Chapter 65: Sorry

Nung gabi ay hindi ako makatulog nang maayos. Dahil siguro sa una, natatakot akong matulog at managinip na naman nang masama, pangalawa ay dahil magisa lang ako sa kwarto ni Keian na kaamoy niya! Ang dami lang umiikot na kaisipan sa utak ko. Kaya hanggang ala una nang madaling umaga ay hindi pa ako nakakatulog.

" Arghhh!" Napaupo ako sa kama at tumingin sa paligid. Madilim at tahimik.

Tumayo ako at pumunta sa veranda para buksan ang salaming sliding door nito. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin.

Dahil sa full moon ngayon ay parang may ilaw na nakabukas sa field.

" Hoy!" Kumunot ang noo ko nang makarinig ng sigaw.

Isinara ko ang sliding door at lumabas ng kwarto ni Keian.

May naririnig pa rin akong sumisigaw kaya lumapit ako sa pinto ni... Zeke?

Binuksan ko ito at patatahimikin sana siya kaso lang natigilan ako sa kung sinong nasa kama ni Zeke.

" You stupid idiot! Bakit ka naman pumunta sa France ha?!" Patuloy na sigaw ni Zeke.

Nandoon ang isang tahimik na Keian... nakaupo sa kama ni Zeke.

Napansin niyang bumukas ang pinto kaya napatingin siya dito.

Nagtagpo ang mata namin at hindi ko napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

" Hoy Keiranz! Nakikinig ka ba?! Alam mo ba ang nangyari kay Nassandra kahapon!?"

Malamig ang tingin niya at mukhang naiirita sa kaingayan ni Zeke.

Napakagat ako ng labi.

Nakauwi na siya kaagad?!

" Ano ba ang tinitignan---- Nass?" Tumingin ako kay Zeke na napansin na nandito ako.

" U-uhhmm. Sorry, nagising ba kita?" Bumalik ang tingin ko kay Keian na nakayuko at nakatingin lang sa sahig at bumalik kay Zeke.

" H-hindi. Ah, sige. Balik na ako" tumaas ang kilay ni Zeke nang mapalunok ako.

" Nassandra!" Halos patakbo akong bumalik sa kwarto ko--- ay, kwarto pala ni Keian.

Kaagad kong sinara ang pinto at nagdive sa kama.

Bakit parang gusto kong maiyak?

Naramdaman ko yung pagtulo nung luha ko.

" Kainis" pilit kong pinunasan ang luha ko inaasahang titigil pero hindi.

Bakit ngayon pa siya umuwi? Hindi pa ako ready!

Nanlaki ang mata ko nang marinig na may nagbukas nung pinto. Kaagad akong gumilid ng higa paharap sa may veranda. Tinakpan ko din yung bibig ko at itinaas ang kumot papunta sa mukha ko.

Medyo nakikita ko ang ilaw na nanggagaling sa pinto at sigurado ako kung sino ang nasa pinto.

" Nass" rinig ko sa malalim at matipunong boses nito.

Pumikit ako para hindi halatang gising...

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at isinara ang pinto.

Dalawang eksena ang inasahan kong mangyayari.

Ang makaramdam ng paggalaw sa katabing bahagi ko ng kama o ang paglabas niya...

At para akong shungang mas umasa dun sa una.

Pinagpatuloy ko ang pagiyak hanggang sa nakatulog ako.

---

Nagising ako nang mga 5 AM. Ayaw ko pa sana bumangon dahil kulang ako sa tulog pero hindi na ako inaantok eh.

Bumaba ako sa kusina para maglinis at magluto, baka may maagang kumain sa kanila.

" Goodmorning, Nass!" Napatingin ako kila Ema at Jane na masiglang bumati sa akin. Ngumiti ako sa kanila.

" Goodmorning din. Ayos lang kayo?" May kakaiba kasi sa presensya nila ih.

" Uhmm. Okay lang. Kaso ipinalibing kasi nila Maître si Nathan, pupuntahan sana namin. Gusto mong sumama?" Nawala ang ngiti ko. Kaya pala medyo malungkot sila.

" Sorry. Uhhmm. Sa ibang araw nalang ako bibisita. May kailangan kasi akong gagawin mamaya eh" tumango sila.

To be honest, hindi pa ako ready makita ang libingan niya. Baka bumalik lang sa akin yung nangyari nung madaling araw na iyon...

" Nakapagluto na ba kayo ng umagahan?" Tanong ko sa kanila at lumapit.

