Thymine
Walang mapaglagyan ang matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay bigla akong bumalik sa loob ng bahay ni Kamatayan. Bumalik ang panganib sa paligid ko at para bang bigla na namang may nagkabit sa akin ng kadena. Nawala ang kalayaan ko. Sa isang iglap ay tila gumuho ang mga plano ko.
"T-Totoo ba itong nakikita ko? P-Paanong nangyari ang bagay na ito?" hindi makapaniwalang bulalas ko.
Imposibleng ang nasa harapan ko ngayon at si Kamatayan ay iisa. Sigurado akong namamalikmata lang ako. Walang nakasunod sa akin sa buong biyahe ko papunta rito kaya imposibleng makita niya ako. Maguguluhan na ako. Pati sa labas ng bahay ni Kamatayan ay may mga misteryo pa rin akong natutuklasan.
"Huwag mo siyang pansinin. Sigurado akong paglalaruan niya lang ang isipan mo para hindi ka maging kalmado. Ito ang paraan niya para mas lalo kang kabahan kaya huwag mong pakikinggan ang mga sinasabi niya. Naiintindihan mo ba ako?" mariing giit sa akin ng hepe.
Tila binuhusan ako ng malalim na tubig nang tuluyang masilayan ang mukha niya kanina. Hindi ko kayang paniwalaan ang nakikita dahil ayaw itong tanggapin ng aking sistema. Kung nakalabas si Kamatayan, siguradong magagawa rin naming puntahan ang bahay niya. Pero paano?
"I-Ikaw si Kamatayan? Ikaw ba talaga iyan o nagpapanggap ka lang? Bakit nandito ka? Paano mo ako nasundan? Kasama pa rin ba ito sa mga plano mo? Pinaiikot mo pa rin ba ako sa mga palad mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Bahagya lang siyang ngumisi ang nilaro ang itak sa kaniyang kamay. Sa paraan pa lang ng kaniyang paghawak ay mahahalata na agad na bihasa siya sa paggamit nito. At isa lang ang kilala kong may kakayahan na gawin ito. Sa postura at parran nang pagtingin niya sa akin ay walang duda na siya talaga si Kamatayan.
"Maghinay-hinay ka lang sa pagtatanong dahil sasagutin ko ang lahat ng iyan. Marami pa tayong oras para magkuwentuhan bago kita tuluyang patayin. Pero para matahimik ka, sige sasagutin ko ang isa mong tanong para matahimik ka. Planado ko na ang paglabas mo sa bahay hanggang sa pagpunta mo rito sa istasyon ng pulis," nakangising pagpapaliwanag niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako magsasalita ngayon. Hindi ko inaasahan na ang inakala kong panandaliang kalayaan ay parte lang pala ng kademonyohan ni Kamatayan. Tang ina! Nakakainis! Bakit ba palagi niya na lang akong niloloko at pinaglalaruan?
"Thymine, nakakagulat ba? Hindi talaga ako nagkamali na may alam ka. Kamusta na ang buhay sa labas ng bahay ni Kamatayan, masaya ba? Sana naman nasulit ang panandaliang kalayaan na ibinigay ko sa iyo. Ito naman talaga ang gusto mong hilingin, hindi ba> Ngayon, nakahanda ka na bang mamatay?" nakangising sambit niya sa akin.
Napalunok ako dahil sa sinambit niya at halos matuyo ang lalamunan ko. Nahihirapan akong magsalita gayong marami akong gustong itanong at malaman mula sa kaniya. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Pakiramdam ko bawat galaw na gagawin ko ay alam na ni Kamatayan. Wala akong kalayaan na piliin ang gusto ko.
"A-Ano ba talagang plano mo sa akin? Bakit mo ba ito ginagawa? Nalilito na ako sa kung ano ba ang gusto mong mangyari. Kung papatayin mo na ako ay bakit hindi mo pa gawin ngayon? Huwag mo nang patagalin pa ang laban gayong mukhang planado mo na rin ang katapusan. Tama na ang laro," mariing giit ko sa kaniya.
