Final Chapter – Second Wedding
Makalipas ang ilang araw ay lumabas na si Ada sa ospital.
Si Kent namn ay abala sa kanyang trabaho kaya't nagpasya siyang makipagtulungan sa ICM at gumawa din ng isang panukala para sa kanilang proyekto. Ginawa ito ni Kent upang mai-save ang kumpanya mula sa pagkalugi.
Malugod nilang tinanggap si Kent sa kanilang magandang panukala at naging maayos ang kanilang pag-uusap.
Isang umaga nang nagkita sila sa tanggapan ng ICM.
"Good morning Mr. Wilson! Maligayang pagdating sa kumpanya!" Bati ni Eric at nakipagkamay kay Kent.
"Good morning at salamat sa pagtanggap sa amin sa iyong kumpanya." Sabi ni Kent.
"Walang anuman! May bago kaming proyekto!" Sabi ni Eric.
Pagkatapos ay naupo sila sa mesa at pinag-usapan nila ang tungkol sa bagong proyekto na gagawin.
Matapos ang pagpupulong, sa tanggapan ng ICM. Umalis na sila at bumalik sa opisina.
Pumunta si Willy sa office ni Kent at nakatanggap ng isang dokumento, at agad na binasa ito ni Kent at nagulat nang malaman ito. Ito ay tungkol sa pambobomba na nangyari noong kaarawan ni Charmaine, nakasaad na sa ulat kung sino ang nagtapon ng bomba.
"Totoo ba ito?" Seryosong tanong ni Kent.
"Oo, Sir! Narito ang ilan pang impormasyon tungkol sa pagsabog. May mga katibayan na siya ang nagbigay ng regalo kay Charmaine." Paliwanag ni Willy.
"Hindi ko akalain na gagawin ito ni Lucy! Tumawag ka kaagad sa abogado ko, at sisiguraduhin kong magsisisi si Lucy sa ginawa niya!" Galit na sabi ni Kent.
"Yes, Sir!" Agad na tumawag si Willy sa kanilang abogado at nakipag-ugnay sila sa pulisya.
Nang malaman ni Lucy na ikukulong siya ni Kent, agad siyang nagmakaawa sa kanyang Daddy na tulungan siya sa problemang kinakaharap niya. Agad na nakipagkita ang Daddy ni Lucy kay Kent sa isang pribadong restawran.
Dumating din si Kent at nakita niya na naghihintay sa isang mesa si Mr. Carlton. Lumapit si Kent at naupo doon si Kent.
"Kent, nakikiusap ako sa iyo na huwag mong ituloy ang kaso laban sa aking anak." Agad na pakiusap ni Mr. Carlton.
"Mister Carlton, alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin ng iyong anak sa aking pamilya? Binigyan niya ang aking anak ng isang bomba! Blinablack mail din niya ako… Maaari ko pa rin itong palampasin, ngunit yung tungkol sa bomba... No way!" Mariin na sabi ni Kent.
"Kent, alam mo naman ang ugali ng aking anak na si Lucy. Pakiusap pagpasensyahan mo nalang! Kahit para nalang sa mga pinagsamahan natin." Sinabi ni Mr. Carlton.
"Mister Carlton, kung binabantayan mo si Lucy at pinalaki mo ng maayos, hindi niya sana magagawa iyon. Ang ginawa niya sa aking pamilya, hindi ko mapapatawad!”
Napayuko naman si Mr. Carlton sa sinabi ni Kent.
“Alam mo ba ang ginawa niya? Sa anak ko pa mismo binigay niya un bomba! At maraming bisita na nandoon na maaaring mamatay! Hindi lang ako ang magkakaso sa kanya!" Galit na sabi ni Kent.
"Ngunit Kent, ang aking anak ay bata pa, mayroon pa siyang mga pangarap, pakiusap." Sinabi ni Mr. Carlton.
"Sir, hayaan mong sabihin ko sa iyo, ang aking anak na babae ay 5 taong gulang pa lamang, pero si Lucy ay walang konsensya na binigyan siya ng bomba!!! Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" Galit na sabi ni Kent saka tumayo at umalis sa lugar.
Si Mr. Carlton ay tumayo na at umalis na rin dahil wala naman siyang nagawa kahit na nakiusap siya kay Kent. Tinawagan niya kaagad ang kanyang anak na si Lucy.
"Hindi sya pumayag, mag-impake ka na at magtago kana muna." Sinabi niya.
"Okay, Dad!" Sabi ni Lucy sa kabilang linya.
