Chapter 8

Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa dormitoryo ng nakatungo habang mahinang sinisipa ang isang bato pauwi nang magawi ng tingin ko ang paggalaw ng isang puno di kalayuan sa dinadaanan ko. Agad na sumibol ang kaba sa aking dibdib nang makita ang isang lalaki na diretsong nakatingin sa akin. Hindi ako puwedeng magkamali ito ang lalaki kanina sa hallway na kasama nila Ethan. Ang lalaking nag-iiba ang kulay ng mga mata at ang lalaking kilala sa tawag na Primo.

Mabilis kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad pabalik. Hindi ko alam kung bakit unti-unting sumisibol ang kaba at takot ko sa presensiya niya.

Trumiple ang kabog ng aking dibdib nang maramdaman ko ang biglaang paghila nito sa akin. Sobrang lakas nito na hindi ko napigilan ang pagbangga ko sa dibdib niya.

"Sorry".

-nakadungo kong sabi habang mabilis na dumistansiya sa kanya

"New student?"

-kalmadong tanong nito

Agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan ang kalmadong pakikipag-usap nito sa akin. Marahil ay grabe lang ako kung mag-isip kung kaya ay akala ko na may gagawin itong masama sa akin.

Naging kalmado ulit ang pagtibok ng aking puso. Tumayo ako ng diretso at nginitian ang lalaking kaharap ko.

"Ah oo!"

-nakangiting sagot ko

Tiningnan niya lang ako. Akmang tatalikod na sana ito nang magsalita ako.

"Sorry nga pala kanina. Hindi ko talaga namalayan na nakaharang na pala ako sa inyo".

-magalang na pagpapaumanhin ko

Tumango lamang ito. Marahil ay hindi ito sanay sa mahabang usapan.

"Astrid nga pala!".

-pagpapakilala ko

Iginaya ko ang aking kamay para sa isang handshake. Pero imbes na tanggapin ay tumalikod na ito at naglakad sa magkaibang direksiyon. Ilang hakbang lang ng bigla itong huminto at hinarap ulit ako.

"Carrion Primo Farquharson, Vanderweele!"

.....

Kaagad akong nagising nang marinig ang pagkatok ng pinto galing sa labas ng aking kuwarto. Pagod na bumangon ako at pinagbuksan kung sino ang taong iyon.

"Buti naman at lumabas ka na. Kanina pa nagsimula ang oras para sa hapunan. Lika na".

-sabi ni Cindy sabay hila sa akin pababa.

Pagkarating na pagkarating ko dito kanina ay hinayaan ko ang sarili ko na bumagsak sa kama. Dahil narin siguro sa dami ng nangyari sa araw na ito at sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Mas dumami pa ang bumabagabag sa aking isipan ngayon. Mula sa insidente kanina sa hallway hanggang sa pagkikita namin ng isa sa mga miyembro ng Magic 8 na si Primo.

Agad ko rin itong ipinagkibit-balikat nang makarating na kami sa dining hall ng aming dormitoryo. Imbes na lunurin ang sarili sa pag-iisip sa mga bagay-bagay ay hinayaan ko munang pakawalan ang lahat ng mga iniisip ko at magfocus sa pagkain.

Magana akong kumakain nang mapansin ko ang masiglang awra ng mga estudyante. Hindi naman siguro ito dahil sa Magic 8 kasi hindi naman namin sila kasama ngayon.

"Magdadala ako ng pagkain para hindi tayo gugutumin mamaya".

-biglang sabi sa akin ni Cindy

"Mamaya? Bakit saan ba tayo mamaya?"

-takang tanong ko

Agad nitong nasapo ang noo.

"Ay oo nga pala! Di ko pa nasasabi sa iyo".

-sagot niya. Umayos ito ng upo at hinarap ako.

"Kada unang linggo kasi ng pasukan dito sa Manderstein ay nagtitipon-tipon ang lahat ng mga estudyante. Parang welcome party siya. Ipinapakilala doon ang Magic 8 at ipinapaalam rin ang mga batas dito sa university at kung ano-ano pa. Pero dahil wala ang Magic 8 noong unang linggo, kaya inilipat sa ikalawang linggo ang pagtitipon."

-mahabang sagot nito

"Kailangan ba talaga pumunta diyan?"

-tamad na tanong ko

"Hindi naman nirerequire na pumunta pero kasi lahat ata ng mga estudyante kada taon pumupunta sa pagtitipon na ito. Minsan kulang kasi may mga miyembro ng Magic 8 na hindi nakaka-attend lalo na si Ethan."

-mahabang sagot niya

Bigla kong naalala na hindi pala mahilig si Ethan pumunta sa mga pagtitipon. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang may maisip akong magandang ideya sa aking utak.