Kahit na alam kong planado na niya ang lahat, kailangan ko pa ring ipakita na hindi ako gaanong apektado. Mas lalo lang siyang gaganahan na patayin ako kapag nakita niyang sobra akong kinakabahan dahil sa kaniya. Kailangan namin ng hepe na makaisip ng plano para makatakas.
"Magtatago ka na lang ba sa likuran ng mahinang parak? Ang buong akala ko pa naman ay nahubog na ang sarili mo at malakas ka na. Pero mukhang nagkamali yata ako at kailangan mo pa rin nang makakapitan kapag nasa malapit ako. Gaya ka pa rin pala ng dati," nang-iinsultong sambit niya.
Bahagya kong ikinuyom ang kamao ko dahil sa labis na inis na nararamdaman ko ngayon. Kung inaakala niya na habang buhay akong hihingi ng tulong sa iba ay nagkakamali siya. Papatunayan ko sa kaniya na kaya ko ring maging malakas gaya ng iba. Kaya ko siyang labanan. Hindi lahat ay permanente at kaya kong magbago.
"Marami na akong pinagdaanan kaya bakit ako matatakot sa iyo? Hindi mo yata alam na ano mang sandali ay nakahanda akong makipagsapalaran. Tapusin na natin ang kalokohang ito. Kung gusto mo akong patayin ay gawin mo na ngayon. Hindi na ako natatakot sa kamatayan ko," mariin at determinadong giit ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang hawak ang makapal na kahoy sa kamay ko. Alam kong wala akong panama sa itak niya ngunit kailangan kong subukan. Tama na ang ilang beses akong naging duwag. Kung mamamatay man ako ay mas mabuting lumaban ako hanggang sa dulo. Tama na ang pagiging duwag, Thymine!
"Bata, seryoso ka ba sa ginagawa mo? Bumalik ka rito dahil tiyak na mapapahamak ka. Makinig ka sa akin, tumakbo ka na. Ako na ang bahala rito. Ako ang mas may kakayahan para labanan siya kaya huwag mong ipahamak ang sarili mo. Bumalik ka na rito," bulalas ng hepe at ikinasa na ang baril niya.
Buong tapang akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng taong nagpahirap sa akin sa loob ng halos isang linggo. Sisiguraduhin ko na matutuldukan na ang lahat ngayon. Hindi ako papayag na patuloy pa rin niyang pahihirapan ang mga inosenteng tao na wlaa namang ibang ginusto kung hindi ang mabuhay nang payapa.
"Gusto ko ang katapangang ipinapakita mo sa akin ngayon. Ngunit Thymine, hanggang kailan ka magpapanggap na malakas? Nakakaawa ka. Matapang ka ngayon pero maya-maya ay magiging maamong tupa ka na takot na takot. Ganiyan ka na habang buhay at hindi mo na magagawang magbago pa. Mahina ka," muling pang-iinsulto niya sa akin.
Hindi ko na kayang palampasin pa ang mga sinasabi niya sa akin. Naiinis na ako sa pang-iinsulto niya at hindi ko na ito mapapayagan pa. Akmang ihahampas ko na ang kahoy na hawak ko sa mukha niya subalit nakarinig ako ng tinig. Pamilyar ang boses niya at tumatak na ito sa aking isipan.
"Jerome! Pakiusap, itigil mo na ang kabaliwang ito! Alam natin pareho na hindi ikaw ang kamatayang tinutukoy ni Thymine. Huwag kang magpanggap! Tama na!" singhal ni Marlyn na may hawak pang baril sa kanyang kamay.
Bahagya naman akong natigilan at napaatras dahil sa isinigaw ni Marlyn. Totoo ba itong nakikita ko? Hindi, imposible! Malakas ang kutob ko na si Kamatayan ang nasa harapan ko ngayon. Sigurado ako na si Jerome at si Kamatayan ay iisang tao lang. Anong bang nagyayari? Naguguluhan na ako.
"Hindi ikaw si Kamatayan at kahit kailangan, hindi mo nagawang pumatay ng tao. Ano bang kalokohan ito? Tigilan mo na ang lahat dahil wala kang kinalaman sa kaniya. Pakiusap lang, umuwi na tayo at kalimutan ang lahat ng mga nangayri!" muling bulalas ni Marlyn,
Si Jerome ang kaharap ko ngayon at tuluyan na niyang napukaw ang atensyon ko. Nasa kanilang dalawa nakatutok ang mga tingin ko at hindi ko na alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi nila. Nakakainis! Bakit ba palagi na lang akong napapasok sa gulo? Ano bang kamalasan ang mayroon sa akin? Tang ina!
