Chapter 3
Bumuntong-hininga ako na parang baliw habang palinga-linga sa paligid. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong lumabas sa mansyon na ito. Kung tutuusin pwede naman akong umalis na lang dito ng basta basta dahil hindi ko naman sila kilala. Pero ewan ko ba. Pakiramdan ko kapag may nakahuli sa'kin, tuluyan na akong makukulong dito. Kaya heto, maingat akong nagtatago para walang makakita sa'kin.
"Nakita niyo ba?"
Natigilan ako at kunot-noong sumilip sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nandito ako nagtatago sa isang malaking banga- kasing pantay ng tao. Kanina kasi may dumaan na isang katulong. Sa taranta ko napatago ako dito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago. Wala naman akong kasalanan. Wala akong ginawang kasalanan. In the first place, hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito.
"Hindi. Doon hanapin natin. Lagot tayo kay Señorito kapag hindi natin siya nakita."
"Sige! Hindi rin naman siya makakalabas. Puno na ng bantay ang buong paligid maski sa malaking gate."
Marahas akong lumunok nang sa ibang direksyon pumunta ang dalawang lalaki na iyon. Para silang mga bouncer sa isang bar sa laki ng mga katawan nila.
Teka... sino ba ang hinahanap nila? Ako ba? Wala akong kasalanan, ah! Hindi ako criminal para hanapin nila! Kung ako man ang hanap nila!
Natigilan ako. Hindi kaya dahil sa akala no'ng lalaki kanina sinasaktan ko ang anak niya? Pero hindi ko siya sinaktan! Nagkakamali siya! O baka naman sisingilin niya ako sa pananatili ko rito sa kanila? Magbabayad naman ako pero hindi pa sa ngayon! Pulubi pa ako!
Kinakabahan man, nagtuloy ako sa paghanap ng main door. Nakakainis! Bakit ba kasi ang hirap mahanap ang labasan!
Napalunok ako habang palinga-linga. Pakiramdam ko paikot-ikot lamang ako sa palapag na ito. Ang daming ring pasikot-sikot at ang daming pintuan. Nakakatakot baka kasi sa pagbukas ko ng isa sa mga pintuan, bumungad sa'kin ang mga bouncer kanina.
Kumuyom ang aking kamao at lakas loob na binuksan ang isang dead end na pintuan. Para tuloy nasa mazed.
Marahas akong lumunok nang tumunog ng nakakatakot ang pagbukas ng pintuan. Sa una'y maliwanag ang aking naaanigan. Masyadong masilaw. Nang makaadjust ang aking mata sa liwanag, para akong natuklaw ng ahas sa kinatatayuan. Namutla ako. Awang ang labi kong natuod.
Malakas na kumabog ang aking dibdib. Hindi ko mahanap ang hininga. Nauubusan ako.
Lalo pa't ang sumalubong sa akin ang matalim na paningin ng lalaki kanina. Hindi ko matanggal ang paningin ko sa kanya. Apat sila- tatlong bouncer ang nasa kanyang harapan pero tila sa kanya lamang natuon ang buong diwa ko.
Nag-umpisa manginig ang katawan ko. Madilim ang itsura nito. Napalunok ako't napa-antras ng magsimula siyang humakbang patungo sa'kin.
Napahinto siya nang makitang umantras ako. Bumaba ang paningin niya sa paang ginamit ko sa pag-antras pero saglit lang iyon dahil muli niyang ibinalik ang paningin sa aking mukha. Kitang-kita ko kung paano umigting ang perpekto niyang panga.
Humakbang siya ulit kaya napa-antras ako. Napahinto siya kaya napahinto rin ako sa pag-antras. My heart pounded even more nang lalong magdilim ang kanyang mukha.
"Don't you dare, Liara!" He thundered emphatically.
Suminghap ako sa gulat sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang aking pangalan. Hindi ko siya kilala pero bakit kilala niya ako? Iyon ang tanong na nasa isipan ko.
Humakbang ulit siya papalapit sa akin. Parang may sariling buhay ang katawan ko at tumakbo ako ng mabilis. Sinisigaw niya ang pangalan at pinapahinto ako sa pagtakbo pero hindi ko siya pinakinggan. Mabilis na mabilis ang paghinga ko kasing bilis ng aking pagtakbo. Takot na baka may gawin siyang hindi maganda sa akin.
"Liara!"
Umakyat ako ng hakbang. Muntikan pa akong madapa sa pagtakbo. Dinig ko ang pagmura niya. Hindi lang siya ang humahabol sa akin maging ang tatlong bouncer na kasama niya.
Mas binilisan ko ang pagtakbo. Lumingon ako sa likuran pero wala ng humahabol sa akin. Hindi ko na rin marinig ang sigaw niya. Bumagal ang aking takbo. Akmang titingin ako sa harapan pero gayon na lamang ang singhap ko't gulat nang mabangga ako sa kung saan. Akala ko babagsak ako pero may matipunong braso ang pumulupot sa aking bewang at hinigit ako papunta sa kanyang katawan. Ang mga kamay ko'y lumapat sa malapad na dibdib ng lalaki.
Malakas ang kabog ng aking dibdib. Hinihiningal sa ginawa kong pagtakbo. Mula sa dibdib ng lalaki, tumaas ang aking paningin sa kanyang mukha. Awang ang labi kong napatitig sa mukha niyang walang emosyon na nakatunghay sa akin. Nakatingala ako habang siya'y niyuko ang ulo para magtagpo ang aming mukha. Tagaktak ang pawis nito sa noo na lalong nakapagpalakas ng charisma nito. Katulad ko, hinihingal din ito sa pagtakbo. Ang mabangong hininga nito ay tumatama sa aking mukha.
Matagal na naghinang ang aming paningin hanggang sa basagin niya ito na siyang muling nakapagpasinghap sa akin ng malakas.
"I got you, wife..."