Chapter 1

"Azrielle! Bumalik na ulit yung sinasabi ko sa'yong crush kong campus crush!" Kakatransfer ko lamang dito sa University last year kaya wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nyang campus crush.

Ilang beses nya na ring nabanggit sa akin iyon pero hind ko matandaan kung nasabi nya ba o natanong ko na ang pangalan ng crush nya. Hindi kasi ako matanong, ayaw ko rin namang isipin niyang pakielamera ako. Isa pa hindi lang naman ako sure kung nasabi niya na ba sa’kin kung sino, nakakahiya naman kung tanungin ko out of the blue baka isipin niya di ako nakikinig sa kwinekwento niya.

Kakasimula lamang ng bagong semester, I started my first year here habang si Amerie ay dito na nagtapos ng high school. Actually dito ako pinanganak, nag kinder, nag elementary pero noong nag high school na ay lumipat kami sa Manila dahil nagkaroon ng job opportunity para kay Mommy and Daddy.

Si Mommy ay kinuha sa isang sikat na ospital bilang isang Chief Nurse habang si Daddy naman ang nagtayo ng Pharmacy namin at na din nagmanage.

Pagkatapos mapalago ng magulang ko ang Parmasya namin sa Maynila naisipan naman nilang magpatayo ng dito sa probinsya. My brother had to manage our branch in Manila, graduate na kasi sya ng Pharmacy habang ako ay nag-aaral pa.

Ako, I grew up reading and playing with medical stuff. Bata palang ako gusto ko ng maging nurse but I ended up Pharmacy instead kasi sabi ni kuya its a world of fun. But its not.

Nang makagraduate si Kuya sya na ang pinaghandle ng branch namin sa Manila pero weekly naman ay dumadalaw si Daddy para siguraduhing okay ang operation doon. Paminsan minsan naman akong nagbabantay sa bagong bukas naming branch, para na rin akong nago-ojt kaya mas may alam ako noong minsang nag-internship kami.

"Balita ko nagpunta sya ng Spain, ikakamatay ko siguro ang kanyang accent! Gusto ko syang marinig na mag espanyol!" kilig na sabi ng kaibigan ko habang ako ay busy sa pagkain.

"Uy ano ba? Hindi ka ba excited? Sabagay hindi mo naabutan si Coltrane" Napatigil ako sa pag nguya ng kinakain ko.

Did I heard his name right?

"Coltrane?" Ulit ko para kumpirmahing tama nga ang pagkakadinig . Kilala ko ba ito o kakilala ko lamang?

"Oo. Coltrane Montreal. Hindi mo ba nababasa pangalan nya sa bulletin boards? My God, Azrielle!" She rolled her eyes and crossed her arms.

Magre-react pa sana ako nang matahimik sya dahil dumaan si Coltrane sa harap namin. He was wearing his usual white shirt and jeans.

Alam ko.

Napatigil sya sa harap namin, Amerie covered her mouth to suppress her kilig. Umirap ako sa lalaking nasa harap ko at uminom ng tubig.

"Omg!" Bulalas ni Amerie nang umupo si Coltrane sa upuan na nasa harap ng table namin.

"Six years?"

"Five" sagot ko sa kanya.

"I miscalulated then. I'm glad you're back... siopao face"

"Ulol mo mukha mo!" ngumisi lamang sya at kinuha ang bottled water ko. Aba!

"Old habits die hard" aniya saka uminom sa tubig ko.

"Bwisit ka talaga!" bulyaw ko sa kanya nang guluhin nya ang buhok ko.

"Hay. Its good to be back" may pilyong ngiti nyang sabi bago tumalikod.

Humalukipkip lamang ako at pinanuod syang umalis. Damn Coltrane Tris Montreal! He didn't changed even a bit, same old annoying Coltrane na mahilig mang agaw ng Bottled water!

"Oh my God! Kilala mo si Coltrane!" Umiling ako kahit pa kilala ko talaga ang kumag na iyon. He's my childhood enemy... Sige na nga childhood friend, anak sya ni Tita Kaye na bestfriend ng Mommy ko.

Niyugyog ako ni Amerie habang paulit ulit na sinasabi ang pangalan ni Kumag. Sa isang taon kong pamamalagi dito ni hindi ko man lang nalaman na si Coltrane pala yung sinasabi nyang "campus crush".

Anong katangian nya ang "crushable"?

"Hindi nga sabi" pang limang sagot ko na sa kanya simula nang umalis kami sa canteen. Kinukulit nya kasi ako tungkol sa crush nya.

Nadagdagan ang inis ko nang biglang may humigit ng kamay ko at kinaladkad ako habang tumatakbo. Kahit pa hindi ko nakita ang mukha nya ay sigurado ko kung sino ito.

"Ano ba!?" Singhal ko nang hindi nya binibitawan ang kamay ko at sige pa rin sa pangangaladkad sa akin!

"Bilisan mo nalang kung ayaw mong maabutan nila tayo!" rinig na ang pagkahingal sa kanyang boses. Bahagya akong lumingon at nakita ang mga babaeng humahabol sa aming dalawa.

"Bakit ka nila hinahabol? Sira ka ba? Sinama mo pa ako sa gulo mo!"

