Chapter 47 – Mga bagong gamit

Nakita ni Charmaine ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at itinuro ito. Kinuha naman ito ni Kent.

"Gusto mo bang maglaro ng phone ko?" Tanong ni Kent at inabot niya ito kay Charmine.

Naupo siya kasama si Charmaine sa sofa at binuhat siya para maupo sa kanyang kandungan.

"Wow, ang galing mong maglaro ng phone. Ilang taon ka na Charmaine?" Tanong ni Kent.

"Four..." sabi ni Charmaine.

"Ah ... Ano ang pangalan ng Papa mo?" Tanong ni Kent.

Ngunit umiling lang si Charmaine habang tutok sa paglalaro ng phone.

"Tingnan mo po ang cute ng mga cat! Hahaha!" Sabi ni Charmaine habang tumatawa.

"Oo nga, ang cute din nila." Sabi ni Kent habang nakangiti.

Maya-maya pa ay dumating si Willy at may dala itong mga kendi, meryenda at mga laruan.

"Nandito na Sir yun mga pinabili nyo.” At iniabot niya kay Kent ang dalang paper bag. Pagkatapos ay muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita, “Narinig kong hinahanap na siya ng Mommy niya." sabi ni Willy at inilagay ito sa harap ni Kent.

"Tsk! Huwag kang maingay! Hayaan mo siyang maghanap!" Sabi ni Kent sa kanya.

"Ito Charmaine oh, may bigay sa iyo si Tito Willy!" Sabi ni Kent.

"Woowww!" Nagulat si Charmaine ng makita ang nasa loob ng paper bag. Iba’t-ibang mga candies, meryenda at ilang mga laruan.

Agad niyang kinuha ang mga candies. Binuksan naman ito ni Kent.

"Salamat po Tito!" Sabi ni Charmaine habang nakatingin kay Willy.

"Walang anuman! Ngunit dapat kang magpasalamat kay Daddy Kent!" Wika ni Willy habang nakangiti at kumindat kay Kent.

"Salamat Daddy Kent!" Sabi ni Charmaine at niyakap si Kent.

"Oh, my baby girl!" Nakangiting sabi niya nang yakapin siya ni Charmaine.

“Sige Sir, labas na po ako.” Paalam ni Willy at lumabas ito ng office.

"Okay, magplay ka na muna dyan ah." Sabi ni Kent at naglakad pabalik sa kanyang upuan.

Nang makita ni Charmaine ang Barbie doll, kinuha niya ito at namangha.

"Wow ang ganda! Pwede ko ba tong laruin?" Tanong ni Charmaine.

"Oo naman, para sayo lahat yan!" Sabi ni Kent at tumango sa kanya.

"Talaga? Para sa akin ito lahat?!" Tanong ni Charmaine.

"Yes!" Ngumiti si Kent.

"Salamat po Daddy!" Sabi ni Charmaine.

Pagkatapos ay masayang naglaro si Charmaine ng Barbie at ang iba pang mga laruan.

Pakiramdam naman ni Kent ay sobrang saya nang tinawag siyang "Daddy” ni Charmine, ngumiti ito sa kanya sabay balik sa mesa at tiningnan ang mga dokumentong dinala ni Willy.

Hindi nagtagal ay lumapit sa kanya si Charmaine.

"Daddy Kent, laro tayo." Sabi ni Charmaine habang hinihila ang longsleeve ni Kent.

"Sige." Sabi ni Kent.

Pagkatapos ay tumayo si Kent at nagsimulang maglaro kasama ang bata.

Masaya silang naglaro at nang mapagod sila ay binigyan niya ito ng pagkain.

Pagkatapos ni Charmaine kumain ay medyo inaantok na siya. Binuhat siya ni Kent at sinayaw-sayaw na parang baby, hanggang sa makatulog ito.

"Hmmm - hhmmm..." Si Kent ay kumakanta pa para makatulog ito.

Pumasok si Willy.

"Boss -" Natigil sa pagsasalita si Willy nang makita sila.

"Shhhii..." Sabi ni Kent.

"Paumanhin Sir, mayroon tayong meeting mamayang hapon sa NYC Corp. para sa kanilang proposal!" Bulong ni Willy.

"Sige, sige!" Sabi ni Kent.

"Sasabihin ko na po ba kay Maam Jasmin na narito ang kanyang anak?" Tanong ni Willy.

"Okay, tell her." Sabi ni Kent.

"Okay Sir!" Sabi ni Willy.

Pagkalabas ni Willy ay maingat niyang pinahiga si Charmaine sa sofa.

Sinuri siya ito at inayos ang buhok gamit ang mga daliri. Masarap ang pakiramdam niya tungkol sa kaibig-ibig na batang ito.

Kakatok na sana si Jasmin sa pinto, nang buksan ito ni Kent.

"Ah, itatanong ko lang sana kung narito ba ang aking anak ko?" Nag-aalangan na tanong ni Jasmin.

"Oo, pasok ka na." Sabi ni Kent.

Pagkatapos ay nakita ni Jasmin na natutulog sa sofa si Charmaine, nakita din niya ang mga nakakalat na candies at laruan sa sahig ng opisina.

"Sorry Sir, nagulo ang office mo. Maglilinis ako pagbalik ko, kukunin ko muna si Charmaine." sabi ni Jasmin at lumapit siya kay Charmaine.

Ngunit pinigilan siya ni Kent.

"Teka, mamaya mo na siya gisingin dahil kakatulog pa lamang siya." Sabi ni Kent.

