Chapter 45– Matamis na mga labi
Maya-maya may kumatok sa pintuan ng office ni Kent.
"Pasok ka!" Sabi ni Kent.
Nabigla siya ng makita si Jasmin, at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit hindi niya nagpahalata at si Kent ay patuloy na nagta-type sa kanyang laptop na kunwari ay wala man lang siyang pakialam.
Dahan-dahang lumapit si Jasmin kay Kent.
"Good morning Sir, tinawag mo raw po ako?" Tanong ni Jasmin.
Tumagal ng isang minuto bago sumagot si Kent ...
"Oo, umupo ka muna." Sabi ni Kent.
Sumunod si Jasmin at umupo sa isang upuan malapit sa mesa.
Maya maya ay tumigil na si Kent sa pagta-type at kinausap si Jasmin.
"Kumusta ang trabaho mo?" Tanong ni Kent sa kanya.
"Okay lang Sir, hindi ako late ngayon, mangyaring huwag mo akong palayasin!" Sabi ni Jasmin.
Natawa si Kent sa sinabi ni Jasmin.
"Ha? Palagi ka bang nalalate?" Tanong ni Kent.
"Medyo." Sambit ni Jasmin habang nakayuko.
"Ano pa man, pinatawag kita dahil gusto kong gumawa ka ng DNA test! Tatawagin ko si Mommy na pumunta dito." Sabi ni Kent.
"Ha? Sir, pero hindi ako si Ada! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo ito?" Sabi ni Jasmin.
"Well, kung hindi ka si Ada paano mo ito mapapatunayan sa akin?" Tanong sa kanya ni Kent.
"Ah..." napaisip ni Jasmin habang umiiling ...
"See, DNA test mo lang ang magpapatunay nito!" Sabi ni Kent.
"Ok kung ganon, kung iyon ang paraan upang mapatunayan na hindi ako si Ada. Ngunit kahit papaano, Boss, alisin mo ang mga bodyguard mo." Sabi ni Jasmin.
"Hindi ko magagawa iyon! Para sa iyong kaligtasan iyon." Sabi ni Kent.
"Bakit? Hindi mo ba alam na ang mga kapit-bahay ko at ibang tao ay lagi ng nakatingin sa akin! Palagi nilang iniisip na mayaman ako! Ni hindi nga ako makabili ng bagong damit." Sabi ni Jasmin.
"Hayaan mo na, pagkatapos ay padadalhan kita ng ilang mga bagay! Ano man ang kailangan mo." Sabi ni Kent.
"Hindi gun ang ibig kong sabihin. Hindi mo kailangan na bilhan ako ng mga gamit." Inis na sabi ni Jasmin.
Tumayo si Kent at lumapit sa kanya.
"Siguro, mas mabuti kung tumira ka sa akin? Ano sa palagay mo?" Nakangiting sabi ni Kent.
"Bakit kailangan kong tumira sa iyo? Hindi pa nga tayo sigurado kung asawa mo nga ako!” Sabi ni Jasmin.
"Well, makikita natin. Ok, maghihintay ako pagkatapos ng DNA test." Sabi ni Kent.
"Ok Boss! Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako!" Sambit ni Jasmin at tumayo na siya.
"Ok, sige." Sabi ni Kent.
Pagkatapos ay pumunta si Jasmin sa pinto, ngunit itinulak ito pabalik ni Kent at ipinatong ang mga kamay sa pinto, kaya't hindi niya ito mabuksan.
Nagulat si Jasmin, habang naramdaman ang paglapit ng katawan ni Kent sa kanya. Sobrang napakalapit nito sa kanya.
"Ingat ka... kasi hindi na kita pakakawalan ulit." Bulong ni Kent sa tenga niya.
Ramdam ni Jasmin ang kanyang mainit na hininga na humaplos sa kanyang pisngi at ramdam na ramdam niya ang pintig ng kanyang puso na napakabilis. Nagtataka siya, kung bakit siya nasasabik nang lumapit sa kanya si Kent.
"Ah sige." Sambit ni Jasmin at tumango naman siya.
Inalis ni Kent ang kanyang kamay mula sa pintuan at binuksan ni Jasmin ang pinto at dali-daling umalis.
Nag-aalala siya sa ginawa sa kanya ni Kent. Akala niya hahalikan na siya ulit nito. Nang makalabas siya, huminga siya ng malalim habang nakadampi ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib.
"OMG!!! May crush ba ako sa kanya? Bakit ako kinakabahan ng ganito? Eh, kasi naman… sorbrang gwapo ni Boss! Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya?" Sabi ni Jasmin sa sarili habang naghihintay sa pagbukas ng elevator.
Naiwan si Kent na nakangiti at napakamot na lamang siya sa kanyang noo.
Habang bumalik na siya sa upuan niya at tinawag niya kaagad ang Mama ni Ada para pumunta doon.
