Kabanata 23: Birthday Gift

Yngrid

MATAPOS ang gabing iyakan at usapan namin ni Devron ay nagdesisyon muna siyang pumunta sa organization at kumpanya para ayusin at asikasuhin ang dapat unahin. Kasama ko ngayon si Iris pero hindi ko alam kung nasaan na namang lupalop ang babaeng ‘yon.

Nagdesisyon muna ako sa garden tumambay para makalanghap ng sariwang hangin, hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa rest house ni Devron pero mas lalong dumoble ang security. Pero kahit ganon ay nag-iingat pa rin kami dahil kahit anumang oras ay maaari na namang sumugod ang mga kalaban.

“Lalim naman ng iniisip mo, Yngrid,” saad ng kung sino at ng tingnan ko kung sino ito ay si Iris pala na may dalang juice at ibinigay ang isa sa akin na malugod ko namang tinanggap. Nang umupo siya ay pinagkakatitigan niya muna akong mabuti kaya nagtanong na ako.

“May dumi ba sa mukha ko?”

“Wala naman, pansin ko lang na blooming ka ngayon. Nadiligan ka na ba ni Kuya?” Pagbibiro niya kaya naibuga ko naman ang juice na iniinom ko kaya malakas naman siyang tumawa sa nagawa ko.

“Hindi ah! Ang halay ng bibig mo,” namumulang saad ko at nginisian niya lang ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Dahil don ay nakaramdam ako ng kahihiyan, bakit naman kasi yon pa ang tinanong ni Iris.

“Ay pwede mo yang iregalo kay Kuya sa birthday niya, paniguradong gaganahan pa iyon makipaglaban,” pagbibiro niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo niya pang ikatawa. Nang marinig kong birthday ay muli ko siyang tinanong.

“Kailan ba ang birthday ni Devron?”

“May balak talaga siyang iregalo kay Kuya… joke lang! Aray Yngrid, nagbibiro lang ako!” Tumatawang iniiwasan ni Iris ang bawat hampas ko at sabay kaming umupo at nagpatuloy naman siya. “Bukas na,” dugtong niya kaya natahimik ako at napaisip.

Ano nga bang ireregalo ko kay Devron? Pwede na kaya ang pagmamahal ko o kaya ang sinabi ni Iris? Charot! Ang harot ko na.

“Nag-usap na kayo ni Kuya?” Naging seryoso na si Iris sa mga oras na ito kaya hindi ko na rin maiwasan ang sumeryoso. Lumingon ako saglit sa kanya at tumango.

“Oo, pinag-usapan namin ang gagawin niyang paglayo sa akin.”

“Gagawin mo?”

“Hindi, ayokong lumayo sa kanya at hahayaan na siya lamang ang haharap sa mga problemang kinakaharap namin. Ayokong iwan siya, kaya nga sumugal ako dahil alam kong kaya kong harapin dahil kasama ko na siya. Bakit… bakit kailangan niya akong ilayo sa kanya?” Hindi ko na mapigilang tanong kaya napabuntong hininga naman siya.

“Kasi mahal ka niya, Yngrid. Mahal na mahal ka ni Kuya kaya handa niyang bitawan ang lahat para lang makasama at mailigtas ka. Pero sana sa oras na gustong-gusto ni Kuya na malayo ka muna sa kanya ay hayaan mo siya. Pakinggan mo siya, Yngrid. Sumunod ka sa kanya dahil para sa’yo na rin ang ginawa niyang paglayo.”

“Pero bakit kailangan niya pang gawin ‘yon, Iris?” Hindi ko na maiwasang mainis at masaktan. Alam ko naman na para sa akin ang ginagawa niya pero hindi ko kayang makita na siya ang maghihirap at masasaktan sa naging desisyon niya.