"Sa Premiere dormitory rin ba nakatira ang lahat ng mga miyembro ng Magic 8?"

-tanong ko kay Cindy

"Hindi. Magic 8 ang superior sa limang lebel dito kung kaya may sarili silang dormitoryo na tinitirhan."

-sagot niya

"Anong pangalan ng dormitoryo na tinitirhan nila?"

-dagdag na tanong ko

"Magic 8".

-matipid na sagot nito

"Malapit lang ba ito dito?"

-tanong ko ulit

"Hanapin mo lang ang Magic 8 dormitory. Lakad ng kaunti, kaliwa, tapos baybayin mo lang ng diretso makikita mo iyon sa dulo. Bakit mo pala naitanong?"

-tanong niya pabalik

"Wala. Kinakabisa ko kasi ang mga lugar dito para hindi ako maligaw."

-sagot ko

Marahil ay ito na nga ang tamang panahon para makausap ko si Ethan ng maayos. Agad akong nagpa-alam kay Cindy pagkatapos ng hapunan. Niyayaya pa niya akong magbihis at mag-ayos sa kuwarto niya pero tinanggihan ko ito at sinabihang doon nalang magkita sa lugar ng pagtitipon.

Agad akong nag-ayos at nagsuot ng isang maitim na jacket. Sinadya kong magtagal para wala ng bampira paglabas ko. Akmang lalabas na ako ng makita ko ang singsing na nanggaling doon sa aso. Wala namang makakakita sa akin ngayon kung kaya't napagdesisyunan kong isuot ito. Maingat akong lumabas at siniguradong wala nang bampira sa paligid. Nang masigurado ay agad akong nagtungo palabas ng dormitoryo at tinahak ang daan patungo sa tinitirhan ng Magic 8.

Nang dahil sa lahi kami ng mga bampira ay madali kong narating ang tinitirhan ni Ethan.

Nasabi ni Cindy kanina na hindi daw mahirap mahanap ang kuwarto ng mga miyembro ng Magic 8 kasi may nakalagay daw na mga pangalan sa pinto ng mga kuwarto nila. Maingat na pumasok ako sa dormitoryo ng Magic 8 nang mapansing nakabukas ito. Tahimik ang paligid at walang anumang bakas ng bampira sa baba. Agad kong tinahak ang hagdan patungo sa mga silid ng Magic 8 at hindi nahirapang hanapin ang kuwarto ni Ethan.

Akmang kakatukin ko na ang pintuan ng kanyang kuwarto nang bigla itong bumukas. Gaya ng dati, marahil ay alam na naman niya na andito ako. Agad akong pumasok at nadatnan si Ethan na nakapamaywang at galit na nakatingin sa akin.

"Why are you here?"

-galit na tanong niya

"May sasabihin lang ako."

-mahinang sagot ko

"DON'T YOU KNOW THAT YOU ENTERED A F*CKNG DANGEROUS PLACE?"

-nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya

Maging ito ay nagulat rin sa biglaang pagtaas ng kanyang boses at agad na humingi ng paumanhin.

"I'm sorry Astrid I just want you to be f*cking out of this game".

-mahina nitong sabi at niyakap ako

Di ko man maintindihan ang mga pinagsasabi niya ay niyakap ko na rin ito pabalik. I know he's just worried about me. Pero malaki na naman ako at wala namang masama kung magpunta ako dito. Tutal wala rin namang nakakita.

Agad kong ipina-alam ang pakay ng pagpunta ko sa kanya. Marahil ay naintindihan naman niya at sinabing mag-iingat nalang daw siya kapag pupunta siya sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo bago ako lumabas ng kuwarto. Gustuhin man niya akong ihatid pero hindi puwede baka kasi magalit ang ibang mga estudyante at awayin ako pag nakitang magkasama kami.

Kampante at masaya akong lumabas ng dormitoryo nang makasalubong ko si Primo. Agad na nagbago ang ekspresyon ng pagmumukha nito pagkakita sa akin na lumabas galing sa tinitirhan nila.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?'

-galit na tanong niya

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba sa biglaang pagsigaw niya.

"Ah eh, wala naligaw lang. Sige una na ako."

-pagkukunwari ko

Akmang tatalikod na ako ng mahila niya ang kamay ko. At di sinasadyang mahila rin niya kasabay ang singsing na suot-suot ko.

Agad na nalipat ang atensiyon niya sa singsing na ngayon ay nasa lupa na. Kung kanina ay nagalit na ito, ngayon ay mas galit na itong nakatingin sa singsing. Agad niya itong pinulot at tiningnan ako sa mata kasabay ng pag-iiba ng kulay ng mga mata nito.

"WHERE DID YOU F*CKING GET THIS?"