Chapter 43: Summoning of Guardians pt. 1
(Zack’s POV)
"997... 998... 999... 1000!"
Mabilis na nanlambot ang aking kamay nang matapos ko ang tamang bilang ng push up na pinapagawa sa amin. Lupaypay akong napadapa sa damuhan habang hinihingal.
Nanginginig ang aking mga kamay at pakiramdam ko ay matatanggal na ito dahil sa sobrang ngalay.
"Nakakapagod! Wala silang awa!" Reklamo ko. Pakiramdam ko ay natuyot ang lalamunan ko dahil sa mabilis na pagkuha ng hangin.
"Tsk. Ikaw ang may kasalanan," sisi ni Lokie kaya masama ko siyang tiningnan.
Siya ang nakipag-deal tapos ako ang may kasalanan? Siraulo ata 'tong lalaking 'to.
"Sino kayang gago ang nagyaya na mag one-on-one battle kami?" Sarcastic na tanong ko na siyang inismidan lang niya. Naiiling na lang akong umikot pahiga nang ikutan niya ako ng mata.
'Bakla ata 'to,' sa isip-isip ko.
Bumibigat ang talukap ng mata ko nang tumingin ako sa langit, ngunit mabilis pa sa alas cuatro na nanlaki ang aking mata at napabalikwas sa damuhan nang makita ko ito.
"What the?!"
Tila nawala lahat ng pagod ko mula sa pagpu-push up. Ang sakit sa katawan ko ay hindi ko na rin maramdaman dahil sa sobrang gulat sa nakita.
"What?!" Iritadong tanong ni Lokie na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakadapa. Nawala rin siguro ang antok niya nang bigla akong bumalikwas ng bangon.
Itinuro ko ang langit habang bahagyang nakanganga. "Tingnan mo."
Kunot noo syang tumingin sa langit at mula sa pagkakakunot noo ay unti-unting lumaki ang mata niya na parang gulat na gulat.
"What the fuck!" Tuloy niya sa mura ko nang makita ang nangyayari sa kalangitan.
Sumeryoso ako at bumangon mula sa pagkakahiga. "I need to tell this to others."
Kami na lang dalawa ni Lokie ang natira sa training field nang mga oras na iyon dahil nagsimula na ring magsi-alisan ang ibang estudyante nang magsimula kaming mag-push up.
Mabilis na bumangon si Lokie sa damuhan at pinagpagan ang kaniyang damit. "Sasama ako," seryosong aniya.
Nangunot ang noo ko at tiningnan siya nang ilang sandali ngunit nang seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapahinga nang malalim at mapatango. Sa maikling panahon na nakausap at naka-battle ko ang lalaking ito, sapat na sa akin ang kaalamang matigas ang ulo nito.
Agad na kaming nagteleport patungo sa Superiors' Quarters. Pagdating namin doon ay sumalubong sa amin ang iba kong kasamahan na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa nila at mabilis na lumapit at tinawag ang kanilang pansin.
"Guys!"
Mukhang nagulat ang mga ito sa pagtawag ko lalo na si Shakira dahil aksidenteng naibato niya sa akin ang light ball na ginagawa niya. Pina-practice niya kasi ito at kung hindi ako naka-ilag ay baka kung ano pang nangyari sa akin. Mababawasan ang gwapo sa mundo. Tsk.
"What?!" Inis na inis ang mukha ni Shakira. Nagpeace sign lamang ako sa kaniya nang bahagya bago muling sumeryoso.
"You need to see this," seryosong wika ko na naging dahilan ng pagtitinginan nilang lahat. Tumalikod na ako sa kanila para sundan nila ako sa paglabas ng quarter.
Nang makalabas ay napansin ko ang ibang estudyante na mangha at pagkabahala ang ekspresyon ng mga mukha. Naramdaman ko ang pagkakatigil ng ibang Superiors nang makita nila ang nangyayari sa kalangitan.
"Holy cow," rinig kong bulong ni Cyclone sa aking tabihan.
"W-what the hell is happening?" Natatarantang tanong ng mahal ko kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.
"'Wag kang mataranta, love. Nandito ako," I said, assuring. Bahagya siyang kumalma at ngumiti sa akin bago inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya at siya na mismo ang nagsalikop noon.