“Dahil natagpuan ka na nila, Yngrid at sa mga oras na ito ay hindi na sila makakapayag na makatakas ka ng buhay,” diretsahan niyang saad sa akin kaya naguluhan na ako ng tuluyan. Ano ang ibig sabihin ni Iris? Hindi ko siya maintindihan, may alam ba ako na hindi ko alam o dapat na malaman. Nang akmang magsasalita na sana ako pero sabay kaming napasubson ni Iris sa lupa dahil may nagpaulan ng bala sa direksyon namin.

“Putang ina! Kaunti lang tayo dito, Yngrid. Kailangan na nating tumakas!” Taranta niyang saad at wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.

Habang tinatakbo namin ang kahabaan ng hallway ay kitang-kita ng mga mata ko ang pagdanak ng dugo sa loob ng rest house, mas lalong nanlamig ang katawan at kamay ko ng makita kong muli ang butterfly tattoo sa mga kamay nila. Sila na naman ang humahabol sa amin.

Ano bang kailangan nila sa akin? Hindi ako mayaman para habulin nila, wala akong alam pero bakit ako ang pinupuntirya nila? Bakit sa akin mainit ang dugo nila? Ano bang kasalanan ko? Gusto ko lang naman na tahimik na buhay kasama si Devron pero bakit ganito ang nangyayari? Tama na nga bang ilayo ko muna ang sarili ko kay Devron para matapos na ang lahat?

“Tangina! Yngrid pasok dito bilis! Kailangan na nating makaalis dito!” Galit na utos sa akin ni Iris habang nakikipagbarilan sa mga humahabol namin kaya mabilis ko naman siyang sinunod at pumasok sa isang lagusan, nang makapasok ako ay mabilis naman siyang sumunod at tumakbo kami papalabas dito.

“Putcha! Hindi pa ako pwedeng mamatay! May asawa at anak pa ako!” Rinig kong sigaw niya kaya napangiwi na lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo sa nilusutan naming lagusan.

Nang tuluyan kaming lumabas ay bumungad sa akin ang masukal na gubat at isang daan kung saan may nakaparadang kotse na mabilis namang sinakyan namin Iris. Saktong pagsara namin ng pinto ay siya namang pagsulpot ng mga armadong lalaki at pinagbabaril ang sasakyan namin.

Dahil sa pagkabigla ay napapikit ako ng mariin at nanalangin sana ay huwag kaming tamaan. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming nasa isang action movie dahil sa nangyayari sa amin, makalipas ang ilang minutong pagbabaril na ginagawa nila ay wala akong naramdaman kaya narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Iris.

Anong nakakatawa? Nasa bingit na nga kami ng kamatayan ay nakuha niya pang tumawa? Kakaiba talaga tong si Iris.

“Huwag kang mag-alala, bullet proof ‘tong sinakyan natin. Hindi tayo mamamatay na dalawa. May dalawang naghihintay sa atin kaya kumapit ka ng mabuti dahil mabilis akong magpaandar,” pagbabanta niya at hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis niya ng pinaandar ang sasakyan kaya napahiyaw na ako.

“Iris, hindi tayo mamatay sa baril, mamamatay naman tayo sa pagda-drive mo! Shet!” Hindi ko na mapigilang sigaw pero tinawanan niya lang ako at taimtim na nagpasalamat ng bagalan niya ang pagmamaneho ng makapasok kami sa isang abandonadong gusali.

Akala ko ay bababa na kami pero namangha ako sa sunod na nangyari, bumukas ang gitnang bahagi ng building at dumiretso kami dito ni Iris. Hindi ko na alam kung saan ako titingin dahil mga hightech pala ang kagamitan dito. Teka, nasaan ba kami?

“Nasa headquarters ka namin, Yngrid. Pagmamay-ari ng pamilya namin.” Sagot ni Iris na para bang nabasa niya ang nasa isipan ko. Kaya tumango na lang ako. Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng isang pinto kaya ng bumaba na si Iris ay bumaba na rin ako.

