Kabanata 14

Julie

PAPUNGAS-PUNGAS akong bumangon ng makarinig ako ng mumunting tunog sa salas ng condo ko. Nang tingnan ko ang orasan ay alas-kwatro pa lang ng umaga. Ang aga naman yata ni Kuya Lucas pumunta dito sa condo ko. May importante kaya siyang gagawin at dito na dumiretso?

Nang kaya ko ng bumangon ng ayos ay sinuot ko na ang pambahay kong tsinelas at kinukusot-kusot ang mata habang papunta kung saan nagmumula ang bagay na naririnig ko.

Paglabas ko ay nakita kong bukas ang ilaw sa kusina at doon nanggagaling ang ingay, habang papalapit ako ay may naamoy akong mabango na sa tingin ko ay nagluluto.

Nagluluto? Hindi naman ganitong oras nagluluto si Kuya Lucas ng agahan, minsan sa sobrang pagod niya ay alas-sais na siya nagigising. Ano ba naman 'tong trip ni Kuya, agang-aga naman.

Nang tuluyan na akong makapasok sa kusina namin ay natigil ako sa kinatatayuan ko. Ilang ulit kong kinurap-kurap ang mata ko kung tama ba ang nakikita ko ngayon sa harapan. What the hell is he doing here? Ano na namang trip nito ni Kris Adler?

"What the hell are you doing here, Kris Adler?" Mababakas sa boses ang iritasyon kaya mabilis siyang napalingon at imbis na magulat ay nginitian niya lang ako.

"Good morning, baby. How's your sleep?" Pagtatanong niya kaya umupo ako at nakasimangot nama siyang hinarap. Dahil sa ginawa kong 'yon ay tumawa siya a kinurot ang pisngi ko.

"Walang good sa morning kung hindi mo sasabihin sa akin kung bakit nandito ka ng ganito kaaga," pinagdiinan ko ang huling sinabi ko kaya sinalin niya muna sa lalagyan ang niluto niyang ulam bago ako sagutin.

"Sa tingin mo bakit ako nandito?"

Aba, ginawa pa akong manghuhula ng mokong na'to.

"Don't tell me… naubusan ka ng gasul at dito ka pa nagluto sa condo ko?" Nakataas kilay kong tanong kaya tumawa siya at na akala mo ay nagbibiro ako. "Ang yaman-yaman mong tao, pagbili ng gasul ay hindi mo magawa," dugtong ko pa kaya mas lalo pa siyang humagalpak sa tawa.

"Damn… baby mali ka. Nandito ako kasi pupunta tayo sa beach na dalawa," aniya kaya nanlaki ang mata ko at hindi ko na mapigilang ibato sa kaniya ang nakita kong tissue na mabilis naman niyang iniwasan.

"Sana sinabi mo sa akin kahapon, hindi yung biglaan! Hindi pa ako nakakapaghanda!" Inis kong sigaw kaya hinigit niya ako patayo at pinakita sa akin ang isang bag kaya hindi ko maiwasang mapanganga.

"Si Lucas, siya mismo ang naglabas niyan kaya hindi mo na kailangan pang maghanda." Aniya kaya nanlambot ako at napahinga ng malalim.

"Magkasundo na ulit kayo ni Kuya?"

"Of course, kaya nga napapayag ko siya na dalhin kita kahit saan." Pagmamayabang niya kaya inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.

"But he hates you."

"Are you sure, baby?!" Nakataas kilay niyang tanong at umismid pa kaya nagpupuyos akong pumasok sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. Nang makahiga ako sa kama ko ay malakas akong napasigaw sa unan ko at napapadyak sa inis.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag kaming dalawa na lang ni Kris ang magkasama sa isang lugar.

"Damn you, Kris Adler!"

NAKAKATITIG lang ako kay Kris Adler habang nag-iihaw siya sa harapan ko. Pahapon na at malapit ng lumubog ang araw, ngayon lang din kami nakaramdam ng gutom na dalawa kaya bumalik kami sa cottage at nagsimula ng ihawin at ihanda ang mga pagkain.

Simula ng dumating kami dito sa Nasugbu Batangas kung saan ang resort na napuntahan namin ay isa pa lang floating island kaya tuwang-tuwa at nag-enjoy talaga kami. Para kaming batang dalawa na parang nakawala sa kural. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging bata dito.

Pagkatapos naming mag-enjoy sa mga slides at kung ano-ano pang floating activities ay sinunod naman naming dalawa ang jetski.

Akala ko nga ay magagalit siya dahil ako lang ang mag-isa pero nanghamon pa siya na magkarera at kung sino ang matalo ay siya ang mag-iihaw ng mga pagkain.

Sa bandang huli siya pa rin ang natalo. Saglit na dumako ang paningin ko sa hubad niyang pang-itaas kaya kitang-kita ko ang tattoo sa dibdib niya, maliit lamang at hindi ko mawari ang disenyo nito. Isang paru-paro na may semicolon sa gitna ang nakikita ko dito.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumayo at lumapit sa kanya dahil sigurado ako sa nakikita ko ngayon. Ngayon ay nasa harapan niya na ako kaya tumingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

"May problema ba?" Malambing ang boses niya pero hindi ko inintindi yon dahil kusang lumapat ang daliri ko sa tahi niya kaya napasinghap siya at mabilis na pinigilan ang kamay ko.

