Chapter 6: Confession

Hindi makapaniwala si Kathalina sa mga nalaman niya kagabi between Seb and her. Kaya mabilis siyang umalis sa bahay ni Seb at kusang nagmaneho pauwi sa kanilang bahay. Akala niya mapagkakatiwalaan ang binata kaya naging magaan ang loob niya rito, but she was expecting too much kaya heto siya ngayon nasasaktan. She knew that she shouldn't felt this way pero hindi niya mapigilan ang sarili na masaktan. She trusted a wrong person! Kaya siya nasasaktan.

'What's new Kathalina? Ganyan ka naman, ang dali mong magtiwala kaya madali ka rin'g nasasaktan.' Bulong nang maliit na tinig sa kanyang utak. 'Yeah! This isn't new to me, but still im fucking hurt. I again trusted a man who took advantage my vulnerability! And not just vulnerability he took away from me. Kundi ang purity ko. Alam ko naman sa sarili ko na may pagkakamali ako dahil kusa ko itong binigay but i was too drunk that night kaya nangyari ang mga 'yon. Pero kung hindi siya nag-take advantage sa'kin sana buo pa ako ngayon, sana wala akong pagsisisihan ngayon!' Usap nito sa sarili.

Namulat si Kath nang biglang tumunog ang kanyang phone. Inabot niya ang kanyang phone sa ibabaw ng side table niya saka tinignan kung sino ang tumatawag. Agad niyang sinagot ng si Samara ang nakarehistro na caller.

"Hey sissy,"

Anito.

"Abala ka ba? Kath,"

Tanong ng kaibigan nito sa kabilang linya.

"No --not at all, bakit?"

Tanong nito sabay bangon at upo.

"May pag-uusapan sana tayo, kung okay lang."

"Sure sissy, I'll just take a shower and I'll be there in a minute."

Turan nito. Sabay nilang binaba ang tawag saka nagmadali itong bumangon at naligo. She need to refresh her mind at malaki ang magagawa nang mga bestfriends niya.

Pinuntahan ni Kathalina ang address na tinext sa kanya ni Samara and she was confused dahil sa isang magandang modernong bahay siya napunta. Ilang sandali lang at nakita niya si Samara na papalabas ng gate kaya lumabas rin ito nang kotse at sinalubong agad ng yakap si Samantha.

"Hey, kaninong address ba itong pinuntahan ko? At bakit narito ka?"

Puno nang pagtatakang tanong ni Kath sa kanyang kaibigan. Samara took a deep breath before answering her friend.

"Bahay 'to nang asawa ko Kathy,"

She half smiled, napanganga naman si Kath at hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.

"W-H-A-T!? Are you joking right!?"

Hindi makapaniwalang turan ni Kath.

"Im not joking Kathy, may asawa na ako. And it's Damiano Valir. My boss!"

Sambit ni Samara. Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kathalina at halos malaglag ang panga.

"Diba siya yung --"

"Yeah! yeah! Pasok na muna tayo at ikukwento ko sa'yo,"

Ani Samara kay kath sabay kalabit sa braso nito saka giniya ito papasok ng kanyang bagong tirahan.

Kathalina spent her day on Samara's new home kaya pag-uwi niya ay napagod ito, but she really enjoy her bestfriend's company. Naabutan naman niya ang kanyang kuya na abala sa kanyang laptop kaya lalagpasan nalang sana niya ito nang masulyapan at mapansin siya nito.

"Hi little sis,"

Nakangising bati ni Alistaire sa kanya. Kath rolled her eyes saka ito hinarap.

"Im tired kuya,"

Anito, ramdam na niya ang pagod dahil sa kulang sa tulog at hang-over mula sa paglalasing niya kagabi.

"Saan ka naman napagod? Sa kakainom mo mag-isa." Biglang sumeryoso ang mukha nang kuya niya at pinakatitigan siya.

"Tss! It's my own way of enjoying kuya. Can you mind your own business!"

She crosses her arms above her chest and raises her one brow.

"I know Kathalina. Pero sino yung lalaki na naghanap sayo kanina?"

May bahid ng pang-aasar na wika ni Alistaire sa kanyang kapatid ngunit hindi nito inaalis ang seriousness sa kanyang pigura. Napaisip naman si Kathalina kung sino ang lalaking tinutukoy ng panganay nito na naghahanap sa kanya until Seb pop-up on her mind.

"So sino?" Alistaire asked again, napaikot muli ang kanyang mga mata at nginisihan ang kapatid.

"Fan ko siguro,"

Pagsisinungaling nito. Ayaw niyang magkaroon ng idea ang kanyang kuya pagdating sa kanyang personal na buhay kaya sinarili nalang nito ang mga nangyari sa kanya.

"Fan huh!"

Tanging nasambit ni Alistaire sabay balik ng atensyon nito sa kanyang laptop. Mabilis namang tinalikuran ng dalaga ang kanyang kapatid saka pumanhik sa kanyang silid. Pahampas siyang nahiga sa kama at napapikit, Gusto na lamang nito ang magpahinga at matulog.

Nag-umpisa na naman si Kathalina sa kanyang trabaho bilang Field Manager at dahil siya ang nagsu-supervise o nag-ooversee sa kanilang mga employee naging abala ito at medyo nakalimutan nang bahagya ang tungkol kay Seb.

