Rhian
Wala sa kanila ang nagtangka na buksan ang pintuan dahil sa mga sinabi ko. Lahat sila ay nanatiling tahimik sa isang tabi at tahimik na hinihintay kung ano ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakatakot talaga kung si Kamatayan ang bubulaga sa iyo kapag binuksan ang pintuan.
Sa halip na intndihin pa sila ay itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Thymine na ngayon ay nakahiga sa kama. Mahimbing siyang natutulog at napansin kong may luha pa sa gilid ng kanang mata niya. Hindi ko maiwasang makaramdam nang labis na pagkaawa sa kanya.
Nakakaawa siya. Binatilyo pa lang pero nakararanas ng ganitong trahedya. Ito ang pinakamalalang pangyayari na kahit kailan ay hindi mo malilimutan. Sa paaralan dapat siya namamalagi at hindi rito sa bahay ni Kamatayan.
"Hayaan mo, Thymine, hangga't nandito pa ako ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hangga't kaya ko ay lalabas tayo sa impyernong lugar na ito. Makakatakas tayo sa kamay ni Kamatayan," mahinang bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya.
Sa totoo lang, hindi naman gaanong nagkakalayo ang edad namin. Nasa dise-sais siya, habang ako naman ay dise-otso anyos. Pero hindi ibig sabihin nito ay pareho kami ng pinagdaraanan. Ako, kaya kong makipaghabulan kay Kamatayan. Samantalang siya, wala pang kamalay-malay kung paano lalaban. Wala pa siyang kamuwang-muwang kung paano makakaligtas sa lugar na ito.
"Hindi ko alam kung bakit ka napunta rito pero hayaan mong tulungan kita hanggang sa abot ng makakaya ko. Panghawakan mo iyan. Hindi kita hahayaan na mapahamak. Ako ang bahalang magtanggol sa iyo," muling dagdag ko.
Bata pa siya at marami pa siyang pagdaraanan sa buhay. Hindi niya pa gaanong nararanasan na magmahal at umiyak dahil sa pag-ibig. Wala pa siya sa kalagitnaan ng pag-abot sa mga pangarap niya. Marami pang p'wedeng mangyari sa kaniya sa labas ng bahay na ito.
"Alam kong nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo dahil ilang araw ka nang hindi umuuwi. Hindi mo siya maaasahan ngayon dahil kahit haluhugin nila ang buong mundo, mahihirapan silang mahanap ang lugar na ito. Malabong matulungan tayo ng mga tao sa labas," mahinang bulong ko.
Walang ibang makakatulong sa amin kung hindi ang isa't isa. Kaming mga nasa loob lang ang may kakayahan na makaligtas. Walang nakakaalam kung nasaan o ano ang lugar na ito. Ang nasisigurado ko lang ay kailangan naming makaligtas sa bawat araw na lumilipas at humanap ng magadang pagkakataon para makalaya.
"Matulog ka muna nang mahimbing diyan at magpahinga. Magpalakas ka at sabay tayong lalaban kay Kamatayan. Aalis tayo rito nang magkasama. Walang iwanan hanggang sa dulo. Ipinapangako ko 'yan sa iyo," determinadong sabi ko.
Hindi niya dapat nasasaksihan ang mga ganitong pangyayari, dapat ay nagpapakasaya siya at nag-aaral. Hindi ganito na nakikipaghabulan kay Kamatayan at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa siya. Hindi ganitong klase ng pamumuhay ang dapat na pinagdaraanan niya. Hindi ito makatarungan para sa kaniya.
Hinaplos ko muli ang pisngi niya dahil napansin kong may tumutulong luha. Hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng awa sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan. Pinahid ko ito gamit ang hinlalaki ko at mahinang bumulong sa kaniya. Kailangan ko nang mag-isip ng plano.
"Magiging maayos din ang lahat. Makakalabas tayo sa impyernong lugar na 'to. Gagawa ako ng paraan dahil hindi tayo p'wedeng magtagal dito. Kumapit ka lang nang mahigpit, Thymine," paniniguradong sambit ko sa kanya.
Hindi ako papayag na manahimik lang at hihintayin ang kapalaran ang magpasya ng mangyayari sa amin. Mag-iisip ako ng perpektong plano. Magkasama kaming lalabas ni Thymine at magkasama naming masisilayang muli ang tunay mundo na malayo kay Kamatayan. Malayo sa karahasan. Malayo sa panganib.
Samantala, tahimik pa rin ang lahat at walang ibang nangahas na lumapit sa pintuan. Halatang kinakabahan sila sa mga posibleng mangyari. Kung talagang si Kamatayan ang nasa likod ng pintuan iyon, siguradong katapusan na ng iba sa amin.
