Chapter 6
I opened my email when I noticed that there's a message. Pagkabukas ko ay bumungad ang mukha ni Daddy. Tiningnan ko kung kailan 'to sinend ay eto 'yung araw na nasa resort kami. Nangingig ang kamay na plinay ko ang video. His smile.... nakita ko ulit!
" Hi, sweetheart. Kapag napanood mo'to alam kong kinuha niya na ako. By the way, alagaan mo ang asawa mo ah, 'wag mong aawayin kase alam kong mataray ka. Siya ang napili ko para sa'yo dahil alam kong mapagkakatiwalaan siyang lalaki. Noong nalaman niya na ipapakasal kita sa kaniya ay sobrang saya niya, alam mo ba 'yon?" Huminto sa pagsasalita si Daddy at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata niya.
" Simula bata palang kayo ay mahal na mahal kana ng batang iyon. Ang mommy mo, 'wag mo siyang papabayaan ha? Maaasahan ba kita, my little angel?" Kahit hindi niya naman ako nakikita ay sunod-sunod akong tumango.
" Ang company, sa'yo na iyon. Palaguin mo dahil alam kong kaya mo 'yon, anak kaya kita. Tandaan mo lagi na mahal na mahal ko kayo ng mommy mo." pansin ko ang pagbagal niya sa pagsasalita at parang nahihirapan siyang huminga. Doon na natapos ang video, iyak na naman ako ng iyak.
Dalawang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin ako nakakauwi sa bahay namin ni Shaun dahil hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ni mommy.
Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil nandoon si Shaun.
" Shaun? Anong ginagawa mo dito?"
" Alam ko namang hindi ka marunong mag luto kaya nag dala na ako." napangiti ako ng makita ang hawak niyangmga tupper ware.
" Bumaba kana doon, tatawagin ko lang si mommy para sabay-sabay tayong kumain." tumango lang siya bago bumaba sa hagdan.
Nagtungo ako sa kwarto ni mommy at kumatok.
" Mommy!" pagtawag ko pero walang nasagot sa loob. " Mom! Bubuksan ko na 'to ah!" sigaw ko bago dahan dahang pihitin ang door knob. Natuptop ko ang aking bibig sa nakita. No.....
Kahit nanghihina ang tuhod ko ay tumakbo ako papunta sa kanya na walang malay. Katabi niya ay ang bote ng isang pills na walang laman.
" M-mom, you can't do this to me. Mom!" mukhang narinig ni Shaun ang sigaw ko dahil agad siyang tumakbo papunta dito.
" Zari? What happened?"
" Tumawag ka ng ambulance, please."
Dali-dali siyang lumabas sa kwarto dahil wala ata sa kaniya ang cellphone niya.
" Wag mo akong iiwan, please." nakakaramdam na din ako ng pagod pero hindi ko pwedeng pabayaan si mommy.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang ambulance. Pagkarating sa Hospital ay dinala agad siya sa emergency room.
Lumabas na sa room ang doctor kaya agad akong lumapit dito.
" Doc, kamusta po si mommy?"
" Mabuti at nadala niyo agad siya dito, she's stable now. Hintayin nalang natin siyang magising." nakahinga ako ng maluwag sa narinig.
" Thank you po, Doc." tumango lang siya bago umalis sa harapan ko.
Nailipat na siya sa maayos na kwarto kaya pumunta agad ako doon, nakasunod lang si Shaun.
Nilapitan ko agad siya at umupo sa tabi niya.
" M-mom, bakit mo naman ginawa 'yon?" I asked kahit alam kong hindi naman siyasasagot.
" 'Wag mo nang uulitin, please...." pag mamakaawa ko. Nakayuko na ako at patuloy sa pag iyak ng marinig ko ang boses niya.
" A-anak..."
" Y-you're awake! Shaun, call the doctor!" agad namang umalis si Shaun.
" P-patawad." umiiyak na saad niya.
" Shh, it's okay. I'm here, mom." niyakap ko lang siya hanggang sa dumating na ang doctor.
" She's fine now, mamaya lang ay pwede na din siyang makauwi." naka ngiti akong tumango sa doctor.
" Zari, aalis muna ako kase kailangan ako sa Shop, tawagan mo'ko kapag pauwi na kayo."
" Okay lang Shaun, kaya ko naman mag drive."
" No, ako ang maghahatid sa inyo." ayaw niya talagang magpatalo kaya tumango nalang ako.
Pag alis niya ay tinawag ako ni mommy.
" Anak, sorry kung naging sakit ako sa ulo sa'yo. Pwede ka ng umuwi sa bahay niyo ni Shaun." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
" Mom, babantayan muna kita. Alam ko namang maiintindihan ni Shaun 'yon."
Hapon na at pauwi na kami pero wala pa rin si Shaun, nag text na din ako sa kaniya pero walang reply. Ilang beses na din akong tumawag pero nakapatay ang cellphone niya.
" Mom, busy po si Shaun kaya hindi niya tayo mahahatid." palusot ko.
Pagkauwi sa bahay ay pinagpahinga ko muna si mommy. Tinawagan ko ang assistant ni Shaun at isang ring palang ay sinagot niya na ito.
" Uhm, hello. Nandyan ba si Shaun?"
" Naku! Kanina kopa nga po tinatawagan hindi naman po nasagot." the hell? Saan naman nag punta 'yon.
" Okay, salamat." pinatay ko na ang tawag pero hindi akomapakali. Nagsinungaling siya....
Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng kotse bago pumunta sa kwarto ni mommy.
" Mom, pupunta muna ako sa bahay ah. Tingnan ko lang kung nandon si Shaun, wala po kase siya sa shop."
" Sige anak, mag iingat ka." tumango lang ako bago lumabas ng bahay.
Pagkarating sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag dahil nandito ang kotse niya.
Pagpasok ko sa bahay ay may naamoy agad akong parang niluluto. Ang bango! Dumeretso ako sa kusina at nandon nga siya. Pero hindi ko inaasahan ang sunod kong nakita, may babaeng bumaba galing sa kwarto ko?! The fudge! At parang familiar pa siya, 'yung nakakuha ng bulaklak sa kasal ko!
" What is the meaning of this Shaun?" walang emosyong tanong ko. Gulat naman siyang napalingon sa akin.
" Zari? Anong ginagawa mo dito?" hindi ako sumagot at naglakad ng mabilis palabas ng bahay. Naramdaman kong humabol siya at hinarangan ang daraanan ko.
" Alis." sinubukan niya akong hawakan pero lumayo ako.
" Ang sabi ko alis!" galit na sigaw ko.
" Wife, let me explain." kita ko ang takot sa mga mata niya.
" Huwag kang lalapit! Mabuti nalang at hindi kita minahal dahil isa ka palang manloloko!" hindi ko alam ang lumabas sa bibig ko pero nakita ko ang pag daan ng sakit sa mata niya. Hindi ko sinasadya....
" I never cheated on you, Zari." malamig na sabi niya bago bumalik sa loob ng bahay.