Chapter 65: Nagpapahila…

Actually...

Nakatulog ako sa bisig ni Keian. Dahil na din siguro sa kulang ako sa tulog.

Bakit madalas akong makatulog pagkatapos umiyak???

Nagising ako na may feeling na may nakatitig sa akin kaya tumingin ako sa may kanan ko.

Nandun si Keian na nakapalumbaba at nakatingin sa akin.

.

.

.

Napapikit pikit ako.

Ano gagawin namin? Magtititigan lang???

" Keian?" Bigla siyang ngumiti at lumapit ang ulo sa akin.

Nagulat nalang ako nang hinalikan niya ako sa labi.

Malapad ang ngiti niyang lumayo sa akin.

" Hi"

" H-Hii?" Anyare? Good mood yung kaharap ko ah.

He chuckled as he saw how confused I was.

" I'm just happy to see you again" wika nito.

Dahan dahan akong ngumiti dito.

" Me too?" Tumayo siya tsaka pumunta sa kabilang bahagi ng kama tsaka niyakap ako mula sa likod.

Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makahinga nang maayos.

Tumagal kami sa ganoong posisyon hanggang sa magsalita siya.

" I'm sorry. I'm really sorry. Dapat hindi ako pumunta sa France. I should have talked to you" napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.

" It's okay, Keian. Naiintindihan ko. Alam ko namang ganoon ang magiging reaksyon ng kung sino mang pagsasabihan ko---" napatigil ako sa pagsasalita nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin tsaka pinisil yung kamay ko.

" Don't say that, Nass." May pagkainis na sabi nito.

" I'm mad at myself, for reacting that way." Bumuntong hininga siya at sinuksok ang mukha sa leeg ko.

" I'm just scared that you'll never stay by my side again after what I've done..." ramdam ko ang hininga ni Keian sa leeg ko habang nanatili kaming dalawang tahimik.

" I was fifteen when my grandfather told me I'm ready to have my 'initiation'. Naexcite ako nang marinig iyon dahil pagkatapos ng limang taong pagt-training ay makakasama na ako sa Il Massimo Impero" naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko habang nakikinig.

" Pero nung nakita ko yung mommy mo, nagdalawang isip ako. I know that she's not a bad person. Lolo have to shot her kasi hindi ko mapatay. After that, I rushed to her side, hoping to save her life pero bago pa ako tuluyang makita ay hinila na ako palayo ni Lolo"

" Pagkatapos noon ay unti unti kong nalalaman ang mga sikreto ni Lolo. And I hated him for that. Nung nageighteen ako, dapat kami kami lang ng pamilya ko ang magc-celebrate pero dumating si Lolo." Kumuyom ang kamao ko, hinding hindi ko makakalimutan yung araw na iyon...

" He killed my family. I needed to get out of there, ayokong panghabambuhay ko siyang kasama. I can't find any home for 2 years until I met Brylle. Tapos pinatuloy kami ni Tiya" huminga ako nang malalim para hindi mapaiyak muli.

Hinarap niya ako sa kanya tsaka sinandal ang ulo ko sa dibdib nito habang hinahagod-hagod ang buhok ko.

" I was eighteen when my mother died. It took us almost 3 years to get ready for our revenge in Il Massimo Impero. He deserve to die. Nakita ko karamihan sa mga transactions niya... and I promised myself na hindi ako magiging katulad niya" pinagtagpo niya ang mga noo namin habang nakapikit.

" I'm glad you're here, baby" ngumiti ako dito at hinalikan ang pisngi nito.

" Ako din, Keian"

Nagkatinginan kaming dalawa at unti unting naglalapit ang mga labi namin...

*tok tok* *bukas ng pinto*

" Kei! Ang tagal mo---" nanlaki ang mata ko at napatago sa leeg ni Keian nang marinig na pumasok si Steven sa kwarto.

Huhuhu!!!

" Did I told you to come in?!" Iritableng tanong ni Keian dito.

" Oopss... naistorbo ko ba kayo?" Napasinghap si Keian sa mapangtuksong tono ni Steven.

" Okay lang iyan, bili, tayo na! Mamaya na kayo maglabing labing!" Hinila ni Steven si Keian patayo na may ngisi sa labi.

Namumula ang pisngi kong tumingin kay Steven.

" Hello Nass. O siya-- tayo bili! Mamaya na mahiya!" Kinuha niya ang dalawang braso ko at hinila din ako patayo.

Nakataas ang kilay ni Kei na tumingin kay Steven.

" Is it ready?"

" Yes sir!" Parang sundalong sagot ni Steven.

" Tsk!" Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila.

Bakit ba palagi nalang akong hinihila sa kwentong ito????

Ako naman, laging nagpapahila...

* internal face palm*

---

" Ano meron?" Pagtataka ko dahil pagkapasok namin sa headquarters dumiretso kami sa may third floor kung saan may malaking events venue? May mga upuan dito at punong puno ng tao ang lugar, mapababae man o lalaki.

Nasa likod ko ang kamay ni Keian habang sinusuri ang bawat isang nandito.

" Today is our monthly meeting. Most of our men are here" sabi nito sa akin.

Tinignan ko yung mga taong nandito.

Madami silang nakikipagusap sa isa't isa. Yung iba, napapansin kong nakatingin sa akin.

Naconcious naman ako sa suot ko na tshirt na pambahay at nakashorts lang.

Nanlaki ang mata ko at napapunta sa likod ni Keian.

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

" What are you doing?" Ngayon ko lang napansin na nakasuit si Keian kahit sila Zeke, Steven, ah basta lahat sila maayos ang damit.

Nakaramdam ako ng pagkainis at kaagad na pinalo si Keian sa likod.