"Baby, what are you doing?" Paos niyang tanong kaya umangat ang paningin ko sa mukha niya at nagsalita.

"Anong nangyari dito? May tahi ka sa kanang dibdib at parang matagal na. Anong nangyari?" Pagtatanong ko kaya tipid siyang ngumiti at nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa pisngi at humawak sa kamay ko.

"It's a long story… I will tell you when the time is right," aniya at hinigit na ako pabalik sa lamesa. Gusto ko mang magtanong pa ay pinigilan ko ang sarili ko na magsalita pa dahil parang umiiwas siya dito.

Siguro ay sasabihin niya rin sa akin, hindi lang sa ngayon.

Habang tinatapos naman niya ang ginagawa niya ay kinuha ko ang cellphone niya na nagpaalam naman ako na gagamitin ko na pumayag naman niya.

Dahil trip kong magpicture sa IG niya ay binuksan ko ito at kumunot naman ang noo ko ng mukha ko ang nakita ko sa news feed niya at may nakalagay pa sa caption niya.

@Kris Adler You're more beautiful than a view, baby.

Liked by purejeni and 2 million others

"You posted my picture at bakit Kris Adler?" Nakataas kilay kong tanong kaya bago pa siya sumagot ay inilapag niya muna mga pagkain at naamoy ko ang aroma nito na nakadagdag sa gutom ko.

"They deserve to see how beautiful you are, Julie." Gatong niya kaya naramdaman kong namula ang pisngi ko at hindi na siya sinagot.

"We are trending in all social media platforms, Kris Adler," I stated kaya lumapit siya sa akin at tiningnan din ang binabasa ko.

"Krislie?" Pagtatanong niya kaya natawa naman ako dahil hindi niya alam kung ano ito.

"Pinagsamang name natin. Kris and Julie. Kaya Krislie," paliwanag ko kaya napatango naman siya at kitang-kita ko ang paglawak ng ngiti niya sa narinig.

"Kinikilig ka?" Hindi ko na mapigilang bulalas at natawa. Sa apat na taon na nagkahiwalay kami ay ngayon ko lang ulit nakitang kiligin ang isang Kris Adler, namumula ang tainga nito at ang lawak ng ngiti.

"Bagay na bagay pala talaga tayo."

"Ang kapal!" Anas ko kaya sabay naman kaming natawa at habang pinagmamasdan ko siya ay unti-unti kong narerealize sa sarili ko na handa na naman ulit akong sumugal.

Na kahit siya man ang dahilan ng takot at sakit na nararamdaman ko ay siya rin pala ang magiging dahilan ng pagkawala nito. Unti-unti nitong binabalik kung saan kami nagsimula, unti-unti kong nararamdaman ang saya at kapayapaan na siya lang ang nagpaparamdam sa akin nito.

At sa bawat galaw, oras na dumadaan sa aming dalawa ay unti-unti kong narerealize na lalo ko siyang minamahal. Na sa apat na taong lumipas kahit natabunan ng sakit at takot ang nararamdaman ko ay nawala na lang ito na parang bula.

Sa apat na taon na lumipas ay siya pa rin. Si Kris Adler pa rin. Siguro tama nga sila Jen, kailangan ko lang sumugal ulit dahil kitang-kita ko sa mga mata niya na determinado siyang ibalik ulit kami sa dati.

Hindi nga naman babalik si Kris sa harapan ko o susulpot ng wala lang. Hindi siya haharap sa akin sa apat na taon na lumipas para lang sa wala. Bumalik siya para itama ang lahat.

Binalikan niya ako kahit hindi siya sigurado kung may babalikan pa ba siya at kung tatanggapin ko pa ba siya sa buhay ko.

At sa mga oras na ito ay sigurado na rin ako, wala naman sigurong masama kung sumugal din ako katulad niya? Baka sakaling umayon na ang panahon sa aming dalawa.

"You didn't remember anything today?"

Nabalik na lang ako sa huwisyo ng magsalita ang katabi ko kaya mabilis na lumipad ang paningin ko sa kaniya at nangalumbaba.

"Ano nga bang meron ngayon at bakit nandito tayo?" Nagmamaang-maangan ko kaya nakita ko ang hilaw niyang ngiti at ang panandaliang pagdaan ng sakit sa mata niya pero agad naman iyong nawala ng umiwas siya sa akin.

"I guess you really forget…" Mahinang anas niya kaya tumayo ako ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero nagpatuloy ako at pumasok sa kwarto ko.

Mabuti na lamang at may refrigerator dito kaya binuksan ko ito at kinuha ang cake na kanina ay palihim kong inorder sa labasan.

Nang makita kong ayos na ay hindi ko muna sinindihan ang kandila at lumabas na ng kwarto. Habang naglalakad ako papalapit sa cottage namin ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Kris ng makita niya ang hawak ko.

Nilapag ko ito sa harap niya at ng tingnan ko siya ay kitang-kita kong hindi siya makapaniwala at may kislap sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"You remember?"

"Of course, bakit naman kakalimutan ko," nakangising saad ko at sa kauna-unahang pagkakataon ay ginawa ko ang gusto ko ng gawin sa kaniya.

Hindi ko alam pero kusang kumilos ang katawan ko at yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Happy birthday, Kris."