Agad namang nagtago si Lucy. Tumakas siya at nagpunta sa ibang bansa bago mahuli ng pulisya. Alam ito nila Kent, iniutos ni Kent sa kanilang mga special agent na hanapin si Lucy.
Matapos ang dalawang buwan na pagtatago, nakita siya at inaresto ng pulisya. Muli siyang nagmakaawa kay Kent nang pumunta siya sa istasyon ng pulisya.
Nang malaman ni Kent na si Lucy ay naaresto na, agad siyang nagpunta sa istasyon ng pulisya. Nakita niyang nakaposas ito at kausap ng pulisya. Agad na lumapit si Lucy kay Kent ng makita siya nito na papalapit.
"Kent please, iurong mo ang kaso ko, wala akong kasalanan." Pagmamakaawa ni Lucy.
"Alam mo Lucy, walang kapatawaran yung ginawa mo! Hindi mo ba naisip na lahat tao doon pwedeng mamatay?!" Galit na sabi ni Kent.
"Pakiusap Kent, hindi ko sinasadya. Hindi ko nga alam na ganoon kalakas yun, sinabi sa akin ng lalaki, na ang ginawa niya ay isang mahinang bomba lamang. Gusto lang kitang takutin." Sabi ni Lucy habang umiiyak ito.
"Tama ka, natakot mo ako! Dahil doon, nandito ako para personal na isampa ang kaso para sa iyo, at sisiguraduhin kong hindi kana makakatakas at makukulong ka sa bilangguan!" Galit na sabi ni Kent.
"No, no... Ayokong makulong! Please Kent, please..." Pagsusumamo ni Lucy at lumuhod sa harapan ni Kent habang umiiyak.
"Huli na Lucy! Tsk!" Sambit ni Kent habang titig na titig sa kanya si Kent at nagpupuyos sa galit.
Pagkatapos ay lumayo si Kent sa kanya at pumunta sa kabilang lamesa upang makita ang abugado.
Iniwan niya si Lucy na umiiyak sa sahig habang nagsisisi sa mga nagawa niya.
~
Dumaan ang mga araw at buwan.
Gumaling na si Ada sa kanyang mga sugat at naalala na din niya ang lahat. Dumating ang kaarawan ni Ada.
Maagang nagising si Ada, upang makita si Kent bago siya pumasok sa trabaho. Pinagmasdan niya si Kent habang nagbibihis. Naisip ni Ada na babatiin siya ni Kent dahil kaarawan niya ngayon, ngunit hindi.
"Sige Love, pupunta na ako sa office." Sabi ni Kent at hinalikan siya sa pisngi.
"Oh sige, ingat ka!" sabi ni Ada.
"Ok, ikaw rin." Sambit ni Kent habang nakangiti kay Ada at lumabas ng silid.
"Wait Kent!" Sigaw ni Ada at sumunod sa kanya.
Huminto sa paglalakad si Kent at humarap sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala ka bang nakakalimutan?" Tanong ni Ada habang nakatingin sa kanya.
Kinuha ni Kent ang kanyang cellphone at dinala ang kanyang bag.
"Wala bakit?" tanong ni Kent.
"Ay, wala... wala. Sige, ingat ka." Sabi ni Ada habang umiiling-iling.
"Okey kung ganon." Sabi ni Kent at ngumiti ulit kay Ada.
Pumasok ulit sa silid si Ada, nagtataka kung bakit hindi siya binati ni Kent.
"Nakalimutan ba ni Kent ang birthday ko?" tanong niya sa sarili.
Huminga ng malalim si Ada at humiga ulit sa kama. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sinadya lang ni Kent na huwag batiin si Ada dahil may inihanda siyang sorpresa.
Sa katunayan, naghanda ng sorpresa si Kent para kay Ada, naghanda ng isang maliit na party sa kanilang bahay mamayang gabi, inanyayahan ang kanyang mga magulang at malalapit na kakilala.
At nang sumapit na nga ang gabi…
Nagtataka si Ada kung bakit patay ang ilaw nang lumabas siya ng silid upang kumain ng hapunan.
Nang biglang bumukas ang ilaw, sumabog ang confetti at sabay silang sumigaw -
"Happy birthday!!!"
Pagkatapos ay nakita niya si Kent na dala-dala ang cake na may kandila. Gulat na gulat si Ada.
Pagkatapos ay sabay nilang kinanta ang "Happy Bithday to you!" . . .
Humarap si Kent sa kanya at dinala ang cake na may kandila at iniharap ito kay Ada para magwish.