"Tsk. May nangyayari na ngang kakaiba, nagagawa pa rin maglandian," rinig kong bulong ni Lokie sa may likuran ko na siyang ikinailing ko. Alam ko namang bitter lamang ang isang 'to kaya ganito. Mabuti na lamang at hindi siya narinig ng bebe loves ko.
"What's happening?"
Napatingin ako sa bagong dating na si Krey at kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa langit.
"Hindi ko rin alam. Nakita na lamang namin na nagpuputi na ang kalangitan nang nagpapahinga na kami galing sa pagpu-push up," ako na ang sumagot.
Napahinga nang malalim si Krey at tila nahulog na sa malalim na pag-iisip kaya muli na naman akong napatingin sa namumuting kalangitan.
Ang dating blue na sky ay nagiging kulay puting-puti na parang papel. Nakakakaba na nakakamangha ang pag-iiba ng kulay nito dahil ngayon lamang nangyari ang ganitong kakaiba sa mundo ng mahika.
"It's familiar..." Rinig kong bulong ni Kaela na sapat para marinig naming lahat. Napatingin kami sa kaniya at mukha naman siyang natauhan kaya mabilis siyang tumakbo patungo sa isang direksyon: sa library.
* * *
(Shakira’s POV)
Monday.
This is it.
Ito na ang araw ng pag-susummon ng aming guardians. Kinakabahan ako na na-eexcite. Sa tuwing iniisip ko ang magaganap mamaya sa battle field, hindi maiwasang kumabog ng malakas ng dibdib ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang pakiramdam ko ay may surpresang mangyayari mamaya. Siguro ay napaparanoid lang ako dahil sa kaba kaya kung ano-ano na lamang ang naiisip ko.
"Hey, love. Are you ready?" Tanong ni Cyclone na hindi ko napansing nakalapit na pala sa akin. Marahil ay dahil nahulog ako sa kaiisip tungkol sa summoning na mangyayari mamaya.
Napabuntong-hininga ako bago pinilit na ngumiti at tumango. Hindi ko kayang magsalita.
Natawa siya sa itsura ko bago pinisil ang aking ilong kaya asar ko iyong inalis at masama siyang tiningnan. Natatawa naman niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay na tila sumusurrender hanggang sa tumunog ang speaker na nakakabit sa Superior's Quarters.
"Students, please proceed to the battle arena. I repeat, please proceed to the battle arena."
Nagkatinginan kami ni Cyclone at parehas na tumango. Nauna na ang ibang Superiors sa amin kaya sumunod na rin kami sa pagpunta sa battle arena.
Habang naglalakad patungo sa pagdarausan ng pagsu-summon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kalangitan na hanggang ngayon ay namumuti pa rin. Ngayon ay halos wala ng makitang kulay asul dito at purong-purong puti na ito. Mas lalo tuloy itong nakapagpadagdag ng kaba sa akin.
Ngunit, nabaling ang atensyon ko kay Cyclone nang pagsalikupin niya ang aming mga kamay at hinigpitan niya ang hawak sa akin. Diretso lang siyang nakatingin sa dinaraanan namin pero may kaunting ngiti sa kaniyang labi kaya napairap na lang ako.
Nang makarating sa battle arena ay nakita kong halos mapuno na ito ng mga estudyante. Pabilog ang itsura ng battle arena at pataas ang mga upuan. Sa gitna nito na nasa baba ay nandoon ang may kalakihang stage na pag-su-summon-an.
Nagtungo na kami sa assigned seats namin na nasa may medyo gitnang bahagi. Nang makaupo ako sa aking upuan ay napatingin ako sa tila malaking balloon na lumulutang sa may itaas. Transparent ito kaya kitang-kita ang mga hari at reyna na nasa loob at pinagmamasdan ang lahat ng estudyante.
Nang makita ko si Mom ay mabilis akong kumaway sa kaniya na ginantihan din naman niya, kaya sabay kaming napatawa.
Nawala naman ang atensyon ko sa ina nang biglang nagsalita si Headmistress Monica na ngayon ay nakatayo sa gitna ng stage.