Nakita kong may elevator kaya hinihintay naming bumukas ito. Nasaan na ba si Devron? Alam na ba niya ang nangyari sa amin? Pero ang lahat ng katanungan ko ay bigla na lamang nasagot ng ang taong kanina pa tumatakbo sa isipan ko ay tumatakbo na ngayon papunta sa direksyon ko kaya sinalubong ko siya ng mainit kong yakap.

“Baby!”

“Fuck! Wife!”

Sabay nilang sigaw ni Sebastian at napapikit na lang ako ng pumalibot sa akin ang matipuno niyang braso at ikinulong sa mainit niyang bisig. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya kaya pinatakan ko siya ng halik sa mukha para kumalma.

“I’m so damn worried about you, Yngrid. I thought they finally get you mabuti na lamang at nandoon si Iris. Damn,” takot na takot niyang bulong kaya ngumiti ako at napatili na lang ako ng buhatin niya ako na parang bagong pangkasal.

Narinig ko pang nagpasalamat pa siya kay Iris na ngayon ay yakap-yakap ni Sebastian kaya napangiti na lang ako dahil sa wakas ay nagkabalikan na silang mag-asawa. Natawa pa ako bago tuluyang pumasok sa elevator ng marinig ko ang iritang boses ni Iris dahil sa asawa niya.

“Putcha naman Sebastian! Sabi ng okay nga lang ako! Ano bang pinuputok ng buchi mo?!”

“Saan tayo pupunta, Dev?” Pagtatanong ko habang buhat-buhat niya ako at ng makalabas na kami ay dumiretso kami sa isang kwarto at pinaupo niya ako don. Kaya mabilis naman niyang chineck ang katawan ko kung may tama o sugat ba.

“Mahal na mahal kita, Dev,” anas ko at ng hindi pa siya nakakabawi ay bigla kong hinila ang batok niya at siniil siya ng halik na malalim naman niyang tinugunan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng tshirt niya at pumalibot ang kamay ko sa maganda niyang katawan.

Dahil sa ginawa kong ‘yon ay narinig ko ang mahina niyang pagdaing at mas lalo niya pang pinalalim ang halik na ibinibigay niya sa akin ngayon kaya palihim naman akong napangiti. Nang akmang itataas ko na sana ang tshirt niya ay mabilis siyang humiwalay ng halik sa akin at pinigil ang gagawin ko.

“Stop baby, baka kapag hindi ako nakapagpigil ay mabuntis kita ng hindi oras.” Ramdam ko ang pagpigil at panggigigil sa boses niya kaya marahan kong hinawakan ang pisngi niya at matapang na sinalubong ang mga mata niya.

“Take me… take me, Devron.” Matapos kong sabihin ‘yon ay nagbago ang ekspresyon mukha niya, nakita ko kung paano mandilim ang mukha niya na para bang hindi niya akalain na sasabihin ko ang salitang ‘yon. Umiigting ang panga niya habang malalim na nakatingin sa akin na para bang pinipigilan pa niya ang sarili niya sa susunod na gagawin sa akin.

“Mark me as yours, Devron.”

At napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Mahina akong napadaing ng bumaba ang halik niya sa panga ko at mahigpit na napahawak sa buhok niya ng sipsipin niya ang leeg ko na para bang nag-iwan pa ng marka don.

“Dev,” anas ko ng halikan na naman niya ako ng malalim at ang kamay niya ay pumasok na sa loob ng tshirt ko dahilan para mas lalo pang magliyab ang apoy na nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko kapag tumigil si Devron sa gagawin niya ay mababaliw ako.

Hindi ko na alam kung ano ang maramdaman sa mga oras na’to. Halo-halong emosyon ang pinapalasap sa akin ni Devron sa mga oras na’to. Muli ko ng naramdaman ang halik ni Devron sa panga ko papunta sa tainga ko. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nakiliti ako.

“Damn baby, ang sabi ko pagpapahingahin kita dahil mukhang pagod ka. Pero mukhang mapapagod ka talaga sa gagawin natin ngayon.”