Chapter 5
"Ka-mukha ko talaga siya...." nakatulalang sabi ko.
Matapos ang nangyare kanina sa hapag kainan, babalik na sana ako sa silid na aking tinutuluyan nang mapadaan ako sa living room. Laking gulat ko nang dumako ang aking paningin sa isang malaking litrato na nakasabit sa dingding. Isang wedding picture. Kapwa bakas sa mukha ang kasiyahan.
Malakas ang pagtibok ng aking puso. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ka-mukhang-kamukha ko ang babae nasa picture. Medyo bata pa ang mukha nito. Kung ikukumpara sa akin ngayon, medyo mature na ako. Pero..... masasabi kong kamukha ko talaga siya ng mga panahon neneng na neneng pa ako.
Imposible naman na ako ito. Wala akong maalala na ikinasal ako. Mas lalong hindi ko kilala ang mga taong nandito sa mansyon. Imposible rin na magkaroon ako ng kakambal. Wala ako no'n. Pero.... bakit Liara ang tawag nila sa babaeng 'yon? Nagkataon lang ba na kaparehas ko siya ng palayaw? Maybe I should ask Manang if she knows about the real named of that girl in the picture.
Hanggang ngayon nasa harapan pa rin ako ng malaking litrato. Hindi na na-alis ang paningin ko doon.
Sa pagtitig sa larawan, isang balintatawan ng babae ang aking nakita. Isang babaeng kamukha ko.
Malakas akong napasinghap ng maalala ang nangyare sa barko. Ang pagtulong ko sa babaeng kamukha ko. Natigilan ako ng may mapagtanto.
Could it be?
Marahas at aligaga akong tumalikod pero gano'n na lang ang pagsinghap ko at tahip sa aking dibdib nang sa pagharap ko mula sa likuran, bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng batang babae. Matagal ako bago nakabawi. Nang makaahon, tumikhim ako.
"Why?" Kunot-noong tanong ko.
"Why are you looking at...." bahagya itong tumingin sa litrato bago ituon ang buong paningin sa akin. "That?" Mataray na sabi nito.
Ilang taon na ba ang batang ito at masyadong mataray.
"Ano naman ngayon? Bakit masama ba?" Nababaliw na ata ako dahil pinapatulan ko ang batang ito.
Umasim ang mukha nito at inis na nagsalita. "I hate you!"
Aba!
"Same!..."
Dudugtungan ko sana ang sinabi ko nang malukot ang mukha nito at umiyak. Napamaang ako at tarantang lumuhod sa harapan niya upang magpantay ang aming mukha.
"H-hey... b-biro lang huwag ka ng umiyak.... b-baka sabihin ng daddy mo, inaaway na naman kita..."
Patuloy ko itong inalo. Yayakapin ko sana siya ng magpumiglas at magwala siya. Patuloy itong umiyak ng malakas. May kung ano ang nagbara sa aking lalamunan. Nangingilid ang luha sa aking mata. Suminok ako.
"T-tahan na.. b-baby..."
"Why can you just be my real mommy. Why can't you just treat me like your own daughter! I hate you! I hate you so much!"
Nanlaki ang mga mata ko. My mouth parted in shock. Ang kamay kong hahawak sa kanyang kamay ay malakas niyang tinabig at mabilis na umalis. Tulala akong tumitig sa pintuan na kanyang nilabasan.
Hindi anak ng babaeng kamukha ko si Airisha? Pero, anak ba siya ni sungit sa ibang babae?
Matagal akong natulala hanggang sa bumalik ako sa realidad ng may mapagtanto. Mabilis akong napatayo.
"Shocks! Baka magsumbong iyon kay sungit! Wala akong ginagawa, ah!"
Hinanap ko si Airisha pero hindi ko siya nakita. Matagal na rin ang lumipas na oras pero walang sungit ang sumulpot sa aking harapan.
So, I guess? Hindi naman nagsumbong ang batang iyon.
Ngumuso ako. Wala naman talaga akong kasalanan pero bakit kinakabahan ako?
Paano ba ako makakaalis dito? Hindi ako makalabas. Ang daming nagbabantay na mga bouncer sa mga pintuan pa lamang.
Natagpuan ko si Manang Loida sa kusina na nagluluto. Alas-kwatro palang pero nagluluto na siya. Napaka-aga naman.
"Manang!"
Nanlaki ang mata ko nang halos mapatalon ito sa gulat. Nakahawak pa ito sa dibdib. Mabilis ko siyang nilapitan.
"Naku! Sorry po, Manang. Nagulat ko po kayo!" Ngiwing alo ko.
Tumikhim ito at kinumpos ang sarili. "Ikaw na bata ka! Mamamatay ako ng maaga dahil sa'yo!"
Ngumisi ako. "Si Manang talaga."
Tumalikod ito sa akin at muling itinuon ang atensyon sa paghihiwa ng mga ingredients sa lulutuin nito. Tumabi ako sa kanya at malayang nagmasid sa kanyang ginagawa. Katahimikan ang namayani sa amin.
Sa galing ni Manang magchop-chop, natulala ako sa mga hinihiwa niya kaya wala sa sariling nasambit ko ang mga salita na tanong ko kanina.
"Manang hindi ko po ba anak si Airisha?"
Napatigil ito sa paghihiwa at kunot-noong tumitig sa aking mukha. Napatitig din ako sa kanyang mata. Noong una'y kalituhan ang nakikita ko sa buong mukha niya, kalaunay tumango rin at ipinagpatuloy ang paghihiwa.
"Kung gano'n anak siya ni Sungit sa ibang babae?" Dagdag ko pa.
Muli itong napatigil sa paghihiwa pero muling nagpatuloy din.
"Hindi rin siya anak ni Airol sa iba. Sa limang taon ninyong mag-asawa. Wala pa kayong anak."
Huh? Naguguluhan kong ani.
"E, kanino pong anak si Airisha? Bakit mommy and daddy ang tawag niya sa amin?"
This time, ibinaba na ni Manang ang kutsilyo na hawak niya. Humarap siya sa akin pero hindi ko na mabasa kung ano ang nasa kanyang mukha.
"Hindi ko rin alam, hija. Ikaw dapat ang nakakaalam niyan. Hindi ba't ikaw ang nag-uwi kay Airisha dito? Close kayo noon. Mahal na mahal mo ang batang iyon. Pero ewan ko kung ano ang nangyare sa'yo at isang araw bigla mo na lamang pinagmalupitan ang bata."
Gulantang ako sa kanyang ibinunyag. Akmang magsasalita ako at balak na sabihin na hindi talaga ako ang asawa ni sungit nang may tumikhim, dahilan kung bakit kami natigilan ni Manang at sabay na lumingon sa taong iyon.