"Good morning students and also Royal Highnesses! Today, as we all know, will be the big day for each of you, students. Ngayon ang araw kung kailan natin idaraos ang summoning of guardians," panimula ni HM habang nakangiti, ngunit unti-unti ay nawala ang ngiti niya nang tila maalala ang sunod na sasabihin. "Alam kong alam ninyo na masyadong napaaga ang summoning of guardians natin hindi kagaya ng dating nakagawian. Iyon ay dahil sa sunod-sunod na nangyayari sa ating mundo. Sa tingin ko ay hindi na natin kakayanin pang hintayin si Queen Eve at Princess Kira kung kaya napag-desisyunan ng ibang mga hari at reyna, at iba pang nakatataas na gawing mas maaga ang summoning of guardians," dugtong pa niya.
Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga estudyante hanggang sa may isa na ngang tumayo at matapang na nagtanong.
"Headmistress, tama po ba ang narinig namin? Buhay po ang Reyna at ang Prinsesa?" Gulat na tanong nito.
Mas lalong lumakas ang bulungan na naging dahilan upang umimik na si HM.
"Yes. They are alive," she answered. Muli pa sanang may magtatanong na estudyante ngunit nakita na lamang namin ang emcee na tumataas na ng stage tanda na magsisimula na ang summoning.
Wala ng nagawa ang mga estudyante kung hindi maupo na lamang at tumahimik. Natakpan na ng kaba ang kaninang pinag-uusapan.
"Students, are you ready to summon and meet your animal guardians?" Masiglang bati ng emcee nang makuha nito ang mic kay HM na ngayon ay nasa loob na rin ng balloon kasama ang mga hari at reyna.
Sumigaw ang mga estudyante hudyat na excited na sila sa mangyayari.
"All right! Let's start with Lowercritus up to Superiors! Summoning of Guardians officially starts now!" Anito na mas lalong nagpa-hype sa mga estudyante.
Tuluyan na ngang nagsimula ang summoning of guardians. Sa pagdaan ng oras ay marami na rin ang nakapagpalabas ng guardians nila at masasabi kong cute at maangas din ang dating ng mga ito. Pero sa tingin ko ay mahihina ang mga ito dahil sa paraan ng technique na ginamit ng mga students. Siguro ay kapag nagtagal at na-training iyon ng mga amo nila, lalakas din ang mga animal guardians. Nakadepende pa rin naman iyon sa kapangyarihan at kakayahan ng estudyante.
* * *
Ilang oras bago natapos ang pagpapalabas ng guardians ng mga nasa Lowercritus at Mediocris, pero kahit gaano kahaba iyon ay parang ang bilis-bilis.
Ngayon ngang kami na ang susunod ay hindi na naman maiwasang dumagundong ng puso ko sa kaba. Ramdam ko ang pamamawis ng aking kamay dahil iniisip ko ang maaaring mangyari sa akin sa stage.
What if hindi ko na-chant ng ayos ang mga dapat kong i-chant? What if sumablay ako? Nakakakaba at malapit ko ng ikamatay iyon!
Pero unti-unting humupa ang lahat ng agam-agam ko nang maramdaman ko ang mainit na palad na pumatong sa aking kamay na nanlalamig.
Tiningnan ko si Cyclone at nginitian niya ako kasabay ng pagpisil niya sa aking kamay.
"Just breathe, baby. You will be fine," he assured. Napahugot ako nang malalim na paghinga bago siya binigyan ng ngiti at tinanguan.
"At ngayon, ang ating pinakahihintay na magpalabas ng kanilang guardians, the Superiors!" Sigaw ng emcee kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya. Nagsigawan ang mga estudyante habang nakatingin sa gawi namin.
This is it. Magiging ayos din ako. Magiging ayos din ang lahat.
"May we call Prince Zack for summoning his guardian?" Ani ng emcee na siyang pinaunlakan naman ni Zack. Hinalikan muna niya sa pisngi si Zhia bago bumaba na naging dahilan ng pagtili ng mga kababaihan at pag-'ohh' ng mga kalalakihan.
