Chapter 39: Fear

(Klaire/Kira’s POV)

"Ano ba! Let us go!"

Nagpumiglas ako sa may hawak sa akin ngunit mas hinigpitan nito ang kapit kaya napairap ako. Tumingin naman sa gawi namin ang Dark King at ngumisi.

"I'm not stupid to let go the both of you," aniya.

"Lucas! Ako na lang ang kunin mo! Wag na lang si Kira!" Sigaw naman ni Mama na nagpupumiglas din sa may hawak sa kaniya.

"Why would I do that?"

"Dahil alam kong kaya mo lang naman kami kinuha ay para sa paghihiganti mo! Gusto mong maghiganti dahil hindi ko ibinigay sayo noon si Kira!"

Ngumisi naman ang Dark King sa isinagot sa kaniya ni Mama. His smirk is kind of creepy.

"It's good that you know that," aniya. "At ngayong nasa puder ko na kayo, hindi ko na kayo pakakawalan pa," dagdag niya bago naupo sa kaniyang trono.

Nagpumiglas pa ako ngunit talagang malakas ang may hawak sa akin at ayaw akong bitawan.

"Ikulong na sila sa magiging kwarto nila," utos ng Dark King na agad namang sinunod ng mga nakahawak sa amin. May naunang kawal sa paglalakad na sinundan ng nakahawak sa braso namin, hindi na pinapansin kung nakakaladkad ako!

Argh! Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw ng batang ako na sumama sa Dark King! Wala siyang puso!

Ngunit habang papalabas kami ay nakasalubong namin ang tila heneral at dire-diretsong naglakad patungo sa trono ng hari. Yumukod ito sandali bago ibinalita ang isang bagay na nagpagulat sa amin ni Mama.

"Mahal na Hari, nalaman namin na sinugod ng mga taga Crymton Dimension ang Academy," balita nito. Napansin ko ang bahagyang panlalaki ng mata ng Dark King at itinuon ang buong atensyon sa kausap.

"Crymton? Nabuhay ang mga taga Crymton Dimension? Paanong nangyari yun?" Takang tanong ni King Lucas.

"Ayon sa nakalap naming impormasyon, ang kapatid daw ng Prinsesa Shakira na si Sheira ang bumuhay sa mga iyon, ngunit pinaiimbestigahan pa namin kung sino talaga ang tunay na may sala," the General answered.

Hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ng Dark King dahil sumara na ang pinto.

Crymton Dimension? Sino sila at bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng Hari nang marinig niya ang salitang Crymton?

"Saan bang lupalop ng kaharian na ito ninyo kami ikukulong? Sa dungeon? O sa kulungan ng mga papatayin?" Asar na asar na tanong ko, kinalimutan na ang narinig kanina.

"Sa kwartong sadyang nakalaan para sa inyo, Mahal na Prinsesa," magalang na sagot ng kawal na nauuna.

Hindi ko na naman ito sinagot dahil sa inis na nararamdaman ko. Dapat nasa Academy na kami ngayon, eh!

Napansin ko naman si Mama na tila malalim ang iniisip hanggang sa makarating kami sa kwartong nakalaan daw para sa amin.

Nang masiguro ng mga naghatid sa amin na hindi kami makakalabas ay umalis na ang mga ito. Ibinaling ko naman ang aking atensyon kay Mama na hanggang ngayon ay walang imik na nakaupo sa may kama.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. I held her hand that made her looked at me. Ngumiti sjya sa akin ngunit alam ko ang totoo sa peke niyang ngiti.

"Mama, may problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Mama at napalitan iyon ng pagkabahala. Humigpit rin ang hawak niya sa kamay ko kaya nahihinuha kong binabalot ng takot ang sistema niya.

"Ito na ang kinatatakutan ko, anak. Ito na ang panahong ayaw kong dumating," makahulugang sabi niya na nagpakunot ng aking noo.

"A-ano pong ibig ninyong sabihin, Mama?"

"Hindi ang papa mo o ang Dark King ang kalaban natin... May iba pa."

Natigilan ako sa sinabi niya at napakurap ng ilang beses.

"Iba pa?" I asked. She nodded her head before answering.

"I can hear 300 meters away from us because that is my special ability. Narinig ko ang pag-uusap ng Papa mo at ng Heneral... At ang sabi niya ay kailangang pangalagaan ang Academy lalong-lalo na si Kaela."

Napamaang ako sa sinabi ni Mama at sandaling naumid ang dila, ngunit nang makahuma ay kunot-noo siyang tinanong.

"Si Ate Kaela po? A-akala ko ayaw sa kaniya ni Papa?" Naguguluhang tanong ko rito. Huminga naman nang malalim si Mama at malungkot na ngumiti.

"Anak, walang ama ang may ayaw sa anak. Mahal ng Papa mo si Kaela pero hindi niya lang ito mapakita kay Kaela dahil natatakot siya. Natatakot siyang baka may galit pa rin si Kaela sa kanya dahil sa pagmamalupit niya rito," ani Mama.

"Pero bakit po parang itinatakwil ni Papa si Ate Kaela?"

