Chapter 6

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mag away kami ay hindi na ako bumalik sa bahay namin. Hindi na rin ako nakakatanggap ng text at tawag mula sa kaniya. Hindi na rin siya bumibisita dito sa amin ni mommy para ipagluto kami.

I miss him....

" Anak, hindi niyo ba talaga aayusin 'yang away niyo?" tanong ni mommy habang nag luluto.

" Siya ang may kasalanan." pagmamatigas ko.

" Ano ba kaseng nangyari? Iyak ka lang ng iyak wala ka namang sinasabi." umupo siya sa tapat ko bago ako titigan.

" E kase, may babae sa bahay namin." inis na saad ko, makakalbo talaga 'yung babaeng 'yon sa'kin!

" Tinanong mo ba kung sino 'yon?"

" Hindi." nakangusong sabi ko kaya natawa si mommy.

" Let him explain, anak. Inuuna mo kase selos mo." natatawang aniya.

" Mom! Hindi ako nagseselos, at isa pa nag cheat siya!"

" Kilala namin ng Dad mo si Shaun, hindi niya magagawa 'yon." napaisip naman ako sa sinabi niya.

" Ayoko pa din." pagmamatigas ko.

" Gusto mo lang magpasuyo e. Stop being childish, Zariyah." nagpapapadyak akong umalis sa kusina.

Pumunta ako sa kwarto ko at tinawagan ang assistant chef ni Shaun. I forgot to mention that Shaun is a chef.

" Hello? Nandyan ba si Shaun?"

" Yes po Ma'am, pero isang linggo na po 'yang parang sinasapian, ang sungit!" natawa naman ako dahil sa pagrereklamo niya.

" Okay, 'wag mo sabihing tumawag ako."

" Kapidat, Ma'am!"

Pinatay ko na ang tawag bago pumunta sa closet ko. Natitiis niya ako? Pwes ako hindi!

Pinili ko ang black fitted dress at black sandals with heels. Naligo na ako at nagbihis bago magpaalam kay mommy na may bubugbugin lang ako. Tawa naman siya ng tawa.

First time kong pupunta sa shop niya kaya kinakabahan ako. Hays, hindi ko lang matanggap na ako ang makikipag bati. Pagbaba ko palang ng kotse ay naagaw ko na ang atensyon ng mga tao. Ganda ko talaga!

Taas noo akong naglalakad pero hindi ko nakita na may isang hagdan pala papasok sa shop kaya muntik na akong madapa, the fudge! Nilibot ko ang paningin ko at may mga nakakita. Wahhhh!

Dali-dali akong pumasok sa shop at nakita ko agad si Adrien, ang assistant ni Shaun.

" Adrien!" pag tawag ko, nakita niya naman agad ako.

" Naku ma'am! Ano pong ginagawa niyo dito?"

" Nasaan si Shaun?"

" Nandoon po sa office niya. Samahan ko po kayo."

Nauna na siyang naglakad at sumunod lang ako.

" Thank you." nakangiti siyang tumango bago ako iwan sa tapat ng pintuan ng office ni Shaun. Kalma, self.

Kumatok muna ako at nagulat ako ng sumigaw siya.

" Pasok!" dahan dahan kong pinihit ang door knob at nakita ko siyang nakasubsob sa desk niya. Nakapasok na ako sa loob pero hindi pa rin siya nag aangat ng tingin.

" Anong kailangan mo, Adrien?" walang ganang tanong niya.

" Shaun." doon na siya nag angat ng tingin at parehas kaming nagulat. Gulat siya dahil hindi niya siguro inaasahan na pupunta ako dito at gulat ako dahil ang laki ng eye bags niya!

" Zari? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na hanggang ngayon ay gulat pa rin.

" Mukha kang panda." natatawang ani ko. Naging seryoso ang mukha niya kaya tumigil na ako sa pag tawa.

" Busy ako." malamig na saad niya. Tumayo siya sa upuan niya at lalabas na sana ng magsalita ako.

" S-sorry." nakayukong sabi ko, naramdaman ko ang pag tigil niya.

" Damn it!" mahinang bulong niya pero rinig ko pa rin.

" Hindi ko sinasadya 'yung nasabi ko."

sabi ko bago mag angat ng tingin sa kaniya.

Nagulat ako ng mabilis siyang naglakad papunta sa'kin at yinakap ako ng mahigpit.

" Damn you, wife. I miss you so much." bulong niya sa tenga ko. Naramdaman kong gumagalaw ang balikat niya. Umiiyak ba siya?

" Hoy, umiiyak ka ba?" nag aalalang tanong ko. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya. Umiiyak nga!

" Alam mo bang hindi ako makatulog ng maayos dahil sa nangyare? Nawala na kagwapuhan ko." parang batang sabi niya.

" Sorry na, sino ba kase 'yung babaeng 'yon?" inis na sabi ko bago maupo sa couch. Kapag naaalala ko 'yung mukha niya ay kumukulo ang dugo ko!

" Nagseselos ka ba?" he asked and chuckled.

" Hindi!" pag tanggi ko agad.

" She's my half sister." aniya kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

" Half sister?! Wala namang sinasabi sila mama Sarah." malungkot siyang ngumiti bago tumabi sa'kin.

" Hindi nila sinabi pero nalaman ko lang, nasa bahay pa rin natin siya dahil wala siyang matutuluyan. Hindi ko naman matanong ng deretso sila mommy dahil baka hindi lang nila ako sagutin." hinawakan ko ang kamay niya.

" Sasamahan kita. Pero ngayon, umuwi muna tayo sa bahay Aba! Kailangan mo akong ipakilala noh!" natawa naman siya sa sinabi ko bago tumango.

Para akong baliw. Kanina lang ang init ng dugo ko sa babae pero ngayon gusto kong makilala.

Paguwi sa bahay ay kinakabahan ako dahil makakaharap ko siya na pinagbintangan ko pa sa isip ko na kabit.

" Wife, we're here. Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya. Tumango lang ako kahit para na akong maiihi dito. Lumabas na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

" Ate!" pag tawag ni Shaun. Ate?! Ibig sabihin mas matanda sa'min. Lagot!

" Sa kusina!" hinila ako papunta ni Shaun doon. Nakita namin 'yung ate niya na nag luluto. Masarap din kaya siya mag luto? Nakatalikod pa ito sa'min kaya hindi niya pa ako nakikita.

" O ano? Ayos kana ba? Bakit kase ayaw mo pa makipagbati sa asawa mo, mugto na 'yang mata mo kakaiyak." natatawang saad ng ate niya na walang kaalam-alam na nandito ako.

" Actually ate, nandito siya." sabi ni Shaun na parang nahihiya. Napalingon naman 'yung ate niya sa'min at nabitawan ang sandok na hawak.

" Piste kang bata ka! Bakit hindi mo sinabing pupunta kayo? E para sa'kin lang ang niluto ko." panenermon nito kay Shaun.

" Okay lang po, ate. Nakakain na po ako." pagsisinungaling ko.

" Sinungaling, hindi ka pa nakain e. Gusto mo ako nalang?" bulong niya sa tenga ko kaya pakiramdam ko kamatis na ngayon ang mukha ko.

" Shaun!!!!" inis na sigaw ko at pinaghahampas siya, tawa lang naman siya ng tawa. Baliw talaga!