Chapter 2
"Daddy!"
Nagulantang ang katawang tao ko sa biglaang pagsigaw ni little brat. Nagkukumahog itong lumapit sa lalaking nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin.
Pinagpapawisan aking katawan. Wala naman akong kasalanan pero kung pumintig ang aking puso sa kaba, daig ko pa ang nakokonsensyang criminal.
"Daddy ko! Daddy ko!"
Sumubsob ang bata sa tiyan ng lalaki. Mabilis niyang binuhat ito. Isinuksok ang mukha sa leeg ng kaniyang daddy. Naririnig ko pa ang malakas nitong hikbi.
Mas lalong dumilim ang mukha ng lalaki. Muli akong napasinghap nang magsalita ito ng mariin.
"We. Will. Talk. Woman!"
Naiwang nakanganga ang aking bibig nang ismiran niya ako. Sa tana ng buhay ko ngayon lamang ako nakaencounter ng isang masungit na lalaking katulad niya! Lahat ng mga lalaking kilala ko'y mababait! Sa katunayan sila pa ngang mga lalaki ang nagpapacute, ngumingiti, at mas gustong makipagkaibigan sa'kin!
Napasunod ang tingin ko sa kanila hanggang sa tuluyan silang makaalis.
Nalukot ang aking mukha.
Teka nga! Wala akong kasalanan! Ba't parang kasalanan ko?! Naging concern citizen lang naman ako pero bakit parang ako pa ang may kasalanan?! Iba na talaga ang mundo ngayon! Kung sino pa ang tumulong siya pa ang masama!
Pambihira! Mukhang ako pa ang masasabon ng lalaking 'yon, ah?!
Halos mapatalon ako sa gulat nang sipain ng katulong ang upuan na nasa malapit sa kanya. Napatahimip ako sa dibdib. Nanlalaki ang mga mata kong ibinaling sa kanya ang paningin.
"Pakialamera!"
Nalaglag ang aking panga sa inisal ng katulong. Matalim itong nakatitig sa akin. Umasik at nagdadabog na umalis sa dining.
Bumuka ang labi ko para sana sigawan at tawagin siya. Nakaturo pa ako sa kanya ngunit wala namang lumabas sa aking bibig na salita. Para akong pipi na hindi matuloy-tuloy ang aking sasabihin.
Sa bandang huli, inis na ginulo ko ang aking buhok. Hinahigh blood ako!
Haist! Jusme! Nasa anong bahagi ba ako ng mundo at napakasungit ng mga tao dito?! Akala mo naman kanila ang mundo kung magsungit. Hindi na ako magtataka kung kaparehas ng ugali ng Amo ang kanilang mga katulong.
Like Amo, like katulong lang ang peg!
Pinalobo ko ang aking magkabilaang pisngi. Pinabukol ko pa ang aking dila sa isang pisngi at inis na bumuga ng hangin palabas ng ilong.
Nakakasura lang! Napaka-hmmm! Ang sarap nilang ihulog sa ilog! Nabibeast mode ako sa kanila!
Napanguso ako nang makita ang basag na pinggan sa sahig. Nunkang ililigpit ko ito. Bahala silang magligpit! Basta ako aalis na sa masungit na lugar na ito!