Chapter 58 – The Night of Revealation

Dumating ang araw ng anibersaryo ng kumpanya. Ito ay ginanap sa sikat na Great Royal Hotel na kilala ng lahat.

Napakaraming mararangyang sasakyan ang dumadaan at nagbaba ng sakay sa harap ng pasukan ng hotel na animo'y parang baraha sa pagka sunod sunod. Nakakasilaw na hanay ng mga kilalang tao, sosyalidad at yaong kabilang sa pinakamakapangyarihang at maimpluwensyang tao ng Lungsod ay nagtipon dito ngayon upang ipagdiwang at igalang ang prestihiyosong 25th Annibersaryo ng Golden Dragon Corporation.

Biglang, isang Volkswagen Phaeton, na may makinis na metal na pintura, ang tumigil sa daanan ng hotel at ang bellhop ay umusad upang buksan ang pinto.

Bumaba si Kent sa sasakyan, ang lahat ng mga bisita ay huminto upang makita siya. Nakasuot siya ng isang itim na suit na may disenyo na pin bilang prinsipe at sa loob ay isang puting mahabang manggas na may isang silver na disenyo sa isang kwelyo at may itim na kurbatang sa leeg. Naka ayos ang kanyang buhok kaya ito ay naging mas gwapo tignan.

Pagdating ni Kent sa lugar ng pagdiriwang, agad siyang nilapitan ng mga reporter at biniro siya.

Pumasok siya sa banquet hall at nakipagkamay sa mga tao.

The banquet hall was a grand space, to say the least. The walls were covered with a shimmering gold paper and in the middle of the ceiling above the carved oak table was a candelabra. Ang makintab na pilak na kubyertos ay mabigat sa kamay at kuminang nang maliwanag sa ilaw ng gabi.

Sa bawat lugar ay may nakalagay na baso ng alak na walang laman at may mga magandang nakatiklop na table-napkin. Ang silid ay dinagsa ng mga magagandang kababaihan, ipinapakita ang kanilang kamangha-manghang mga alahas at makikisig na binata, tumatawa at nakikipag-kwentuhan tungkol sa negosyo at politika.

Sinimulan ng emcee ang seremonya ng programa. Pagkatapos nito, tinawag ng emcee si Kent para sa kanyang talumpati bilang may-ari at CEO ng Golden Dragon Corporation.

"Good evening ladies and gentleman! Thank you for all of you for joining us tonight! To celebrate our 25th year Anniversary in the global business.

Another year in business, another reason to celebrate! A company anniversary marks another year of growth, of creativity and success as a business!

Many thanks for your kind and generous remarks, these lead partners, clients and our generous sponsors, who have made, and continue to make it possible for us to fulfill our mission and dream!

Thanks to the entire staff team working as a whole. Many of you have been a big part of our journey and your support has enabled us to change for the better, the life chances of many young people.

In all these years, what has passed, we have seen all this - successes and failures, high places and lows, celebration and crisis, everything!

But the one thing we never did was accept 'defeat'. This, our faith in each other, our trust on each other, and our commitment to the company! Are those factors which brought us to the place where we are now.

I will never see this successful journey without you. Unity holds the power to fight every obstacle in our path.

I hope you will continued your good cooperation and contribution to our company growth.

It is a day to remember and to celebrate, I am grateful to all of you! Let all your goals, files, deals and every other stress be done for these few hours and congratulate yourself and congratulate each other for being able to achieve so much.

This is your day! Our day and we will make it memorable forever.

Thank you for your support! Happy 25th Anniversary!"

Then Willy gave him Champagne and cheers everyone.

"Cheers!" say everyone!

Matapos ang kanyang espesyal na pagsasalita, sinimulan nila ang pagdiriwang at nagsimulang gumanap ng kanilang mga inanyayahang musikero at mang-aawit para sa okasyong ito.

Pagkatapos ay nakipag-ugnayan si Kent sa mga panauhin at nakausap sila.

Habang nakikipag-usap si Kent sa ibang panauhin, may lumapit sa kanya, isang seksing babae.