Napatawa na lamang kami dahil doon at napailing-iling. Nakapasok na si Zack sa loob ng invisible barrier na naghaharang sa kaniya at sa aming audience upang hindi kami madamay sa mga gagawin niya.
Akmang magsisimula na ito sa pag-su-summon nang isang pamilyar at malambing na boses ang nagpatigil sa aming lahat.
"Can I join?"
Mabilis kaming napalingon sa entrance ng battle arena at halos manlaki ang mata ko nang makita si Kira roon na nakatayo habang may malaking ngiti sa mukha. Kitang-kita rin ang nagla-laglagang mga luha mula sa kaniyang mata kaya hindi ko na rin napigilang mapaiyak.
Bahagya akong napatawa habang umiiyak nang makita na lang namin si Dash na yakap-yakap na si Kira. Narinig ko pa ang mahinang panghihinayang sa boses ng mga babaeng estudyante na nakita ang pangyayari.
"They're here," rinig kong sabi ng emcee ngunit hindi ko na iyon napagtuunan pa ng pansin nang makakita ng dalawang pigura na papalapit sa kinatatayuan ni Kira at Dash.
Siningkitan ko ang aking mata upang makita nang ayos ang dalawang pigura na iyon. Ngunit mabilis na nanlaki ang aking mata nang mapagtantong si Queen Eve iyon kasama ang Hari ng Dark World.
Mabilis na naging alerto ang lahat ng estudyante at bumuo ng kaniya-kaniyang element at itinutok sa kasama ng Reyna. Ngunit natigilan kaming lahat nang mabilis na itinaas ni Queen Eve ang kaniyang kamay na tila pinapatigil kami.
"'Wag n'yo ng ituloy ang anumang binabalak ninyo," mahinahong sabi nito na naging dahilan ng pagkakakunot ng aming mga noo. Pero kahit na naguguluhan ay inalis pa rin namin ang mga ginawang element at nakiramdam na lang.
Bigla namang lumitaw sa harap nila ang ibang mga hari at reyna kasama si HM. Mabilis na niyakap ni Headmistress si Queen Eve at napansin agad namin ang pagbaba at pagtaas ng balikat nito tanda na umiiyak ito.
Ilang sandali lamang ay umalis na rin ito sa pagkakayakap kay Queen Eve at may sinabi na naging dahilan upang matawa si Queen.
"Queen Evergreen, welcome back," sabi ni Queen Crystal, ang aking ina, habang nakangiti.
Ngumiti pabalik si Queen Eve. "It's nice to be back, Crystal," sagot nito. Nagbatian pa ang mga ito nang ilang sandali hanggang sa biglang sumingit ang Dark King.
"It's nice to meet you all," anito na naging dahilan upang matuon sa kaniya ang lahat ng aming atensyon.
Mabilis na namang nagsigawaan ng kaniya-kaniyang element ang mga estudyante at aatakehin na sana ang Dark King nang mabilis itong tumago sa likuran ni Queen Eve.
"Easy, kids," ani Queen. "Lucas is harmless. Hindi siya ang kalaban dito dahil may iba pa," dugtong niya na naging dahilan ng pagkakakunot ng lahat ng noo ng naririto sa battle arena.
"May ibang kalaban at hindi ang Dark World?" Paglilinaw ni HM na siyang tinanguan ni Kira at Queen.
"Napag-alaman namin noong nasa Dark World kami na nilusob ng mga taga-Crymton Dimension ang Academy kaya pumayag si Papa na bumalik dito dahil iniisip niyang ang Dark World ang sunod na lulusubin ng mga taga-Crymton. Pero habang patungo kami rito ay napansin din namin ang pamumuti ng kalangitan," ani Kira.
"Iyon nga ang aming ipinagtataka. Bigla na lamang nagiging puti ang langit sa di malamang dahilan," tila naguguluhan ring sagot ni Queen Faye, ina ni Zhia.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan ng bawat isa. Mukhang wala ring alam ang isa sa kanila. Hindi ko lang alam si Kaela dahil wala naman siyang sinasabi sa amin tungkol sa sinabi niya kahapon.
Napatingin na lang kami sa Hari ng Dark World nang umiling-iling ito sa may gilid ni Queen Eve.
"Mukhang alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito."