Chapter 6

Parehas kaming nagulat ni Manang Rosie sa biglaang pagsulpot ni Airisha sa aming likuran. Nakasimangot ito habang nakatingala sa akin.

Nagsitikhiman kami ni Manang.

Lumipat ang tingin ni Airisha kay Manang Rosie. "I want to eat. I'm hungry."

Literal na napanganga ako sa kasungitan ng batang ito. Ngumuso na lang din ako.

Lumipat ulit ang tingin nito sa akin. Salubong ang kilay nito. "Feed me."

Napairap na lang ako sa hangin sa pagkademanding ng batang ito. Ang sarap patulan. Hindi man lang makiusap.

Nang-uuyam na tumango ako sa kanya. Lumabas siya ng kusina kaya sinundan ko siya. Nakarating kami sa swimming pool area. Sa gilid ng pool, May glass set table with 2 chairs doon. May mga pagkain na rin na nakalagay.

Umupo kami magkaharapan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatunghay sa akin. Hindi ko rin tuloy maiwasan na hindi siya pagkunutan ng noo.

"What?" Suddenly, I blurted it out.

"Stay away from us. Leave my daddy. Just leave. You already do it but why are you suddenly back again?"

Napamaang ako sa kanya. Bahagya akong napatawa sa kanya. Para siyang nakikipagnegotiate sa akin na layuan ang daddy niya. Ang kaibahan lang ang bata niya pa. Hindi niya rin ako mabubuhusan ng tubig sa mukha tulad sa mga drama sa TV.

"Ayoko!" Pang-uurat ko sa kanya.

Lalong nalukot ang mukha nito at parang iiyak na. Nasisiraan na talaga ako at pati bata ay pinapatulan ko.

"Ang bad mo talaga!"

Yumugyog ang balikat ko sa tawang kanina ko pa pinipigilan.

"Ikaw kaya ang bad hindi ako." Akusa ko sa kanya.

"Hindi mo naman kami love kaya ka nga umalis. Tapos ngayon babalik ka pa! Umalis ka na lang ulit!"

Natahimik ako nang umiyak na siya ng umiyak. Nataranta ako bigla.

"H-hey! Stop crying. B-baka dumating na ang daddy mo...."

Patuloy itong umiyak. Napatingin ako sa isang slice ng cake na nasa platito sa aking harapan. Mabilis kong kinuha ang kutsara at kumuha doon. Inilapit ko ito sa bibig ni Airisha at inalo siya.

"Baby, ito oh, cake. Masarap 'to, ahhh!" Malambing na sabi ko.

Umiling ito habang sige pa rin ang iyak.

"T-tahan na. Kain na lang tayo ng cake. Di ba sabi mo gutom ka na? Ito oh, masarap 'to." Mabilis kong isinubo ang cake na nasa aking kutsara. Ipinakita ko sa kanya na masarap iyon. "Ahm! Ang sarap. Sabi sa'yo, e."

Kumuha ulit ako ng cake at akmang isusubo ito sa bibig ni Airisha nang matigilan ako. Nabitawan ko ang kutsara. Napahawak ako sa aking dibdib. Umawang ang aking labi para kumuha ng hangin.

Namutla ako. Nagbaba ang aking paningin sa platito na may cake. At doon nakita ko ang parteng gitna nito na may mga malilit na mani.

Mabilis kong hinabol ang hininga at tumayo. Nakaramdam ako ng hilo. Akmang aalis na ako ng pigilan ako ni Airisha.

"Ano?! Aalis ka? Nag-uusap pa tayo!"

Hindi ako nakapagsalita. Pinilit kong agawin ang aking kamay sa kanya ngunit ang higpit nito at wala akong lakas. Mabilis kong hinahabol ang aking paghinga. Mahigpit kong hinawakan ang aking dibdib. Nagpaiyak na lang ako sa paninikip ng aking dibdib.

Nagawa kong maalis ang kamay ni Airisha pero ang hindi ko inaasahan nang magkamali ito ng tapak at madulas sa gilid ng swimming pool. Kitang-kita ko ang pagkahulog nito sa swimming pool.

