CHAPTER 26 – Chaotic Goodbye
KAURY’S POINT OF VIEW
"I'm sorry to inform you Ma'am, but she's a witnessed too." Witness? Si Aling Tes? Anong ibig niyang sabihin? "We have a solid prof and I want to show it here." May inabot si Aling Tes sa kanya na parang isang CD. "I hope you will accept this." Inabot rin 'yon ni Kian sa judge.
Habang si Aling Tes ay umupo sa gitna.
"Before play the video I just want to asked my witness first, about what happened."
"Yes, you can go on." Natahimik ang lahat sa sagot ng judge. Nag umpisa ring mag lakad si Kian papalapit kay Aling Tes na ngayon ay naka-upo sa gitna.
"What is your name?" Unang tanong.
"Tessera Villanueva." Sagot naman ni Aling Tes.
"Can you please state what happened 15 years ago?" Lumingon si Aling Tes kay Rodolfo bago tumango.
"Napagdesisyon ko noon na mag linis ng basement dahil 'yon ang utos ng Senyorito Rodolfo. Masyadong malaki ang basement niya kaya halos aabutin ako ng ilang oras bago matapos ang paglilinis." Huminga siya nang malalim. "Sa kalagitnaan ng paglilinis ko ay bigla kung narinig ang boses ni Senyorito Rodolfo at boses ng isang bata na umiiyak..."
Ibig-sabihin nandoon si Aling Tes? Nakita niya rin ang lahat? Nagpatuloy siya sa pag-kwento habang ako ay hindi mapaniwala na alam niya ang lahat... alam niya pero wala rin siyang ginawa noon. Kaya ba siya huminge ng tawad sa akin noong mga nakaraang gabi?
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas nang loob dahil natatakot ako noon.... natatakot ako na baka pamilya ko naman ang punteryahin ng Senyorito Rodolfo... Mahirap lang din ako at kailangan na kailangan ko ng trabaho para mapakain ang pamilya ko."
"Sinungaling! Bawiin mo ang mga sinabi mo!" Sumigaw si Rodolfo na bakas ang galit at inis sa mukha.
"Sitdown or leave this court now!" Sumigaw ang judge dahilan para tumigil si Rodolfo. Bumalik na rin ang atensyon ng lahat sa harapan, hanggang sa magsimula ang video sa harapan.
Masyadong magulo ang camera sa una pero kalaunan ay naka-pokos na ito mismo kay Rodolfo. Bumigat ulit ang pakiramdam ko nang makita ang sarili ko doon, ang batang ako na umiiyak at nagmamakaawa.
Pinikit ko lang ang mata ko at yumuko.
Marami pang nangyari sa loob ng korte hindi ko maiwasang tumitig kay Kian habang patuloy siyang nagsasalita sa harapan. May sumunod pag video ang pinanood namin, kuha ito ng CCTV Footage sa bahay ni Rodolfo.
Makikita doon na hindi ko siya sinaksak o sinakal gamit ang pisi o iba pang kagamitan. Habang patagal nang patagal ay mas lalong lumala ang tensyon sa loob.
"Life imprisonment for double murder, illegal gambling, and different cases of assault."
Life imprisonment.
"Kian! Anong sinabi mo!? Potangina! Bawiin mo! That's all fake! Hindi totoo ang lahat ng 'yan! Siya ang dapat na makulong!" Nagkagulo na sa loob hanggang sa bigla na lang bumunot ng baril si Rodolfo galing sa isang police na nakatayo sa may gilid niya.
Mabilis niya 'yong tinutok sa akin dahilan para tumayo na rin ako.
"Tangina, bakit bumalik ka pa?" Pulang-pula ang mukha niya sa galit habang nakatingin sa akin. Walang nag tangkang lumapit sa kanya dahil sa hawak niyang baril. "H'wag kayong lumapit!"
"Mr. Krefandez! Stop this!" Sumigaw si Kian at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ko. Kung sakali man na iputok ni Rodolfo ang baril ay siguradong tatama ito mismo kay Kian. "Surrender already... you need to pay for your sins."
"You're my son! Where the hell is your respect! Sabihin mo sa lahat ng nandito na kasinungalingan lang ang lahat!" Napayuko ang mga tao ng bigla niyang iputok ang baril sa taas.
"CK! D-Don't..." Lumingon ako kay Finn, puno nang pag-aalala ang mukha niya. Alam kung balak niya akong pigilan sa gagawin ko pero kung hindi titigil si Rodolfo ay baka madamay ang ibang nandito.
Naglakad ako papunta sa pwesto ni Rodolfo at hindi alintana ang mga nagtatakang tingin nila sa akin.
"Ms. Sullivan! Anong ginagawa mo!?" Nanlaki ang mata ni Kian habang nakatingin sa akin. Pero hindi ako nagpatinag at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa isang metro na lang ang layo ko kay Rodolfo.
