Chapter 23

"HI," bati ni Pearl kay Rohan.

"Hi, too. What are you doing here?" tanong nito sa kanya na bakas ang pagtataka sa mukha nito.

Sinadya niya kasi talaga ito. Kunwari ay magbabanyo lamang siya pero talagang balak niyang hanapin ang lalaki.

Nawalan na nga siya ng pag-asa nang mapagtanto niya kung gaano kalawak ang school ng anak. Akala niya ay maliit lamang ito ngunit nagkakamali siya dahil maliit na parte lamang pala 'yun ng eskwelahan.

Mabuti na lang at kilala si Rohan dahil nang magtanong siya ay mabilis na itinuro ng security guard ang opisina nito.

May halong kaba siyang nararamdaman dahil baka makarating sa asawa ang ginawa niyang pakikipag-usap rito. Natatandaan niya pa na pinagbawalan na siya ng asawa na makipagkita o makipag-usap kay Rohan.

But he needs him now. Masyado nang marami ang tumatakbo sa kanyang isipan at kailangan nang mga sagot.

May pakiramdam siya na may itinatago si Rohan sa kanya. Nararamdaman niya na kilala siya nito.

Ewan! Basta.

"Are you okay?" Pukaw nito sa kanya.

Doon ay bumalik siya sa sarili at marahas na bumuga ng hangin.

Diretso niyang tiningnan sa mga mata si Rohan. At doon niya napansin na may pagka green ang kulang ng mga mata nito. Hindi nga lang katulad ng kanya na mas matingkad.

"Do you know who I am?" diretsahan niyang tanong na ikinagulat nito.

"What do you mean?" Balik-tanong nito ng makabawi.

Binawi ni Pearl ang tingin dito saka siya umupo sa isa sa mga visitor's chair na nasa harap ng lamesa nito. Kahit hindi siya inaalok nito na maupo.

"I.. I sense that you-you know me… the real me," aniya sa mahinang tinig at nauutal. Wala naman sigurong masama kung alamin niya ang tunay niyang pagkataon

Tumayo si Rohan saka lumipat sa kanyang harapan. Umupo ito sa upuang katapat ng upuan niya.

He crossed his legs and leaned his back on the backrest of the chair. The cool Rohan was gone.

Dahil biglang nagbago ang awra nito. Napaka seryoso ng mukha at walang makikita na kahit anong emosyon sa mga mata nito.

Bigla ay kumabog ang dibdib ni Pearl. Mali ba siya nang nilapitan?

Rohan just looked at her like she was holding the secret of the universe.

Nakagat niya ang ibabang labi saka niya pinagsalikop ang kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang kandungan.

Pero hindi siya nakaramdam ng kahit na anong takot. Ewan niya but despite his powerful aura she can't feel any danger.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. Para bang may gustong sabihin pero hindi nito maituloy.

"Honey." Napaangat ang kanyang mukha at dumako rito dahil sa itinawag nito sa kanya.

Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Pero mababanaag niya rin ang galit.

"Ahhh!" daing ni Pearl saka siya napahawak sa kanyang ulo.

Sa pagkakatitig niya kay Rohan ay bigla na lang may kung anong lumitaw sa kanyang isipan hanggang sa maramdaman niya ang sakit.

Hawak-hawak niya ang ulo gamit ang dalawang kamay nang maramdaman niyan si Rohan na humawak sa kanya.

"What is wrong?" 'Yun ang huli niyang narinig bago tuluyang nagdilim ang kanyang paligid.

"WHAT did you do to my wife?" Ang galit na boses ng asawa ang narinig ni Pearl.

"Nothing, she collapsed and I just helped her," rinig naman niya ang boses ni Rohan.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame.

Where is she? Tanong niya sa isip.

"Sir Rohan, gising na po si ma'am." Napalingon si Pearl sa pinanggalingan ng boses.

Nakita niya ang isang nurse sa gilid niya na may hawak na chart.