Nakasuot siya ng naka-istilong pulang damit at may disenyo ng mga brilyante. Ito ay isang mahabang seksing damit na espesyal na nagdisenyo para sa kanya, at inilantad ang kanyang seksing katawan. Mayroon din siyang magandang buhok at magandang mukha.

"Hi Kent!" bati nito habang nakangiti sa kanya at hinawakan sya mga braso.

"Lucy!" at tinanggal kaagad ni Kent ang kamay nito sa braso.

"Wow, ang ganda-ganda ng partner mo, Kent!" sabi ng kliyente niya.

"Ah, hindi! Hindi ko siya partner!" Pinabulaanan ito ni Kent.

"Bakit hindi? Bagay kayong dalawa!" sabi ng kliyente niya.

"Kita mo?! Tutal, wala ka namang partner ngayon di ba? Ako na lang ang partner mo!" Sabi ni Lucy habang dahan-dahan nyang hinahawakan ang braso ni Kent.

Nang marinig ni Kent na "wala siyang kasama ngayong gabi!" Iniwasan niya ito, malamang naiisip niya si Ada.

"Excuse me." Sambit ni Kent at tumalikod kay Lucy.

Habang naglalakad siya ay tumingin kaagad siya sa taas, sa may second floor at nakita niya si Ada na nakatingin sa kanya.

Hindi alam ng lahat, ang kanyang asawa ay nasa pagdiriwang at habang inaalagaan ni Kent ang lahat ng mga panauhin sa baba. Hindi ito pinalampas ni Ada, nakita niya si Lucy na nakahawak sa kanya at niyakap siya.

Tanong agad ni Willy kay Ada nang umakyat na siya.

"Maam, ayos ka lang ba dito?" Tanong ni Willy sa kanya.

"Okay lang ako." Sabi ni Ada.

Lumapit muna sya kay Ada,

"Sino ang babae na nakasuot ng pulang damit?" Tanong ni Ada.

Nagtaka si Willy kung sino ang tinutukoy ni Ada. Nakita niyang si Lucy ang kilalang modelo at hinahangaan ng karamihan.

Inisip muna ni Willy kung ano ang magandang sasabihin.

"Ay, siya si Lucy, anak siya ng isa sa mga kasosyo sa negosyo ng kumpanya." Sabi ni Willy.

"Ano ang relasyon nila ni Kent?" Diretsong tanong ni Ada.

"Ah, wala po Maam! Si sir, matagal na siyang umiiwas sa kanya." Paliwanag ni Willy.

"Sinasabi mo ba ang totoo?!" Tanong ulit ni Ada at sinulyapan niya si Willy.

"Opo Maam. Opo!" Sabi ni Willy.

"Ah ok! Mabuti kung ganun!" Sambit ni Ada at huminga siya ng malalim.

"Okay, Maam, babalik na po ako sa baba. Tawagin nyo na lang ako kung kailangan mo ako." Sabi ni Willy.

"Sige." Sabi ni Ada.

Tapos bumaba na si Willy. Nakita ni Ada na nilapitan ni Willy si Kent at may sinabi. Nakikita ni Ada ang lahat ng mga panauhin at kung ano ang nangyayari sa ibaba.

Nakaupo siya sa isang malambot na upuan na may katabing lamesita, na puno ng mga pagkain at inumin. At napapaligiran ng mga bodyguard ni Kent.

Maya-maya pa ay napansin niya ang isang lalaking bisita. Matangkad ito at naka-black suit din. Biglang lumapit din sa ilang mga panauhin.

Pamilyar sa kanya ang lalaking ito. Tinitigan niya ito ng mabuti, mula ulo hanggang paa. Hindi siya nagkakamali, siya nga!

Kaagad na mabilis sa pagbaba ni Ada sa hagdan, hinawakan niya ang kanyang evening gown upang hindi siya mahulog o madulas sa hagdan. Sinundan siya ng mga body guard niya pababa. Napansin ni Kent na pababa na ng hagdan si Ada, kasunod sa kanyang tingin, habang nakikipagkwentuhan sa mga business partners.