"Happy Birthday Ada!" Masayang bati nila sa kanya.
"Salamat! Maraming salamat!" Pagkatapos ay hinalikan nito sa labi si Kent.
Matapos ibigay ang mga regalo mula sa kanyang mga panauhin, masaya silang nagpasalamat sa kanilang mga bisita.
Kinuha niya si Charmaine at sabay silang kumain.
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ni Kent na lumabas.
"Ada, labas tayo." Niyaya siya ni Kent.
"Teka, saan tayo pupunta?" Tanong ni Ada.
"Aba, sorpresa ito, hayaan mong alagaan ni Mommy si Charmaine." Sabi ni Kent.
Pagkatapos ay pumunta siya sa kanyang Mommy at inihabilin muna si Charmaine at nagpaalam.
Matapos magpaalam ay umalis na sila sakay ng kotse.
~
Matapos ang isang mahabang byahe, huminto sila sa beach.
Bumaba si Kent at tinulungan si Ada na makalabas ng kotse. At kinuha niya ang magandang bulaklak, na nakatago ito sa likod ng sasakyan. Nagulat si Ada ng makita ang mga bulaklak.
"Happy Birthday!" Matamis na sabi ni Kent habang nakangiti kay Ada.
"Thank you! Akala ko, nakalimutan mo yun." Sabi ni Ada.
"Hindi, noh. Nagulat ka ba?" Sabi ni Kent.
"Syempre!" Sabi ni Ada at niyakap ng mahigpit si Kent.
Pagkatapos ay lumapit sila sa pampang at umupo. Nagtataka si Ada kung bakit nandoon sila.
"Kent, bakit tayo nandito?" Tanong sa kanya ni Ada.
"Sa totoo lang, hindi lang yan ang regalo ko, narito na." Sambit ni Kent at kinuha ang kahon sa kanyang bulsa at iniabot kay Ada.
Binuksan ito ni Ada, isang kuwintas na may pendant na puso.
"Wow, ang ganda!" Sabi ni Ada habang pinagmamasdan ito.
Tapos isinuot ni Kent sa kanya ang kwintas.
"Thank you! I love you!" Sabi ni Ada.
"I love you too!" Sabi ni Kent saka marahang hinalikan si Ada.
Habang hinahalikan siya ni Kent, nagulat siya ng may fireworks sa kalangitan! Nakita niya ang mga makukulay na fireworks, mga hugis ng puso at bilog. Masayang-masaya si Ada, habang pinapanood ito.
Niyakap siya ni Kent at huminga ng malalim.
"Paano kung, magpakasal ulit tayo?" Bulong ni Kent habang pinagmamasdan ang langit.
"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" Sabi ni Ada habang naguguluhan sa sinabi ni Kent.
"Gusto kitang pakasalan ulit. Yung totoong kasal... hindi lamang dahil sa kasunduan ng ating mga magulang, ngunit dahil mahal natin ang isa’t-isa!" Sambit ni Kent habang nakatingin kay Ada sa mga magagandang mata nito.
"Oh, Kent... nagpropropose ka ba?" Sambit ni Ada at tumayo siya na lumuluha.
Habang si Kent ay nakaluhod sa harapan niya at marahang sinabi. . .
"Will you marry me again, Mrs. Wilson?"
Sambit ni Kent habang nakatingin sa kanya.
"Yes! Pakakasalan kita, kahit paulit-ulit!" Sagot ni Ada habang nakangiti.
Sinagot siya ni Ada mula sa kaibuturan ng kanyang puso, na may isang luha sa mga mata. Tapos tumayo si Kent at niyakap ng mahigpit si Ada.
"Mahal kita! Mahal na mahal kita!" Sabi ni Kent habang umiiyak din at magkayakap.
"Mahal na mahal din kita!" Bulong ni Ada.
At dahan-dahang hinalikan siya ni Kent sa labi, habang ipinulupot ni Kent ang mga braso sa baywang ni Ada. Samantala, isinabit ni Ada ang mga braso sa balikat ni Kent.
Napakagandang regalo na natanggap ni Ada sa kanyang kaarawan. Hindi maipaliwanag ni Ada, kung ano ang nararamdaman niya nang gabing iyon. Masaya silang nakahiga sa ilalim ng buwan at mga bituin.
Ang pag-ibig ni Kent ay ang pinakadakilang regalo sa kanya ng Diyos, higit sa anupamang bagay. Nais niyang magpakasal ng paulit-ulit kasama si Kent, dahil pinasaya nito ang kanyang puso... wala nang iba.
*********