"Oh well, maglilinis na muna ako dito." Sabi ni Jasmin.

Pagkatapos ay nagsimula siyang maglinis at niligpit ang mga kalat dito.

Habang naglilinis, tinanong siya ni Kent.

"Nang pumunta ako sa bahay mo, bakit wala si Charmaine doon? Hindi ko siya nakita." Usisang tanong ni Kent sa kanya.

"Ah, iniiwan ko kasi siya sa aming kapit-bahay, nang dumating ka, hindi ko pa siya nakukuha." Sabi ni Jasmin.

"So, iniiwan mo lang siya sa kapitbahay mo?" Sabi ni Kent.

"Oo, walang ibang magbabantay kasi sa kanya, eh." Sabi ni Jasmin.

"Baka pwedeng iwanan mo na lang siya sa akin, kung walang magbabantay sa kanya." Sabi ni Kent.

"Ha? Nakakahiya naman, hindi na." Pagtanggi ni Jasmin dahil alam niyang busy si Kent sa trabaho.

"Okay lang. Iiwan mo na lang siya ulit dito bukas." Sambit ni Kent habang titig na titig kay Jasmin.

"Okay, sige." Sambit ni Jasmin at tumango na siya.

Pagkatapos niyang maglinis ay kinarga niya si Charmaine at nagpaalam kay Kent.

"Ito ang mga laruan niya, dalhin mo na lang." Iniabot ni Kent ang mga candies at laruan sa paper bag.

"Okay, maraming salamat!" Sabi ni Jasmin.

"See you tomorrow.” Sabi ni Kent at ngumiti. Saka niya hinalikan sa noo si Charmaine habang natutulog pa rin ito.

Tapos umalis na si Jasmin sa office na buhat-buhat si Charmaine.

Pagkalabas ni Jasmin tinawag niya si Willy.

Pumasok siya sa kwarto.

"Yes, Boss?" Sabi ni Willy.

"Mangyaring dagdagan mo ang mga bodyguard ni Jasmin. Nagawa mo na ba ang aking iniutos?" Tanong ni Kent.

"Opo Sir! Tapos na ang lahat!" Sabi ni Willy.

"Good! And prepare things for the DNA Test ni Charmaine." sabi ni Kent.

"Opo, Boss!" Sabi ni Willy.

Pagkatapos ay pinag-usapan pa nila ang iba pang mga bagay na tungkol sa kanilang meeting sa hapon.

Samantala, nagulat si Jasmin ng makitang dumami ang kanyang mga bodyguard na umabot hanggang lima. Lalo siyang nainis ng makita ang mga ito at sunod ng sunod sa kanila ni Charmaine.

Habang naglalakad siya ay nakatingin sa kanya ang mga tao.

"Ano ito? Pwede bang lumayo kayo sa akin?! Ang dami ng taong nakatingin sa akin!" Naiinis na sabi ni Jasmin sa mga bodyguard.

"Pasensya na po Ma'am, sinusunod lang namin ang mga utos sa amin." Sinabi ng isang bodyguard.

"Haist!" Nakahinga lang siya ng maluwag ng makarating sila ng apartment.

Nakarating sila sa apartment at binuksan niya ang pinto. Labis ang pagtataka ni Jasmin nang makita ang kanyang bahay na kakaiba.

"Ito ba ang bahay ko?" Tanong ni Jasmin sa sarili.

Pagpasok niya sa loob ay nakita niya na ito ay bagong pintura at maraming mga bagong bagay at kagamitan dito.

"Mommy..." Sabi ni Charmaine.

Nalaman ni Charmaine na mayroon din siyang mga bagong laruan at damit.

Nagpunta si Charmaine sa sofa upang hanapin ang kanyang mga laruan. Nakita din niya ang mga bagong damit at sapatos ni Jasmin sa mga paper bag at iba pang mamahaling gamit.

Tumingin siya sa kanyang maliit na kusina. Nakita rin niya ang mga bagong panluto doon at kahit isang maliit na mesa na mukhang mamahalin.

Bago ang kanilang sofa at kama. Halos lahat ng gamit niya ay bago at may iba’t-ibang kagamitan sa buong bahay. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa loto.

Maya-maya pa ay narinig niyang nag-riring ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa loob ng bag, hindi niya alam kung sino ito, dahil “Unknown Number” lang ang nakalagay.

Sinagot niya ito.

"Hello. Sino to?" Sagot ni Jasmin.

"Nakita mo na ba ang binili ko?" Tanong ni Kent.

"Sir Kent, binili mo ba lahat ng ito? Salamat, ngunit hindi ko ito kailangan!" Sabi ni Jasmin.

"Tanggapin mo na lang, alang-alang kay Charmaine!" Sabi ni Kent.

Nag-isip muna si Jasmin at nakitang masayang-masaya si Charmaine sa mga bago niyang laruan at damit. Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Okay… kung ganon, salamat!" Sabi ni Jasmin at bumuntong hininga.

"Okay, sana nakatulong ako kahit papano." Sabi ni Kent.

"By the way, inis na inis ako sa mga nakabantay sakin. Hindi ko kailangan ng mga iyon at isa pa bakit kailangan mo akong pabatayan. Mangyaring alisin mo sila!" Naiinis na sabi ni Jasmin.

"Hindi ko magagawa iyon. Para iyon sa iyong sariling kaligtasan!" Sabi ni Kent.

"Hmmp! Okay bye!" Naiinis na sabi ni Jasmin.

Pagkatapos ay agad niyang ibinaba ang telepono at tinanggap na lamang ang mga gamit mula kay Kent .