Chapter 2
"Hi Eros!" Bati ko sa kanya. Ngumiti lamang sya at lumapit kay Coltrane para sa man hug. Bumalik sya ulit sa piano at tumugtog muli.
"Masyado kang pahalatang crush mo sya" bulong sa akin ni Coltrane habang pinapanuod naming tumugtog si Eros. Napa-aray sya nang sikuin ko sya, pinandilatan ko din sya ng mata para matahimik sya.
"Kulang nalang mag hugis puso yang mata mo" Ngumisi sya at naglakad papunta sa table namin para umupo. Hinimas nya ang kanyang batok at pumikit. Teka bakit ko ba binabantayan ang galaw nitong si Kumag?
But he’s also observing me, one move and he calls me out. I don’t even know what he’s calling me out for!
Binalik ko ang atensyon ko kay Eros na tinutugtog ang Pachelbel's Cannon in D. Pumalakpak ako nang matapos syang tumugtog. Ngumiti lamang sya sa akin na naghatid ng kilig sa pagkatao ko.
Ganon lang naman kasi ako kabilis makuha ni Eros. One smile and my world’s already spinning 360!
"Andito na pala kayong tatlo" napatayo ako nang makita si Tita Kaye na may hawak na Lemonade, paborito nya iyan. Siya ang mommy ni Coltrane.
"I'm glad you're back, Azrielle" lumapit ako sa kanya at bumeso. Tumingala ako sa hagdan at nakitang pababa ang Mommy at si Tita Yana.
"Ako din po tita. Its good to see you again po" tinanguan lang ako ni Tita Kaye at lumapit kay Eros at sa anak nya habang ako ay bumeso kay Mommy at sa Mommy ni Eros. Kinikilig ako!
Nasa may pool area kami at naghihintay ng pagkain. Katabi ko si Coltrane na pinaglalaruan ang susi nya. Si Eros naman ay nasa kaharap kong upuan at nakatanaw lamang sa malayo.
Ako kayang iniisip ni Eros? Ako kaya? Asa pa!
Tinuon ko ang atensyon ko sa pool na kinakargahan ng tubig. Ayoko namang titigan si Eros habang hinihintay ang pagkain, ayoko syang mailang sa akin.
Nakahiligan ko ang swimming nang mag walong taon ako. Si Coltrane ang nagturo sa akin, sports nya kasi yan saka basketball at pagiging kumag.
Sa wakas ay dumating na din ang pagkain, sabay sabay namang dumating sila Daddy, Tito Derrick ang Daddy ni Eros at Tito Ralph ang Daddy ni Coltrane.
Habang kumakain ay kinukumusta kami ng mga parents namin. Tahimik lang si Eros at saka lang sasagot kapag tapos nang ngumuya. Ito namang si Coltrane magsasalita na lang kapag gusto.
Kunwari'y diet ako, nang matapos kumain si Eros ay uminom na ako ng tubig at nagpunas na ng table napkin sa bibig.
"Hay busog lusog!" Sabi ni Coltrane saka tumabi sa akin. Nakalubog sa pool ang paa ko, saka ko lang napansin na naka jersey shorts na lamang sya.
"Andito ka na namang kumag ka" bulong ko sa kanya. Tumawa sya ng mahina at nilubog din ang paa sa tubig.
"Bakit? Si Eros ba inaasahan mong tatabi sayo?" pang aasar nya. Alam nyang gusto ko si Eros dahil ninakaw nya sa bag ko noon ang diary ko na punong puno ng pangalan at mga bagay na tungkol kay Eros.
Kapag naaalala ko iyon ay kumukulo ang dugo ko tulad ngayon gusto ko syang ilublob sa tubig, pero baka ako pa ang mahila nya sa ilalim at ako pa ang mapahamak.
Bumuntong hinga lang ako at inisip na isang malaking langaw lamang ang nasa tabi ko. Bwisit talaga!
Unang araw palang namin na kasama ko si Coltrane ay bwisit na bwisit na ako, sigurado akong sa mga susunod na araw ay bubwisitin nya pa ako.
"Eros!" Tawag nya, napalingon si Eros sa aming dalawa at nakakunot noo pa. "Lika dito! Mamaya ka na mag piano" tumawa lang sya nang pandilatan ko ng mata.
"Kunwari ayaw pa" tumawa sya at umirap. Habang papalapit si Eros ay tahip tahip na ang pintig ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinagdikit ang mga labi ko para pigilan ang pag ngiti.
Tulad ni Coltrane ay nakajersey short nalang sya. Inalis nya ang kanyang aviator at pinatong iyon sa round table.