"Dahil akala niya ay iyon ang paraan para itakwil siya ni Kaela bilang ama niya, pero ang Papa ninyo ang nahihirapan dahil mahal niya si Kaela at mahirap sa kaniya ang mga salitang binibitawan niya."

"A-akala ko..."

Inalis ni Mama ang pagkakahawak ng aming mga kamay at niyakap ako.

"Shh... Magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. You need to rest." Her voice is soothing. Napatango ako at kumalas sa yakap at nagtungo sa cr upang maligo.

Maganda at malaki ang kwartong ibinigay sa amin. Hindi mo aakalaing sa Dark World ito dahil kahit karamihan o halos lahat sa mga gamit ay itim, maaliwalas pa rin itong tingnan.

Pagkatapos kong maligo ay humiga na ako sa kama. Saka ko lamang naramdaman ang pagod nang lumapat ang likuran ko sa malambot na kama.

I felt my eyes become heavy, until I felt myself fell into a deep slumber.

* * *

(Zhia’s POV)

Nakaupo kaming lahat sa office ni Headmistress at halos lahat kami ay walang kibo, maliban sa tatlong bato na tila ipinanganak ng tuod.

Matapos ng nangyari kanina ay hinayaan muna naming kumalma si Shakira bago kami nagtungo ritong muli sa office ni Headmistress upang makapag-meeting. At ngayon ay ang dating maingay na Superiors ay naging tahimik bigla.

"Ehem," Headmistress faked a cough.

Napatingin kaming lahat kay Headmistress at napansin ko ang stress na stress na itsura nito. The cut in her neck was mended by a healer.

"What now, Headmistress? Anong gagawin natin ngayong dalawa na ang ating kalaban?" Tanong ko. Napabuntong-hininga siya at seryoso kaming tiningnan.

"We need to summon your guardians as soon as possible," aniya na naging dahilan ng panlalaki ng aming mga mata.

"What?!"

"Yes, you heard me right. We need to summon your animal guardians and it must be held on Monday," sabi pa niya na mas lalong nagpagulantang sa amin.

Monday?! We don't have much time!

"Monday? Headmistress it's Saturday! At hindi pa rin bumabalik ang Reyna at ang Prinsesa! Papaano natin masasagawa ang pagsusummon ng guardians?" Histerikal na tanong ni Shakira.

Yup, she's back to her old crazy Shakira. I hope for good.

"W-wala akong magagawa. Kung iintayin pa nating bumalik ang Reyna at ang Prinsesa, baka madatnan na lang nila tayong... hindi na humihinga."

Napabuga kami ng hangin sa sinabi niya, dahil tama naman ito. Ngayong hindi lamang pala ang Dark World ang kalaban namin, hindi na naman mahihintay pa ang pagbabalik ni Queen Eve at ni Kira.

"Do we need to train?" Seryosong tanong ni Krey na tinanguan ni Headmistress habang hinihilot ang kaniyang sintido, dahil siguro sa dami ng problema.

"We're going," I declared when I saw everyone's tired faces. We badly needs a rest.

Iniwan na namin si Headmistress sa kaniyang office upang mapag-isa siya.

"What now? Hindi pa handa ang ibang students para mapalabas ang guardians nila," nag-aalalang tanong ni Shakira pagkalabas ng namin ng office.

Inakbayan namin ito ni Cyclone at pinisil ang ilong kaya naiirita iyong tinanggal ni Shakira.

"Kaya nga mag-te-training 'di ba, baby?" Anito. Inirapan naman siya ni Shakira kaya napatawa na lamang ako.

"Alam mo, Shakira, nagpapakipot ka pa, eh! Bahala ka 'pag may umagaw sa Cyclone mo," asar ko kay Shakira na mabilis namang nanlaki ang mata.

"Subukan niya lang!"

Mas lalo akong natawa sa sinabi nito ngunit natigilan din nang biglang sumigaw si Cyclone na tila may napagtanto.

"Hala!"

"Bakit?" Tanong sa kaniya ni Shakira ngunit hindi nito sinagot ang huli.

Tumingin si Cylone kay Zack at bigla namang nanlaki ang mata ni Zack at saka tumakbo paalis. Sumunod sa kaniya si Cyclone na wala man lang sinasabi sa amin kung anong nangyayari.

"Anong... Ano bang problema ng dalawang iyon?!" Naiinis na sabi ni Shakira habang pinapadyak ang paa sa marmol na sahig.

"Tsk," ani Dash at naglakad palayo. Sumunod naman sa kaniya si Krey gayundin si Kaela kaya naiwan kaming dalawa ni Shakira sa harap ng office ni Headmistress.

"Argh! Walang'ya talagang Cyclone 'yon! Basta na lang nang-iiwan!" Asar na asar na sigaw ni Shakira at padabog na umalis, iniwan na rin ako.

Naiiling naman akong tiningnan ang papalayong bulto ng aking mga kasamahan at wala sa sariling napangiti.

"May sira ata sa ulo ang mga tao ngayon," bulong ko bago naglakad patungo sa aking bahay upang makapagpahinga.