Agad na lumapit si Ada sa pamilyar na lalaking nakita niya. Tinawag niya ito, habang papalapit sa kanya.

"John!" Tinawag ni Ada ang lalaki.

Ibinaling ng pansin ni John sa taong tumawag sa kanya ang kanyang paningin. Isang magandang babae, nakasuot siya ng isang itim na evening gown at may mamahaling alahas. Halos hindi niya ito makilala, "Jasmin o Ada."

"Long time no see!" Sinalubong siya ni John at ngumiti ng bahagya.

"Oo nga, kamusta ka na?" Sabi ni Ada subalit wala parin expression ang mukha ni Ada.

"Okay lang, naging maayos na din ang kumpanya. Ikaw? Mukha kang mayaman na ngayon!" Sabi ni John habang nakatingin sa kanya pataas at baba.

"Oo, naghirap ako pagkatapos mo kaming iwanan!" Galit na sabi ni Ada.

"Hindi kita pinabayaan mag-isa! May problema lang, kaya inayos ko muna ito." Paliwanag ni John.

"Inalagaan mo ang kumpanya mo, ngunit pinayagan mo kaming magutom! Hindi mo ba alam na mamamatay na kami sa gutom?!" Galit na sabi ni Ada.

"Hindi ko sinasadya -" Hindi natuloy na sabihin ni John dahil sinampal na siya ni Ada.

Sinampal siya ni Ada ng napakalakas, galing sa ilang taon niyang paghihintay at galit para kay John.

Ang kanilang eksena ay nakakakuha ng pansin mula sa iba. Dahan-dahang lumapit sa kanila si Kent. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Ada sa lalaking kausap nito.

"Ano ang nangyayari?" Tanong agad ni Kent kay Ada at pumunta siya sa tabi niya.

Walang sinabi si Ada dahil nakatitig pa rin siya kay John.

Humarap si Kent sa lalaking kausap nito, habang hinahaplos ang pisngi na sinampal.

Nahulaan na kaagad ni Kent kung sino ito...

"Mark?!" Sabi ni Kent habang nagulat siya ng matanto kung sino ang kaharap na lalaki.

"Hindi, hindi siya si Mark siya si Johnn!!!" Itinama ni Ada si Kent, habang nakaturo sa kanya.

Ngayon alam na niya... Si John ay si Mark!!!

Walang iba!!!

Biglang ngumiti sa kanya si Kent at sinuntok siya ng sobrang lakas! Natumba si Mark sa sahig!

Nagulat ang lahat ng panauhin sa kanilang nakita.

"Hayop ka!!!" Galit na sabi ni Kent sabay kuha sa colar ni Mark at sinuntok ulit ito sa mukha.

Nagulat si Ada at ang mga taong nakakita sa kanya sa naging reaksyon ni Kent kay John.

Biglang lumapit ang Daddy at bodyguards ni Kent at pinigilan si Kent. Nakita nila si John na duguan ang mukha habang sinusuntok ni Kent sa sahig. Sobrang nagulat ang karamihan at hindi makapaniwala sa nangyayari, para silang nanuod ng isang action film.

"Kent, stop it! Huwag dito, pag-usapan natin ito sa loob!" Pigil na sabi ng kanyang Daddy habang nakahawak sa mga braso ni Kent, at halos hilahin siya upang tumayo.

Tumigil si Kent at inayos ang kanyang suit, at binigyan ng utos ang mga bodyguards.

"Dalhin niyo siya!" Utos ni Kent tapos pumunta na sila sa pribadong silid.

Sinundan siya ng mga bantay at dinala sa loob si Mark. Habang ang kanyang Daddy ay nagpaliwanag muna sa mga panauhin na ipagpatuloy lamang ang pagdiriwang. Pagkatapos ng isang salita ay pumasok na rin siya sa pribadong silid.

Naroroon din ang mga magulang ni Ada at magulang ni Kent. Sumunod din si Ada at umupo sa tabi ni Kent.

Umupo din si Mark at kinausap sila.