"Ang lakas ng loob mo ah? Akala mo hindi ko kayang iputok sa 'yo 'to?" Tinutok niya sa akin ang baril.
"Dahil sa ginawa mong 'to mas lalo mong pinatunayan sa korte na dapat lang hatulan ka ng pang habang-buhay na pagka-kulong. Mas lalo mong pinatunayan na isa kang masamang tao." Mas lalo akong lumapit sa kanya hanggang sa mahawakan ko ang baril. Tinutok ko ito mismo sa ulo ko. "Iputok mo, patunayan mo pa kung gaano ka ka-demonyo."
Napangisi ako ng maramdaman ang panginginig ng kamay niya.
"Tanga." Mabilis kung hinuli ang kamay niya at pinulupot papunta sa likurang bahagi ng katawan niya hanggang sa mabitawan niya ang baril. "Ano pang hinihintay niyo? Pusasan niyo na ang demonyong 'to." Lumapit sa amin ang mga pulis.
"CK! What the hell!" Hindi ko napansing hinila na pala ako ni Finn papalayo kay Rodolfo na ngayon ay tulala lang habang pinapalibutan siya ng mga police.
"Ayos lang ako Finn."
"Paano kung pinutok niya ang baril!?"
"Hindi niya naman ginawa... at hindi ko rin hahayaan-"
"We're done here. Let's go." Saglit ko pang tinignan si Rodolfo.
Finally. Suffer Rodolfo, suffer until you taste the hell, until you face your death.
Sunod kung tinapunan ng tingin si Kian na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Pareho kaming walang reaksyon sa mukha.
"Ate! Congratulations!" Mahigpit na yakap ang ginawad sa akin ni Polen.
"CK. Get ready, I will book our flight to Paris tomorrow." Paalala ni Finn sa akin.
"Polen, the annulment paper? Akin na..." Inabot niya sa akin ang iilang papers na alam kung annulment paper. Tapos ko ng pirmahan ito, kulang na lang ang pirma ni Kian pagkatapos ay si Polen na ang bahalang mag asikaso.
"Ako na ang mag bibigay nito kay Kian." Aniya ko at tinalikuran sila.
"CK. Makikipag-kita ka sa kanya?"
"This for the last time, Finn. Papipirmahan ko lang 'to, babalik agad ako para mag handa." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na naglakad papalabas. Sumakay ako sa kotse at mabilis iyong pinaandar.
I'm not sure kung nakauwi na siya, pero didiretso ako sa bahay niya ngayon para ibigay sa kanya ang papelis. Ilang minuto akong nag maneho hanggang sa makarating ako.
Bukas ang gate ng bahay niya at nasa labas rin ang kotse na pagmamay-ari niya, mukhang nandito na nga siya. Hindi na ako nag-abalang mag door bell, dumiretso na ako papunta sa loob.
"Kian." Tawag ko sa pangalan niya, nakita ko siyang naglalakad papunta na sana sa taas, nasa may bandang hagdan siya at lumingon sa pwesto ko.
"Kau!" Galak niyang sigaw na para bang walang nangyari kanina sa court. "You're here.."
"I already sign this annulment paper Kian, it's your turn. About my case, I won't say thankyou... because I know that you're responsible about it, noon pa man ay alam mo sa sarili mong dapat mong gawin 'yon. But I'm grateful, hindi mo ako binigo ngayon. Atleast for once napatunayan mo sa akin na hindi ka kasing demonyo ng Tatay mo." Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. "Please sign this papers." Inabot ko sa kanya ang papelis.
"No... I will never sign it. Please don't to this Kaury. About what happened before, I know I am a coward. Natakot lang ako sa kanya noon dahil alam ko kung gaano siya kasama, natakot ako na baka pati si Mommy ay madamay pag nagsalita ako. It was hard for me Kau, subrang hirap 'yong kailangan kung pumili, kung tutulungan kita o iisipin ko ang kalagayan ng Mommy ko." Malungkot ang boses niya. "Alam kung nasaktan kita noon, but I did promised to my self na babawi ako, na pag mas malakas na ako kay Daddy ilalaban kita. Babalikan kita at hahanapin kita, I was just a kid that time... natakot lang ako. Pero hindi ibig-sabihin no'n ay nag bubulag-bulagan na ako sa katotohanan."
"Tinatak ko sa sarili ko na pag-dating ng panahon tutulongan kita, pinalakas ko ang loob ko. Alam mo ba kung bakit nag pursue akong maging isang abogado? That's because of you... because of that girl na hindi ko natulongan noon, sa bawat pag-pasok ko sa law school iniisip ko 'yong batang ikaw, 'yong batang babae na tinalikuran ko noon, palagi kung sinasaulo na kaya ako mag aabogado ay para hanapin ang batang 'yon at bumawi sa kanya, bumawi sa 'yo..." ayokong magsalita. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Hinanap kita... Yes I did, but I failed, and you're right. Noong nakita kita sa amusement park hindi kita nakilala, ikaw pala 'yong matagal ko ng hinahanap... I'm sorry for not recognizing you sooner... believe me Kau, pinagsisihan ko 'yon, pinagsisihan ko lahat."