"Tumakbo ka nalang kung ayaw mong dumugin!"

Hindi ko na alam kung saan saan nya ako nililiko, hindi ko pa nalibot ang buong paaralan pero parang nalibot ko na dahil sa kakahila sa akin ng kumag na 'to!

Sinipa nya ang nakasarang pinto ng isang room at doon pumasok pabagsak nya rin itong sinara at tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kanyang kamay para marahil pigilan ako sa pagalburoto ko.

Nang marinig namin ang papalayong ingay ng mga babaeng sumusunod sa amin ay buong lakas ko syang tinulak. Ngumisi lamang sya at niyakap ako.

"Hindi mo man lang ba namiss ang best enemy mo?" tinulak ko syang muli at umirap sa kanya. Naghila sya ng dalawang upuan at umupo sa isa.

Naalala ko na kapag galing sya mula sa Spain bibisita sila ng Mommy nya sa bahay na maraming dalang pasalubong. Coltrane would hug me and ask the same question.

"Hindi mo man lang ba namiss ang best enemy mo?"

Itutulak ko lang sya at iirapan pero kukunin pa rin ang mga binili nyang pasalubong para sa akin.

"Akala ko sa Manila ka na magco-college" aniya na bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Pag ako ang umaalis may pasalubong ka pag uwi ah" pang aasar nya sa akin.

"Anong gusto mong ibigay ko sayo na galing sa Manila? Babae? Gamot? Hindi ako nangibang bansa katulad mo."

"Ang sungit mo talaga kahit kailan ano?"

"Hambog ka pa din at takaw gulo" hindi ko na alam kung ilang beses ko na syang inirapan, kota na yata sya ngayong araw na ito.

May mga bagay talaga na hindi nagbago, katulad ng abot langit na inis ko sa kanya.

"Sino ba yung mga humahabol sayo? Ano na namang gulo ang pinasok mo?" tanong ko sa kanya nang makakalma ang kumakabog kong dibdib, mabuti nalang wala akong hika dahil kung nagkataon baka naglupasay na ako sa kalagitnaan ng pagtakbo namin.

"Fans" simple nyang sagot.

"Kapal mo. Artista ka?" Umiling sya at ngumisi.

"Gwapo lang" kumindat pa ang kumag sa akin!

"Kwago!" Humalakhak sya at niyakap ako, sinubsob nya ang mukha ko sa dibdib nya. Hindi man lang sya nag amoy araw o amoy pawis man lang. Ang bango bango nya pa rin.

"Namiss kita Azrielle. Damn, I missed you"

Hindi na ako nakapalag nang sabihin nyang ihahatid nya ako pauwi, nasa bahay ang mommy nya at doon daw sila magdi-dinner kaya hindi na ako pinasundo ni mommy sa driver.

Napanganga ako ng makita ang sasakyan nyang Bugatti veyron at pinakalatest pang model. Pinagbuksan nya at ako ng pinto at inalalayang umupo, nagpasalamat ako sa kanya. Kahit papaano ay gentleman pa din naman pala itong si Coltrane.

Tahimik lang kami sa byahe, nakasandal ang isang kamay nya sa window at ang isa ay nakahawak sa manibela.

"Kailan ka pa lumipat?" Tanong nya habang tutok ang atensyon sa daan.

"Last year lang. Nag transfer ka sa Spain?" usisa ko pabalik sa kanya. Hindi naman kami magkaaway, sadyang ayaw ko lang sa kanya simula pa noong pagkabata. Paano halos araw araw ba naman akong iniinis!

"Hindi, bakasyon lang. Tinamad ako mag aral" saka sya humalakhak. "Pero mukhang sisipagin akong pumasok this sem" pahabol nya.

Tamad syang mag aral pero matalino, sya ang Valedictorian namin noon kahit pa ni minsan ay hindi ko sya nakitang naghawak ng libro. Ewan ko kung paano nya nagagawa yun, basta matalino sya.

"Balik first year ka?" Tanong ko sa kanya, dahil kung tumigil sya ng isang taon ay babalik sya ng first year diba?

"Hindi. Accelerated ako, ako pa ba? Nag exam ako, and syempre makaka-hindi ba sila sa akin?"

"Yabang mo talaga" inalis ko ang seatbelt saka binuksan ang pinto para bumaba. Pinatay nya na ang aircon at ang engine.

Ginapangan ako ng excitement nang makita ang sasakyan nila Tita Yana ang isa pa sa bestfriend ni Mommy. Actually Tres Marias sila.

Nagkakamot ng ulo si Coltrane habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang kotse. Ngumisi sya nang makitang nakatingin ako sa kanya, nadagdagan na naman ang irap ko sa kanya ngayong araw.

Excited akong pumasok nang bahay lalo na nang marinig ko na may tumutugtog ng piano. Si Eros!

Napatigil sya nang makita ako, tumango naman sya sa lalaking nasa likod ko. Magkababata kaming tatlo at crush na crush ko talaga si Eros simula pa noong seven years old ako.

Hindi na nga yata papasang crush yung nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na nga yata sagad pa sa buto!

Si Eros ang kabaligtaran ni Coltrane. Kung si Coltrane ay hambog etong si Eros ay prim and proper.