Chapter 13
Nagsisimula na akong kabahan sa mga nangyayari. Pabalik-balik akong naglalakad sa kawalan habang pilit na inaalala ang mga lugar na aking nadaanan.
Agad akong napatili ng marinig kong may tumawa sa bandang likuran ko.
"Seems like you're lost."
-saad nito habang naglalakad palapit sa akin
Unti-unti akong napa-atras sa paglapit nito sa akin. Hindi ito taga Manderstein nasisiguro ko. Hindi ko pa nakikita ang mukhang iyan sa unibersidad.
"Don't worry, I don't bite."
-sabi nito sabay tawa nang mapansin ang pag-atras ko
"Di ka taga Manderstein!"
-matapang na saad ko
Nagkibit-balikat lang ito at nagsimulang maglakad palayo. Akmang susundan ko na ito nang bigla akong matapilok sa malaking bato at bumagsak sa lupa.
Napasigaw ako sa sakit nang diretsong bumagsak ang katawan ko sa lupa. Agad namang lumingon ang lalaki at naglakad palapit sa akin.
"Are you okay? Can you walk?"
-tanong nito
Sinubukan kong tumayo sa tulong nito at sinubukang maglakad. Pero di pa ako nakakadalawang hakbang ng muling bumagsak sa lupa. Agad na napakamot ito sa ulo.
"I can't carry you back to your university. But I have a better idea."
-saad nito
Ayokong maiwan mag-isa dito kaya wala na akong ibang pagpipilian.
.....
Narrator's POV
Sa Manderstein...
Sa paglubog ng buwan ay siyang naging pagtatapos ng nasabing pagsasanay. Ang mga estudyante ay pagod na nagsiuwian sa kani-kanilang mga dormitoryo. Sa kabila ng pagod ay makikita parin sa mga mukha ng mga ito ang saya sa pagtatapos ng mahirap at nakakapagod na pagsasanay. Masaya itong nagkukuwentuhan habang nilalakbay ang daan pauwi salungat sa mga estudyanteng naroroon parin sa activity center ng unibersidad.
Makikita sa mga mukha ng iilan ang labis na pag-aalala at takot sa mga posibleng mangyari. Isang babae ang agaw-pansin sa lahat. Pabalik-balik itong naglalakad habang pilit na inaalala ang mga nangyari.
"Magkasama lang kami kanina eh!"
-alalang saad nito
Isang lalaki ang dumating sa nasabing lugar. Humahangos at pagod na pagod itong tumatakbo. Tila ay naglakbay pa ito ng napakalayo. Agad na lumapit ang babae sa kararating na lalaki.
"Ano Ethan nakita mo ba si Astrid? Asan siya?"
-tarantang tanong nito
"Hindi."
-mahinang sagot nito
"DAPAT NIYO SIYANG MAKITA. HINDI NIYA KABISADO ANG LUGAR BAKA KUNG MAPANO PA IYON!"
-sigaw nito
Halos mabaliw na ito sa mga nangyayari. Akmang tatakbo ito palabas upang hanapin ang nawawalang kaibigan ng magawa itong pigilan ng iilan at pilit pakalmahin.
Matapos ang isang oras na ibinigay na palugit ng Magic 8 ay ligtas na nakabalik ang mga estudyante sa unibersidad. Nasa kalagitnaan na ng pagsasanay nang mapansin ng nagngangalang Cindy na hindi niya nakita ang kaibigan simula ng pagbalik nila sa unibersidad. Agad niya itong hinanap sa karamihan ngunit hindi niya ito nakita. Agad itong nagpanic ng matapos na ang pang-umagang pagsasanay at hindi pa rin ito nakakabalik. Ipinaalam niya ito sa Magic 8 dahilan upang maantala ng saglit ang pagsasanay. Agad na pumunta ang dalawang lalaki sa tinakbuhan ng mga estudyante nang malaman ang nangyari. Agad namang nagtalaga ang isang miyembro ng Magic 8 ng mga estudyanteng tutulong sa paghahanap sa nawawalang estudyante. Ilang sandali lang ay tinuloy din agad ang naantalang pagsasanay. Ngunit natapos na ang nasabing pagsasanay pero hindi parin nakakabalik ang nawawalang estudyante.
Naging kalmado na ang babae. Hanggang ngayon ay wala paring balita sa kinaroroonan ng nawawalang estudyante. Ang ibang mga estudyanteng nanatili sa activity center ay tumulong na sa paghahanap sa masukal na daan patungong Mt. Matterhorn. Ngayon ay walo nalang silang natitira sa activity center. Pito sa Magic 8 at ang babaeng nagngangalang Cindy.
Di kalaunan ay dumating na ang natitirang miyembro ng Magic 8. Tulad ng huli ay humahangos rin itong tumatakbo at pagod na pagod ng dumating.
"Primo did you find her?"
-tanong ni Leanna, ang isa sa mga babaeng miyembro ng Magic 8
Imbes na sumagot ay umupo ito sa pinakamalapit na upuan at ipinikit ang mga mata.
Nang malaman na hindi nakabalik mula sa pagtakbo patungong Mt. Matterhorn si Astrid, ay agad na tumakbo palabas ng unibersidad ang isang lalaking kilala sa tawag na Primo na sinundan naman ng isa pang lalaking miyembro ng Magic 8 na si Ethan.
Napagdesisyunan ng dalawa na maghiwalay upang mas mapadali ang paghahanap.
Agad na nagtungo si Primo sa masukal na parte ng kagubatan habang ang isa naman ay binaybay ang daan patungo sa Mt. Matterhorn. Tahimik itong naglalakad. Tila tinitipid ang mga kilos, nakahanda sa posibilidad ng mga kalaban sa paligid.
Nagsisimula ng lumalim ang gabi ngunit hindi parin mahanap ni Primo ang kinaroroonan ni Astrid. Sa kabila ng mga pangyayari ay hindi pa rin ito tumitigil sa paghahanap. Pero kalaunan ay napagdesisyunang bumalik na sa pag-aakalang nahanap na ito ni Ethan.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong activity center. Wala ni isa ang naglakas-loob na magsalita. Tahimik man ay makikita sa mukha ni Ethan ang labis na pag-aalala para sa matalik na kaibigan.
Agad itong tumayo upang bumalik sa paghahanap. Ngunit hindi pa ito nakakahakbang ay agad rin itong napatigil.
"ASTRID!"
-sigaw nito ng makita ang kararating na babae.