"Ma, may sasabihin ako sa iyo." Sabi ni Kent.
"Ano iyon Iho, tungkol ba sa anak ko?" Ang tanong ng Mama niya.
"Nakita ko ang isang tao, na kamukha ni Ada, maaari ka bang pumunta dito, para sa DNA Test?" Sabi ni Kent.
"Talaga?! Sana si Ada na yan! Oo, pupunta rin ang Dad mo. Titingnan ko muna ang aming iskedyul kung kailan kami makakapunta dyan. Ok?" Sabi ni Mommy.
"Okay Mom, sana sa lalong madaling panahon. Sabihin mo lang kung kailan." Sabi ni Kent.
"Ok, oo tatawagan kita. Salamat Kent. Mag-ingat ka palagi!" Sabi nito.
"Same to you Mom! Take care!" Sabi ni Kent.
Pagkatapos ay ibinaba nito ang telepono at huminga ng malalim si Kent at ngumiti.
~
Lumipas ang mga araw ...
Sa hotel ...
"Jasmin, nalinis mo na ba ang kwarto ni Boss?" Tanong ng Manager niya.
"Ah, pupunta na ako, Sir!" Sabi ni Jasmin.
"Bilisan mo, tanghali na!" Sabi ni manager.
"Oo, sige na pupunta na ako." Sabi ni Jasmin.
At pagkatapos ay nagmadali siya at pumunta sa kwarto ni Kent. Maingat siyang kumatok.
"Room service!" Sabi ni Jasmin.
Ngunit may ilang katok na siya ay wala parin sumasagot o binuksan man lang ang pinto.
Kaya, naisip niya na walang tao doon, at mas mabuti para sa kanya na pumasok.
Dahan-dahan siyang pumasok at hinugot ang cleaning cart.
Tumingin siya sa paligid, wala namang tao. Kaya't nagsimula siyang ayusin ang mga bagay at linisin ang lugar.
Samantala, natapos ng maligo si Kent, paglabas niya ng banyo, nagulat siya na nandoon si Jasmin at naglilinis.
Pareho silang nabigla!
Nakasuot ng puting towel si Kent at basa pa ang buhok nito. Naglakad siya papunta sa kusina.
"Ah, good morning Sir! Pasensya na, akala ko walang tao dito... maglilinis lang po ako." Sambit ni Jasmin at tumalikod na.
"Okay lang, ituloy mo lang." Sabi ni Kent habang umiinom ng kape.
"Ah ok!" Sambit ni Jasmin at nagpatuloy siya sa paglilinis sa may sala.
Pumunta si Kent sa sopa at binasa ang news paper. Palihim niyang sinulyapan si Jasmin habang naglilinis.
Napansin ito ni Jasmin. Pasimple siyang tinititigan ni Kent habang nagbabasa ng newspaper.
"Aba, ano yun? Bakit siya nakatingin sa akin? Gagawa ko na lang ng mabilisan ito, para matapos na kaagad." Sabi ni Jasmin sa sarili.
Maya-maya pa, ay may narinig siyang may tumawag kay Kent at may kausap sa telepono. nagmamadaling pumasok si Jasmin sa kwarto ni Kent at nilinis ito ng mabilis habang abala si Kent sa kausap nito sa phone.
"Ganun ba? Sige, pupunta na ako!" Sambit ni Kent habang nagsasalita sa telepono.
Tapos pumasok na siya sa kwarto.
Nagulat si Jasmin, agad na lumapit sa pinto upang makalabas.
Ngunit pinigilan siya ni Kent.
"Oh, saan ka pupunta? Tapos ka na bang maglinis?" Sambit ni Kent habang umaatras si Jasmin ng kaunti hanggang sa mahulog sa kama at napahiga. Sinundan siya ni Kent at nasa ibabaw niya na ito.
"Ah... oo Sir!" Sabi ni Jasmin habang kinakabahan.
Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Jasmin habang nakatitig sa kanya si Kent. Napakagwapo ni Kent sa kanyang pagkalapit at pakiramdam niya ay natutunaw siya sa mga titig nito.
Napakalapit sa kanya ni Kent at nasa ibabaw pa niya ito ngayon.
"Ah... Sir excuse me, tatayo na po ako." Sabi ni Jasmin habang kinakabahan sa mangyayari sa posisyon nilang sobrang nakakailang.
Ngunit hindi umimik si Kent, nakatingin lang ito sa mukha niya. Nakatitig siya sa magandang mukha nito at ayaw tumayo.
"Ah Sir Kent, pwede po bang tumayo na kayo?" Pakikiusap ulit niya.
Ngunit nakangiti lang si Kent at biglang lumapit sa mukha niya at hindi inaasahang halik ang nangyari…
Masuyo siyang hinalikan ni Kent sa kanyang mga labi at hindi niya alam ang kangyang gagawin. Napaka-init ang mga halik na iyon ni Kent na tila ba inilulutang siya sa alapaap…