Wince
Hindi kaagad ako nakagalaw nang makita si Kamatayan at malapit na siya sa kinatatayuan namin. Pakiramdam ko ay panandaliang tumigil ang oras. Ang tanging nasa isip ko lang ay makaligtas kaming dalawa ni Trench. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa amin.
"B-Bakit mo 'yon ginawa sa kanila? Hindi ba magkaibigan kayo ni Rhian? Paano mo nagawang isara ang pintuan at hindi sila papasukin?" nagtatakang tanong sa akin ni Maxine.
Tama siya. Mabilis kong isinara ang pintuan nang makapasok kaming dalawa ni Trench sa loob. Hindi ko rin alam kung anong eksaktong dahilan at hindi ko nagawang tulungan si Rhian. Ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan kong makaligtas dahil siguradong papatayin kami ni Kamatayan.
"Kaya na niya ang sarili niya. Malakas si Rhian kaya siguradong hindi siya mapapatay ni Kamatayan. Isa pa, kami ni Trench ang namumuno sa grupo kaya ang buhay namin ang dapat na maunang mailigtas. Anong malay natin na maabitan tayo ni Kamatayan kung tinulungan ko pa siya?" pangangatuwiran ko sa kaniya.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko pero wala na akong magagawa. Wala na akong pakialam pa kung maging masama ang tingin niya sa akin. Tanggap ko na rin sa sarili ko na makasarili at hindi na dapat ako pagkatiwalaan pa.
"Nakakainis ka talaga, Wince. Ang dami mo nang kasalanan na nagawa kay Rhian. Paano mo ba magagawang humarap sa kaniya ngayon? Pagkatapos ka niyang tulungan nang ilang beses pero nagawa mo pa rin siyang biguin? Nakakainis ka talaga!" naiinis na sabi ko sa sarili.
Hindi ko na ipinakita pa kay Maxine na apektado ako sa nangyari. Sa halip ay tinawag ko siya para tulungan akong ihiga sa kama si Trench. May sugat pa rin ito pero hindi na gaanong nagdurugo. Sa tingin ko rin na ito ang naging dahilan para hindi ko tulungan si Rhian. Siya palagi ang dahilan kung bakit nasasaktan si Trench.
"W-Wala ka namang balak ipahamak ang buhay ko, 'no? Wince, hindi mo naman siguro ako ipapain kay Kamatayan kapag nalagay ka sa alanganin, tama ba? M-Magkakampi tayo rito kaya aasahan ko na tutulungan mo rin ako," kinakabahang tanong niya sa akin.
Hindi siya makatingin nang diretso habang sinasabi ito. Ito na siguro ang simula ng pagdududa sa akin ng mga kasamahan ko. Sino ba naman ang magtitiwala sa isang traydor na babae? Nagawa kong pabayaan ang taong minsang nag-alala at iniligtas ako. Paano pa kaya silang hindi ko naman ganoong nakakausap?
"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin. Ang mahalaga ngayon ay ligtas tayo at malayo sa anumang panganib. Ang mga tao na nasa labas ang dapat mong alalahanin. Walang kasiguraduhan kung magiging ligtas ba sila o hindi," diretsong sambit ko sa kaniya bago umupo sa kama.
Sandali kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Trench. Wala akong anumang ideya kung anong tumatakbo sa isip niya at palagi siyang nagpapanggap na si Kamatayan. Alam kong naiisip siya kay Thymine pero hindi naman ito sapat na rason para ilagay niya sa alanganin ang sarili niyang buhay.
"Umayos ka na sana, Trench. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko mapaninindigan ang pagiging pinuno. Maraming problema na kinahaharap ang grupo ngayon kaya sana bumalik ka na. Tama na ang laro. Kailangan na nating gumawa ng plano para makaligtas ang lahat," mahinang sabi ko sa kaniya at bahagya pang hinaplos ang noo niya.
Kahit na nagagawa naming makaligtas sa kamay ni Kamatayan, hindi ibig sabihin no'n na magiging maayos lang ang lahat. Kailangan din naming gumawa ng plano para tuluyang makalaya sa impyernong lugar na ito. Gusto ko pa ring maranasan kung ano ang buhay sa labas.
"W-Wince, nawala na yata ang ingay sa labas. Mukhang tapos na ang ginawa ni Kamatayan. May narinig akong papalayong yabag. Siguradong may umalis na sa labas ng kuwarto na ito pero hindi ko alam kung sino. A-Anong gagawin natin?" muling pagtatanong niya sa akin.
Nang dahil sa sinabi niya ay muli kong ibinalik ang atensyon sa labas. Tama si Maxine, wala na akong naririnig na ingay. Wala na ang habulan at tunog ng itak na naririnig ko kanina. Ano kaya ang nangyari? Nagawa kayang makaligtas nina Rhian?