"Kian... nangyari na ang lahat... galit na galit ako sa 'yo at inaamin kung gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa paliwanag mo. Pero wala ng magbabago pa."
"Can't we start again? Hindi ba pwedeng magsimula ulit tayo Kau? We can start over... kalimutan natin lahat ng mga nangyari ngayon at magsimula ng bago, kung gusto mong araw-araw akong lumuhod para humingi ng tawad pwes gagawin ko. I will begged for forgiveness." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Kian ayos na sa akin ang marinig ang paliwanag mo. Let's say that you're forgiven but that doesn't mean we're okay." Pilit kung inaagaw sa kanya ang kamay ko pero ayaw niya akong bitawan.
"Kau please... you can't leave me..."
"Kian simula una pa lang niloko na kita! Hindi mo ba 'yon makuha? Kasinungalingan lang lahat! Niloko lang kita!" Sigaw ko.
"Lokohin mo lang ako, wala akong pakialam basta huwag mo lang akong iwan."
What the hell? Naririnig niya ba ang sarili niya?
"Kian pwede ba tumigil ka na?" Napaawang ang bibig ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang sunod-sunod na pumatak ang luha galing sa mata niya. "Kian huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."
"I love you so much, hindi ko pipirmahan ang annulment paper Kau." Pagmamatigas niya.
"Kian hindi kita mahal." Diretso kung sabi dahilan para matigilan siya. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko habang nakaluhod pa rin siya sa harapan ko. "Kian, ilang ulit kung sasabihin sa 'yo na lahat ng mga nangyari ay palabas ko lang? 'Yong sinabi ko sa 'yong gusto kita, hindi rin 'yon totoo. Wala akong nararamdaman para sa 'yo." Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko.
Subrang bigat ng pakiramdam ko ngayon... hindi ko alam kung saan nanggaling pero parang tinutusok ako ng sarili kung salita. Gustong kumawala ng mga luha ko pero pilit kung pinipigilan.
"Hindi mo ako mahal? You're lying right?" Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at humarap sa akin. Gusto ko ng umalis, gusto ko nang tumalikod dahil kaunti na lang ay babagsak na ang luha ko at ayaw kung makita niya 'yon.
"K-Kian hindi kita mahal... kahit kailan hindi kita minahal, paghihingante lang ang intensyon ko, 'yon lang." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tangina... please Kian tama na.
"Look at me Kau, sabihin mo 'yan sa akin habang diretso kang nakatingin sa mga mata ko. Say that you don't love me while looking straight in my eyes." Tumaas ang kamay niya hanggang sa marating niya ang pisnge ko. Gusto kung umatras ng bigla niyang ilapit sa akin ang mukha niya. "You can't say it.. that means you're lying? Mahal mo ako o hindi?" Mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa dumampi sa akin ang labi niya.
Bakit ganito? Bakit natatalo ako ng tingin niya? Hindi ko siya mahal... 'yan ang sinasabi ng isip ko pero parang iba ang ipinaglalaban ng puso ko. Habang nakadampi ang labi niya sa akin ay siya ring pagbalik ng ala-ala na nabuo ko kasama siya.
Bakit parang masakit? Alam kung kasinungalingan lang ang lahat... pero ang sakit. Ang sakit-sakit.
Buong lakas kung kinuyom ang kamao ko at tinulak siya papalayo sa akin. Kaya ko 'to... kailangan kung kayanin. Diretso ko siyang tinignan sa mata.
"H-Hindi kita m-mahal..."
"Kau..."
"Kian... please permahan mo na 'to. Ibigay mo na ang kalayaan sa akin, tapos na tayo." Nilagay ko sa gilid ang papelis na dala ko. "Sana huwag mo na akong pahirapan pa. Gusto ko ng matapos ang lahat, gusto ko ng putolin ang koneksyon natin sa isa't-isa. Sana naiintindihan mo."
"Tangina, mahal na mahal kita Kau. Paano ko magagawang pirmahan kung pag-hawak pa lang sa papelis na 'yan nanginginig na ang kamay ko."
Saglit akong tumalikod sa kanya para punasan ang luha sa mata ko.
"Kau, please magsimula tayo ulit. Kung hindi mo ako mahal pwes gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako."
"Tama na."
"I can't... It's fucking hurts..."
"Kian, tama na."
"Mahal kita, mahal na mahal."
Ayoko nang marinig ang salitang 'yan. Nanghihina ang tuhod ko.
"Fix yourself Kian, I'm leaving."
Pasensya na kung hanggang dito na lang tayo, marami akong responsibilidad na nakalaan para sa akin, marami akong kailangang tapusin at isa na doon ang ugnayan natin sa isa't-isa.
This is the end of us.