Mapapadugo ko na ang labi ko kakakagat para lang pigilan ang pag ngisi!
"Easyhan mo lang, halatang halata ka" tumawa nang malakas ang kumag sa tabi ko. I tried to cover his annoying mouth but failed, kakalikot naming dalawa ay nahulog kami sa pinakamalalim na parte pool!
Nahirapan akong makaangat dahil sa gulat at lamig ng tubig. Naramdaman kong tinutulak ako pataas ni Coltrane. Umubo ubo pa ako habang sya prente na ang kapit sa gilid ng pool. Leche talaga!
"Kainis ka talaga kahit kailan!" Bulyaw ko sa kanya. Lumapit si Eros at naglahad ng kamay sa akin. He seemed worried, may dala rin syang twalya na marahil ay kinuha nya sa upuan na nasa gilid ng pool.
Coltrane grinned and raked his fingers through his wet and disheveled hair.
"Thank me" bulong nya bago lumubog sa tubig at lumangoy.
"Azrielle, ano na?" napalunok ako dahil sa wakas ay kinausap na ako ni Eros ngayong araw. Kumapit ako sa kamay nya at inangat nya ako mula sa tubig.
"Akala ko marunong kang lumangoy" may bahid ng inis sa tono nya, nag init ang pisngi ko sa hiya. Anong Thank me Coltrane? Baka Hate you more!
"S-sorry, I got caught off guard" utal kong sabi.
Lumapit sya sa round table at naglagay ng tubig sa baso saka iyon inalok sa akin, nahihiya akong tinanggap iyon at nagpasalamat sa kanya.
Bumuntong hinga sya at pinasadahan rin ng kamay ang buhok. Lumapit sya sa hagdan ng pool saka nag dive.
Umupo muna ako at uminom sa binigay nyang tubig, tinanaw ko sya kahit pa nasa ilalim sya ng tubig.
Natanaw ko rin si Coltrane na nasa ilalim pa din ng tubig, kinabahan ako pero dahil sa inis ko sa kanya ay hinayaan ko nalang.
Nag alala na ako nang nakaahon na at lahat si Eros pero hindi pa rin sya umaangat mula sa ilalim ng tubig.
Dumiretso si Eros sa comfort room na nasa gilid ng garden at hindi pa rin umaahon si Coltrane! Sinantabi ko muna ang inis ko at nag dive sa tubig.
My eyes stung a bit dahil may kaunting chlorine ang tubig at hindi ko suot ang goggles ko. Nakapikit sya sa ilalim at nakahalukipkip pa.
Talagang sa seventh feet under the water pa nya talaga piniling mag ganyan!
Tinapik ko ang pisngi nya ng ilang beses bago sya nagbukas ng mata. He wrapped an arm around my waist, magrereklamo sana ako kaya nakainom ako ng kaunting tubig. Ginalaw nya ang kamay nya para makaangat kaming dalawa sa tubig.
Hinahabol ko ang hininga ko habang sya parang normal pa din.
"Baliw ka ba? Sa ilalim ng tubig mo pa talaga napagtripang matulog? Sirena ka?"
"Nag alala ka?" tumawa sya at pinisil ang pisngi ko, tinapik ko naman ang noo nya.
"Bwisit" inalis ko ang hawak nya sa bewang ko at lumangoy papunta sa hagdan ng pool. Sana hinayaan ko na lang sya dun! Kumag talaga!
Umahon na rin sya at sumunod sa akin. Nakangisi pa din sya habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok, at sa harap ko pa talaga!
"Alam mo unang araw ko palang na kasama ka feeling ko magiging malas tong taon ko" umirap ako sa kanya, kota na talaga sya.
"Hard mo naman, swerte ka kasi may gwapong aaligid sayo buong taon at sa mga susunod pang mga taon." nakangiti nyang sabi, kasing tangkad ko na ang inis ko sa kayabangan nya!
"Conceited ka din talaga ano? Ang laki mo talagang kumag!"
"Alam mo Azrielle dahan dahan lang ha, intense yung hatred na nararamdaman mo para sa akin baka mamaya sa akin ka ma-fall." kumunot ang noo ko sa pinagsasabi nya. Nalagyan yata ng tubig ang utak nya.
Sya? Magugustuhan ko? Asa!
"But don't worry, nasa baba lang ako, bukas palad na sasalo sayo" ngisi nya, he winked at me.
"Kapal ng mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya, tumayo na ako at kinuha ang aking bathrobe, rinig ko pa rin ang halakhak nya. Hay, nakakaasar talaga!