"Diyan ka muna at tingnan mo si Trench. Ako na ang lalabas para siguraduhin kung ligtas na ba tayo. Kailangan kong malaman kung nakalayo na ba si Kamatayan bago kayo lumabas ni Trench. Huwag ka na ring mag-alala sa akin dahil kung dapat na akong mamatay, matatanggap ko 'yon," mabilis na sabi ko sa kaniya bago tumayo mula sa pagkakaupo.
Nang maramdaman ko na wala na ang tensyon sa labas ay mabilis ko akong lumapit sa pintuan. Hindi ko na pinansin ang reaksyon ni Maxine na animo'y takot na takot buksan ang pintuan. Sa dami ng mga nagawa kong kasalanan, wala na akong karapatan pa na magreklamo. Kung oras ko na, hindi na ako lalaban pa.
"Wince, hindi naman siguro natin kailangang buksan agad ang pintuan dahil wala pang kasiguraduhan. Baka naghihintay lang si Kamatayan diyan sa labas. Hindi ka ba natatakot sa mga posible niyang gawin sa iyo? Mapapahamak tayo," kinakabahan na pagpapaliwanag niya sa akin.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na pinihit ang pintuan. Bahagya akong nagpalinga-linga sa kaliwang direksyon at nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao. Pero nang humarap ako sa kanan ay laking gulat ko nang tumambad sa harapan ang hubad na katawan ni Milo at bahagya pa nitong pinapaligaya ang kaniyang sarili.
"Tang ina! Milo naman, anong ginagawa mo? Humanap ka ng silid at do'n mo ituloy 'yang ginagawa mo. Kadiri ka! Hindi marunong mahiya! Hindi mo man lang ba naisip na may mga taong dadaanan dito?" naiinis kong sambit sa kaniya at bahagya pang lumapit.
Tila hindi niya ako narinig dahil patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa kaya mabilis kong kinurot ang magkabilang balikat niya. Bahagya siyang natigilan at pinukulan ako nang matatalim na tingin. Grabe, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tigang na tigang na ba talaga siya?
"Hindi mo ba talaga ako narinig o nagpapanggap ka lang? Ano ba, Milo? Hindi mo ba alam na nandito si Kamatayan kanina at may nahanap na siyang biktima. Hindi ka man lang ba nag-aalala na maaari kang mapahamak ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Sa pagkakataong ito ay tuluyan ko nang nakuha ang atensyon niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya pero sa halip na itigil ang ginagawa ay mas lalo niya pa itong binilisan. Bahagya niya ring ipinikit ang mga mata at kinagat ang pang-ibabang labi. Tang ina! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon?
"Wince, asungot ka talaga kahit kailan. Gusto mong makita na ganito ako, ano? Gusto mo bang makipagtalik sa akin kaya ganiyan ang pag-iisip mo? Darating din tayo riyan dahil nangangarap ka rin makalabas. Sa ngayon, hayaan mo na muna akong paligayahin ang sarili," mariing giit niya sa akin.
Tuluyan siyang nilabasan at ang iilang katas na dumikit sa kaniyang palad ay ipinahid sa mukha ko. Bahagya pa siyang ngumisi matapos itong gawin. Agad naman akong nagulat at namalayan ko na lang na tumama ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ako kaagad nakabawi dahil sa ipinahid niya sa mukha ko.
"Ang baboy mo! Nakakainis ka, Milo! Kahit na anong mangyari ay hindi mangyayari ang iniisip mo. Tang ina! Manyakol! Hindi ako makikipagtalik sa iyo kaya guwapo at macho ka pa. Manyakis! Ang liit naman niyng ipinagmamalaki mo," bulyaw ko sa kaniya.
Idinikit ko ang palad ko sa katas na nasa pisngi ko ngayon at halos kilabutan nang mahawakan ito. Kaagad akong humanap ng tela at namataan ang damit niya sa sahig. Sa kaniya galing ang katas na ito kaya wala namang masama kung damit niya rin ang gagamitin kong pamunas. Akala mo, Milo. Hindi ko mapapalampas ito.
"Hoy! Subukan mong kuhanin ang damit ko at makakatikim ka sa akin. Hindi ko kailangan magpanggap na mabait ako dahil wala naman ang iba nating kasamahan. Subukan mo ako. Humanap ka nang ibang pamunas. Isa, binabalaan na kita Wince," pagbabantang sambit niya sa akin.