"Ma'am Kath, may naghahanap po sa'yo."

Napatingin ang dalaga sa kanilang empleyado and frowned. Abala ito sa pagtse-check nang kanilang consumer status kaya hindi nito gusto ang naiistorbo.

"Sino daw?"

Tanong nito sa kanilang empleyado.

"Saviour Montanez raw po,"

Sagot ng babaeng empleyado nito. Natigagal si Kath at napabuntong hininga.

"Let him in,"

Anito. Agad naman nagpaalam ang babae at lumabas. Ilang minuto lang at pumasok na ang hindi nito inaasahang bisita. She looked straight on Saviour's eyes saka napahalukipkip.

"What do you want?"

Pagtataray nitong tanong. Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Seb hangang sa marating nito ang kanyang mesa at pinakatitigan ang dalaga.

"Im so sorry Kath, im really sorry for taking advantage on you that night. Hindi ko kasi alam kung ano at paano ko pipigilan ang sarili ko. Hindi ko ginusto na --"

"So ngayon sasabihin mo sa akin na hindi mo ginusto ang nangyari sa'tin? After you took away my virginity! Yan ang ipapamukha mo sa'kin na hindi mo ginusto ang nangyari?" Napatayong halos mapasigaw na sambit ni Kath sa harapan ni Seb.

She felt disgusted and pity for herself dahil sa sinabi nang binata kaya halos mapasigaw na siya rito. Napayuko na lamang si Seb at napahilamos ang mukha sa sariling palad nito then looked at her sympathetically.

"I didn't say i don't like what has happen to us Kath, ang gusto ko lang sabihin hindi ko ginusto na -- makuha ka in that way! -- kahit ako hindi ko gusto yung nangyari -- but it doesn't mean i don't like it. Swear Kath i love it! and i couldn't help myself thinking about it everyday and night."

Pag-amin ni Seb sa dalaga na punong-puno ng pagsusumamo at pagmamahal. Alam ni Seb sa sarili na may pagtingin na siya sa dalaga but he don't know how to express his feelings for Kath. Ang kaninang galit na pigura nang dalaga ay biglang napalitan ng kalambutan at pagkaawa para sa lalaking nasa harap nito.

"Kung bibigyan lang ako nang pagkakataon na maibalik ang gabing 'yon. I will control myself for taking your purity Kath, malaki ang respeto ko sa mga kababaihan kaya -- halos binabangungot ako sa mga nagawa ko sa'yo nang gabing 'yon. -- tapos bigla mo pa akong iniwan nun nang walang paalam. Kaya mas lalong nagpadagdag sa aking konsensya dahil hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan mo at sino ka."

Paliwanag muli ng binata kay Kath. Hindi naman makaimik ang dalaga dahil totoo din naman si Seb. Dahil pagkagising niya, at nakita ang sarili na may kasamang lalaki na pareho silang hubo't-hubad ay agad niyang nilisan ang hotel at ang tanging pagkakakilanlan niya sa lalaki ay ang tattoo nito na nasa leeg.

"Paano mo naman nakilala na ako yung babaeng nakasama mo nang gabing 'yon?"

Kath asked curiously. He gently smiled and stared at her passionately.

"You have your own signature smile Kath, at yun ang hinding-hindi ko malilimutan kahit kailan. Your smile and personality captivated my attention and especially my heart Kath. Kahit hindi kita kilala nung gabing 'yon ay napahanga mo na ako."

Gustong maluha ni Kathalina sa kanyang kinatatayuan at sugurin ng mahigpit na yakap si Seb. Sa unang pagkakataon may lalaking naka-appreciate sa kanyang pagkatao. Not as Kathalina Ramirez. Kundi bilang Kathalina on her own way.

"Im so sorry for hurting you and causing you pain Kath, sana mapatawad mo ako. Kung kailangan pakasalan kita para mapatunayan lang sa'yo na nagsisisi ako sa nagawa ko sa'yo. I can do that for you. Ayoko lang isipin mo na tulad ako nang ibang lalaki na pagkatapos kang maangkin ay iiwan. Dahil hinding-hindi ko yan gagawin. Mali ako dahil kinuha ko ang isang regalo na dapat sa lalaking mamahalin mo at mamahalin ka.--pero sana bigyan mo ako nang pagkakataon na patunayan sa'yo na kaya kong mahalin ka nang higit pa sa gusto mo. Please -- just don't reject me and leave me behind Kath. I'll do anything for you, alam ko maaga pa para sabihin na mahal kita, na may paghanga ako sa'yo, but that's what i feel for you Kath."

Pag-amin ni Seb sa dalaga. Sandaling nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Until Kathalina cut the silence and pulled Saviour's shirt then gave him a soft kissed bago ito muling pinakawalan.

"Talaga ha? Gagawin mo ang lahat para sa akin?" Panunudyong wika ni Kath sa binata. Seb caressed her cheeks then gently kissed her hand.

"Kung yun ang paraan para mapatunayan ko lang sayo na sincere ako sa nararamdaman ko sayo. Then I'll definitely do anything for you."

He gently smiled, niyapos naman siya nang yakap ni Kath and sobbed. Gumanti din ito nang yakap sa dalaga sabay halik sa buhok at bunbunan nito.

----------

Salamat sa nagtitiyagang mag basa ng stories ko. Much appreciated po.