"Ano na ang gagawin natin? Natatakot ako. Hindi ko alam kung saan pupunta. Ayoko na rito. Gusto ko nang umuwi sa bahay namin. P-Pakiusap, iligtas niyo ako," kinakabahang sabi ng isang babae sa may gilid at bahagya pa itong nanginginig.
Pilit naman siyang pinapakalma ng katabi. Hindi ko na lang ito pinansin pa. Alam kong marami sa amin kinakabahan at hindi alam ang gagawin pero normal ito sa lugar na ito. Ang iba ay tanging pagtakbo lang ang alam na gawin. Hindi nila alam kung kaya nilang makaligtas sa kamay ni Kamatayan.
"Wala na ba tayong makakain diyan? Kumakalam na ang ko sikmura at gutom na gutom na ako. Mukhang sa gutom ako mamamatay at hindi sa kamay ni Kamatayan. Baka may naitabi kayong pagkain, ibinigay niyo na lang sa akin," pagrereklamo ng isang babae.
Bahagyang nagkatinginan ang iba at saka nilang tinignan nang nakakaawa si Wince. Nag-iwas naman ng tingin si Wince at pilit na iwinawaksi ang mga tingin sa kaniya. Sa paraan pa lang ng pag-iwas ng tingin niya, alam kong wala siyang maibibigay na pagkain. Kilalang-kilala ko na siya. SIguradong siya na naman ang maiipit dito.
"Wince, baka naman may pagkain pa tayo. Wala bang nakatagong pagkain sa silid na 'to? Nagugutom na kami at nauuhaw na rin. Ano na ang gagawin natin? Hindi tayo makakalaban nang maayos kung wala tayong sapat na lakas," dagdag pa na reklamo ng isang lalaki.
Ang iba naman ay tumingin sa akin at nagbabakasakaling may maibibigay ako sa kanila. Sinalubong ko nang matatalim na tingin ang mga mata nila kaya't agad nilang ibinaling ang sulyap sa ibang direksyon. Hindi nila ako madaraan sa mga nakakaawa nilang itsura.
Alam kong gutom na sila pero hindi nila alam kung saan kukuha ng pagkakain. Nakakainis naman. Nasaan na ba si Trench? Ayaw na ayaw ko pa namang sumalo ng responsibilidad na hindi naman para sa akin. Wala naman akong aasahan kay Wince dahil siguradong natatakot din siya gaya ng iba.
"Ano bang aasahan niyong maging reaksyon namin? Nagugutom na kami pero walang ibang magawa kung hindi maghintay. Nanghihina na kami, parang awa niyo na. Hindi kami makakatagal sa ganitong sitwasyon. Tulungan niyo naman kami," nagsusumamong sabi ng isa pang babae.
Hindi ko na lamang sila pinansin pa. Wala namang ibang mangyayari kung bibigyan ko sila ng pag-asa kahit na alam kong wala namang kasiguraduhan ang lahat. Nakababagot na rin dito, mabuting pang mag-isip na ako ng perpektong plano. Kialangan kong malaman kung anong nangyayari sa labas.
"Lalabas ako. Bantayan niyong mabuti si Thymine. Huwag niyong hayaan na may masamang mangyari sa kaniya. Sa oras na may mangyaring masama sa kaniya, katapusan niyo na. Nagkakaintindihan ba tayo?" mariing pagbabanta ko sa kanila.
Karamihan sa kanila ay biglang natakot sa pagbabanta ko, habang ang iba naman ay ipinagsawalang-bahala na lang. Wala rin naman akong pakialam sa magiging reaksyon nila. Ang gusto ko lang mangyari ay bantayan nila si Thymine at tiyakin ang kaligtasan nito habang wala ako.
"Makakaasa ka. Titiyakin ko na ligtas siya at malayo sa kamay ni Kamatayan habang nasa labas ka. Ikaw na munang bahalang magtanggol sa amin, Rhian. Alam mo namang wala pa si Trench dito. Ako na ang bahala sa kaniya, p'wede ka nang umalis," naninigurado na sagot ni Wince.
Kaagad na akong tumayo at mariin silang tiningnan. Napaismid na lang ako sa iginagawad nilang tingin. Akala mo ay may masama akong ginawa sa kanila. Ganito na ba ako kasama para para katakutan? Nakakatawa. Kung ligtas lang kami ni Thymine sa labas, hindi na ako magtitiyagang samahan sila rito.