Ramdam ko na noon pa man na may itinatagong masamang budhi si Milo at napatunayan ko ito. Sa mata ng mga kasamahan namin ay anghel siya subalit lingid sa kanilang kaalaman na may dalawa itong sungay. Nakita kong lumabas si Maxine para tingnan kung anong nangyayari kaya mabilis ko siyang tinawag.
"Maxine, hubarin mo 'yang damit mo! Lumapit ka sa akin at punasan mo ang nakakainis na katas ni Milo. Nakakainis! Ang lagkit ng pisngi ko! Ang baboy talaga. Hindi ko talaga makakalimutan ito. Magbabayad ka, Milo!" mariing bulalas ko.
Sinamaan ko nang tingin si Maxine na nakatingin lang sa akin kaya mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Unti-unti niyang inangat ang suot na damit at pinunas sa pisngi ko. Hindi naman nakatakas sa tainga ko ang paghagikgik ni Milo. Bahagya pa siyang ngumisi at umiling-iling sa ginawa ni Maxine.
"Wala pala tayong pinagkaiba, Wince. Pareho lang tayong manggagamit ng mga tao para sa pansariling kapakanan. Ginagamit ko si Rhian dahil sa katawan niya at ikaw naman ay ginagamit ang mga taong nasa paligid mo. Kaya sa susunod, huwag ka nang magmamalinis sa harapan ko dahil pareho lang tayo," diretsong sambit niya.
Bahagya akong napangisi nang makita ang babaeng kaliliko lang sa pasilyo at halos mamula na ngayon sa galit. Malalaking hakbang ang ginawa niya bago tuluyang makalapit kay Milo ay tadyakan sa likuran. Mabuti nga sa kaniya. Mukhang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magbayad si Milo sa mg kasalanan niya.
"Hayop ka! Ganiyan pala ang tingin mo sa akin? Gago! Ang buong akala ko ay iba ka sa lahat at mapagkakatiwalaan kita. Tang ina, Milo! May maitim ka pa lang balak sa akin kaya ang bait mo. Mabuti na lang at hindi ako nagpadala sa tukso. Gago ka!" bulalas ni Rhian at pinagsusuntok si Milo.
Tinabig ko naman ang kamay ni Maxine matapos matanggal ang dumi sa mukha ko at mabilis na pumasok sa loob ng silid para gisingin si Trench. Wala na akong pakialam sa dalawa kung magsabong sila. Matira ang pinakamatibay sa kanila. Ligtas din si Rhian kaya hindi na ako inuusig ng konsensya ko. Makakahinga na ako nang maluwag.
"Trench, gumising ka. Kamusta ang kalagayan mo? Nakakainis, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa iyo. Huwag mo na kasing ulitin ang pagpapanggap na maging si Kamatayan. Napapahamak ka lang," nababahalang sambit ko.
Pilit ko siyang ginigising sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagtapik sa kaniyang pisngi. Humihilik pa siya subalit alam ko na magagawa kong gisingin. Hindi na dapat kami magtagal dito. Marami pa kaming dapat asikasukin kasama ang iba pa naming kasamahan.
"Palagi na lang nila tayong pinagkakaisahan sa bahay na ito. Huwag kang mag-alala, hindi natin ipapaalam sa kanila ang ikatlong paraan para makatakas. Mananatili lang itong lihim sa ating dalawa. Bahala silang isiping ang lahat para lang makaligtas," determinadong sambit ko.
Rinig ko pa rin ang sigawan sa labas kaya ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Naglalakbay din ang isipan ko sa mga posibilidad na plano na maaari naming magamit para makaalis. Siguradong may paraan at hindi pa huli ang lahat para tuluyan kaming makabalik sa dati naming buhay.
"Wince, kailangan mo na raw bumalik sa mga kasamahan natin dahil malapit nang lumubog ang araw at kumagat ang dilim. Magiging delikado na naman kaya magmadali ka. Siguradong babalik si Kamatayan para humanap ng susunod na biktima," mariing giit sa akin ni Maxine.
Panandalian akong tumigil sa ginagawa kong paggising kay Trench at bumaling sa babaeng umeksena. Nginisian ko siya bago magsalita. Ano ba sa tingin niya ang posisyon dito? Inaasahan niya bang pagkatapos ng lahat ay maayos ko siyang pakikisamahan. Nagkakamali siya.
"Bakit ko naman susundin ang sinasabi mo? Maxine, wala akong pakialam kung sama-sama silang mamatay. Nakakapagod na palagi na lang kayong pinagtatanggol. Hindi ba p'wedeng kayo naman muna ang gumawa ng paraan para makaligtas kayo," mariing giit ko na siyang ikinagulat niya.
