Chapter 11
Nakatulala lang ako sa waiting area at hindi namalayan ang pagdating ng parents ni Shaun. Parehas pa silang naka pajama na halatang nagmamadaling makapunta dito.
“ H-hija, where's my son?” nanginginig na tanong ni mama. Agad naman siyang nilapitan ng asawa para pakalmahin.
“ N-nasa operating room daw po siya. Ilang oras napo pero hindi pa nalabas 'yung doctor, natatakot po ako. Sorry, kasalanan ko po.” agad akong niyakap ni mama bago bumulong.
“ Hindi mo kasalanan ang nangyare, okay? Walang may kasalanan...”
Kung sana hindi niya nalang ako sinundo edi sana hindi siya naaksidente. Kasalanan ko talaga. Hangga't hindi ko nalalaman ang lagay niya ay hindi gagaan ang pakiramdam ko.
Kanina pa gustong pumikit ng mga mata ko dahil sa pagod ngunit hindi ko iyon magawa. Kailangan kong makita si Shaun.
Sabay-sabay kaming napalingon sa doctor na kakalabas lang sa operating room.
“D-doc, how's my son?” tanong ni mama ng makalapit siya sa doctor. Hindi ko magawang makalapit sa kanila dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko anumang oras ay matutumba na ako.
“ The operation was successful. We're sorry dahil hindi na namin nahintay ang consent niyo. Kinailangan siyang operahan agad dahil may internal bleeding sa kaniyang ulo. Pero ngayon ay wala na kayong dapat ipag alala dahil ligtas na siya. Kailangan nalang nating hinatayin na magising siya. Excuse us.” nagpasalamat ang mag asawa sa doctor bago ito umalis.
Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko ng marinig ang sinabi ng doctor. My Shaun is safe.....
Unti unting nanlabo ang mga mata ko bago ko maramdaman ang pagbagsak ko sa sahig.
" Hija!" rinig kong sigaw ni mama bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot ito.
“ Hija?” napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang mommy ni Shaun.
" Ma? Ano pong ginagawa niyo dito? At bakit nasa hospital ako?” nagtatakang tanong ko. Napakunot naman ang noo niya.
“ Wala kang matandaan?” takang tanong niya. Doon lang nanumbalik sa akin ang dahilan kung bakit kami nasa hospital.
“ Si Shaun po, gising napo ba siya?”
Please say yes...
Umiling siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
“ Nailipat na siya sa private room pero hindi parin siya nagkakamalay.”
malungkot na saad niya.
“ Pwede kona po ba siyang makita?” umaasang tanong ko. Tumango naman siya.
“ Ofcourse, sasamahan na kita.” inalalayan niya ako sa pagtayo bago lumabas sa kwarto ko. Pumasok kami sa katapat na kwarto.
Nakita ko agad si Shaun kaya agad ko siyang nilapitan. Umupo ako sa tabi niya bago hawakan ng marahan ang kamay niya.
“ S-shaun, gising na...” mahinang bulong ko at hindi na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nakita kong lumabas si mama sa kwarto.
“ D-diba may sasalihan ka pang contest? Gumising kana oh...” I plead.
Dinala ko ang kamay niya sa labi ko bago marahang halikan iyon. Wala pa rin tigil sa pagbagsak ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.
“ I love you....” I finally said it.
Isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Shaun. Halos buong araw ko siyang binabantayan, laking pasalamat ko sa secretary ko dahil kahit papaano ay natutulungan niya ako sa company.
I'm so drained but I need to be strong.
" Good morning, Shaun!" masiglang pagbati ko. Napangiti nalang ako ng mapait dahil alam ko namang hindi siya sasagot.
Lumapit ako sa kaniya bago hawakan ang kamay niya.
“ Kailan kaba gigising, hmm?” malambing na tanong ko.
My phone rang. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Napabuntong hininga nalang ako bago sagutin ang tawag ng Secretary ko.
“ Hello, ma'am!” ramdam ko ang kaba sa boses niya kaya napakunot ang noo ko.
“ Anong problema?” i asked.
“ N-nawawalan po tayo ng limang milyon!” she exclaimed. Lalong kumunot ang noo ko bago tumayo sa upuan.
“ Paano nangyare 'yan?” mariing tanong ko.
“ H-hindi kopo alam...” i sighed.
Pinatay ko ang tawag bago lumapit ulit kay Shaun.
“ I'll be back.” i said before lean to kiss his forehead.
Lumabas ako ng kwarto niya at sakto namang nakasalubong ko sila Mama.
“ Oh hija, aalis ka?” she asked.
“ Opo, kailangan lang sa company. Babalik din po ako agad.” tumango lang siya kaya nagpatuloy na ako.
Pagdating ko sa company ay nagpatawag agad ako ng emergency meeting.
Pumasok ako sa opisina ko at halos manlamig ako sa nakikita ko.
" K-kuya?" mahinang tanong ko.
Ngumiti naman siya ng matamis bago lumapit sa akin.
" Ako nga."
" B-buhay ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. He heavely sighed.
" Long story, lil'sis. And walang nawawalang pera sa company. Inutos ko lang sa secretary mo 'yon para pumunta ka dito."
" Kailangan malaman ni mama na buhay ka!" masayang sabi ko.
" Of course, puntahan natin siya ngayon," he said then smiled.
Yinakap ko muna siya ng mahigpit bago kami lumabas sa opisina ko.
God, I miss him.
He's my kuya Caiden, I'm only 10 when we thought that he died.
Masaya kaming lahat non dahil graduate na siya ng college so we decided na mag bakasyon pero hindi inaasahan ang nangyare.
Lumubog kase ang sinasakyan naming barko noon at sa kasamaang palad ay siya lang ang hindi nakita.
That time, sinabi ko sa sarili ko na ayoko na ulit maging masaya dahil natatakot ako na baka sakit at lungkot lang ulit ang dulot ng sayang 'yon.