Tuluyan ko nang narating ang pintuan at walang pagdadalawang-isip na binuksan ito. Hindi kami kumpleto sa loob ng silid kaya siguradong may masasalubong ako sa labas mamaya. Maraming nagpapagala-gala rin para makakuha ng impormasyon. Alam kong 'yon ang ginagawa ng iba.
"Maghintay ka lang, Thymine. Hindi magtatagal at makakalabas na rin tayo sa impyernong lugar na ito. Makakalaya tayo at lalabas nang magkasama. Hintayin mo at gagawa ako ng perpektong plano para mangyari iyon," mahinang bulong ko sa sarili.
Tahimik na ang ika-apat na palapag paglabas ko ng silid at wala na akong mga yabag na naririnig. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago tuluyang maglakad upang makatiyak na walang magiging sagabal sa paglalakad ko. Kailangan na walang ibang makaalam na lumabas ako dahil siguradong pag-iinitan si Thymine.
Tahimik kong pinagmamasdan ang paligid dahil bukod tangi talaga ang palapag na ito kumpara sa iba. Narito ang mga pinakaimportanteng bagay na pinakaiingatan sa loob ng bahay. Mapa-antigo man o mga gamit na pinahahalagahan. Maraming magkakainteres dito kung sakaling walang kamatayan na nagbabantay.
"Sayang at hindi na ito mapapakinabangan pa. Wala na ring saysay kung mamahalin ito dahil siguradong masisira rin kasabay nang pagbagsak ni Kamatayan. Mawawala na ito ng halaga at nararamdaman kong nalalapit na ang araw na 'yon," bulalas ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Akmang liliko na ako sa isang pasilyo subalit biglang may humila sa akin at dinala ako sa isang silid. Bahagya kong pinakiramdaman kung sino ito at nang masiyasat ko ay hindi ko na siya pinahirapan pa. Kilala ko siya at sigurado akong wala siyang ibang dalang patalim. Pero ang hindi ko nasisigurado ay kung sasaktan ba niya ako o hindi.
Hindi naman ako gaanong nagpumiglas dahil sigurado akong hindi ito si Kamatayan at isa lang ito sa mga kasamahan namin. Mabago ang amoy nito samantalang nakakasuka ang kay Kamatayan. Madali lang silang ipagkumpara lalo na kung lagi mong nakakasalamuha.
Tuluyan na kaming nakapasok sa isang silid at kaagad niya itong isinara. Sinigurado pa nitong walang nakabukas na bintana at hindi kami makikita. Ano bang problema niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako dinala rito.
"Ano na naman bang pakulo 'to, Liam? May importante akong kailangang gawin kaya huwag kang magulo," naiinis kong tanong sa kaniya.
Kahit kailan talaga, nakakainis ang lalaking 'to. Walang magawang matino sa buhay niya at puro panggugulo sa akin ang alam. Hindi niya ba alam na may importante akong ginagawa? Mabuti sana kung libre ako sa lahat ng oras para basta na lang niyang hatakin kung may gusto siyang sabihin.
"Akala ko nakalimutan mo na agad ang mala-adonis kong katawan at itong mukha kong lagi mong pinagpapantasyahan na mahalikan. Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita dinala rito?" pagmamalaking sabi niya sa akin.
Bahagya pa siya lumapit at unti-unting kinagat ang ibabang labi niya. Sa tingin niya ba maaakit ako roon? Nagpapatawa ba siya?
"Tahimik at tayong dalawa lang ang tao rito. Maraming posibleng mangyari. Ano sa tingin mo, Rhian? Nakadepende sa ikikilos mo kung anong mangyayari sa atin," nakangising sabi ni Liam.
Bahagya akong kinilabutan sa mga sinasabi niya. Totoo na mayroon sìyang mala-anghel na mukha at makisig na pangangatawan. Maputi rin siya at may katangkaran, halatang biniyayaan talaga. Marami sa mga kasamahan namin ang nahuhumaling sa kaniya pero hindi niya pinapansin.
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Kahit kailangan talaga ang hilig mong magbuhat ng sariling bangko. Saka ikaw, pagpapantasyahan ko? Nakakadiri ka! Hindi ka ba nasusuka?" nandidiring sabi ko sa kaniya at bahagya pang nagkunwari na nasusuka.
Mabilis siyang lumapit sa akin at kaagad na tinakpan ang bibig ko. Ano pa talagang problema niya? Ano na naman bang nakain nito at sinisira na naman ang araw ko? Nakakainis ka talaga, Liam!
"Huwag kang maingay dahil baka marinig tayo ni Kamatayan. Pero kung gusto mong umungol habang nasa ibabaw ko, p'wede naman. Hindi naman niya siguro tayo papansinin kapag narinig niya ang ungol mo habang isinisigaw ang pangalan ko," nakangising sabi niya sa akin.