"Mommy help! Ugh! H-help!"

Dinig na dinig ko ang paghingi niya ng tulong sa akin pero hindi ako nakagalaw. Hinang-hina ako. Napaluhod ako habang nakaharap kay Airisha na nalulunod. Dalawang kamay ang naihawak ko sa aking dibdib at nilapirikot iyon. Patuloy kong hinabol ang aking paghinga. Hindi ako makahinga. Para akong nauubusan ng hangin sa katawan.

Nablanko ang isip ko sa nangyayare sa paligid. Para akong nakulong sa isang madilim na lugar at ang tanging paghahabol ko lamang ng hininga ang maririnig.

Nagising lang ako at tila bumalik sa ulirat nang makarinig ng malakas na sigaw. Ang mga tilian sa pagligid. Ang paghingi ng tulong ng mga katulong. Ang lahat ng pagkakataranta nila. At ang malakas na pagbagsak sa tubig- kung saan tumalon si Sungit at sinagip si Airisha. Umahon si Sungit habang buhat-buhat si Airisha. Umalingawngaw sa buong paligid ang iyak ng bata. Nang makaahon sila, kaagad silang pinalibutan ng mga gwardiya at katulong.

Mabilis na inalalayan at nilagyan ni Manang Rosie ng towel si Airisha sa balikat. Napatayo ako. Namanhid pa rin ang katawan ko.

"Baby, are you ok na?" Tanong ni Sungit. Mabilis na tumayo si Airisha habang umiiyak pa rin.

Marahas na tumayo si Sungit at nanlilisik ang mga matang ibinaling sa akin ang tingin. Namutla ako sa takot. Para itong papatay sa kanyang itsura. Mariin na mariin ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamao at ang mga ugat ay kitang-kita na.

Napa-antras ako ngunit wala itong silbi ng mabilis siyang naglakad at nakapunta sa aking harapan. Suminghap ako ng mariin at nanggigigil niyang hinawakan ang aking braso. Napaiyak ako sa sakit ng pagkakahawak niya. Ramdam na ramdam ko- ng lahat ang galit nito.

"I told you! Huwag mong sasaktan ang anak ko!"

Dumagundong ang kanyang boses. Malakas ang pwersa nitong itinaas ang kanyang kamay sa ere. Napapikit ako dahil alam ko ng sasampalin niya ako. Hindi lamang iyak ni Airisha ang namayani sa paligid pati na rin ang aking pag-iyak.

Ilang minuto kong inantay na lumapat sa aking pisngi ang malakas na sampal na inaasahan ko ngunit hindi nangyare. Napadilat ako. Ang madilim na mukha niya ang aking nabugaran. Dumako ang paningin ko sa kamay niyang nasa ere lamang at handa na akong sampalin pero hindi niya itinuloy.

Mangiyak-ngiyak akong bumaling sa kanya. "S-sorry.." hirap na paghinga na sabi ko.

"Leave." Blankong sabi niya. Nanatili akong nakatayo doon at umiiyak hanggang sa mas lalo itong napuno ng galit sa akin at sinigawan ako. "Alis! Kung ayaw mong saktan kita!"

Halos mapatalon ako sa pagsigaw niya. Mabilis akong tumalikod at mabagal na naglakad sa gilid ng swimming pool. Wala ako sa sarili habang umiiyak. Hanggang ngayon nakahawak pa rin ako sa aking dibdib at pilit na hinahabol ang aking paghinga. Mas lalo itong naninikip dahil sa aking pag-iyak. Nanlalabo ang aking paningin at puro itim na lamang ang aking nakikita. Kumurap ako pero nahilo lamang ako. Huminto ako sa paglalakad at tuluyang bumagsak ang aking mata kasabay ng pagbagsak ng aking katawan sa ilalim ng tubig. Bago ako tuluyan mawalan ng malay, narinig ko ang malalakas nilang sigawan at ang isa pang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa tubig. Ang bulto ng tao na lumalangoy at pilit akong inaabot. Hanggang sa tuluyan na ngang nandilim ang aking paningin.