"Sige Mark, sabihin mo sa amin ang lahat!" Sabi ni Kent at ngumisi.

"Kent, humihingi ako ng paumanhin, ngunit iniligtas ko lang si Ada! Alam kong may mga kapahamakan pa kay Ada, iniligtas ko lang siya!" Paliwanag ni Mark.

"Iniligtas o Dinukot?!" Matalas na tanong ni Kent habang titig na titig kay Mark.

"Maniwala ka! Nang gabing iyon, halos wala ng buhay si Ada! Kaya agad ko syang dinala para magamot." Paliwanag ni Mark.

"Pero hindi ka man lang tumawag!" Sigaw sa kanya ni Kent.

Bumangon si Kent at pinuntahan si Mark at hinawakan muli ang kwelyo nito sa galit.

"Alam mo ba kung gaano ako nagmamalasakit sa kanya! Hindi ko malaman kung saan ako maghahanap para lang makita sya! Kahit isang tawag man lang, pero hindi mo ginawa!" Sabi ni Kent habang sinuntok ulit ang mukha ni Mark.

Lumapit ang Daddy ni Kent at kinuha siya.

"Kent, huminahon ka! Tama si Kent, bakit hindi mo man lang kami tinawagan? Hindi mo man lang sinabi sa amin na kasama mo si Ada!" Sabi ng Daddy niya.

"Natakot ako…" Sabi ni Mark habang nakayuko.

"Natakot?! Ibig sabihin, binalak mo talaga ang lahat!!! Sabihin mo ngayon! Ang buong katotohanan o mamamatay ka rito!!!" Sigaw ni Kent sabay turo kay Mark.

"I’m sorry, alam ko, mali na panatilihin sa akin si Ada. Ngunit ang buhay ko lang ang iniintindi ko!" Pagsisinungaling ni Mark.

Ngunit pagkatapos ay talagang napuno na si Kent at tinamaan ng husto si Mark sa mukha at katawan ng mga suntok ni Kent. Halos hinihingal at duguan si Mark ng tumigil si Kent. Nadulas siya sa sofa at napadapa sa sahig, ang sugat sa mukha at katawan niya ay sobrang sakit at halos himatayin na siya.

"Ang pagsosorry mo ay hindi sapat! Sa loob ng ilang taon ay itinago mo si Ada sa amin! Kita mo ngayon? Wala syang maalala dahil sa iyo!" Galit na sabi ni Kent.

"Alam ko, maraming maling bagay ang nagawa ko, ngunit patawarin mo ako! Pakiusap." pagmamakaawa ni Mark habang nakaluhod sa sahig.

"Hindi!!!" Sigaw ni Ada ng tumayo siya at lumapit din kay Mark.

"Ilang taon mo akong itinago sa kanila! Paano mo ito nagawa sa akin?!!! Hayop ka!!! Napakasama mo! Hinding-hindi kita mapapatawad!!! Ayoko na makita yang pagmumukha mo!" Sambit ni Ada habang sumisigaw sa sobrang galit!

"Sisiguraduhin ko, pagbabayaran mo yan Mark! At hindi lang ikaw kundi ang buong pamilya mo!!!" Banta sa kanya ni Kent!

Tapos hinawakan ni Kent si Ada at umalis na sila, pumunta sila sa backdoor at agad silang umuwi.

Nang makasakay na sila sa sasakyan nila, niyakap ni Kent si Ada ng mahigpit habang umiiyak siya.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos na ang lahat ngayon. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ito ni Mark!"

Hawak ni Kent ang kamay niya at sinabing, "Huwag kana umiyak, hindi na kita hahayaan na masaktan ulit. Andito lang ako sa tabi mo." Pinahid niya ang luha ni Ada at niyakap ulit siya.

Samantala, inatasan ng ama ni Kent ang mga guards na ipakulong si Mark at sampahan ng kasong kriminal.

Ipinaliwanag nila sa kanilang panauhin kung anong nangyari at agad nilang tinapos ang pagdiriwang at umuwi sa kani-kanilang tahanan.