Umiling si Ema.

" Hindi pa. Baka kasi lumamig lang, baka wala pang kumain."

" Naglinis muna kami" ngumiti ako sa kanila.

" Ako nalang ang magluto para makapagpahinga kayo" nanlaki ang mata nila Ema at Jane. Nung una akala ko kaya sila nagkaganon ay dahil sa akin pero dahil pala sa kung sinong nasa likod ko.

Humarap ako para makita kung sino ang dahilan nang pagkagulat nila at nakita ko si Keian...

Parehas kaming natigilan nang magtama ang mata namin.

Nakawhite button up polo siya at shorts? Teka! Ngayon ko lang siya nakitang nakashorts! Madalas kasi, trousers, jogging pants or maong pants ang suot niya. Nagsusuot pala siya shorts.

Lumamig ang ekspresyon niya at tumingin kila Ema.

" You!" Turo nito kay Jane.

Tumayo naman nang maayos ang tinuro.

" P-po?"

" Bring me food in my study." Utos nito.

Napatingin sa akin si Jane.

" S-sige po. Kaso lang kailangan po muna naming magluto" napa'tsk' si Keian.

" Whatever. Just bring me my food" tinaasan ko ng kilay ang papaalis na Keian.

" Nass. Bakit hindi ikaw ang magdadala ng pagkain? May nangyari ba?" Pagtataka ni Jane.

Bumalik ang tingin ko sa kanila.

" Ahhh. Wala lang. Malay ko ba sa kanya. Sige, magluluto na ako habang nagpapahinga kayo"

" Pero---" wala silang nagawa nang magsimula akong maghiwa.

Ang hindi nila alam ay napakabilis ng tibok ng puso ko.

---

After a few hours...

Naglilibot ako sa buong mansyon. Wala lang trip ko lang, bakit?

Tapos na din naman akong maglinis. Ewan ko nga kung kukuhanin ko yung damit ko sa kwarto ni Keian at babalik sa maid's quarters eh. Hindi ko malaman ang gagawin ko.

Habang naglalakad ay may nasilayan ako sa kanan ko.

Nakabukas ang pinto sa isang kwarto at sa loob nito ay puro instruments at may drum set pa.

Nacurious naman ako. Sa tagal ko dito sa mansyon, hindi pa ako nakakapasok sa music room.

Minsanan lang kasi may pumasok dito at hindi naman nadudumihan.

Kapag maalikabok ay hindi ako ang naglilinis dahil nagagawa na iyon nila Jane, Ema o Nathan dati.

Dahan dahan kong binuksan nang todo ang pinto, tinitignan kung may tao sa loob.

Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala.

Halos sa gitna ng kwarto ay nandoon ang isang grand piano.

Hindi siya yung malaking malaking piano, yung sakto lang.

Ang tagal ko nang hindi nakapagtugtog ng piano.

I used to play this instrument when I was a child. Marunong din kasing magpiano si Papa, sa kanya ako nagpaturo.

Tinanggal ko ang cover ng keys at sinuri yung piano.

Do...

Mabigat bigat yung keys pero maganda ang tunog, ganun naman kadalasan ang mga piano.

Nagplay ako ng piece na napag-aralan ko dati pero hindi ko ganoong matandaan kaya paputol putol ako.

Bumitaw ako sa keys at inalala yung mga nota.

Nakangiti akong umupo sa upuan katapat nung piano at tinugtog yung naalala kong piece.

Sa huli ay napasimangot ako...

Ang dami ko paring mali at ang sakit na agad nung kamay ko.

" Your hands are too stiff. It makes you loose coordination" parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang bulong ni Keian na napakalapit sa akin.

Nakatayo siya sa likod ko habang hawak hawak ang kamay ko na nasa piano at nakatapat sa tenga ko ang bibig.

He intertwined our hands at doon ako mas lalong nagulat.

" Too stiff" husky na sabi nito.

Muntik pa akong kilabutan ah.

Mabilis na nawala ang init na nararamdaman ko.

Kumuha si Keian ng isa pang stool, nilapit ito sa may piano at umupo dito.

Eh???

Kunot noo ko siyang tinignan.

Wala ang malamig niyang ekspresyon... I can see something in his eyes unlike what I saw this morning.

" Why don't you play a song and I'll sing?"

" Huh?"

Teka ano daw?

Ano na bang nangyayari?

" Do you know how to read notes?" Tumango ako dito.

Kinuha niya ang phone niya at may pinindot pindot.