Sapat na ang ilang linggo na pagtulong ko sa kanila para makaligtas sa kamay ni Kamatayan. Ngayon gabi, walang tutulong sa kanila. Matira ang pinakamatibay. Si Trench ang prayoridad ko ngayon gabi at kaligtasan namin dalawa ang mahalaga. Hindi ko na muna iisipin pa ang iba naming kasamahan.
"Tulong! Tulungan niyo kami! Pakiusap, tulong! Hinahabol kami ni Kamatayan! Rhian! Wince! Trench! Nandiyan ba kayo? T-Tulungan niyo kami!"
Sunod-sunod na sigaw ang aming narinig kaya mabilis kaming lumabas ng silid. Bahagya ring natigilan sa pag-aaway sina Rhian at Milo at magkakasabay naming inabangan ang mga kasamahan na liliko sa pasilyo. Malakas ang kutob ko na papunta sila sa direksyon namin.
"Magsipaghanda kayo! Ano mang sandali ay darating sila para humingi ng saklolo. Siguradong nakasunod sa kanila si Kamatayan kaya mapapasabak tayo. Hindi ito magiging madali para sa ating lahat," bulalas ni Milo na ngayon ay nakasuot na ng damit.
Bahagya akong sumulyap sa gawi ni Rhian at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagkabalisa niya. Wala si Thymine sa kaniyang tabi kaya siguradong nag-aalala siya sa kalagayan nito. Kilala ko na siya. Si Thymine ang uunahin niyang iligtas sa halip na ang sarili. Talagang desidido siyang mailabas ito ng buhay sa bahay ni Kamatayan.
"Sa tingin ko ay nasa humigit kumulang sampu sila. Buksan niyo ang mga pintuan nang sa gayon ay do'n sila dumiretso mamaya para magtago. Hindi natin dapat aksayahin ang oras. Kailangan nating maging matalino. Kailangan nating maisahan si Kamatayan. Naiintindihan niyo ba?" mariing giit ko.
Mabilis naman silang nagsikilos at inabangan ang mga tinig na naririnig namin. Subalit agad na kumunot ang mga noo namin nang unti-unting humihina ang mga tinig na animo'y lumipat ng ibang direksyon. Ano bang nangyayari? Dito dapat sila sa direksyon na ito lalabas.
"Sandali, ako lang ba ang nakakapansin na humihina ang mga tinig? Tang ina! Baka kung ano nang ginawa sa kanila ni Kamatayan! Salubungin na natin sila. Sigurado akong kailangan nila ng tulong natin. Nasa panganib sila kaya ano pang hinihintay niyo? Salubungin natin sila," suhesyon ni Maxine.
Bahagyang tumango si Milo at nanguna sa paglalakad papunta sa palikong pasilyo. Nagdadalawang-isip man ako kung iiwan ko si Trench subalit sumama pa rin ako sa kanila. Kailangan kong makakalap ng impormasyon. Hindi ako dapat na makampante sa mga nalalaman ko.
"Huwag tayong gagawa ng ingay kung ayaw niyong mabisto tayo agad. Kahit papaano ay alam natin kung paano gumalaw si Kamatayan. Tama ba ako? Sa paraang ito ay makaklamang tayo sa kaniya," makahulugang tanong ni Maxine.
Walang pumansin sa kaniya bagkus ay nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa tuluyang marating ang pasilyo. Bahagya akong nagpalinga-linga sa mga obrang nakasabit habang pinapakalma ang sarili. Nararamdaman kong may panganib na papalapit sa paligid.
"Isa, dalawa, tatlo. Kung gusto niyong makaligtas ay tatagan niyo ang mga loob niyo. Kailangan na nating tugisin si Kamatayan, hindi na dapat siya hayaan. Marami na siyang nasaktan at pinatay. Ito na ang tamang oras para hindi maging duwag at sa halip ay labanan siya nang patayan," mariing giit ni Milo sa amin.
Sabay-sabay kaming lumiko sa pasilyo at halos magimbal nang tumambad sa aming harapan ang nakangising mukha ni Kamatayan at hawak ang dalawang matulis na patalim sa kaniyang kamay. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Siguradong mapapalaban na kami ngayon. Wala na itong atrasan pa. Tang ina!
"Isa, dalawa, tatlo. Tumakbo na kayo! Sisiguraduhin kong lahat ng mga tutugisin ko ay tiyak na may paglalagyan," nakangising sambit ni Kamatayan na siyang malakas na nagpatibok ng puso ko.
Wala na itong atrasan pa. Kami mismo ang humanap sa kaniya kaya wala kaming ibang pamimilian kung hindi ang lumaban. Sana kayanin namin. Sana sa muling pagsikat ng araw ay wala na ang takot at pangamba sa mga dibdib ng kasamahan ko. Aasa ako na magagawa naming baguhin ang takbo ng laro sa bahay ni Kamatayan.