Tinignan niya ako nang masama, ganon din ang ginawa ko sa kanila.

" Ikaw kasi, hila ka nang hila sa akin, ang pupuntahan pala natin meeting! Bakit mo ba ako dinala dito!? Tignan mo nga yung suot ko!" Inis kong sabi dito.

Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Humarap siya sa akin...

" Bakit nakapambahay ka? You look out of place. Tsaka bakit ka kasi nagpahila?" walang emosyong sabi nito pero halatang tinutukso niya ako.

Tumaas ang kilay ko pero natahimik at napatalikod nalang. Baka mapahiya ko pa ang sarili ko.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinarap sa kanya.

Napataas ang tingin ko sa mata nito. Magkalapit ang aming mukha.

" I'm kidding. You don't have to change clothes for them. If they offend you because of your clothes, I'll fire them immediately okay? Your very existence is what's important. I don't care if you're not clothed properly, baby" nakangisi pa siya, napabuka ang bibig ko nang ibulong niya yung huling salita.

" Kei, huwag magPDA ngayon, kanina ka pa kaya namin hinihintay" sabi ni Zeke na nakangiwi.

Lumayo agad ako kay Keian at napatingin sa paligid para tignan kung mayroong nakalingon sa amin pero wala naman.

Bumuntong ako.

" Wala naman iyong kinalaman sa kung ano ang opinyon mo ehhh. Eh sa nakakahiya para sa akin na nakasuot ng ganito" napatungo ako na agad na napataas nang hawakan niya ang baba ko.

Nagkatitigan kami.

Maya maya ay napabuntong hininga siya.

" Fine"

" Maxence!" Napataas ang tingin ni Maxence mula sa cellphone niya at tumingin kay Kei.

" Hmmm?" Sagot nito habang papalapit sa amin.

" Pakisamahan si Nassandra pabalik sa mansyon. She needs to change her clothes" kumunot ang noo ni Maxence at napatingin sa akin.

Bumalik ang tingin niya kay Keian tsaka napabuntong hininga.

" Okay" nilagpasan niya kami at nauna nang maglakad.

Tumingin muna ako kay Keian tsaka sumunod na kay Maxence.

---

Naglalaro si Maxence sa cellphone niya habang naglalakad kami papunta sa mansyon.

" Uhmmm---"

" I don't care" nagulat ako sa sinabi nito. Wala pa naman akong sinasabi ehhh.

Napanguso nalang ako at nagdesisyong manahimik.

Pagdating namin sa kwarto ni Keian ay naiwan siya sa labas habang pumasok ako para makapagpalit ako sa mas maayos na damit.

Pumunta ako sa may walk in closet ni Keian.

Nagsuot ako ng simpleng tshirt at pantalon pero naisipan kong magjacket dahil malamig.

Kukunin ko na sana yung luma kong jacket pero nakita ko ang isang nakahanger na jacket ni Keian.

Gusto ko naman kunin kasi ang nipis lang nung jacket ko at leather jacket pa yung nakita ko na alam kong kay Keian.

Sa huli ay napagdesisyonan kong yung leather jacket ang suotin.

Ang lamig kaya sa labas.

Umabot hanggang sa hita ko yung jacket dahil matangkad naman talaga si Keian.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakasandal si Maxence sa pader habang nakatulala sa kisame.

" Maxence?" Lumipat ang mata niya sa akin at kita ko ang blangko niyang ekspresyon.

Ngumiti ako dito.

" Sorry, pinaghintay kita" hindi niya ako pinansin at naglakad na pabalik sa headquarters na nakalagay sa bulsa ang kamay.

Tahimik ko din siyang sinundan pabalik.

" Report." Narinig ko ang malalim na boses ni Keian pagkabalik namin dito sa may 3rd floor.

May tumayong isang tauhan at nagsimulang may ipaliwanag.

Pumunta ako sa may gilid na pader para hindi sila maabala.

They're talking about their other enemies other than Il Massimo Impero na kung saan nandoon si Diego.

Nalaman ko na may pupuntahan sila Keian ngayong gabi para 'singilin' yung isang taong may pangalang Fernan.

Nacurious naman ako kasi hindi ko pa alam kung paano ang ginagawa nila kapag may 'transactions'. Kung parehas ba nung sa Il Massimo o mas iba...

Nagusap usap pa sila tungkol sa ibang issues na kailangang tugunan.

Isa isang naglabasan yung mga tauhan sa kwarto para bumalik sa mga kani-kanilang ginagawa.

Keian apologetically looked at me while walking towards my direction.

" Sorry, I wasn't able to be by your side" ngumiti ako dito.

" Okay lang. Masaya namang makinig" tinaasan niya ako ng kilay. Sinusuri kung nagbibiro ba ako o hindi.

Kumunot ang noo niya nang makita ang suot ko.

" Whose jacket is that? It's obviously not yours" May pagkainis na sabi nito.

Inirapan ko siya.

" It's yours" bahagyang gumilid ang ulo niya sa akin.

" Okay" biglang napunta yung mukha niya sa ekspresyong sinasabing 'I don't care"

Hinawakan niya ang kamay ko at lalabas na sana sa kwarto pero pinigilan ko siya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin.

" I want to be on where you'll be going tonight"

" What? Why?"

" Gusto ko lang makita kung ano yung ginagawa niyo" humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

" It's dangerous, Nass" tumango ako, naiintindihan yung sinabi niya.

" I know. I just... want to know?" Hindi ko din sigurado kung bakit gusto kong sumama sa kanila.

" Sisingilin niyo lang naman siya diba?" Ngumiwi siya sa sinabi ko habang nakatitig sa akin.

Maya maya ay bumuntong hininga.

" Okay. But, you will stay by my side all the time" ngumiti ako at tumango.