Binigay niya sa akin ang phone at nakita kong may virtual note sheet na nandoon. Virtual notesheet ng isang kanta.

Gumagana ba ito???

Nagpindot ako ng isang nota na nandoon at parang umilaw ito.

I tried to play some notes at kusa siyang nagnext nung matapos ako sa isang line.

Wah! Ang galing!

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Keian.

" Can you play that?" Kumunot ang noo ko at nagscroll sa buong notes nung kanta.

Hindi naman siya ganoong kabilis at kahirap. In fact, ang galing nung arrangement.

Napapikit pikit ako at muling tumango.

He wants me to play?

Hindi ko na siya tinignan at tumingin lang sa cellphone.

" Okay..."

I started doing the intro habang walang balak ang isa sa amin na tumingin sa isa't isa.

And then, he started singing with his beautiful deep voice.

Huwag kang titingin, Nassandra... baka magkamali ka. Huwag kang titingin...

I've missed your calls for months it seems

Don't realize how mean I can be

'Cause I can sometimes treat the people

That I love like jewelry

'Cause I can change my mind each day

I didn't mean to try you on

But I still know your birthday

And your mother's favorite song

Halos matigilan ako sa lyrics nung kanta, bakit parang related?

So I'm sorry to my unknown lover

Sorry that I can't believe that anybody ever really

Starts to fall in love with me

Dahil sa nakuha ko na yung tono ay nagawa kong alisin ang tingin ko sa cellphone. Napatingin ako kay Keian na nakayuko at parang nahihiya pero naiinis?

Huh?

Sorry to my unknown lover

Sorry I could be so blind

Didn't mean to leave you

And all of the things that we had behind

Ooh

Ooh

Ooh

Napasilip siya sa akin at nagulat na nakatingin ako sa kanya. Bumalik ang tingin ko sa cellphone.

I run away when things are good

And never really understood

The way you laid your eyes on me

In ways that no one ever could

Medyo minalat siya at nahihirapang kumanta kaya napatingin ako sa kanya.

And so it seems I broke your heart

My ignorance has struck again

I failed to see it from the start

And tore you open 'til the end

May luhang lumabas sa mata niya kaya mas nagulat pa ako.

He looked straight through me...

And I'm sorry to my unknown lover

Sorry that I can't believe that anybody ever really

Starts to fall in love with me

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanta o dahil sa pagtitig sa akin ni Keian.

Sorry to my unknown lover

Sorry I could be so blind

Didn't mean to leave you

And all of the things that we had behind

He smiled at me. A really sincere smile, habang may dumadaloy na luha sa mga mata niya.

And someone will love you

Someone will love you

Someone will love you

But someone isn't me

Someone will love you

Someone will love you

Someone will love you

But someone isn't me

Nanlaki ang mata ko sa lyrics. Yung lahat ng naramdaman ko bumalik bigla, naipon lahat. Tipong gustong kumawala nito nang sabay sabay.

Sorry to my unknown lover

Sorry that I can't believe that anybody ever really

Starts to fall in love with me

Sorry to my unknown lover

Sorry I could be so blind

Didn't mean to leave you

And all of the things that we had behind

Napakagat ako ng labi para hindi na din mapaiyak.

Bwiset naman kasi eh! Kanta kanta pa!

Sa buong pagkanta niya, ramdam na ramdan ko yung emosyon niya. Na para bang may ipinapahiwatid ang bawat isang salitang lumalabas sa bibig niya.

And someone will love you

Someone will love you

Someone will love you

But someone isn't me

And I can't help but feel what his true feeling are...

And someone will love you

Someone will love you

Someone will love you

But someone isn't me

Agad akong napaalis ng kamay sa piano na parang nakuryente...

Tumingin ako kay Keian na may malungkot na ekspresyon.

" No, Keian..." umiling ako sa kanya.

Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang. Na naiintindihan ko siya sa ginawa niya. Na wala siyang kasalanan. Na hindi niya kailangang matakot.

Pero hindi ko kaya...

Parang hindi ko kayang magsalita, natatakot ako na baka kapag nagsalita ako, sumuko ako.

Magulo ang buhok niya at nakayuko.

Hinawakan ko ang basang pisngi nito tsaka siya napatingin sa akin.

I can see the regret and guilt for what he have done that day.

Tumayo ako at tinayo din siya.

" Nass" nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko at mahigpit akong niyakap.

Nagtago ako sa may dibdib nito para tuluyang humagulgol.

No words are needed for us to understand what happened...