"Iwanan mo na kami, okay naman siya, di ba?" tanong ni Rohan.

"Pearl, are you okay? What happened?" Napalingon siya sa kabila niyang gilid at naroon ang asawa na kaagad hinawakan ang kanyang kamay na ikinangiti niya. The sweetest husband.

"Yes, Sir Rohan. Wala naman po problema. Magandang senyales din po 'yun dahil ibig sabihin ay malapit na bumalik ang alaala ni ma'am. Excuse lang po." Humakbang na palabas ang nurse at naiwan silang tatlo.

Nang makalabas ang nurse ay nagsalubong ang tingin nila ni Rohan. Nakita niya nakatingin ito sa magkahawak nilang kamay ng asawa saka ito napatiim bagang.

Bakit ba ganoon na lang ang reaksyon nito?

Hindi naman siguro ito ang katalik niya sa video saka wala naman siyang nararamdaman na iba rito. Mas tamang parang nakatatandang kapatid ang tingin niya rito.

"Now, tell me… Anong ginawa n'yo?" Bumalik ang tingin niya sa asawa nang marinig sa boses nito ang pagkainis.

"Wa-wala," sagot niya.

"I already told you what happened, Mr. Bustamante. Even the guard witnessed it. Bakit kailangan mo pa itanong ulit sa asawa mo. She just woke up at least you sh-"

"I don't need your opinion, Mr. Velasco!"

Napapitlag si Pearl dahil sa lakas ng pagsagot ng asawa kay Rohan na ikinahinto pa nito sa ibang sasabihin.

"Uuwi na tayo." Inalalayan siya ng asawa na makatayo nang maayos. "Kaya mo ba? Or, let me carry you."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang akmang bubuhatin siya ng asawa. Mabilis niya itong pinigilan.

"No, I-I can walk," pagtanggi niya sa gusto nito.

Binigyan siya nito nang nag-uusig na tingin.

Napabuntung-hininga na lang siya dahil hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng asawa.

"Let's go. Naghihintay na si Harold sa labas." Inalalayan na lang siya nito.

Nang makalapit siya kay Rohan ay tumigil muna siya saka ito tiningnan.

"Be careful, Pearl. Mabuti na lang at sumaktong naglilibot ako. I saw how you collapsed. Take care of yourself and don't stress too much. Just let things happen."

Napakunot ang kanyang noo sa mga sinabi nito. Para ba itong may gustong ipahiwatig sa mga salitang binitiwan. Saka anong sinasabi nitong nakita siya nito sa labas. E, sa loob siya ng opisina nito nawalan ng malay.

"Let's go," pukaw ng asawa sa kanya na ikinatingin niya rito. Kitang-kita niya ang nakabusangot nitong mukha. Pero ang gwapo pa rin.

"Ingat kayo."

Nabalik ang tingin niya kay Rohan na matamis nang nakangiti sa kanya. Sinuklian niya ang ngiti nito.

"Maraming salamat Sir Rohan. Pasensya na sa abala," sabi niya ng ma-realized niya ang dahilan nang pagsisinungaling nito.

"Mommy!" Salubong ng anak sa kanya pagkalabas nila sa clinic ng eskwelahan.

"Baby." Agad itong yumakap sa kanyang mga binti.

"Harold, come to daddy. Let me carry you because mommy can't, ok."

Mabilis naman umalis ang anak sa pagkakayakap sa kanyang mga binti at itinaas ang mga kamay upang magpabuha sa daddy nito.

Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang mag-ama niya.

Mag-ama niya nga ba?

"Let's go," aya ng asawa sa kanya.

Naunang maglakad ang mga ito. Bago siya sumunod ay lumingon muna siya at nakita niya si Rohan na seryosong nakatingin sa kanya.

Sino ka ba talaga? Tanong niya sa kanyang isip bago tuluyang sumunod sa kanyang mag-ama.