"A-Ano bang sinasabi mo? Kayong dalawa, tigilan na natin ang kalokohang ito! Aminin niyo, sinadya niyo talaga akong tulungan, ano? Planado ang lahat! Nakakainis! Mababaliw ako dahil sa ginagawa niyo sa akin. Ano bang naging kasalanan ko sa inyo para paglaruan niyo ako? Tang ina naman!" naiinis na bulalas ko.
Mas lalong nagtatangis ang bagang ko dahil sa mga impormasyong nalalaman mula sa kanila. Hindi ko maatim na nagtiwala at naniwala ako sa kanilang dalawa. Nakakasuka! Nagawa ko pang sisihin ang sarili ko kanina dahil ang akala ko, ako ang dahilan kung bakit sila nagtatalo pero mukhang nagkamali ako.
"Thymine, makinig kang mabuti sa akin. Walang katotohanan ang mga sinabi sa iyo ni Jerome. Hindi siya ang ang nagmamay-ari ng bahay na kinasusuklaman mo. Hindi siya si Kamatayan. Maniwala ka sa akin, wala siyang balak na patayin ang kahit na sino sa inyo ngayon," pagkukumbinsi sa akin ni Marlyn.
Naguguluhan na ako kung sino ba sa kanilang dalawa ang dapat kong paniwalaan. Hindi ko alam kung kaninong impormasyon ang may halong katotohanan at hindi ako niloloko. Nakakadala nang magtiwala sa kahit sino. Palagi na lang akong napagsasamantalahan ant naloloko. Nakakainis!
"Pakiramdaman mo ang presensya niya. Sa tingin mo ba ay kapareho no'ng nakakaharap mo si Kamatayan? Thymine, hindi siya ang taong nagpahirap sa iyo. Nakuha man niya ang galaw at paraan ng pagsasalita ni Kamatayan, hindi niya naman magagawang pumatay. Hindi siya ang kalaban mo," walang pagdadalawang-isip na sambit niya sa akin.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat at tama nga siya. Hindi ko nararamdaman ngayon ang presensya ni Kamatayan. Lubhang nadala lang ako sa pagkatakot kanina kaya inakala ko na siya si Kamatayan. Tang ina! Sa sobrang dali kong magtiwala, nalilito na rin ako sa emosyon ko. Hanggang kailan ba ito mangyayari?
"Sandali, bakit tila marami kang nalalaman tungkol kay Kamatayan? Sabihin mo nga sa akin, magkakilala ba kayo? Hindi ko maiwasang maghinala. Pakiramdam ko ay may hindi ka pa sinasabi sa akin, Marlyn. Ang dami mong alam tungkol kay Kamatayan kaya sigurado akong nakasama mo na siya," nagtatakang tanong ko sa kaniya,
Bahagya siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago ibaba ang baril at bumaling sa direksyon ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tinapik ang likuran ko. Bahala na kung mapahamak man ako. Kailangan kong malaman kung may makukuha ba akong impormasyon mula sa kaniya tungkol sa kahinaan ni Kamatayan.
"Thymine, hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Sa ngayon, kailangan kita para magawa nating mailigtas ang mga kaibigan mo. Ano, sasama ka ba? Nauubos na ang oras natin. Kailangan na nating magmadali para makaabot tayo. Naniniwala ka ba sa akin>" nagtatakang tanong niya sa akin.
Puno pa rin ng pagtataka ang aking mukha ko at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan. Natitiyak ko lang na marami talaga siyang nalalaman na makakatulong sa akin. Mukha rin na naging magkakilala sila ni Kamatayan. Mlakas ang kutob ko na matutulungan niya akong iligtas sina Rhian at Yoola.
