Chapter 22

"YOU LOOK so happy, Pearl."

Napatingin si Pearl sa kaibigan na si Abygail.

"I am," masigla niyang tugon.

It's been two weeks since Hycent decided to give her another chance to fix their family.

And for the past two weeks. Hycent never failed to make her feel how lucky she was to have him and Harold.

Kaya sa loob ng dalawang linggo ay nakalimutan niya ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

The idea that she was not who she is.

Masyado siya masaya para isipin pa 'yun.

"Mind if you share it. Dalawang linggo rin akong hindi nakabisita sayo. What happened?" pag-uusisa nito.

Lumapad ang kanyang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang anak na nasa swimming pool.

"Hycent gave me another chance. Hindi ko rin inaasahan na after what I did…." Natigilan siya at naalala ang una nilang pagkikita. Ang galit sa mga mata nito. "He managed to give me a second chance." Tiningnan niya ang kaibigan. "Do I deserve it, right?"

Nakita niyang natigilan ito at mataman siyang tinitigan na para bang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

"Hey! Sa reaksyon mo para mo namang sinasabi na hindi ko deserve 'yun," nagtatampo niyang sabi.

"No. Hindi sa ganoon. I'm just shocked. Ofcourse you deserved it but are you sure, he's serious?"

Nabakasan niya ang pagdududa sa boses ng kaibigan. Well, hindi naman niya masisisi ito. Pero ayaw niya lang isipin na pinaglalaruan lang siya ng asawa.

The way he kissed her, touched her and made love to her just proved how much she meant to him.

Oo, sa dalawang linggo halos wala yatang araw na hindi siya ginalaw ng asawa. Para itong walang kapaguran. Lagi na lang siya nakakatulog dahil sa pagod at pagka drain.

"Still with me." Napakurap siya nang pinitik ng kaibigan ang kanyang noo. "Naglakbay ka na yata. Ano ba ang iniisip mo?" Kunot noong tanong nito.

"Huh? Wa-wala. I mean, 'yung sinabi mo." Huminga siya nang malalim. "Aby, ano man dahilan niya kung bakit niya ako binigyan ng second chance ay hindi na mahalaga sa akin. And I feel it. His sincere about it," pagtatanggol niya sa asawa.

"If you say so." Nagkibit balikat ito saka may kinuha sa bag nito. "Heto na pala mga gamot mo. Make sure that you always take -"

"Sigurado ka bang gagaling ako dyan?" Putol niya sa iba nitong sasabihin.

Halos isang buwan na siyang umiinom nang binibigay nito. Pero wala pa rin siya maalala para ngang mas nakakalimutan niya ang mga bagay-bagay. May side effect yata kaya tinigilan niya ang pag-inom. Pero heto na naman at binibigyan siya ulit. Tinatago niya nga sa asawa niya dahil ayaw niya dahil rito ay magalit na naman ito. She doesn't want her husband's trust for her to break again.

Sasagot pa lang ito nang tawagin siya ng anak.

"Mommy, enough." Kumakaway pa ang dalawang kamay nito sa ere na senyales na nagpapaahon na ito. She excused herself to her friend.

"Asikasuhin ko lang sandali si Harold, ah". Tumayo na siya upang kuhanin ang anak.

Pagkaahon sa anak ay dumaan muna siya sa kaibigan upang batiin ito ni Harold.

"Say hi to Ninang Aby," sabi niya sa anak habang karga-karga ito.

"Hi, Tita Aby. Where's chocolate?" Inilahad pa ni Harold ang isang palad sa harapan ng kaibigan

"Sus, pwede ba makalimutan ni Ninang 'yun." Kinuha nito ang isang paper bag sa tabi saka inabot kay Harold.

Kumislap agad ang mga mata ng anak pagkakita sa mga paborito nitong tsokolate.

"Thank you, Ninang Aby. I eat all," excited nitong sambit.

"Later, Harold. Let me clean you first." Tumingin siya sa kaibigan at tinanguan ito.

Humakbang na siya papasok sa mansion upang asikasuhin ang anak.

"WHAT? BABALIK KA NA? Pero akala ko sa ibang bansa na kayo titira? What happened? You can't just come back as easy as that, Pe-"

Naputol ang pagbanggit ni Abygail sa pangalan nang kausap nang bigla itong humarap patalikod at saktong naroon na si Pearl.

Kitang-kita ang panlalaki ng mga mata nito habang siya ay napakunot noo. Narinig niya kasi ang sinabi nito

Hindi naman sa tsismosa siya kaso kasalanan niya ba kung narinig niya.

"I will call you back later, Peter. Nandito na kasi si Pearl, ok, bye," paalam nito sa kausap.

Siya naman ay medyo naghinala. Lalo na nang diinan nito ang pagbigkas sa kanyang pangalan. Para bang may gustong ipahiwatig sa kausap.

Isa 'yun sa dahilan kung bakit hindi niya masabi rito ang kanyang natuklasan. Hindi siya sigurado kung kakampi ba ito o ano.

"Si Peter, hindi mo siguro siya matandaan. He is one of our friends. Gusto niya sana puntahan ka kaso sabi ko huwag na muna lalo na at kakabati n'yo lang ni Hycent. Baka ano na naman isipin ng asawa mo," dire-diretsong paliwanag nito.

Tipid niya itong nginitian. Bigla ay nakaramdam siya nang kakaiba sa kaibigan. Oh, well, hindi niya pala ito kaibigan.

Mataman niya itong tinitigan. She felt it. She's hiding something from her. Alam kaya nito na hindi siya ang tunay na Pearl. Alam kaya nito kung nasaan ang tunay na Pearl. Kokomprontahin niya ba ito?

"I'll go ahead, Pearl. Magpahinga ka na at mukhang nakakapagod nang bantayan si Harold. I'm happy at last you're okay now." Kinuha nito ang bag saka siya nilapitan upang halikan sa pisngi.

Tipid lang siyang ngumiti rito. "Sige, ingat ka."

Nang makaalis si Abygail ay mabilis niyang kinuha ang isang maliit na plastic kung saan nakalagay ang gamot na binibigay nito na nasa isang maliit na bote.

Inilabas niya rin ang cellphone saka ito sinubukan i-type sa google. Trying to find an answer.

Matapos mabasa ang lumitaw ay kumunot ang kanyang noo. Ayon dito ay tama naman ang gamot.

Hindi sa pinaghihinalaan niya si Abygail pero hindi niya maiwasan matapos ang narinig kanina at ang kilos.

Pinakatitigan niya ang hawak na bote.

Sa ngayon, hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Hindi niya alam kung ano ang kinalalagyan.

Hindi pa naman siguro naghinala ang asawa sa kanya.

Ang dami niyang tanong na hindi niya alam kung makukuha niya ba ang kasagutan.

Kanino siya lalapit kung hindi niya nga kilala kung sino ba talaga siya?.

Biglang sumagi sa kanyang isip si Rohan. Kilala kaya siya nito?

Susubukan niya.

Aalamin niya ang totoo bago pa siya ang magulat kapag bigla na lang lumitaw ang tunay na Pearl at pagbintangan pa siya.

She needs to do something before it becomes too late for her.