan kita? 'Yun ang parusa ko kaya ako ngayon ay isang bampirang lion."

Napaatras ako sa aking narinig. "H-huwag mong sabihin na kaya ako nandito ay dahil sa patay na ako? At dahil sa mayroon akong napatay noon sa laban sa pagitan ng isang gangster group?! Ma, napunta ako rito dahil sa sumpa! Pero hindi dahil sa patay na ako. Ang alam ko ay natulog lang ako, Ma! Kaya p'wede pa yata akong bumalik sa mundo natin. Tsaka paano si Dad? Kahit naman gano'n siya sa akin ay may balak pa akong ipagamot siya kaya hindi pa ako patay."

"May posibilidad na patay ka na nga dahil mayroon kang napatay dati na sabi mo ay isa sa mga miyembro ng kalaban niyo."

"Pero isinumpa po ako!"

"Paano kung nagsabay ang sumpa at kamatayan mo, anak?"

"Wala ka bang kakayahan ma maipakita sa akin ang nangyari noong matulog ako? Ma! Gumawa ka naman ng paraan!"

"Sige, susubukan ko. Tumitig ka lang sa mga mata ko."

Tumitig ako sa mga mata ni Mama. Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa mga mata niya habang nakahiga at ang unan ko ay libro na bukas.

Makalipas ang ilang segundo ay nakita ko na pumasok si Dad sa kulungan ko. Pilit niya akong ginigising pero hindi ako magising.

Hindi ko alam pero mas lalo akong humagulhol, patay na ba talaga ako?

Tinawag ni Dad ang mga tauhan niya. At biglang nagbago ang lugar, nasa hospital na ako. Nakita ko na lang na tinakpan ng doctor ang buong katawan ko. At si Dad ay umiyak na nang umiyak.

Napaatras ako sa katotohanan na patay na nga pala talaga ako.

"Mama, patay na nga ako!!" humagulhol ako nang humagulhol.

Gamit ang paa ng lion ay hinimas niya ang ulo ko at pinunasan ang mga mata ko.

Bumilis ang pangyayari na nakikita ko sa mga mata ni Mama. Nakita ko na mayroong dala si Dad na bulaklak. Nakita ko na lang na nasa sementeryo siya. Teka, nakita ko na ang pangyayari na ito, ah? Noong may pagsubok si Eliza. Kaya pala nagpaparamdam si Dad sa akin.

Nakita ko na umiyak nang umiyak si Dad at narinig ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ko.

"Kung hindi na ako makakabalik, paano na si Dad? Sino na ang mag-aalaga sa kanya?!"

"Kaya na niya ang sarili niya, sa tingin ko naman ay nagbabago na siya. Nakakalungkot lang na kung kailan ka nawala ay tsaka siya nagpagamot at nagbago."

Hinilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. At sumigaw ako nang sumigaw. Nais ko kasing ilabas lahat ng sama ng loob na mayroon ako.

"Kaya ba ako nagdurusa ng ganito sa mundo na 'to dahil sa kasalanan ko noon?"

"Anak, ang ibig mo bang sabihin ay ang pag-reject sa 'yo ni Keegan? Anak, nais ko palang malaman mo na mahal na mahal kita."

"Isa lang 'yun, Ma. Ang ibig kong sabihin ay dito pa talaga kita nakilala. Ikaw kasi ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Sinisisi ko ang sarili ko na kasalanan ko kung bakit mo kami iniwan pero wala pala akong mali. Sinaktan mo ang buong pagkatao ko. Pero alam mo ba? Kahit na gano'n ay mayroon ka pa ring space sa puso ko."

Mas maraming luha ang dumaloy sa mga mata ni Pluma.

"Ang sakit lang isipin na kahit sa bawat graduation ko ay wala ka. At alam mo ba ang mas masakit?! Noong mga panahon na mayroon akong sakit ay ikinukulong pa ako ni Dad! Alam mo ba kung gaano kasakit na mayroon nga akong tatay pero hindi ko naman nararamdaman?! Bakit hindi mo na lang kasi hinayaan na alagaan ka namin? Sabihin mo nga sa akin, naging masaya ka ba sa ginawa mo? Masarap bang mamuhay habang dinadala ang konsensya mo? Ako kasi ay kahit na wala naman akong kasalanan ay palagi akong nakokonsensya at palagi kong sinisisi ang aking sarili sa pagkakamali niyo ni Dad!"

Nagtaka ako nang biglang ginamit ni Pluma ang kanyang isang paa at sinimulan na niyang magsulat sa lupa. Pagkatapos niya ay kaagad kong binasa.

'Wala na akong kakayahan na makapagsalita. Binigyan lang ako ng pagkakataon para makahingi ako ng tawad sa 'yo. Kahit kailan ay huwag mong sisisihin ang iyong sarili dahil bago ako namatay ay wala akong ibang dinasal kung hindi ang maging payapa ang iyong puso.'

Hinawakan ko ang ulo niya. "Mahal kita, Ma."

Si Pluma ay bigla na lang naglaho. Siguro ay hinahanap na siya ni Keegan o kung sinuman.

Bumalik na ako sa kwarto.

Sumandal ako sa bintana. "Hindi ko akalain na patay na pala ako. Hindi na pala talaga ako tao. Kung iisipin kong mabuti ay isa na akong mangkukulam dahil nagkaroon ako ng kapangyarihan mula kay Eliza. Kung mangkukulam ang sumumpa sa akin, automatic na ako ay mangkukulam na rin."

Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung araw na masaya kami ng mga ka-group ko habang naglalakad sa isang madilim na street. Ang saya pa namin noon dahil kinakantahan nila ako na ang owned lyrics nila ay 'Eliha, best leader!'. Hanggang sa pagkadating namin sa isang kanto ay mayroon kaming nakita na mga estudyante na katulad din namin na mga gangster.

Natatandaan ko pa kung paano kami dahan-dahan na umatras dahil maraming mga lalaki ang nakaabang sa amin samantalang kami ay mga babae lamang na wala man lang dala kahit na anong armas. Ang mga lalaki kasi ay may dala na mga baseball bat.

Ang pinakamasakit na nangyari noon ay kung paano ako hawakan ng mga babae kong ka-group, sila ay nanginginig sa takot. Pero wala na kaming choice kung hindi ang lumaban dahil kung hindi kami lalaban ay kami ay mamamatay.

Natatandaan ko rin na halos isang oras ang paglalaban namin sa pagitan ng mga lalaki. Mayroon ng mga namatay at ilan na nga roon ay mga ka-group ko at sa mga lalaki.

Hanggang sa napatay ko ang isang lalaki na nakamaskara dahil tinangka niyang hampasin sa ulo ang kasama ko pero hindi natuloy dahil inunahan ko na siyang pukpukin sa ulo. Pagkatapos no'n ay halos mabaliw ako dahil hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari.

At walang araw ang lumipas na hindi ako nakokonsensya.

Ang totoo niyan ay walang nakulong sa amin at sa mga lalaki dahil maimpluwensiya ang mga lalaki. Hindi ko naman alam na sa kabila ng pananahimik nila at ang isa na umamin na kasalanan nila ay 'yun pala'y idadamay nila ang aking ina.

Kung sino man 'yung napatay ko noon ay sana ay mapatawad niya ako kahit na wala naman talaga akong kasalanan sa kanya. Pero alam ko na mali ang aking nagawa. Sa ngayon kasi ay ang gusto ko na lang ay maging payapa ang aking isip at puso. At less stress at sakit sa puso na lang sana dahil hindi na ako tao. Pero bakit kung kailan ako namatay ay mas lalong humirap at sumakit ang aking sitwasyon?