"Kung gayon, anong plano niyo? Paano ka nakakasigurado na maililigtas ko ang mga kaibigan ko? Ano, sabihin niyo sa akin. Kumbinsehin mo ako para sumama at muli akong magtiwala sa iyo. Hindi sapat ang puro pangako lang," singhal ko.
Nararamdaman ko na kailangan na talaga nina Rhian at Yoola ang tulong ko. Kahit na delikadong makipagsapalaran ay gagawin ko pa rin alang-alang sa mga mahal ko sa buhay. Kailangan kong subukan. Maraming mga dahilan para manalo kaya hindi na ako mananatiling duwag.
"Tila ang bilis naman magbago ng isip mo, Thymine. Kanina lang ay halos isumpa mo na ako ngunit ngayon ay nakikipagkasundo ka sa amin. Desperado ka na ba? Wala ka nang mahingian ng tulong? Nakakaawa ka talaga kahit kailangan," mapang-asar na sambit sa akin ni Jerome.
Wala na akong panahon para makipaglokohan sa kaniya kaya mabilis kong hinatak si Marlyn. Alam kong mas matanda sila sa akin subalit hindi ko na ito alintana pa. Ang mahalaga ay buhay ng kaibigan ko. Ang kaligtasan nila ang dapat na mauna ngayon.
"Ngayon din mismo ay pupunta tayo sa bahay ni Kamatayan. Thymine, ihanda mo ang sarili mo dahil makakaharap mo siyang muli. Halika na," sambit sa akin ni Marlyn bago niya ako hatakin palabas ng silid.
Bago pa man kami tuluyang makalayo ay mabilis na humarang ang hepe. Pilit niya pa ring inaanalisa ang mga nangyayari subalit kasalanan na niya 'yon. Hindi namin siya kailangan. Nakatulala lang siya kanina at hindi nagawang lumaban. Mas matutulungan ako ni Maryln lalo na at mukhang marami siyang alam tungkol kay Kamatayan.
"At sa tingin mo ba ay hahayaang kong dalhin mo ang menor-de-edad na batang 'to? Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya. Sa akin siya ipinagkatiwala ng nanay niya kaya hindi niyo siya p'wedeng isama," mariing giit ng hepe.
Naiinis na ako sa ginagawa niya ngayon kaya ako na mismo ang humatak kay Marlyn at mabilis kaming tumakbo sa pinanggalingan niya kanina. Malakas ang kutob ko na may daan dito. Hindi naman siya sa gawing ito lalabas kung walang daan pabalik.
"Jerome, huwag kang tumunganga lang diyan! Bilisan mo at magmadali ka papunta sa sasakyan. Kailangan natin itong pahharurutin nang sa gayon ay walang iba na makasunod sa atin," bulalas ni Marlyn.
Tumutulo na ang pawis sa pisngi ko subalit iniinda ko na lamang ito. Kinakapos man ako ng hangin subalit mananatili pa rin ako sa pagtakbo. Tatakbo para sa kaligtasan ng mga kaibigan ko. Hindi ako susuko. May pag-asa na kaming makaligtas kaya hindi ko na ito bibitawan ko. Panghahawakan ko ito nang mabuti.
"Pumasok ka na agad sa sasakyan, Thymine. Kailangan na nating magmadali dahil mukhang balak pa tayong pigilan ng hepe. Mahihirapan tayong tumakas kung gano'n," mariing giit sa akin ni Marlyn.
Tama nga ako ng naiisip kanina dahil pagliko namin ay tumambad sa harapan ko ang kotse. Mabilis akong pumasok sa loob at do'n tuluyang pinunasan ang pawis ko. Masyadong nakakahingaln iyon pero ang mahalaga ay nakatakas ako sa hepe. Saka ko na iisipin si Mama. Sigurado naman akong tutulungan siya ng hepe.
"Maghanda kang mabuti, Thymine. Sa oras na umandar ang sasakyang ito ay wala nang atrasan pa. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pagdating natin sa bahay niya. Humanda ka, mapapalaban tayo pagkarating doon," pagpapaalala sa akin ni Marlyn.
Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago tumingin sa paligid. Aaminin ko, kinakabahan ako sa mga oras na ito. Ngunit wala akong ibang pamimilian. Kailangan kong iligtas ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ako susuko kahit na anong mangyari.