Napairap na lang ako sa tinuturan niya. Wala akong pakialam sa mga ganap niya sa buhay. Hindi rin ako interesado sa kaniya. Iniisip ko pa lang, nasusuka na ako. Hindi ba talaga siya kinikilabutan dito?
"Tigilan na natin ang kalokohang ito, alam kong alam mo na ang sagot ko. Kahit na ilang ulit mong sabihin 'yan, pareho pa rin ang magiging sagot ko. Hindi na magbabago 'yon kaya tanggapin mo na lang," naiinis kong paliwanag sa kaniya.
Bahagya naman siyang nagulat at hinawakan pa nang mahigpit ang mga braso ko. Mariin ako niya akong tinignan at tila inis na inis siya sa naging sagot ko. Ano bang aasahan niya sa akin? Matagal ko nang sinabi sa kaniya na hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari pero nangungulit pa rin siya.
"Bakit hindi natin subukan? Nasisiguro ko naman na hindi ka magsisisi. Siguradong masasarapan ka sa gagawin ko. Kukulayan na rin natin ang pagpapantasya mo sa akin. Ano sa tingin mo?" pagmamalaking sambit niya.
Hindi na talaga siya magbabago, malala na siya. Agad kong binawi ang mga kamay ko at naiinis siyang tinignan. Kaya naman pala dinala niya ako rito dahil may maitim siyang balak sa akin. Hindi na talaga ako magtataka kung kahit nasa harapan ko na si Kamatayan ay hahatakin niya pa rin ako para lang sa bagay na ito.
"Kahit kailan ay hindi kita pagbibigyan. Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Humanap ka na lang ng ibang mapaglalaruan mo. Magaling ka, hindi ba? Siguradong maraming babae riyan na pinagpapantasyahan ka. Huwag ako, iba na lang," mariing sambit ko sa kanya.
Bahagya naman niya akong hinawakan sa balikat at nagmamakaawang tinignan. Sa totoo lang, marami talagang babae na gugustuhing makatalik siya pero hindi ako gaya nila. May paninindigan ako. Hindi ako bayaran o malandi na basta na lang papatay sa kung sino lang.
"Kahit isang oras lang, pagbigyan mo na ako. Makipagtalik ka na sa akin, titigilan na kita pagkatapos. Rhian, pagbigyan mo na ako. Alam mo naman na kailangan ko 'yon. Huwag mo akong hayaan na mamatay," nagmamakaawang sabi niya.
Naiintindihan ko ang punto niya. Kailangan niya itong gawin para makaligtas at makalabas sa bahay ni Kamatayan. Pero hindi lang ito ang paraan. Alam kong marami pang p'wedeng mangyari.
"Bakit ba ang arte mo? Isang pagtatalik lang, hindi mo pa maibigay. Akala mo naman kung sinong birhen. Baka nga kung sino-sinong lalaki na ang nakatikim sa iyo. Pinagpiyestahan ka na kaya huwag kang umarte riyan. Akala mo kung sinong hindi malandi," diretsong sabi niya.
Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi niya at hindi niya ito inaasahan. Halata sa mukha niya ang labis na pagkagulat. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon ginawa. Alam kong kailangan niya ito pero hindi pa ako handa. Hindi pa p'wede. Mag-iisip pa ako ng ibang paraan para makalabas.
"Kahit na mamatay pa ako sa bahay na 'to, hinding-hindi ko isusuko ang sarili sa manyakis na katulad mo. Itatak mo 'yan sa makitid mong utak. Kilabutan ko sa sarili mo. Kung tigang na tigang ka na, magsarili ka," mariing giit ko sa kanya.
Akmang tatalikod na ako subalit bigla akong napahinto sa sinabi niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko ito inaasahang marinig mula sa kaniya. Hindi ko rin sigurado kung may katotohanan ba ito.
"Paano kung saktan ko si Thymine, papayag ka ba? Hahayaan mo bang masaktan ang lalaking iniingatan mo? Mamili ka, Rhian. Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo. Makikipagtalik ka sa akin, o sasaktan ko si Thymine?" nakangisi niyang tanong sa akin.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya, masyadong madada. Sa inis ko ay agad ko siyang kinuwelyuhan. Hindi ko hahayaan na mahawakan niya si Thymine. Hindi ako papayag. Hindi niya p'wedeng galawin ang iniingatan ko.
"Galawin mo na lahat, huwag lang si Thymine. Magkakamatayan tayo kapag sinaktan mo siya. Tandaan mo iyan," mariing giit ko sa kaniya at matalim siyang tinitigan sa mata.